"I do believe something very magical can happen when you read a good book" ••• Ang mga salitang 'yon ni J.K Rowling ang tumatak sa isipan at nagbigay ng interes sa batang Celsy na magbasa nang iba't-ibang libro. Hanggang sa pagdadalaga nga ay nawiwili pa din siya sa pagbabasa upang makatakas sa reyalidad, kaya naman bilang regalo sa kaniyang kaarawan ay binigyan si Celsy ni Mang Amiro ng isang kakaiba at napakagandang aklat ngunit nakakapagtaka ang pamagat at mga nilalaman nito.
Malakas na katok sa pintuan ng kuwarto ang nagpamulat sa mga mata ng dalaga.
"CELSY!"
Nagmamadali kaagad siyang bumangon sa kinahihigaan ng marinig ang sigaw at tumakbo para buksan ang pintuan. Bumungad na nga sa kaniya ang isa ring dalaga na halata sa mukha ang pagkairita at pagkainip dahil sa paghihintay na mabuksan ang pinto.
"A-adrianna" mahinang pagbigkas ni Celsy sa pangalan ng babae na ngayon ay nakatayo sa harapan niya.
Hanggang ngayon ay nahihiya pa din siya na tawagin sa pangalan si Adrianna dahil mas matanda ito sa kaniya pero wala na siyang iba pang magagawa dahil palagi itong nagagalit sa kaniya noon kapag tinatawag niya na ate. Hindi naman daw kasi siya isa sa mga tunay na anak ni Mang Amiro at mahahalata talaga ang pagkakaiba nilang dalawa, sa buhok pa lang at sa shape ng mukha ay hindi na sila magkahawig.
Color red ang buhok ni Celsy, maamo at sobrang cute, color green ang mga mata niya at 'yon ang pinakakakaiba sa lahat ng mga tao na nakatira sa bayan nila. Mabait, palagi siyang nakangiti at hindi nakukumpleto ang araw niya kapag hindi nakakabasa ng mga paborito niyang libro.
Si Adrianna naman ay katulad ng mga kababaihan dito ang kulay ng buhok at mga mata. Ang problema nga lang, palagi siyang galit sa mga taong nasa paligid niya at mabilis ding mairita. Hindi pa nga siya nakikitang nakangiti ng mga tao lalo na ni Mang Amiro dahil araw-araw nakasimangot ang kaniyang anak, lalo na ngayon.
"Kanina pa 'ko nakatok dito, hindi mo naman binubuksan" bakas sa ekspresyon ni Adrianna ang inis ng sabihin niya ang mga salita kaya napangiwi si Celsy na kakagising lang.
"Sorry, masyado kasing napahimbing ang tulog ko kaya hindi ko alam na may nakatok na pala sa pinto ng kuwarto ko"
Napairap na lamang ang magandang babae sa dahilan ni Celsy na ngayon ay napapakamot pa sa batok. Unti-unti na din siyang kumalma dahil alam niya sa sarili na kapag nagalit pa siya ay puro hingi lang ng paumanhin ang gagawin ng kaharap niya.
Hinawakan niya na lamang ang kamay ng dalaga at sabay na silang bumaba ng hagdan. Nagtungo sila sa may kusina at kaagad na pinaupo at hinainan ng pagkain ni Adrianna ang babaeng kasama niya.
"Eat"
Simpleng salita na lumabas sa labi ng magandang babae at umupo din siya kaya napaangat ng tingin sa kaniya si Celsy bago tinitigan ang nakahain sa lamesa.
"Wow"
Mahinang sambit ng dalaga at sinimulan na ang pagkain ngunit narinig 'yon ni Adrianna kaya sumilay ang maliit na ngiti sa kaniyang labi habang pinapanood na kumain ang kaharap niya, kaagad din 'yong nawala nang makita niyang naglalakad papunta sa kusina si Mang Amiro.
Nagulat pa ang matandang lalaki nung maabutan niya ang dalawang dalaga kaya lumapit siya sa may lamesa at umupo sa tabi ni Celsy na hanggang ngayon ay busy sa pag-ubos ng pagkain. Alam niyang luto 'yon ng kaniyang anak kaya dumako ang tingin ni Amiro kay Adrianna, ngumiti siya ngunit tango lang ang naging tugon ng dalaga kaya napahinga siya ng malalim at naisipang magtanong.
"Masarap ba 'yung adobo?"
Napatigil si Celsy sa pagkain at nakangiting tumango sa itinanong ng itinuturing niyang ama.
"Opo. Sino nga po pala ang nagluto?" nagtatakang tanong ng dalaga.
"Si A---"
Hindi na naituloy pa ni Amiro ang sasabihin dahil biglang napadako ang atensiyon nilang tatlo kay Jonathan na kakababa lang ng hagdan at halatang bagong gising, nang makita niya naman na nakatingin sa kaniya ang tatlo ay kaagad siyang ngumiti at nagtungo sa direksiyon nila.
Pagkadating niya sa may lamesa ay kaagad siyang umupo sa tabi ni Adrianna at tinitigan ang adobo.
"Mukhang masarap ah, luto mo Adri?" tanong nito sa kaniyang katabi.
"Oo"
Tipid na sagot naman ni Adrianna kaya biglang nanlaki ang mga mata ni Celsy at Jonathan, samantalang si Mang Amiro ay pangiti-ngiti lang sa kaniyang mga nasasaksihan.
"Woah. First time mo lang yatang nagluto, para sa'kin ba 'to?" namamanghang tanong ng binatilyo na abot hanggang tenga ang ngiti.
"No" mabilis na napawi ang ngiti ni Jonathan at napalitan ng pagsimangot dahil sa tugon ng babaeng katabi.
"Eh para kanino ba 'tong adobo?" pangatlong tanong ng lalaki at halata na sa mukha ni Adrianna ang inis pero sinagot niya pa din.
"Celsy"
Si Amiro ay lalong napangiti sa dalawa at mas lalo ding nanlaki ang mga mata ni Celsy nang sabihin ng babaeng kaharap ang pangalan niya.
"P-para sa'kin?" nauutal niyang tanong.
Tinitigan lang siya ni Adrianna pero hindi sumagot ang babae kaya napangiwi si Celsy at nagsimulang mailang kaya siya na ang naunang nag-iwas ng tingin at binilisan na ang pagkain.
•••
Mabilis na lumipas ang ilang minuto at tapos na ngang kumain si Jonathan at Celsy. Mababalot na sana silang apat ng katahimikan pero buti na lang at kaagad na nagsalita si Mang Amiro.
"Malapit na nga pala ang birthday mo Celsy" nang sabihin niya 'yon tumango-tango ang katabi niyang dalaga.
"Anong gusto mo na regalo?" tanong ng matandang lalaki. Kaagad naman na nanlaki ang mga mata ni Celsy at mabilis na umiling.
"Wala po" tugon nito.
"Huwag niyo na po akong bigyan ng regalo, okay na po sa'kin 'yung kasama ko kayo ni Kuya Jonathan" nahihiyang dugtong ng dalaga sa sinasabi ngunit nang mapansin niya na biglang sumama ang tingin ng kaniyang babaeng kaharap ay kaagad siyang napalunok at nagsalita ulit.
"A-at tsaka po si A-adrianna"
Napatawa naman ng mahina si Jonathan at ang matandang lalaki na nagpapabalik-balik ang tingin sa dalawang babae na nakaupo kasama nila. Kahit kasi hindi aminin ng kaniyang tunay na anak na si Adrianna ay nahahalata niya na may gusto ito sa kaniyang itinuturing na parang anak at 'yon nga ay si Celsy. Okay lang para sa kaniya dahil hindi magkadugo ang dalawa at tanggap niya din na sa babae lang talaga nagkakagusto ang anak.
Ang tanging pinoproblema lamang ni Amiro sa ngayon ay kung ano ba ang puwede niyang ibigay sa nalalapit na kaarawan ni Celsy.
Alam niya na mahilig magbasa ng mga libro ang dalaga kaya napaisip siya na bukas ng umaga ay pupuntahan niya ang kaniyang matalik na kaibigang si Mason. Nagbebenta kasi 'yon ng iba't-ibang libro kaya mamimili na lamang siya ng isa na paniguradong magugustuhan ng itinuturing niyang parang anak.
Chapter 1 Prologue
11/08/2022
Other books by key_panda
More