Franchesca Quijano promised to marry Leandro Lagdameo at the age of seven. And when they finally meet again after thirteen years, isa na siyang yaya ng anak nito. At ang masama pa doon, nagpapanggap lang naman siya. Dahil ang totoo, naglayas lang siya sa kanila. Pero sabi nga nila, when you fall in love, gagagawin mo lahat para sa taong mahal mo. But she didn't know if Leandro felt the same for her. At ang malaki pang problema, nanganganib na mapunta sa iba ang kompanyang pinaghirapan ng kanyang mga magulang sa matagal na panahon kung hindi siya magpapakasal sa anak ng dating kaibigan ng daddy niya. She was torn between her responsibility for their company and her love for Leandro. Ano nga bang mas dapat niyang gawin? Will she choose love over her responsibility? Or will it be her responsibility over love?
2003
"I'm so sorry, Mr. Lagdameo. Maraming nawalang dugo sa Misis n'yo. We couldn't save her, but your son survived." Ang masaklap na balita ng doktor sa kanya paglabas nito ng operating room. "He's going to be incubated for a month or two. You can talked to his pedia anytime now," sabi pa nito. Pagkatapos ay huminga muna ito ng malalim bago muling nagsalita, "Again... I'm sorry." At pagkasabi noon ay bumalik na ito sa loob ng operating room.
Marahas na napabuntong-hininga ang nakaabang na si Leandro sa labas ng operating room. Pakiramdam niya'y namanhid ang kanyang buong katawan sa narinig. Para siyang itinulos sa kanyang kinatatayuan. Tulalang napatingin siya sa nakasarang pintuan ng operating room.
At the age of twenty-two, he is a father and a widowed.
Childhood sweetheart sila ni Cheska. Parehong may kaya ang kanilang mga pamilya at dekada na rin ang binilang ng pagkakaibigan. Pareho din silang nag-iisang mga anak. Kaya dahil na rin sa udyok ng mga ito, nagpakasal silang dalawa nang mas maaga. Para daw mas mapatibay pa ang samahan ng kanilang mga pamilya.
Ngunit, hindi niya inaasahang ganito ang kahahantungan ng pagsasama nila ni Cheska. 'Ni wala pa silang isang taong naiikasal. Napaaga ang panganganak nito. Nasa ika-pitong buwan pa lang ito nang bigla itong duguin, kaya dali-dali niya itong isinugod sa pinakamalapit na ospital.
Umpisa pa lang ng pagbubuntis nito noon ay binalaan na sila ng doktor na baka hindi iyon kayanin ni Cheska, dahil sa asthma nito. Pero mapilit si Cheska at wala siyang nagawa kundi sundin lang ang kagustuhan ng asawa.
At heto siya ngayon, gulong-gulo ang isip at hindi malaman ang gagawin. Naihilamos niya ang kanyang mga kamay sa mukha. Hindi niya makuhang umiyak sa bilis ng mga pangyayari.
Matagal siya sa ganoong posisyon ng may kumalabit sa kanyang tagiliran. Nilingon niya iyon.
Isang batang babae ang nakita niyang nakatayo sa tabi niya. Ang singkit nitong mga mata ay misteryosong nakatingin sa kanya.
"What's your name?" tanong nito.
Sa tantya niya ay nasa pitong taong gulang pa lang ang bata. May hawak itong teddy bear sa isang kamay.
Hindi siya sumagot. Iginala niya ang paningin sa paligid. Hinahanap ang kasama ng batang ito.
"I'm Chesca. What's yours?" pangungulit pa nito.
Nagulat pa si Leandro sa sinabi ng bata. Of all the names out there, kapangalan pa talaga ng kanyang asawa.
Tinitigan maigi ni Leandro ang bata.
Tawag pansin ang itsura nito. Mukha kasi itong lalaki, dahil nakapolo-shirt ito at short na panlalaki din. Nakasuot ito ng baseball cap at maiksi ang gupit nito.
Pero hindi maikakatwa noon ang mahahaba nitong pilik-mata at napaka-cute na ilong. Kapuna-puna ang pamumula ng ilong at mga mata nito. Parang galing lang ito sa pag-iyak.
"Who's in there?" tanong pa ulit nito na ang tinutukoy ay ang nasa loob ng operating room.
Humugot si Leandro ng malalim na hininga bago sinagot ang batang makulit na ito. "My wife," maiksing sagot niya.
"Did something happened to your wife? My Mom's doctor said, she won't be with us anymore," malungkot na sabi nito. Para itong nagsusumbong sa itsura nito.
At nakikita niyang parang maiiyak na naman ito. Naawa siyang bigla sa bata. Marahan niyang tinapik ito sa balikat.
Suminghot ito para pigilan ang pagpatak ng mga luha bago muling nagsalita, "May I know your name? pangungulit na nman nito.
Napangiti si Leandro ng bahagya. Para itong ang namayapa niyang asawa. Makulit. "Leandro... Leandro Lagdameo," sagot niya.
Inilahad ng batang babae ang kanang kamay nito. "My name is Francesca Quijano. But you can call me Chesca. My Mom used to call me like that," pakilala ulit nito sa sarili. Tinitigan ko ang maliit nitong kamay bago tinanggap iyon.
Ngumiti ito ng magsag-op ang mga palad nila.
"So tell me Leandro, how old are you?" tanong na naman nito.
Doon na napangiti ng todo si Leandro. First name basis agad at parang matagal na silang magkakilala kung tukuyin siya ni Chesca.
"Why?" curious na tanong ni Leandro dito.
Tila nag-isip muna ito bago sumagot. "I'll tell you a secret. But promised me, it's just between us." Mataman siyang tinitigan nito sa mga mata.
Tumango naman si Leandro.
Nakita niyang nagmwestra ito ng kamay at pinalalapit ang tenga niya dito. Sinunod naman niya iyon. At laking gulat ni Leandro ng marinig ang ibinulong nito.
"I liked you. And when I grow up, I'll promised to marry you," mahinang sabi nito na tila ba may ibang tao sa paligid na maaaring makarinig sa sinasabi nito.
Isang malutong na halakhak ang kumawala sa bibig ni Leandro. Hindi niya akalaing iyon ang sasabihin nito. At nakalimutan n'ya rin ang sitwasyong kinalalagyan nang mga sandaling iyon.
"Why are you laughing?" nakasimangot na sabi nito at humalukipkip. Hindi nito nagustuhan ang ginawa niyang pagtawa.
"Nothing." Iiling-iling na sabi niya.
"I'm serious with that Leandro," sabi pa nito sa determinadong tono.
Hindi nakuhang sumagot ni Leandro. Tiningnan niya ito sa kanyang mga mata at kitang-kita doon ang pagsasabi nito ng totoo.
"May I know where do you live?" tanong ni Chesca na hindi siya hinihiwalayan ng tingin.
Umiling-iling si Leandro. "Aren't your father's looking for you?" tanong niya dito.
Ito naman ang umiling. "He won't bother to look for me. He was busy talking to his phone and-"
Hindi na nito naituloy ang sasabihin. Narinig nilang may tumatawag sa pangalan nito. Sabay pa silang lumingon sa pinanggalingan ng tinig. Isa iyong may-edad na babae. Mukhang ito ang lola ng bata.
Dali-dali nitong nilapitan si Chesca. "I was looking on you everywhere. Naririto ka lang pala," sabi ng babae kay Chesca. "Let's go. You're Dad was waiting for you," yaya nito sa bata.
Nakita ni Leandro na sumimangot si Chesca, bago siya nilingon nito. "I'll keep my promise. Remember that," sabi nito sa seryosong tinig bago siya iniwan.
Nangiti na lang siya sa sinabi nitong iyon.
Chapter 1 Prologue
01/05/2022
Chapter 2 One
01/05/2022
Chapter 3 Two
01/05/2022
Chapter 4 Three
01/05/2022
Chapter 5 Four
01/05/2022
Chapter 6 Five
01/05/2022
Chapter 7 Six
01/05/2022
Chapter 8 Seven
01/05/2022
Chapter 9 Eight
01/05/2022
Chapter 10 Nine
01/05/2022
Chapter 11 Ten
01/05/2022
Chapter 12 Eleven
01/05/2022
Chapter 13 Twelve
01/05/2022
Chapter 14 Thirteen
01/05/2022
Chapter 15 Fourteen
15/05/2022
Chapter 16 Fifteen
16/05/2022
Chapter 17 Sixteen
17/05/2022
Chapter 18 Seventeen
18/05/2022
Chapter 19 Eighteen
18/05/2022
Chapter 20 Nineteen
19/05/2022
Chapter 21 Twenty
20/05/2022
Chapter 22 Twenty-one
21/05/2022
Chapter 23 Twenty-two
22/05/2022
Chapter 24 Twenty-three
23/05/2022
Chapter 25 Twenty-four
24/05/2022
Chapter 26 Twenty-five
26/05/2022
Chapter 27 Twenty-six
26/05/2022
Chapter 28 Twenty-seven
26/05/2022
Chapter 29 Twenty-eight
27/05/2022
Chapter 30 Twenty-Nine
27/05/2022
Chapter 31 Thirty
28/05/2022
Chapter 32 Thirty-one
31/05/2022
Chapter 33 Thirty-two
01/06/2022
Chapter 34 Thirty-three
02/06/2022
Chapter 35 Thirty-four
03/06/2022
Chapter 36 Thirty-five
04/06/2022
Chapter 37 Thirty-six
04/06/2022
Chapter 38 Thirty-seven
06/06/2022
Chapter 39 Thirty-eight
07/06/2022
Chapter 40 Thirty-nine
08/06/2022
Other books by Gael Aragon
More