Napagkamalan si Candice na kasabwat sa pagkidnap sa 'anak' ng pinakamayamang tao sa Puerto del Cielo, si Sebastian Monte Bello. Pero hindi lang ito basta mayaman, makapangyarihan din ito, arogante, antipatiko, at walang modo. Pero sa halip na magalit siya dito, kabaliktaran noon ang nararamdaman niya. She was slowly falling in love with him! Paano nga ba namang hindi? Ito na yata ang pinaka-gwapo at pinaka-seksing nilalang na nakilala niya kahit na nakatalikod! Ngunit, paano kung ang kapalit ng pagmamahal niya dito ay isang nakaambang panganib? Susugal pa ba siya?
Puerto del Cielo
"Damnit, Andrea!" ang galit na galit na sigaw ni Sebastian sa kausap sa telepono. "Gusto mo bang igapos ko pa ang mga paa mo para lang maiuwi ka dito!?" nagngangalit ang mga bagang na wika niya.
Hindi sumagot ang nasa kabilang linya.
Marahas na pinaraanan ni Sebastian ng kanyang mga daliri ang malagong buhok.
"This is my last ultimatum Andrea," aniya sa nag-iigting na tinig. "I am giving you three months... three months Andrea. Naiintindihan mo? At kapag hindi ka pa umuwi dito, pasensyahan tayo... dahil kung kinakailangang ikadena kita, gagawin ko, maibalik ka lang dito!"
At pagkasabi noon ay mariin niyang diniinan ang end button ng kanyang telepono. Halos madurog na iyon sa kamay niya sa higpit ng kanyang pagkakahawak.
Paikot-ikot siya sa loob ng library habang nag-iisip ng may biglang kumatok sa pintuan noon. Salubong ang kanyang mga kilay na hinirap ang kung sinumang iyon.
Nakita niyang nakatayo doon ang matandang mayordoma nila na si Manang Andeng. Pinayapa niya muna ang sarili bago ito pinatuloy.
"Ano ho iyon, Manang?" tanong niya rito.
Tila naman hindi mapakali ang matanda. Lalo pa itong kinabahan sa nakikitang itsura niya.
Mabagal ang mga hakbang nito ng tumuloy sa loob. "Señorito..." anito sa nag-aalangang tinig. Hindi ito makatingin ng deretso sa kanya.
"Say it Manang," wika niya sa naiinip na tinig at hinarap ang kanyang mga gamit sa ibabaw ng mesa. "Marami pa akong gagawin ngayon sa koprahan. Wala akong panahong mag-aksaya ng oras dito."
Pinasadahan ng kanyang mga mata ang mga papeles na dadalhin. Sahuran ngayon ng kanilang mga tauhan, kaya't alam niyang marami ang naghihintay sa kanya sa koprahan.
Ang Hacienda Monte Bello ay ekta-ektaryang lupain na minana ng namayapa niyang ama na si Don Federico Monte Bello mula pa sa kanunu-nunuan nito. Matatagpuan ito sa Puerto del Cielo, isang lugar sa timog na bahagi ng Luzon.
Kilala ang hacienda nila na nagungunang exporter ng kopra sa bansa. Bukod pa dito, may iba pa silang produkto na dinadala rin sa iba't ibang bansa gaya ng saging, mais, tubo at kung ano-ano pa.
Apat silang magkakapatid at siya ang pinaka-panganay. Mula ng mamatay ang kanilang papa, naatang ng lahat sa kanyang mga balikat ang mga tungkulin dito sa hacienda.
His brother Antonio was in-charge on their businesses in Manila, while his two sisters Aurora and Andie, were roaming around the world.
He devoted his whole life here, kaya't maging ang sariling buhay ay hindi na niya maasikaso. At ngayon nga ay marami siyang trabahong kailangang asikasuhin sa koprahan at kinakailangang matutukan niya agad iyon.
"Eh... Señorito nawawala po si Bella," anas ni Manang Andeng sa nag-aalalang tinig.
Marahas siyang napabaling dito. "Papaano hong nangyari iyon? Nasaan ho ang yaya niya?" sunod-sunod na tanong niya dito.
"Eh, 'yun na nga ho Señorito... pati ho 'yung yaya nawawala," mahinang pa ring sabi nito.
"Ano ho?!" ang malakas niyang wika.
Parang kulog iyon na halos buong kabahayan nila ay nagulantang sa lakas ng pagkakasabi niyang iyon.
Chapter 1 Prologue
06/05/2022
Chapter 2 Iniuwi ni Candice si Bella sa kanila
06/05/2022
Chapter 3 Sa elevator
06/05/2022
Chapter 4 Ang pagtatagpo
06/05/2022
Chapter 5 Si Sebastian Monte Bello
06/05/2022
Chapter 6 Sebastian offered Candice a job
06/05/2022
Chapter 7 Ang pagdadalawang-isip Candice
06/05/2022
Chapter 8 Ang gumugulo sa isip ni Sebastian
06/05/2022
Chapter 9 Ang desisyon ni Candice
06/05/2022
Chapter 10 Puerto del Cielo
06/05/2022
Chapter 11 Pagpapakilala
08/05/2022
Chapter 12 Balak
09/05/2022
Chapter 13 Sino nga ba si Andrea sa buhay ng mga Monte Bello
10/05/2022
Chapter 14 Nagkasakit si Sebastian
11/05/2022
Chapter 15 Ang totoong si Sebastian
11/05/2022
Chapter 16 Selos
11/05/2022
Chapter 17 Mga nakaw na halik
11/05/2022
Chapter 18 Biruan at Panganib
11/05/2022
Chapter 19 Pag-amin
11/05/2022
Chapter 20 Kabiguan
11/05/2022
Chapter 21 Araw ng paghihiganti
11/05/2022
Chapter 22 Pinakaaasam-asam
11/05/2022
Other books by Gael Aragon
More