Login to MoboReader
icon 0
icon TOP UP
rightIcon
icon Reading History
rightIcon
icon Log out
rightIcon
icon Get the APP
rightIcon
Maria's Wildest Dream

Maria's Wildest Dream

JM RO

5.0
Comment(s)
51
View
5
Chapters

Maria is having a crush on her ever hot and beastly boss but he's too impossible to reach. So, she'll just have him even if its just in her wildest dream.

Chapter 1 Prologue

Matamis ang ngiti sa aking labi habang nagtitimpla ng kapeng iniutos sa akin ng aking boss. Maganda ang gising ko ngayong umaga dahil sa alam kong masisilayan ko na naman muli ang napakagwapong mukha ng aking boss.

Mas lalong lumaki ang aking ngiti nang maramdaman ang pagpulupot ng malaking mga braso ng taong nagpapakilig sa akin araw-araw. Niyakap niya ako mula sa likod at ipinatong baba sa aking balikat.

"Baka may makakita sa atin." Mahinang suway ko sa kaniya pero imbes na lumayo ay mas lalo lamang niyang nilapit ang sarili sa akin. Mas lalo kong naramdaman ang matigas niyang katawan at ang init na nagmumula sa kanya.

"I locked the door." Sagot niya sakin at kinintalan ng halik ang aking leeg na ikinahagikhik ko.

"Sir, enebe," hinarap ko siya at isinampay ang mga braso sa malapad niyang mga balikat. Sinalubong ko ang kanyang mga matang tila ako lang ang nakikitang pinakamagandang babae sa buhay niya. Ang babaeng kailanman ay hindi niya bibitawan. Ang babaeng gugustuhin niyang makasama habang buhay.

"Can I get my good morning, kiss?" dahil sa tinanong niyang iyon ay halos tumambling na ang puso ko sa sobrang kilig. Pero dahil pakipot ako ay inilingan ko siya dahilan na humaba ang nguso niya, tila nagpapaawa.

My gash! Bakit ka ganyan sir! Bakit sobrang gwapo mo? Bakit sobrang sweet-sweet mo sakin? Bakit -

"Are you even listening to me, Maria?" Kaagad akong napabalik sa realidad nang marinig ang malakulog na boses ng boss kong tila masama na naman ang timpla ngayong umaga.

"N-narinig ko po sir!" Mabilis kong iniwan ang kapeng tinimpla ko at lumapit sa harap ng mesa ng boss kong nakabusangot. Magkasalubong ang makakapal nitong mga kilay na tila may kaaway. Pero kahit ganon ay ang gwapo-gwapo pa rin. Hindi man lang nabawasan ang angas niya.

He looks like a beast waiting to be tamed and I'm dreaming that I'll be that one. Pero syempre, hanggang pantasya lang. Super duper layo ng agwat namin. Hindi siya langit, outerspace na talaga. Samantalang ako, nasa core ng earth. Ganon kalayo ang distansiya naming dalawa.

"Kung ganon, ano pang tinutunganga mo diyan?"

"H-huh?" tinignan niya ako na para bang ako ang pinakatangang taong nakilala niya. Ouch! Mesheket, bebe ko.

"My damn coffee!" Sigaw niya dahilan na mabilis pa sa alaskwatrong binalikan ko ang tinitimpla kong kape niyang with tender love and care kahit mapait dahil no sugar added.

"Maria!" Matigas na bigkas niya sa pangalan ko na ikinangiwi ko. Hindi ko na nilagay iyon sa tray at binitbit na lang kahit mainit pa. "Here's your coffee sir," tugon kong matapos kong ipatong sa ibabaw ng messa niya ang tasa na naglalaman ng kape. Sinamaan muna niya ako ng tingin bago hinawakan ang hawakan non.

Dahan-dahan niyang nilapit iyon sa kanya para amuyin bago hipan at tikman. Ako naman ay tila natrap na naman sa kamunduhan.

Konting tikim lang at mariing pumikit si boss, "Ahh, this coffee always energizes me." Satisfied na komento niya bago iminulat ang mga matang kumikinang habang nakatingin sa'kin. "And seeing you completes my day," aniya at ngumiti ng matamis bago ako kindatan. Napagat ako ng ibabang labi para pigilan ang maharot na ngiti sa aking labi. Pabebe kong inayos ang ilang hibla ng buhok kong kumawala sa magulo kong pagkakabun.

"Enebe. Stop it,"

"What?" Kaagad akong nakarinig ng pagkabasag dahil sa matigas na boses ni boss. Nang sulyapan ko siya ay kunot na kunot ang noo nito habang nakatingin sa'kin. Hawak pa rin niya ang tasa ng kape na nangangalahati na ang laman.

Napaayos ako ng tayo. "P-po?" malalaki ang mga matang tanong ko sa kaniya pabalik.

"Get the hell out of my sight." Mahina akong napakamot ng ulo ko. Mas lalong sumama ang tingin niya sakin kaya yumuko na lang ako bago siya bigyan ng moment kasama ang kape niya. Nang makatalikod na sa kanya ay saka lang ako napanguso.

Ang shaket magsalita ng bebe ko. Yaan mo at gaganti ako! Papahirapan ko siya ng sobra-sobra!

Sa imagination ko!

•••||•••

Continue Reading

Other books by JM RO

More

You'll also like

Chapters
Read Now
Download Book