Login to MoboReader
icon 0
icon TOP UP
rightIcon
icon Reading History
rightIcon
icon Log out
rightIcon
icon Get the APP
rightIcon
5.0
Comment(s)
415
View
10
Chapters

Mt. Enigma, hindi kilala ngunit kakaiba. Lahat ng bagay rito ay nakababalani hatid ng kwento tungkol sa batubalani, malaking bato na hugis pari at kuwebang may iba't-ibang kayamanang nakakubli. Kahit sino ay interesado, lahat ng interesado ay naging agresibo, inakyat ang bundok na puno ng misteryo at bilang kabayaran sa kanilang kapangahasan, buhay nila ang naging kapalit nito. Hanggang sa naglaon, ang bundok na ito'y naging mabangis, kung sinong makakapasok ay hindi na nakakabalik. Ngunit sa makabagong henerasyon may isang grupong nakatuklas nito. Sa mismong panahon ng semana santa sa araw ng Biyernes trese ang bundok na ito'y kanilang pupuntahan. Ano kayang misteryo ang kanilang matutuklasan? Makakaligtas ba sila o maging katulad din sa mga naunang biktima?

Chapter 1 The Team Unico-Nature

Nakapatay ang lahat ng ilaw sa loob ng bahay at tanging nakabukas na telebisyon lamang ang nagsilbing liwanag sa sala kung saan naroroon ang magkakaibigan. Kaluskos na tunog ng mga supot ng junk foods at malulutong na pagnguya ng chips ang siyang namumutawi sa tahimik na gabi. Pareho silang nakatutok sa telebisyon na puro magagandang pasyalan ang nasa palabas.

"I'm losing interest in road trips na. Wala na tayong nahahanap na mga magagandang lugar," napangusong turan ni Zaliyah na nakaupo sa couch at nakasandal sa dibdib ng kaniyang nobyong si Nivo. Napababa rin ito ng tingin sa mukha niya at tinitigan ang bibig niyang ngumunguya. Hindi ito nagsalita at dumukot lang sa hawak niyang chips at saka binato sa bibig ang isang pirasong nakuha.

"Yeah," sang-ayon naman ni Yvaine na wala sa sariling hinihimay ang isang piraso ring chips sa maliliit na parti bago ito isinubo. "Halos napuntahan na natin lahat ng magagandang lugar sa bansa eh. Even all the historic mountains or volcanoes in the Philippines, ay hindi na new for me," nanamlay na turan nito at pinitik pa ang plastic ng chips.

"Edi, balik tayo sa Mt. Cristobal," malokong sabat naman ni Bax at sumandal sa sandalan ng couch na animoy hihiga na't sumiksik pa sa likuran ni Yvaine. Sumama naman ang tingin ni Yvaine rito. "Sa mismong araw ng Biyernes trese," dugtong nito at nakatingala pa deretso sa mga mata ng babae. "Tapos tayo na lang gagawa ng horror content." Lahat naman ay tumingin rito at sandali pang nagkatinginan sila ni Nivo dahil ang tinutukoy nitong araw ay ang pang limang araw mula ngayon. At isa pa ang Mt. Cristobal na sinsabi nito ay ang kilalang 'the devil's mountain.' Sa madaling salita, delikado itong puntahan sa araw ng Biyernes trese.

"Ang tanong," singit naman ni Colthen at pasimpleng tinuro si Bax gamit ang hintuturo kahit may hawak na bear. "Malakas ba ang loob mo?" nagdududang tanong nito. Nakaupo lang ito sa katapat na couch na inuupuan nila na may round table lang sa pagitan at katabi ni Vynx na tahimik lang na binubuklat ng libro kahit na madilim. Tanging cellphone lang ang ginamit nitong pang-ilaw upang makita ang nilalaman nito.

"Lol," angal naman ni Bax at sinamaan ito ng tingin sabay bato ng chips na kinuha pa sa palad ni Yvaine. "Hindi ako daga-"

"Ang ibig kong sabihin," mabilis na pag-agaw naman ni Colthen sabay sangga ng chips gamit ang kaliwang braso. "Maliban sa Biyernes trese ang araw na iyon ay holy week pa," dugtong pa nito at pinagpag ang sariling manggas ng damit. "Mas delikado raw."

Mahinang natawa si Yvaine at tumingin kay Colthen. "Naniniwala ka ro'n?" tanong nito na nakataas pa ang kilay.

Sandaling napatitig sa mukha ni Yvaine ang lalaki. "Hin...hindi-I-I mean..." Sandali itong umiling bago nagpatuloy. "Oo, pala. Ay mali!" Napasapo ito ng noo na napapikit saka muling dumilat. "Hindi pala," nalilitong sagot nito dahilan upang matawa ang ilan sa kanila.

"Ano ba talaga?" animoy naiiritang tanong ni Nivo at tinatapik-tapik pa ang pisngi ng nobya.

Bumuntong-hininga si Colthen-hindi na alam kung paano magpaliwanag. "Ganito kasi iyon..." napakamot pa ito ng ulo sa kakaisip ng salitang sasabihin. "Alam niyo kasi guys." Umayos muna ito ng upo at ang lahat naman ay nanatiling nakaabang. Ipinatong pa nito ang dalawang siko sa mga tuhod na animoy handang-handa nang magsalaysay. "Kapag kasi sinabi natin na naniniwala tayo, tapos hindi magkatotoo ay mapapahiya tayo," katwiran niya't tumango naman ang ilan sa kanila. "Pero kapag sinabi nating hindi tayo naniniwala at totoo pala tapos napahamak tayo-"

"Edi dapat sana sa sagot na oo o hindi, do'n ka na lang sa o," natatawang sabat ni Bax at binato sa bunganga ang napulot na chip mula kay Yvaine. Napahagikhik naman si Zaliyah habang si Nivo naman na sinasandalan niya ay napapailing na natatawa.

"Pero naniniwala ka nga?" pangungulit pang tanong ni Yvaine.

"O," sagot naman ni Colthen.

"Ano?" Animoy hindi naging malinaw kay Yvaine ang sagot nito.

"Kakasabi lang ni Bax, kung hindi ako sigurado sa oo o hindi na sagot, do'n ako sa o. Kaya ang sagot ko ay o!" paungos na sabi nito kay Yvaine at inis na uminom ng alak saka tumayo. "Pagamit ng CR, Tol," tapik nito sa balikat ni Vynx na kanina pang ini-ilawan ang librong binubuklat gamit ang cellphone. Nang tumango si Vynx ay agad nang umalis si Colthen.

Dahil do'n ay napansin ng lahat si Vynx. Sa kanilang lahat ito ang pinakamatahimik-kabaliktaran sa ugali ng kakambal nitong si Vyze. Maliban sa pagkakasalungat ng mga ugali ay hindi rin ang mga ito magkasundo. Maraming bagay ang mga itong hindi napagkakasunduan ngunit pagdating sa road trip ay nagkakaisa pa rin naman.

"Ginagawa mo, Tol?" untag na tanong ni Nivo rito. Halata namang may narinig ito ngunit hindi ito nag-angat ng tingin. "Meni-memorize mo ba ang mga makasaysayang bundok sa Pilipinas?" dagdag pa ni Nivo at sa pagkakataong iyon ay tumingin na ito sa kaibigan.

Animoy nawawala ito sa sariling pinasadahan ng tingin ang mga kasama. Kaya bago ito nagsalita ay inunahan na ni Zaliyah. "Napuntahan na natin lahat 'no?"

Tiniklop nito ang libro at bumuntong-hininga. "Nope," sagot nito at saka nagkamot ng noo-nakaugaliang gawain. "Mga nasa major rank lang ang napuntahan natin. But there are more than three thousand mountains in the Philippines at karamihan do'n ay hindi pa natin napuntahan." Tama ang sinabi nito ngunit ang mga sikat lang na bundok ang tinutukoy niya.

"I know, pero hindi na ako interesado sa iba," walang ganang wika niya. "Look," aniya't kumibit-balikat pa. "Sinubukan nating puntahan ang iba pa, the ones that are not so popular and look what happened? We were not even satisfied kasi halos pare-parehas lang lahat ng view. May wishing falls, view deck na bundok din makikita mo sa baba, kung hindi bundok, palayan, or whatever kind of taniman," wika niya at bagsak-balikat pang huminga nang malalim. "Guys, we need unique places in our vlog not common. Mababawasan na tayo ng mga viewers kung wala na tayong mga pasabog," halos pabulong pa niyang pahabol.

Dahil sa kaniyang sinabi ay natahimik naman ang lahat. Nagkanya-kanya ng pagmumuni-muni ang mga ito at napanguso pa ang nasa kaniyang puwetang nakaupo na si Yvaine. Naramdaman niya ang pagpisil ni Nivo sa kaniyang kamay bilang pampalakas ng kalooban niya. Bumangon siya at hinarap niya ito saka nginusuan upang iparating ang lungkot niyang nararamdaman. "We need to find ways," aniya.

"Sure." Inalis nito ang kaniyang buhok na nakaharang sa kaniyang mukha. "Punta tayong BDO," malokong wika nito saka at sinikap pang sumiryoso ng reaksyon. Sumama ang tingin niya rito kahit sa kabila no'n ay gustong-gusto niyang matawa.

"Luma na iyan," pabulong niyang pag-ungos rito at kinurot ito sa tagiliran. Napa-igik naman ito ngunit mas nangibabaw ang pagtawa.

"What if..." Napalingon siya kay Yvaine na biglang nagsalita. "Gora na tayo sa ano..." tumitig muna ito sa kaniya sandali bago bumaling sa iba. "Sa... man-made attractions-"

"Woi," mabilis na pagsaway ni Bax rito at pinitik pa ang siko kaya napaigik naman ang dalaga't napausog ng kaunti. "Baliw ka ba? Kaya nga tayo nadidismaya ngayon kasi wala na tayong nadidiskubrehang unique places tapos kakagat tayo sa mga man-made attraction na iyan?" animoy naiinis na turan nito at nagkasamaan pa sila ng tingin ni Yvaine.

"Required ang mamitik ng siko?" pambabara naman ni Yvaine at hinimas-himas pa ang napitik na siko. Napangisi si Bax at nagtaas ng dalawang daliri.

"May tao yata," usal naman ni Nivo dahilan ng kanilang pananahimik at sabay-sabay pa silang tumingin sa pintuan hanggang sa bumukas ito.

"I'm here!" Malakas na wika ni Vyze kasabay nang pagbukas ng ilaw. "Ayaw niyo sa maliwanag 'no? Tss!" Umirap ito sandali saka inilapag ang mga dala sa tabi ng pintuan bago nito isinara. Naglakad ito patungo sa kanila na animoy rumarampa. Hindi nakapagsalita ang lahat dahil sa damit na suot nito. Ang iksi ng short na kulay pula at naka-blusang halos labas na kaluluwa. Nakasukbit ito ng shoulder bag sa kaliwang balikat at sa braso naman nito ay may nakasabit na blazer. "I have good news guys," maarteng turan nito at sumampa sa sandalan ng couch sa likuran nila ni Nivo. Napakapula pa ng mga labi nito ngunit bumagay naman dahil sa maganda at mahabang buhok nitong may pakulot ng kaunti. Sa pagbaling nito ng paningin kay Vynx ay sinundan din nila ito ng tingin upang alamin ang reaksyon ng kakambal. Kung gaano kabingi ang katahimikang hatid nang pagtikom ng bibig ni Vynx ay siya namang talim ang paningin nito kay Vyze.

"Lumalagablab na naman," pasimpleng puna ni Bax at saka pumito.

"Hello, Brother!" animoy nang-aasar na bati ni Vyze rito at malandi pang kumaway na kasalukuyan nang nakapatong ang siko sa sandalan ng couch. "My boy version."

"Wag mo akong kausapin," matigas na sabi ni Vynx na animoy nagtitimpi lang. Umiwas ito ng tingin at mariin na nagkuyom ng kamao.

"Sure, pakialam ko ba sa'yo?" walang bahid ng pangangambang sang-ayon ni Vyze at ngumiti pa. Hindi na nagsalita si Vynx upang matulungan ang sariling kumalma. "Pero may good news nga ako, 'di ba?" Umirap ito pagkatapos magsalita. Ngunit bakas sa mukha ni Zaliyah ang pagka-interes sa huli nitong sinabi.

"Wow, good news! Ano iyon?" Biglang sulpot ni Colthen galing sa CR. Napalandas pa ang paningin nito sa kabuuan ni Vyze. "Araw-araw ka namang sexy pero nasobrahan ka yata ngayon?" puna nito.

Sumama ang paningin ni Vyze rito. "May blazer ako, tinanggal ko lang kasi mainit!" malakas na depensang sabi nito at pinakita ang blazer na nakasabit sa braso.

Sa sobrang pagkainip ni Zaliyah ay hindi niya napigilan ang sariling kalabitin si Vyze. "Hey! What's the good news?"

"Wait," anito at mabilis na hinalukay ang loob ng bag. "Nakita ko kasi ito sa mga gamit ni Lolo habang inaayos ni Mama kanina kaya ninakaw ko," wika nito at ngumisi pa. Inilabas nito ang librong kulay kahel na sa kalumaan. Napakunot ang kaniyang noo sa sobrang kuryosidad at kinuha niya sa kamay nito ang libro. "Mababasa sa libro na iyan ang kasaysayan ng Mt. Enigma at makikita sa mapa riyan ang kabuuang bahagi no'n."

"Mt. Enigma?" takang tanong ni Yvaine at nakisilip sa pagbubuklat niya ng libro. Agad ring nagsilapit ang mga kasama nila sa kaniya upang makisilip maliban kay Vynx na nanonood lang sa kanila ngunit nakikitaan din sa reaksyon ito ang pagka-interes.

"Mt. Enigma, the hidden mountain, the secret mountain, the forgotten mountain...I don't know kung ano dapat itawag diyan basta ang masasabi ko lang is wala siya sa listahan ng mga makasaysayang bundok sa Pilipinas," masiglang sagot nito.

"The cursed mountain, that's the exact words to call," biglang sabat naman ni Vynx na animoy hindi na bago sa pandinig nito ang nasabing bundok.

Continue Reading

You'll also like

Chapters
Read Now
Download Book