/0/26867/coverorgin.jpg?v=f58eb2b91204243c242bb2899c0458f2&imageMogr2/format/webp)
"Here comes the Queen!"
Isang malakas na sigaw ang umalingawngaw sa buong unibersidad ng Philadelphia. Ang anunsyong ito ay magandang balita sa iba at babala naman para sa iba.
Mabilis na humawi ang mga studyante upang magbigay daan para sa kan'ya. Dadaan ang reyna.
She is Sierra Avegail Buencamino, anak ng isa sa pinakamayamang pamilya sa buong Pilipinas. She has a lot of money which made her think that she has every right to treat others like nothing but a garbage. Siya ang nag-iisang reyna ng mga spoiled brat. Tinagurian siyang si Aphrodite ng university, sapagkat may angking ganda siya na nagpapahumaling sa mga kalalakihan, pero kung gaano kaganda ang mukha niya ay kabaliktaran naman nito ang ugali niya. Kung para sa mga lalaki ay isa siyang Goddess, sa mga kababaihan naman, isa siyang demonyita. Hindi lang siya ikinukumpara kay Satanas kundi tinatawag nila siyang little lucifer dahil sa sama ng ugali niya.
Kung akademiya naman ang pag-uusapan, walang papantay sa bagsak niyang grado. Kung meron mang maipipintas sa kan'ya, iyon ay ang mahina siya pagdating sa klase.
Sa pagdaan niya kasama ang dalawa niyang alipores sa likod, nagkalat ang mga papuri at masasamang salita sa paligid tungkol sa kan'ya but she doesn't give any care. Hindi siya magsasayang ni isang segundo para sa mga taong wala namang ambag sa buhay niya. She just flips her hair and walks confidently like she is a star na tinitingala ng maraming tao.
"Mas mahirap na ba kayo sa daga kaya hindi mo nagawang kumuha ng private place para sa confession mo?" aniya matapos tumigil sa harap ng isang babae at lalake. Tinanggal niya ang suot niyang sunglasses at tinitigan ang babae na ngayon ay kababakasan ng takot sa mga mata. Tumungo ito ng ulo.
The girl was Alexa, her classmate and her best target. Kung may maituturing man siyang hobby, 'yon ay ang i-bully ang kawawang babae. Inaalipusta at ipinapahiya niya ito, kung minsan nga ay sinasaktan niya pa.
"Hand me that garbage you're holding right now," utos niya sabay lahad ng kamay. She was talking about the love letter that Alexa is holding. Wala pang limang segundo ay masama na ang tingin niya sa dalaga kasi hindi pa nito inaabot sa kan'ya ang papel. "Ibibigay mo ba sa'kin 'yan o hihintayin mo pang ako mismo ang kumuha niyan sa'yo?" inis niyang tanong na may halong pagbabanta sa tono ng boses.
Alam ni Alexa kung ano ang maaaring mangyari sa kan'ya kung sakaling magmatigas pa siya kaya kahit labag sa loob niya ay ibinigay niya ang love letter na ginawa kagabe. Pinaghirapan niya ito at ibinuhos niya lahat rito ang lahat ng lakas ng loob at nararamdaman niya. Importante ito sa kan'ya dahil hindi lamang pagmamahal niya para sa lalake ang naroon kundi pati ang sarili niya. Dahil sa trato sa kan'ya ni Sierra ay bumaba na ang tingin niya sa sarili, hindi siya sumubok na gawin ang mga bagay na gusto niya kasi natatakot siya na baka pagtawanan lang siya gaya ng trato sa kan'ya ng karamihan pero kagabe, sa unang pagkakataon sa loob ng tatlong taon ay nagkaroon siya tiwala sa sarili at lakas ng loob na gawin ang gusto niya at iyon ay ang magtapat ng pag-ibig sa lalakeng matagal na niyang gusto. It was Jef, the man standing in front of her. Kasama na sa lahat ng lakas ng loob niya ay ang katotohanang malaki ang posibilidad na hindi siya nito magustuhan pero ganu'n pa man ay wala na sa kan'ya iyon, ang importante ay sumubok siya.
Binuksan ni Sierra ang love letter dahilan para subukin ni Alexa na agawin sa kan'ya ang love letter nito pero hindi ito nagtagumpay kasi mabilis niya itong itinulak at napaupo ito sa pathway. "Ang ayoko sa lahat ay iyong pinapakialaman ako sa gusto kong gawin!" mariing wika niya rito kaya walang nagawa ang dalaga kundi ang tumungo at inihanda ang sarili sa kahihiyan. She looked at Jef and started reciting Alexa's love letter at ng matapos ay malakas na tawanan ang umalingawngaw sa buong paligid, even Jef lauged. Nanatiling nakatungo si Alexa habang tahimik na umiiyak. Hindi nito magawang i-angat ang ulo dahil sa kahihiyan.
"I already did you a favor, ako na ang nagbasa ng sinulat mong love letter para sa lalakeng gusto mo," she said then looked at Jef. "So what do think? Did her love letter touched your heart or does it boils your blood instead?" Nagtawanan ang ibang naroon dahil sa tanong niya and even laughed at Jef when he answered boils your blood. Alam niyang hindi gusto ni Jef si Alexa cause Jef's first love is her at hanggang ngayon ay patuloy pa rin itong nanliligaw sa kan'ya. Hindi sa gusto niya ang lalake kaya hindi niya ito binu-busted, masaya lang siyang paglaruan ito lalo pa't alam niya na may gusto rito si Alexa.
Sierra bent down her body closely to Alexa and whisper, "See? Like what I said, no one will like a loser like you." She, then, smiled bago niya isampal sa mukha ng kawawang dalaga ang love letter nito.
She sighed as she straightened her body, "Aren't you going to thank me for wasting my time for making you realize how useless you are?" She crossed her arms and looked at her while her eyebrows raised.
It took seconds before she heard the word she wants to hear from Alexa.
"T-thank you," nauutal at garalgal ang boses na sabi nito which is like a music to her ear. Ganito niya alipustahin ang kawawang dalaga. Matapos niyang ipahiya ito sa harap ng maraming tao ay ito pa ang magpapasalamat sa kan'ya.
She feels bored at naiirita siyang patuloy na tingnan ang pangit na mukha ng babae kaya nagpasya siyang umalis pero bago 'yon ay tinapakan niya muna ang love letter nito na nasa semento.
"Disgusting shit!" aniya habang nagpapahid ng alcohol sa kamay. Sobrang nandidiri talaga siya kapag hinahawakan niya ang babaeng iyon.
Bigla naman siyang natigil sa ginagawa ng marinig niyang tumawa ang dalawa niyang kasama na sina Jenica and Alyssa.
Tumingin siya rito, "What's funny?" taas kilay niyang tanong. "Are you both stupid?" dugtong niya pa kaya napahinto ang mga ito sa pagtawa tapos ay umiling. Inirapan niya ito bago niya ibalik ang alcohol sa loob ng bag niya.
Just as always, no one tried to help Alexa. No one attempted cause everyone is afraid that they might ended up like her.
"Hays! I'm really bored. Why don't he just quit teaching?" Kanina pa panay reklamo si Sierra tungkol sa subject teacher nila. Kanina pa rin niya ito pinagsasalitaan ng masama, kesyo daw ang pangit na nga nito, bobo pa. Naririnig siya ng kan'yang mga kaklase pero walang nagbabalak na magsumbong.
Tumalungko siya, nagpangalumbaba, pero hindi pa rin siya kontento kaya kahit hindi pa tapos ang klase ay lumabas na siya. Madalas niyang gawin ito lalo na pag hindi niya gusto ang subject teacher at boring ang klase. Narinig niyang tinawag siya nila Jennica at Alyssa pero hindi siya nag-atubiling lumingon. Dumeretso lang siya ng lakad hanggang sa makarating siya kung saan naka-park ang kotse niya. Sumakay siya sa kotse niya and drove her car to the park where Elea was waiting for her. She's her cousin, her closest cousin to be exact.
"Angel!" tawag nito sa pangalan niya habang nakangiti at kumakaway sa kan'ya. Nakaupo ito sa isang upuan rito sa park. Among all the people around her, she is the only one who calls her Angel, and she's the only one whose happy to see her. Ito lang ang nag-iisang tao na tanggap siya at mabait pa rin sa kan'ya kahit pinagsasalitaan na niya ito ng hindi maganda. More importantly, she's the only one she trusts.
"I told you to stop calling me Angel, didn't I?" puna niya rito pagkalapit.
"Why? Do you want me to call you Devil as well?" sagot nito while tapping the space beside her at senenyasan siya nitong maupo.
"Do you want me to sit in that rusty chair?" nakangiwing tanong niya habang tinuturo ang upuan kung saan nakaupo si Elea.
"Ano ka ba?! Malinis to kahit mukhang hindi," sagot nito at ti-nap uli ang upuan.
She shook her head, "No. I would never ever sit in that kind of seat!" giit niya.
"Edi wag!" nakangusong sabi ng pinsan niya tapos ay tumingin sa harapan kung saan maraming kabataan ang naglalaro.
"Ang saya nila," Elea said while looking at the children playing at the ground. "Ang sarap bumalik sa pagiging bata, 'yong tipong kahit mababaw lang na dahilan ay masaya ka na." She looked at her then smiled.
"You know what? Ang drama mo! Kung nag-eenjoy ka sa pagiging bata, sana pinigilan mo ang sarili mong lumaki, duh!" She crossed her arms at inirapan ito. "At isa pa, you can be happy if you choose to. Hindi lang mga bata ang masaya. Look at me." dugtong niya.
/0/27607/coverorgin.jpg?v=20230804133603&imageMogr2/format/webp)
/0/89074/coverorgin.jpg?v=e08389300e63f04f2f6a58a808988cc3&imageMogr2/format/webp)
/0/26571/coverorgin.jpg?v=20220503173043&imageMogr2/format/webp)
/0/26820/coverorgin.jpg?v=b3c3345644376af1643e5d13936c9b2c&imageMogr2/format/webp)
/0/26566/coverorgin.jpg?v=dad878dbb1542be83f9bf58b0385d41a&imageMogr2/format/webp)
/0/27611/coverorgin.jpg?v=0907ef20b00942565414aca154480356&imageMogr2/format/webp)
/0/49769/coverorgin.jpg?v=653b9f521b2d7163edce39c951482a5f&imageMogr2/format/webp)
/0/26802/coverorgin.jpg?v=5a077379b097e2fca8efdd49ff947511&imageMogr2/format/webp)
/0/27442/coverorgin.jpg?v=20221107094755&imageMogr2/format/webp)
/0/26770/coverorgin.jpg?v=1de02701a665df66efa8406a86d687f2&imageMogr2/format/webp)
/0/27284/coverorgin.jpg?v=cf33124bbb20cbf534e09806e15d21e6&imageMogr2/format/webp)
/0/26316/coverorgin.jpg?v=b58cf8a1b18f61d5f6d88a32b1ff27e7&imageMogr2/format/webp)
/0/26589/coverorgin.jpg?v=20220524230758&imageMogr2/format/webp)
/0/26267/coverorgin.jpg?v=20220526224150&imageMogr2/format/webp)
/0/26537/coverorgin.jpg?v=6656a96eef76f3c2903b40c7c79c76ec&imageMogr2/format/webp)
/0/26689/coverorgin.jpg?v=02d8aaf717f2ee19ef1c6b68a43587f4&imageMogr2/format/webp)
/0/26614/coverorgin.jpg?v=e7546bf3fef45a70c18cb70da557be14&imageMogr2/format/webp)
/0/26683/coverorgin.jpg?v=221fdace65010f4fa32ffa5ca46d32f8&imageMogr2/format/webp)
/0/27079/coverorgin.jpg?v=31548a05b70eea84d3994ab3b03bc5a9&imageMogr2/format/webp)