Silang, the Fierce Warrior

Silang, the Fierce Warrior

Sofia

5.0
Komento(s)
280
Tingnan
50
Mga Kabanata

Sa palagay ni Aiesha ay nasa kanya na ang lahat. Kabilang siya sa mayamang pamilya at nakatakda na siyang ikasal sa boyfriend niya na nagmula sa isang sikat na angkan ng mga pulitiko. Subalit nagbago ang buhay niya nang malamang niloloko lang siya nito. Saka niya nakilala si Silang Aladeo-ang guwapong miyembro ng tribo ng Gangan.. Misyon nitong ibalik ang nawawalang mummies na pinaniniwalaang ninakaw ng pamilya ng boyfriend niya. Kailangan nitong ibalik ang mummies para mawala ang sumpa sa tribo nito. "Isa lang naiisip kong solusyon para matulungan ang tribo mo at matuloy ang kasal namin ng boyfriend ko," sabi niya. Kumislap ang interes sa mga mata nito. "Paano?" "Kidnap me."

Chapter 1 STFW 1

Ginising si Silang ng malamig na simoy ng hanging-amihan. Pumuputok pa lang ang araw sa Silangan ngunit handa na siya para sa unang pagtatanim o chinacon. Kabilang siya sa tribo ng Gangan na matatagpuan sa kabundukan ng Cordillera. At lubhang napakalamig sa lugar tuwing buwan ng Pebrero.

Nilingon niya ang mga kasamang natutulog sa ato, isang lugar kung saan magkakasamang natutulog ang mga binatilyo, binata at mga biyudo. Nahihimbing pa rin ang mga ito dahil sa lamig ng panahon.

Niyugyog niya ang matalik na kaibigang si Langkawan na naghihilik pa. "Langkawan, gumising ka! Hinahanap ka ni Inana."

Naalimpungatan itong bumalikwas ng bangon at tumakbo sa pinto. "Inana, anong kailangan mo..." Natigilan ito nang walang Inana na nakita sa labas. Sa halip ay sinalubong ito ng kadiliman at ng malamig na hangin. Nanginginig itong bumalik sa loob ng ato nang kinukusot ang mga mata. "Silang, ang aga-aga mo namang magbiro."

Tumawa siya. "Hanggang ngayon mahal mo pa rin si Inana," biro niya. Sa sobrang antok ay nakalimutan nitong bawal dumalaw ang mga kadalagahan sa ato.

"Siyempre naman. Alam mo namang siya ang pinakamagandang dalaga sa tribo natin. Bakit ba napakaaga mong gumising?"

"Gusto kong panoorin ang pagsikat ng araw," aniya. Mamaya pa iyon tuluyang sisikat subalit gusto niyang panoorin ang pag-aagaw ng dilim at liwanag.

"Kung ganoon, matutulog muna ako," anito at bumalik muli sa higaan.

Akmang magtatalukbong ito ng kumot nang agawin niya ang kumot mula dito. "Huwag ka nang matulog. Marami tayong gagawin ngayon."

"Anong oras na?" tanong nito kasabay ng paghikab. "Ang dilim pa."

"Sanay akong gumising ng ganitong oras."

Nag-resign siya bilang researcher sa Philippine Rice Institute upang bumalik sa tribo. Nagtapos siya ng Agricultural Engineering sa UP Los Baños at alam niyang magagamit niya ang mga natutunan sa sariling agrikultura ng kanyang tribo. Bukod pa sa inaalok siyang magturo sa ilang kolehiyo na sakop ng Cordillera. Subalit pinag-iisipan pa niya iyon.

Sa ngayon ay itinutuon muna niya ang isip sa gaganaping ap-pey, isang pista ng chinacon. Isasagawa ang ritwal na tatagal ng ilang araw para maghanda sa pagtatanim ng palay. Ito ay upang hilingin ang masaganang ani at panalangin upang itaboy ang mga peste sa pananim. Hindi maaring simulan ang chinacon hangga't hindi naisasagawa ang ritwal. Gusto rin niyang ibahagi sa mga katribo ang mga makabagong ideya sa pagtatanim upang dumami ang ani ng kanilang tribo.

"Kahit naman noong nandito ka pa, maaga ka talagang gumising."

Kinuha niya ang jacket na maong na nakasabit sa dingding. Sa ato lang sila natutulog ngunit bumabalik din sila sa bahay ng kanilang pamilya o afong. "Uuwi na ako. Inaasahan ako ni Ina nang maaga ngayon. Sasama ako sa pag-aani ng tubo."

Kasabay ng pagtatanim ng palay ay ang pag-ani nila ng tubo. Kadalasan ay ginagawa itong alak o fayas na idinudulot kapag pista o may ritwal.

Bumangon na rin ito. "Uuwi na rin ako sa amin. Gusto mo bang sunduin kita para sabay na tayong pumunta sa bukid?"

"Sige. Omeyak-et," paalam niya dito.

Patungo sa afong o bahay ng kanyang pamilya ay napansin na niya ang ilang kabahayan na may nakabukas na ilaw. Ibig sabihin ay naghahanda na rin ang mga ito sa pagpunta sa bukid. Hindi niya napansin ang lamig na nanunuot sa balat niya. Dahil mas gusto niyang langhapin ang amoy ng pine trees na sumasama sa malamig na hangin. Iyon ang hinahanap niya noong nasa lungsod siya. Ang lamig at ang puno ng pino. Humalo ang amoy niyon sa bango ng nilalagang kape habang papalapit siya sa sariling tahanan. Ibig sabihin ay gising na rin ang pamilya niya.

"Gawis ay agew yo," bati niya ng magandang umaga sa mga magulang.

Naabutan niya ang nanay na si Negay na nagsasalin ng nilagang kape sa tasa. Habang ang ama niyang si Kabuguias ay ihinahanda ang gosi o banga na imbakan ng fayas. Nagpasalin-salin na ang bangang iyon mula pa sa kanilang ninuno. Isa iyong mahalagang pamana sa tribo nila. Ang mga banga ay nagmula pa sa pakikipag-kalakalan ng mga ninuno nila sa mga Intsik nang di pa dumarating ang mga Kastila.

"Dumulog ka na, Silang," yaya ng ama niyang si Kabuguias. "May pulong sa ato ang intugtukon para sa ap-pey."

Hindi lang tulugan ng kabinataan ang ato. Dito rin ginaganap ang pagtitipon at seremonya na may kinalaman sa paglilitis, relihiyon, sosyal at pulitika ng tribo. Ang intugtukon o kalipunan ng nakatatanda ang namumuno sa kanilang tribo. Ang mga ito ang nagdedesisyon at nagsasagawa ng batas sa tribo nila. Kabilang ang ama niya sa mga intugtukon dahil sa angkin nitong talino at lakas.

Napangiti siya nang matikman ang kape. Arabica ang kape nila. Isa iyon sa pangunahin nilang produkto bukod sa palay. Walang sinabi ang instant coffee na pinagtitiisan niya noong nasa Manila siya. Kahit sabihin pang may ganoong ding kape sa mga coffee shop, iba pa rin ang kape na mismong itinanim sa tribo nila.

"Ano ba ang plano mo ngayon?" tanong ni Inang Negay.

"Pupunta po kami ni Langkawan sa tubuhan para mag-ani at tutuloy po kami sa payew pagkatapos. Gusto kong makita ang sitwasyon ng bukid."

Payew ang tawag sa hagdan-hagdang palayan na inukit sa gilid ng bundok. Isa iyon sa ipinagmamalaki ng kanilang tribo na gawa pa ng kanilang ninuno. Kaya matindi ang pagpapahalaga nila sa lupa bukod pa sa doon sila kumukuha ng ikabubuhay.

"Ni hindi ka pa nagpapahinga, magtatrabaho ka na agad," anang si Kabuguias.

"Dito ka na ba mananatili?" tanong ni Inang Negay at sumalo sa kanila.

"Wen, Ina," aniya at tumango. Napilitan lang siyang manatili sa lungsod upang kumuha ng kaalaman. Para rin sa tribo nila ang ginagawa niya.

"Huwag mong kalilimutang mag-asawa," ngingiti-ngiting sabi ni Kabuguias. "Bilang papalit sa akin sa ato, kailangan mong magkaroon ng asawa at anak."

Sa tribo nila, importante ang pag-aasawa. Tradisyon na rin nila na kapag hindi nakapag-asawa ang isang anak, hindi ito maaring magmana ng lupain.

"Tama. Malapit ka nang magtalumpu pero wala ka pa ring naiku-kwentong babaeng napupusuan mo. Maraming magagandang kadalagahan sa atin. Naghihintay na nga lang silang dalawin mo sila sa olog nila." Olog ang nagsisilbing dormitoryo ng mga kadalagahan. Dito nangyayari ang pagliligawan ayon na rin sa kanilang tradisyon.

Magpatuloy sa Pagbasa

Iba pang mga aklat ni Sofia

Higit pa

Magugustuhan mo rin

Muling pag-iibigan kasama ang ama ng triplets

Muling pag-iibigan kasama ang ama ng triplets

Alfons Breen
4.9

Dalawang taon pagkatapos ng kanyang kasal, si Ximena ay nawalan ng malay sa isang pool ng kanyang sariling dugo sa isang mahirap na panganganak. Nakalimutan niyang ikakasal nga pala sa iba ang dating asawa noong araw na iyon. "Maghiwalay na tayo, ngunit ang sanggol ay nananatili sa akin." Ang kanyang mga salita bago natapos ang kanilang diborsyo ay hindi pa rin nawawala sa kanyang isip. Wala siya roon para sa kanya, ngunit gusto niya ng buong kustodiya ng kanilang anak. Mas gugustuhin pa ni Ximena na mamatay kaysa makitang tawagin ng kanyang anak ang ibang ina. Dahil dito, isinuko niya ang multo sa operating table na may dalawang sanggol na naiwan sa kanyang tiyan. Ngunit hindi iyon ang wakas para sa kanya... Pagkalipas ng mga taon, naging dahilan ng muling pagkikita ng tadhana. Si Ramon ay isang nagbagong tao sa pagkakataong ito. Gusto niyang itago siya sa sarili niya kahit na siya ay ina na ng dalawang anak. Nang malaman niya ang tungkol sa kasal niya, sumugod siya sa venue at gumawa ng eksena. "Ramon,Namatay ako minsan, kaya wala akong pakialam na mamatay ulit. Pero sa pagkakataong ito, gusto kong sabay tayong mamatay," siya sumigaw, nanlilisik ang tingin sa kanya na may nasasaktan sa kanyang mga mata.//Naisip ni Ximena na hindi siya nito mahal at masaya na sa wakas ay wala na ito sa buhay niya. Ngunit ang hindi niya alam ay nadurog ang puso niya sa hindi inaasahang pagkamatay niya. Matagal siyang umiyak mag-isa dahil sa sakit at hapdi. Palagi niyang hinihiling na mabawi niya ang mga kamay ng oras o makita muli ang magandang mukha nito. Sobra para kay Ximena ang drama na dumating mamaya. Ang kanyang buhay ay napuno ng mga twists at turns. Hindi nagtagal, napupunta siya sa pagitan ng pakikipagbalikan sa kanyang dating asawa o pag-move on sa kanyang buhay. Ano ang pipiliin niya?

Nakatadhanang Pag-ibig sa Pagbabagong Identidad ng CEO

Nakatadhanang Pag-ibig sa Pagbabagong Identidad ng CEO

Fifine Schwan
5.0

Upang matupad ang huling hiling ng kanyang lolo, pinasok ni Stella ang isang madaliang kasal sa isang ordinaryong lalaki na hindi pa niya nakikilala. Gayunpaman, kahit na pagkatapos na maging mag-asawa sa papel, ang bawat isa ay humantong sa magkahiwalay na buhay, halos hindi nagkrus ang landas. Makalipas ang isang taon, bumalik si Stella sa Seamarsh Lunsod, umaasa na sa wakas ay makilala niya ang kanyang misteryosong asawa. Sa kanyang pagkamangha, pinadalhan siya nito ng isang text message, sa hindi inaasahang pagkakataon na nagsusumamo para sa isang diborsyo nang hindi pa siya nakikilala nang personal. Nagngangalit ang kanyang mga ngipin, sumagot si Stella, "So be it. hiwalayan na natin!" Kasunod nito, gumawa ng matapang na hakbang si Stella at sumali sa Prosperity Group, kung saan siya ay naging public relations officer na direktang nagtrabaho para sa CEO ng kumpanya, si Matthew. Ang guwapo at misteryosong CEO ay nakatali na sa matrimonya, at kilala na hindi matitinag na tapat sa kanyang asawa nang pribado. Lingid sa kaalaman ni Stella, ang kanyang misteryosong asawa ay ang kanyang amo, sa kanyang kahaliling pagkakakilanlan! Determinado na mag-focus sa kanyang career, sadyang iniwasan ni Stella ang CEO, bagama't hindi niya maiwasang mapansin ang sadyang pagtatangka nitong mapalapit sa kanya. Sa paglipas ng panahon, nagbago ang loob ng mailap niyang asawa. Bigla siyang tumanggi na ituloy ang diborsyo. Kailan mabubunyag ang kanyang kahaliling pagkakakilanlan? Sa gitna ng magulong paghahalo ng panlilinlang at malalim na pag-ibig, anong tadhana ang naghihintay sa kanila?

Mga Kabanata
Basahin Ngayon
I-download ang Aklat