Login to MoboReader
icon 0
icon TOP UP
rightIcon
icon Reading History
rightIcon
icon Log out
rightIcon
icon Get the APP
rightIcon
Primrose Garden

Primrose Garden

LelouchAlleah

5.0
Comment(s)
7
View
5
Chapters

To get the necessary information that she needs to uncover the incident that happened to her family, Aery Nielsen entered a unique school that was only built to train people to become an assassin. But as soon as she gets in, she realizes that everything in that place is actually related to her past and her family. That is why, the revenge that has been giving her meaning to live drastically changed to get back everything that she basically owned. For her friends. For herself. But... Will she be able to accomplish that without being puppet by the people who is controlling the whole place where she set her feet?

Chapter 1 PG1: The Enrollment

1

"Huh? A school that was built at the middle of the ocean?" Hindi ko maiwasan ang pagkunot ng noo ko matapos ang narinig ko. "Is that fucking possible? I mean, sinong sira ulong tao ang mag-aaksayang magtayo ng isang school sa isang delikado at napakaimposibleng lugar. That was cost too much amount of money."

Tumangu-tango siya. "Yeah, you're right. Sira ulo talaga ang gagawa noon pero dahil nag-eexist na ang isang tulad nito, it is really possible. They use huge amount of money and a lots of connections just to build that fucking school. Pero hindi naman sila nanghihinayang lalo pa't mas malaki ang bumabalik sa kanila sa bawat estudyanteng pumapasok dito."

Mas lalong kumunot ang noo ko. "What do you mean?"

"Primrose Garden is not just a school to train high paid and professional assassins. It is basically an organization that you can hire to take down someone, of course kapalit ang malaking halaga." Uminom muna siya ng alak sa hawak niyang baso tsaka bumaling sa akin. "At sinasabi ko ito dahil may kinalaman ang lugar na iyon sa pinapatrabaho mo sa akin." May kung ano siyang pinindot sa laptop niya tsaka ito iniharap sa akin.

Humigpit ang hawak ko sa sariling baso habang diretsong nakatingin sa screen ng laptop kung saan naka-display dito ang isang high technology facility na nasa gitna ng karagatan. I don't really know if it's a man-made island o what pero halata talagang pinag-ubusan ito ng malaking halaga.

"Tulad ng nalaman mo, most of the students here are abandoned or sold by their real parents. The others were members of high profiled family that they kidnapped because they saw a qualities of being a great assassins. Pero meron din namang mga nasa tamang edad na rin ang kusang pumapasok dito through different types of enrollment process."

"At tulad ng sinabi mong may kinalaman ito sa pinapatrabaho ko sayo, meaning, nasa loob nito ang mga taong hinahanap ko?"

Tumango siya at inilabas ang isang panyo. "Tanging ang mga taga-Garden lang ang may ganitong scarp. They always wearing this para kung sakaling may makilala silang mga graduated Garden students. Mahalaga sa org ang bawat garden students. Retired man, graduated or estudyante pa din kaya isa sa rules nila ang pagbabawal na pumatay ng kapwa Garden Assassin. Lalo na yung mga estudyante na under 18 years old."

"So, hindi ako pwedeng pumasok dun dahil masasakop ako ng pesteng rules na yan. I need to kill those fucking asshole that killed my family."

"Chill, okay?" Umiling-iling siya tsaka inilatag sa mesang nasa gitna namin ang panyo. "You see this?" Itinuro niya ang isang maliit na dot na nasa gitna nito. "This is a microchip. At laman nito ang anumang information ng taong nagmamay-ari nito." Itinaas niya agad ang kamay niya ng makitang magsasalita ako. "The problem is, this is not an ordinary microchip na pwede nilang i-hack. Tanging ang Primrose lang ang may software at facility na syang makakapaglabas ng information na mayroon dito."

"You're kidding me." Isa lang ang ibig sabihin nito kapag nagkataon.

"I'm serious here," he said. "If you want to know the identity of that assassin, then you need to go there. At isa pang malaking advantage mo sa pagpasok doon ay malalaman mo din kung sino ang nagpapatay sa pamilya mo."

Natigilan ako sa sinabi niya at tumitig sa microchip na iyon.

"If you really want to kill those hired assassins that killed your family then, you can do that," aniya na ikinalingon ko sa kanya. "Just make sure that you'll be ready to die too."

"How can I enter that school?" Base sa mga sinabi niya, tingin ko, hindi ko na kailangang magdalawang isip. As long as I can kill those bullshit.

Ngumisi siya. "Just like what I thought."

"Revenge is the only thing that keeps me alive. If I already kill them then, there's no reason for me to stay alive. I will accept that fucking death."

Tumangu-tango sya. "Then, enroll there," aniya. "At magagawa mong makapasok sa loob ng eskwelahang iyan syempre, sa tulong ko din." Mag inilabas siyang kung ano sa bulsa nya at ibinato sa akin na nagawa ko namang saluhin. Isang pin. "Pupunta ka sa address na ito at ipapakita mo iyan." Iniabot niya sa akin ang isang calling card. "Ako nang bahala sa lahat."

"Are you really sure na makikita ko dun ang hinahanap ko?"

Tumango naman agad siya. "You already trust me for almost 3 years. Ngayon mo pa ba ako pagdududahan."

"Gusto ko lang masiguro na hindi masasayang ang oras ko sa pagpunta doon." Ibinulsa ko na ang calling card at pin na binigay niya sa akin.

"Just one piece of advice." Bigla siyang sumeryoso. "Don't ever do anything stupid. May sasabihan ako dun ng sa gayon ay may umalalay sayo habang hindi ka pa pamilyar sa lugar."

"Stupid things is not my forte, so you can trust me on that. But I can't promise you that I will not do anything crazy."

Inilahad niya ang kamay sa harap ko na tinanggap ko naman. "We'll see each other again."

Tumango ako. "We will definitely see each other soon."

________

Matapos ang halos isang linggong pakikipagtalo sa sarili, heto ako ngayon sa harap ng building kung saan ako dapat pumunta. Pinagmasdan ko ang kabuuan nito tsaka bumuntong hininga at naglakad papasok dito.

Sino nga bang mag-aakala na ang pinakasikat na gaming establishment ay gagawing front ng isang malaking organisasyon para walang maghinala sa mga transaksyon nila sa eskwelahang iyon.

Umiling-iling na lang ako at tuluyang pumasok dito not minding those who's looking at me. Masyadong mahalaga ang oras ko para aksayahin ko lang sa kanila.

Dumeretso na ako sa counter at walang sabing inilapag ang pin na sinabing ipakita ko dito.

Bakas ang pagkagulat dito sa babaeng nakatayo dito dahil sa bigla kong pagdating pero agad din siyang natauhan at kinuha ang pin. Inilagay niya ito sa isang parang scanner tsaka muling inilapag sa harap ko. "Pumasok na lang po kayo sa green door na iyon. Doon po naghihintay ang mag-aasist sa inyo regarding sa Garden."

Tumangu-tango tsaka kinuha muli ang pin at pumasok sa sinasabi niyang pinto.

Doon naman, isang lalaking naka-suit ang sumalubong sa akin at nag-lead ng daan hanggang makarating kami sa dulo ng hallway.

"Nasa loob niyan ang mga kakailanganin mo sa pagpasok mo sa Garden. Mamili ka na ng mga kakailanganin mo," sambit nitong lalaki.

"So, enrolled na agad ako?"

Tumango siya. "Iyang hawak mong pin ay sapat na para makapasok ka sa Garden. Goodluck, Ms. Aery Nielsen." Siya na ang nagbukas ng pinto at hindi na ako nakapalag ng itulak nya ako papasok.

Akma pa sana akong magrereklamo pero mabilis din niyang isinara ang pintuan kaya inis na sinipa ko nalang ito.

Grabe, hindi ko alam na ganito pala kabilis ang enrollment process dito. Hindi tuloy ako nakapagdala ng kahit na ano maliban dito sa phone, wallet, itong calling card na ibinigay sa akin, ballpen, iyong panyo na may maliit na micro chip sa gitna at itong mga suot ko lang.

Tsk, sasamain talaga sa akin ang taong iyon kapag nahirapan ako sa loob ng school na iyon.

Inilibot ko ang tingin sa kabuuan ng kwartong ito at bumungad sa akin ang sandamakmak na weapon. Iba-ibang klase, iba-ibang sukat. Siguradong lahat ay delikado at nakamamatay.

Isa-isa ko itong pinasadahan ng tingin.

Ang sabi kanina, mamili ng kakailanganin. Wala namang sinabi kung may limit kaya tingin ko, kahit ilan ang kunin ko dito.

Unang nakaagaw ng pansin ko ang isang set of daggers. Ito ang pinakakakaiba dahil itim ang talim nito. Habang sa hawakan naman nito ay gawa lang sa kahoy na binalutan ng puting tela. Hindi ko alam kung bakit para akong hinihila nito kaya naman kinuha ko na ito at inilagay sa bag na siyang nakuha ko dito. Maalam din naman ako sa paggamit nito pero hindi ko sigurado kung magagamit ko nga ba ito sa eskwelahang iyon. Ayokong mapasok sa kahit na anong gulo hangga't hindi ko nalalaman ang laman ng microchip na hawak ko.

Sumunod kong binalingan ang mga espada na siyang hilig ko talagang gamitin. Ito ang talagang nakasanayan ko mula pa noon dahil na din sa mga taong nagturo sa akin ng mga nalalaman ko sa pakikipaglaban ngayon.

At napatigil ang tingin ko sa dual sword na siyang kakaiba din sa iba pang espada na narito. Tulad kasi ng daggers na kinuha ko, itim din ang talim nito at kahoy lang ang hawakan na binalutan ng itim na tela. Simpleng-simple at madaling hawakan. Hindi din ito madulas sa kamay kaya mas mapapadali kapag ginamit ko na ito.

Pero ang pinakakumuha ng atensyon ko ay ang isang malaking itim na scythe. Hindi ako mahilig dito pero wala sa sariling kinuha ko ito.

Kakaiba kasi sa pakiramdam ng hawakan ko ang mga ito. Parang bang naging parte ito ng katawan ko lalo na ng dumikit ang balat ko sa mga ito na syang ipinagtataka ko. Ang weird lang sa pakiramdam eh.

Mga simpleng sandata pero pakiramdam ko, malaki ang maitutulong sa akin sa takdang panahon.

Umiling-iling ako. Ang dami ng pumapasok sa isip ko. Kailangan ko ng tapusin ang kailangan ko sa kwartong ito ng makarating na ako sa eskwelahang iyon at masimulan ko na ang pakay ko.

Hindi ko na pinuntahan pa ang mga baril dahil wala akong hilig sa mga iyan though magaling din ako sa sniping. Sadyang hindi ko lang forte ang mga ito dahil masyadong malaki ang disadvantage ng paggamit nyan kaya dumeretso nalang ako sa isang mesa na may nakapatong na apat na cards.

The Clover King.

The Heart Queen.

The Diamond Jack.

And last, the Spade Ace.

May nakalagay na instructon na kailangan kong mamili sa isa sa mga ito pero wala akong gusto sa kahit na ano dito. Alam ko man kung para saan iyan o hindi, wala akong planong mamili. Hindi ko feel ang mga barahang iyan.

Oo na, ako na ang choosy. Sadyang sinusunod ko lang ang kutob ko dahil wala ako sa isang ordinaryong sitwasyon. Anumang desisyon ang gawin ko ngayon ay maaaring maglagay sa akin sa isang sitwasyon na posibleng hindi ko magustuhan kaya kailangang gawin ko kung ano ang tingin kong tama para sa akin.

Kinuha ko ang calling card na ibinigay sa akin maging ang ballpen na dala ko sa pag-aakalang may mga pi-fill up-an ako dito at nagsimulang mag-drawing sa likod na bahagi ng card.

Well, hindi naman ako magaling mag-drawing. Itong nag-iisang image na ito lang ang kaya kong i-drawing ng maayos at detalyado.

Matapos kong madrawing ito, iniurong ko ang apat na card sa gilid at nilagay ko sa gitna ang drawing ko tsaka ako ngumiti. "I will be your Joker, Garden."

Wala akong pakialam kung wala iyon sa choices. Basta iyon ang gusto ko.

Akma na sana akong lalabas sa pintuan ng biglang mag-vibrate ang phone ko. Kinuha ko ito at agad na sinagot dahil iisang tao lang naman ang posibleng tumawag sa akin. "Problema?"

"You already enrolled."

"Yeah, at pinapapili na nila ako ng gamit. Anyway, para saan iyong mga cards na mayroon dito kanina?"

"Sa Garden na nila ipapaliwanag kung para saan iyon. Pero may pinili ka ba sa apat na iyon?" he asked at mukhang interisado din.

"Wala. Hindi ko feel ang mga cards na iyon so, I create my own."

Nadinig ko ang pagtawa niya sa kabilang linya. "Just like what I thought. Hindi mo talaga ako binibigo." Napakunot noo ako. So, inaasahan niya ang gagawin ko? "Anyway, may nalaman pala ako na magpapahirap sa misyon mo sa Garden."

Mas kumunot ang noo ko sa sinabi nya.

"Hindi ka basta-basta makakapasok sa facility kung nasaan ang information server nila para malaman mo ang laman ng micro chips na nasa panyong hawak mo hangga't hindi ka nakakapasok sa Top 20 sa buong Garden." Fuck! Pahirap nga iyon. Ngayong baguhan palang ako, siguradong hindi madali ang pagdadaanan ko bago maabot ang rank na iyon. Idagdag pa na sigurado ding matatagalan kapag sinubukan ko. "But I also have a way for you to make it easy."

"How?"

"You have to hack it inside the school but outside the facility. At isang tao lang sa Garden ang makakagawa nito. Ang problema mo nga lang, hindi ito basta-basta papayag na tumulong sayo dahil oras na gawin niya iyon, posibleng manganib ang buhay niya."

"Then, paano ko siya mapapatulong sa akin na makuha ang mga impormasyong kailangan ko?"

"Protect him at kunin mo ang loob niya. Oras na magawa mo iyon, nasisiguro kong hindi mo na kakailanganing mamatay sa loob ng Garden para lang malaman ang lahat ng kailangan mo."

Napaisip ako.

Magmula ng mamatay ang buong angkan ko, nalimutan ko na kung paano pumrotekta ng kahit ano o sino? Lumaki akong makasarili kaya paano ko mapoprotektahan ang isang taong hindi ko kilala?

"It's still your choice, Aery. Pag-isipan mo iyan sa oras na nasa loob ka na ng Garden."

Bigla akong nakaramdam ng panghihina dahilan para mabitiwan ko ang cellphone ko at mapasandal ako sa pader na malapit sa akin.

Fuck! Anong nangyayari?

Unti-unting nanlalabo ang paningin ko hanggang sa tuluyan akong mapaupo habang nakatitig sa kisame ng kwartong ito at naaninag ko nalang ang paglapit ng isang pigura ng tao sa akin.

"Just sleep, Ms. Nielsen. Sa paggising mo, masisilayan mo na ang Garden. Matagal ka na naming hinihintay..

Joker."

And everything went black.

Continue Reading

You'll also like

Chapters
Read Now
Download Book