Login to MoboReader
icon 0
icon TOP UP
rightIcon
icon Reading History
rightIcon
icon Log out
rightIcon
icon Get the APP
rightIcon
5.0
Comment(s)
109
View
5
Chapters

Ang dagli ay nangangahulugang "madaling sabi". Ito ay isang maikling kwento na tinatalakay ang iba't ibang paksa para sa madla. At higit sa lahat, ipinahihiwatig ang tunay na nararamdaman ng awtor sa isang paksa. Ito ay pinagsama-samang dagli na nakasulat sa lenggwaheng tagalog na umaasang magbibigay ng inspirasyon at reyalisasyon sa mga mambabasa.

Chapter 1 Rosas

Ang rosas ay isa sa aking paboritong kulay. Isang kulay na nagbunga ng pag-asa at tunay na pagkakaisa. Aking masasabi na ang eleksyon ay isang mainit na paghahangad ng bagong lider na mauupo bilang pagka-pangulo. Hindi upang maghasik ng pagkakawatak-watak sa inspirasyon ng pag-asa. Bagkus ay ipaglaban ang tama na pamamahalang maaari nating makamtan, kung tayo'y paghahalal ng nararapat na kumakatawan. Kumakatawan sa ating adhikain, paniniwala, at masidhing damdamin.

Sa tuwing aking pinagmamasdan ang kulay rosas, ang aking alaala ay bumabalik. Ang aking pagtanaw sa magandang kinabukasan ay aking inaasam. Bakit nga ba rosas ang simbolo ng pag-asa? Ito ay dahil sa ekselenteng dating Bise-Pangulo, abogado, at ekonomista na si Atty. Maria Leonor "Leni" Gerona Robredo. Ang nagbigay ng kulay rosas na pag-asa sa bawat isa. Sa ngayon, nagpatayo ng "Angat-Buhay Program", isang non-governmental organization na magpapatuloy sa mga programang nasimulan na sa kanyang anim na taon na termino bilang Bise, at ipagpapatuloy pa, sa ating pagtutulungan, mga kakampinks.

Rosas. Kulay ng bukas. Isang kulay na hindi masyadong matapang tulad ng pula. Ngunit hindi mahina, bagkus; maliwanag, matingkad, malumanay, at nangingibabaw sa lahat. Rosas. Isang pinaghalong kulay ng puti, at pula. Puting sumisimbolo sa tapat at walang bahid ng rumi na pamamahala na kanyang ipinakita. Pula, hindi pulang marumi, ngunit pulang sumisimbolo sa pagmamahal para sa bayan. Pinagsama, binuo ang kulay rosas. Isang pamumuno na tapat; walang bahid ng karumihan; at ang insipirasyon ay ang pagmamahal sa tinatanging bayan.

Continue Reading

You'll also like

Chapters
Read Now
Download Book