Nakatali ng Pag-ibig:Pagpapakasal sa Aking Asawa ng wheelchair

Nakatali ng Pag-ibig:Pagpapakasal sa Aking Asawa ng wheelchair

Devocean

Makabago | 1  Kabanata/Bawat Araw
5.0
Komento(s)
1.6M
Tingnan
342
Mga Kabanata

"Kailangan mo ng nobya, kailangan ko ng nobyo. Bakit hindi tayo magpakasal?" Parehong inabandona sa altar, nagpasya si Elyse na itali ang may kapansanang estranghero mula sa katabing venue. Nakakaawa ang kanyang estado,nangako siyang sisirain siya kapag ikinasal na sila. Hindi niya alam na isa pala itong makapangyarihang tycoon. Inisip ni Jayden na pinakasalan lang siya ni Elyse para sa kanyang pera, at binalak na hiwalayan siya kapag wala na itong silbi sa kanya. Ngunit pagkatapos niyang maging asawa, nahaharap siya sa isang bagong dilemma. "Paulit-ulit siyang humihingi ng diborsyo, pero ayoko niyan! Ano ang dapat kong gawin?"

Bida

: Elyse Lloyd, Jayden Owen

Chapter 1 Paano kung magpakasal tayo

"Saan ka pupunta?"

Sa kasal, tarantang hinawakan ni Elyse Lloyd ang kamay ni Theo Ward para pigilan itong umalis, puno ng pagmamakaawa ang mga mata nito.

Puno ang lugar ng pamilya at mga kaibigan ng bawat panig, nakaupo at naghihintay. Tinanong ng opisyal si Theo kung gusto niyang pakasalan si Elyse. Sa halip na sumagot, binalewala niya ang opisyal, sinagot ang kanyang telepono, at biglang nagtangkang umalis.

"Alam ni Kaelyn ang tungkol sa ating kasal, at ngayon nagbabanta siyang tumalon mula sa isang gusali. Alam mo ang kanyang depresyon, hindi ba? "Kailangan niya ako," paliwanag ni Theo, at saka padabog na itinulak si Elyse sa gilid.

Nagkaroon ng pilipit si Elyse sa paa nung tinulak siya. Nang bumagsak siya sa sahig, nakaabot ang kamay niya at sinusubukang pigilan siya.

"Kasal natin ngayon! Anong gagawin ko kung iiwan mo ako? Niloko ka na dati ni Kaelyn Bennett. Sobrang sakit nang ginawa niya sayo-bakit kailangan mo pa syang makita ngayon?"

Lumamig ang titig ni Theo. "Wala ka sa posisyon para husgahan ang nangyari sa amin ni Kaelyn. Kahit may mali man siyang nagawa o sakit na idinulot, hinding hindi ka magiging siya."

Sumakit ang puso ni Elyse. Napagtanto niyang hindi kailanman nakalimutan ni Theo si Kaelyn. Para sa kanya, hindi kailanman magiging kasing halaga si Elyse kumpara kay Kaelyn.

"Ano ang nagawa ko para masaktan ng ganito? Bakit mo ako tratuhin ng ganito? Pakiusap, maghintay ka lang hanggang matapos ang kasal. Malapit na tayo sa bahagi ng pagpapalitan ng singsing. Pwede ka nang umalis pagkatapos nun."

Iniwasan ni Theo ang kanyang kamay at nagsalita nang may pagkasuklam, "Mas iniintindi mo pa ang kasal mo kaysa sa buhay ng isang tao. Ang tigas ng puso mo. I-reschedule na lang natin ang kasal."

Walang lingon sa kanyang maputlang mukha, umalis nalang siya bigla sa altar, hindi pinapansin ang mga naguguluhang tingin ng mga bisita.

Nang umalis ang groom, nagkagulo ang mga tao.

"Wag mo akong iwan, Theo! Ano ang gagawin ko kapag iniwan mo ako?" Napasigaw si Elyse, kaawa-awang nakaupo sa sahig. Nanginig siya habang tumutulo ang luha, at nasisira pa unti-unti ang kanyang makeup.

Ang lalaking minahal niya ng tatlong taon, walang pakundangan sa kanyang dangal, ay pumili ng ibang babae nang di man lang inisip ang kanilang espesyal na araw. Kinain siya ng pagaalala tungkol kay Kaelyn, ngunit tila walang pakialam sa kahihiyan na nararamdaman niya na maiwan sa altar.

Sa paligid niya, hindi mabilang na mga matang hinuhusgahan siya, ang ilan ay nagtatawanan, ang iba'y naaawa, at ang ilan pa'y nagtatamasa sa nangyari. Hindi kailanman nakaranas si Elyse ng ganoong klaseng pasakit!

Lumapit ang kanyang ama, si Lanny Lloyd. Umaasa siyang makahanap ng kaaliwan, ngunit sa halip, sinumbatan siya nito ng matalim na mga salita, "Walang lalakeng tumatagal sayo. Walang silbi!" Matapos siyang pagalitan, umalis ito kasama ang kanyang asawa na si Glenda Lloyd, hindi man lang lumingon pabalik.

Lumabas mula sa karamihan ang kanyang kapatid na si Mabel Lloyd na may ngiting pailalim. "Nakakahiya, Elyse. Tumakbo ang iyong nobyo, at ngayon ikaw ay isang kahihiyan. Ikinakahiya kita. Isipin mo, ano ang nararamdaman nina Mama at Papa." Pagkasabi niyon, siya ay bumaling at umalis.

Isa-isang umalis ang lahat ng miyembro ng pamilya ni Elyse, at naiwan siyang mag-isa. Sa simula, naramdaman ng mga magulang ni Theo ang pagkakasala, ngunit nang masaksihan ang reaksyon ng kanyang pamilya, naglaho lahat ng bakas ng pagkakasala.

"Pati sarili niyang magulang di siya sinuportahan. Muhkang di lahat to kasalanan ni Theo."

"Oo, kung siya ay mabuting kasintahan, bakit siya iiwan ng kanyang kasintahan?"

"Nagloko ba siya? Ano pa ba ang magtutulak sa isang lalaki na umalis ng biglaan?"

Ang mga bulong ng kritisismo mula sa mga panauhing nakapaligid ay lumakas at naging mas mapanghusga.

Biglang may mga ingay sa malapit.

Paglingon, nakita ni Elyse ang isang lalaking nakasuot ng suit, mag-isang nakaupo sa wheelchair. Mukhang balisang nagtanong ang opisyal, "Nasaan ang babaeng ikakasal sayo?".

Pinunasan ni Elyse ang kanyang mga luha at lumapit sa isang dumaraang staff at nagtanong, "Yung lalaki na yun sa wheelchair, diba ikakasal din siya? Nasaan yung babae?"

Tumingin sakanya ang isang tauhan at sinabi, "Di siya nagpakita. Balita ko di daw natanggap ng asawa niya ang kapansanan niya."

"Tapos inantay niya ng ilang oras?"

Tumango ang staff.

Nakatalikod kay Elyse ang lalaki sa wheelchair at medyo malayo yung lalaki sakanya, kaya hindi niya makita yung muhka, pero alam niya ang pakiramdam ng mapagiwanan.

Pareho silang mga kaluluwang kaawa-awa, iniwan.

Pagkatapos pagisipan mabuti, may ideya na biglang sumulyap sa utak ni Elyse.

Minahal niya si Theo sa loob ng tatlong taon, ngunit pinagtaksilan siya nito. Bakit kailangan niya pang maging tapat sakanya? At dun niya naisip na di niya siya kailangan.

Nang siya ay tumayo, natigil ang bulungan at panlalait ng mga bisita. Lahat sila ay nakatingin sa kanya habang itinaas niya ang laylayan ng kanyang damit at buong kumpiyansang naglakad patungo sa lalaking nasa wheelchair.

Ang tanawin ng isang babaeng ikakasal sa puting damit na lumalapit ay nagdulot ng pagkabigla sa mga bisita ng lalaki.

Narinig ang kaluskos ng kanyang damit, unti-unting inikot ng lalaki ang kanyang wheelchair.

Napahinto si Elyse at tinitigan ang makisig na lalaking nasa harapan niya, may kislap ng pagkabigla sa kanyang mga mata.

Iniabot niya ang kanyang kamay at sinabi, "Kumusta, narinig kong kailangan mo ng mapapangasawa.

Iniwan ako sa altar ng lalaking papakasalan ko dapat.

Pano kung tayo nalang magpakasal?"

Magpatuloy sa Pagbasa
Mga Kabanata
Basahin Ngayon
I-download ang Aklat
Nakatali ng Pag-ibig:Pagpapakasal sa Aking Asawa ng wheelchair
1

Chapter 1 Paano kung magpakasal tayo

18/03/2025

2

Chapter 2 Anong plano Niya

18/03/2025

3

Chapter 3 Nagagawa niyang Maglakad ng Maayos.

18/03/2025

4

Chapter 4 Sino ang Asawa Mo

18/03/2025

5

Chapter 5 Nakakatayo Ka

18/03/2025

6

Chapter 6 Determinado sa Pagtupad ng Kanyang Pangarap

18/03/2025

7

Chapter 7 Talaga Bang Kayo ang Aking mga Magulang

18/03/2025

8

Chapter 8 Pagkakakulong

18/03/2025

9

Chapter 9 Suporta ni Jayden

18/03/2025

10

Chapter 10 Isang Mas Malambot na Panig sa Loob

18/03/2025

11

Chapter 11 Anong Nakita Niya Sayo

18/03/2025

12

Chapter 12 Posibilidad ng Isang Milagro

18/03/2025

13

Chapter 13 Labis Mo Akong Binigo

18/03/2025

14

Chapter 14 Hindi Inaasahang Kalapitan

18/03/2025

15

Chapter 15 Bakit Pulang-pula ang Mukha Mo

18/03/2025

16

Chapter 16 Ang Pagsundot sa Maling Punto

18/03/2025

17

Chapter 17 Kung Iinsultuhin Mo Muli Si Jayden

18/03/2025

18

Chapter 18 Matinding Labanan Sa Negosyo

18/03/2025

19

Chapter 19 Pagdalo sa Pag-iisang Daan

18/03/2025

20

Chapter 20 Isinumpa Mo Sila

18/03/2025

21

Chapter 21 Isaalang-alang Mo Ang Pagiging Tunay Kong Asawa

18/03/2025

22

Chapter 22 Ang Halik na Lasang Ubas

18/03/2025

23

Chapter 23 Isang Mahiwagang Babae

18/03/2025

24

Chapter 24 Marahil Ay Nagseselos Siya

18/03/2025

25

Chapter 25 Tanging Ikaw Lamang ang Akin

18/03/2025

26

Chapter 26 Ang Balita Bukas ay Isang Eksena

18/03/2025

27

Chapter 27 Pinasan Ang Bigat Ng Mga Paratang

18/03/2025

28

Chapter 28 Pagkakatanggal

18/03/2025

29

Chapter 29 Ang Pagputok ng Galit ni Elyse

18/03/2025

30

Chapter 30 Pagbubunyag ng mga Utak

18/03/2025

31

Chapter 31 Isang Sampal

18/03/2025

32

Chapter 32 Paano Kung Ako ang Magluto ng Hapunan Para sa Iyo

18/03/2025

33

Chapter 33 Siya ay Nagalit

18/03/2025

34

Chapter 34 Pag-aayos Ng Mga Bagay

18/03/2025

35

Chapter 35 Kaya, Magaling ba Akong Humalik

18/03/2025

36

Chapter 36 Freddy Sugden

18/03/2025

37

Chapter 37 Pahalagahan ang Kanilang Relasyon

18/03/2025

38

Chapter 38 Ang Pagtatagpo Ng Dating Magkakaklase

18/03/2025

39

Chapter 39 Bakit AKo Dapat Magmakaawa Sa'yo

18/03/2025

40

Chapter 40 Kaya Ba Niyang Mag-Perform sa Kama

18/03/2025