/0/27023/coverorgin.jpg?v=e712abfff1f0f97044763b03fae450b5&imageMogr2/format/webp)
GALIT na naikuyom ni Eleand ang kamao nang buksan ang mailing envelope na hawak. It was the divorce papers. His wife wasn’t joking when she said that she would divorce him.
“Damn!” he cussed even more. He drew breath through his flared nostrils and clutched his loose man bun hair.
Mahigit limang taon na silang nagsasama at akala niya ay nasa ayos naman ang lahat. Pero nitong mga nakaraang araw ay lagi silang nagtatalo dahil gusto na niyang bumuo ng pamilya. He wanted to have kids, pero ayaw ni Brandy na magka-anak dahil baka daw masira ang figure nito. Lalo pa at iyon ang puhunan ng babae sa trabaho nito.
Brandy Sheldon was a Filipino-American supermodel and they got married in their early twenties—at the age of twenty-two to be precise. Naiintindihan naman niya ito pero hindi na sila bumabata. Ayaw naman niyang magkaroon ng anak kung kailan uugod-ugod na sila.
Kasalukuyan silang naninirahan sa California. Abala din naman siya sa pagma-manage ng branch ng Insurance Company ng kanilang pamilya kasama ang nakakatandang kapatid niyang si Elida, she was a year older than him. Nasa Pilipinas naninirahan ang mga magulang nila na kapwa matatanda na kasama ang kapatid nilang sina Erone at Ezekiel.
“Bro, what’s wrong?” nagtatakang tanong ng nakatatandang kapatid. Pumasok ito kanina sa loob ng kanyang opisina dala ang ilang importanteng papeles.
“Brandy wants a divorce.” He hardly shook his head. Alam naman ng kanyang kapatid ang pinagdadaanan niya at nagpapasalamat siyang lagi naman itong nakasuporta sa kanya.
“Well, you deserve someone better. Marami namang nagkakandarapa sa’yo, give her what she wants,” anang babae na sinabayan ng pagkibit ng balikat.
“I just don’t understand. I gave her everything—money, love, and time! I’m certain that she loves me. All I want is a happy family, masama bang hilingin ko na magkaroon ng anak?” Marahas siyang nagbuga ng hangin.
Kahit saang anggulo kasi niya tingan, wala namang masama sa gusto niyang mangyari. Mag-asawa naman sila ni Brandy at ibinibigay niya ang lahat ng gusto nito. He loved and pampered his wife a lot. Hindi niya lubos maisip na sa ganito lang hahantong ang pagsasamang matagal niyang iningatan.
“Life is not fair. You have to accept that your marriage fails. Brandy doesn’t love you anymore. There are other ways to have a child, like surrogacy or adoption. I bet she doesn’t like the idea, does she?”
“Yeah, I even suggested those. She became more aggressive with that recommendation.”
“Then so be it. Move on. Brandy is just making excuses.” Elida cheered him up.
Pinili na lang niyang huwag kumibo. Ilang ulit na din kasi niyang sinusuyo si Brandy. But she was adamant about her decision.
“I need to talk with my lawyer, I’ll let him handle this. Kung ito talaga ang gusto ni Brandy, then I don’t have a choice.” Nakibit na lang siya ng balikat.
Agad na tinawagan ni Eleand ang kanyang abogado kahit labag sa loob. He did his part anyway. Ayaw naman niyang ipilit pa ang sarili sa babaeng ayaw na siyang makasama.
Lumapit sa kanya ang kapatid matapos niyang maibaba ang hawak na cellphone. “Come on, get a life! Masyado mong isinusubsob ang sarili mo sa trabaho. Have some fun like you used to! Hindi dahil iniwan ka ng asawa mo ay katapusan na ng mundo.” Malambing nitong tinapik ang kanyang braso, “how about playing archery after work?”
Both of them loved archery. Kaya nilang patamaan ang target kahit pa nakapikit. Nasanay na kasi sila sa larong iyon mula pagkabata.
“Sure.” He let out a deep sigh.
“Come on, that’s enough! Would you like to go somewhere?”
“It’s just that I don’t deserve this. But you’re right, life is never fair. I am actually thinking about going on a vacation maybe in the Bahamas or Maldives.” Kailangan talaga niya ng bakasyon para mas makapag-isip siya. Ayaw niyang maapektuhan ang trabaho lalo na ngayong hirap siyang mag-focus.
“That is a good idea, go for a vacation for a month. Ako na ang bahala rito.” Nakangiting wika ng kapatid.
“Thank you, sis.” Tipid siyang ngumiti. Mabuti na lang at mayroon siyang supportive na kapatid. Bilang lang din sa kanyang daliri ang matatawag niyang kaibigan. Pero masuwerte siya pagdating sa kanyang pamilya. Kasundo naman niya ang lahat ng kanyang mga kapatid kaya hindi na siya masyadong naghanap ng kaibigan.
/0/26992/coverorgin.jpg?v=20220415102741&imageMogr2/format/webp)
/0/70480/coverorgin.jpg?v=009c6e7f85ae4542e5df59a8209565ee&imageMogr2/format/webp)
/0/27699/coverorgin.jpg?v=20230630080310&imageMogr2/format/webp)
/0/26566/coverorgin.jpg?v=dad878dbb1542be83f9bf58b0385d41a&imageMogr2/format/webp)
/0/27604/coverorgin.jpg?v=20221012140749&imageMogr2/format/webp)
/0/27686/coverorgin.jpg?v=cf8b0a826903954ff874a108b8fa27c7&imageMogr2/format/webp)
/0/26326/coverorgin.jpg?v=27c471812676176aa6f5009b79abd439&imageMogr2/format/webp)
/0/26590/coverorgin.jpg?v=9fdaea354172b93e9df680bf8ecaba91&imageMogr2/format/webp)
/0/26984/coverorgin.jpg?v=20230306115502&imageMogr2/format/webp)