/0/34237/coverorgin.jpg?v=1ef6230cc36d7128b9293a11bbd9797c&imageMogr2/format/webp)
Nang maloko si Ella ng isang travel agency ay napilitan siyang mamasukan bilang yaya ni Jeremy , ang amo niyang mayaman nga at guwapo , pero super - antipatiko naman . Okay lang , malaki namang magpasuweldo ito , galante pa kahit suplado . Kung ipag - shopping nga siya nito ay daig pa niya ang nagka - sugar daddy bigla . Okay na sana ang lahat kung hindi lang nahulog nang tuluyan ang puso niyang hibang dito . Ang masaklap pa ay tuluyan niyang naisuko ang sarili rito sa loob ng isang gabing pagkalimot . But reality began slapping her real hard the next morning .
Ginagamit lang pala siya nito upang maitaboy nang tuluyan ang isang babaeng sunod nang sunod dito . Ayon pa rito , sex for him was just a cigarette stick , you puff it and throw its butt when you're done with it . Magagawa pa kayang magtiwala ng puso niyang nasaktan nito?
KUMUSTA ka na diyan , Ate ? Ano , maganda ba ang UK ? Marami bang English diyan ? He - he ! Hanap ka agad ng mapapangasawa , Ate , ha ? Kumusta nga pala ang mga amo mo ? Mababait ba sila ? Siyanga pala , ipinapatanong ni Mama kung makakapag padala ka na raw ba sa susunod na buwan . Paubos na kasi ang gamot ni Papa . Text mo agad ako ' pag nakabili ka na ng cell phone , ha ? At saka mag roaming ka , Ate , para hindi masyadong mahal . Ingat ka diyan , Ate , ha ?
Mag - reply ka agad kapag nabasa mo na itong e - mail ko . Napabuntong - hininga si Ella pagkatapos basahin ang e - mail sa kanya ng nakababata niyang kapatid na si Vanna . Mataman muna niyang tiningnan ang monitor sa harap niya , tila tinatantiya kung ano ang ire - reply rito . Pagkalipas ng kulang limang minuto ay nakalikom na rin siya sa wakas ng sapat na lakas ng loob upang mag - reply . She clicked the Reply button .
Magta - type na sana siya nang biglang mawala screensaver na nagsasabing ubos na ang oras niya ang display ng kanyang monitor , napalitan iyon ng " Nakakalahating oras na ba ako ? " hindi makapa niwalang tanong niya sa nagbabantay sa Internet cafe na kinaroroonan . " Yes , Miss . Ubos na yong thirty minutes n'yo , " sagot ng lalaking nasa counter habang hindi maalis alis ang tingin sa sariling monitor . Abalang - abala ito sa nilalarong online game .
nagagawa , eh , " aniya .
" Ano ' yon , magic ? Eh , wala pa nga akong " Mag - extend ka na lang , Miss , " anito habang nakatuon pa rin ang atensiyon sa nilalaro . " Palibhasa , ang kupad - kupad ng Internet connection n'yo . Inaabot nang limang minuto kada isang click , " bubulung - bulong sa inis na sabi niya habang kinakapa ang bulsa ng suot niyang pantalon . She took out her money and counted all of it . Thirty seven pesos . Ibinalik niya ang mga iyon sa kanyang bulsa bago padabog na tumayo . Hindi na lang siya mag - e - extend ng time . Ni pangkain nga ng tanghalian ay kulang ang kanyang pera , ipambabayad pa kaya Internet shop . sa Internet ? Mabigat ang loob na lumabas siya ng Tabigui ? Hay , anong buhay ba meron ka , Marianella
Siya na yata ang pinakakawawang nilalang sa buong mundo . Halos dalawang buwan na siyang nagpapalabuy - laboy sa Maynila . Nakatakda pa siyang palayasin ng may - ari ng boardinghouse na tinutuluyan niya dahil wala na siyang maipambabayad sa renta .
Wala siyang kapera - pera , wala pang mahanap - hanap na trabaho . Ang pinakamasaklap sa lahat , ang akala ng buong pamilya niya ay nasa London siya at nagtatrabaho bilang nanny ng isang limang taong gulang na batang babae . Magpakamatay ka na lang kaya ? panggagatong pa ng isang bahagi ng isip niya . " Sorry po , Lord , " usal niya nang ma - realize ang itinatakbo ng isip niya . Hindi pa naman siya ganoon kadesperada at hindi pa siya nasisiraan ng bait upang makalimutan na kasalanang mortal ang naisip niyang iyon .
Ano na'ng gagawin ko sa buhay ko ? Lord , tulungan N'yo po ako . Pagod na pagod na po talaga ako . She fought the urge to cry . Galing siya ng Mikanya ay ang mama na lang niya ang naghahanapbuhay .
Hindi naman ganoon kalaki ang kinikita nito bilang isang elementary teacher at bukod sa pulos loan pa ito , may mga mine - maintain pang gamot ng papa niya na matagal - tagal nang nakatali sa wheelchair dahil sa pagkaka - stroke nito . Idagdag pang tatlo lahat ang dalawa sa kolehiyo . Dahil doon ay napagdesisyunan nag - aaral na mga kapatid niya - isa sa high school at niyang sunggaban ang trabahong nahanap sa Internet . Magiging nanny siya ng isang limang taon gulang na batang babae .
Sanay naman siyang mag - alaga ng bata kasi siya na sahod . Kaya hindi na siya nagdalawang - isip pa . ang panganay , idagdag pang medyo malaki ang offer Agad siyang nag - resign sa pinapasukang eskuwelahan at saka inihanda ang lahat ng mga kinakailangan niya Medyo malaki - laki rin ang nagastos niya dahil bukod sa mga papeles na kailangan niyang ihanda ay nagbayadndanao . She once worked there as a preschool teacher . Ngunit naliliitan siya sa kanyang kinikita dahil maliban sa pa siya ng placement fee sa travel agency .
Wala naman silang mapagkukunan ng panggastos sa lahat ng iyon kaya isinangla nila sa bangko ang tanging pag - aari nila ang bahay at lupa nila . Naisip niyang okay lang iyon , tutal , kapag nasa London na siya ay madali na lang niyang matutubos bumili iyon . Hindi lang iyon , puwedeng - puwede pa siyang ng mas malawak na lupa at magpagawa ng mas malaki pa Kaya heto siya ngayon , walang trabaho , walang pera , at magulung - magulo ang isip . Diyos ko po . Bigyan N'yo po ako ng lakas ng loob , piping dalangin niya habang wala sa sariling naglalakad .
" WHERE the hell are my socks ? " naiinis na tanong ni Jeremy sa kanyang sarili habang hinahalungkat niya ang kanyang mga gamit .
Nagkalat na ang mga damit niya sa buong paligid . Daig pa ang dinaanan ng Bagyong Ondoy ang hitsura ng kanyang silid . And it was all because he couldn't find a damned pair of socks ! " This is stupid ! " he cursed again while looking for his socks . At any other time , he would have called out for his Yaya Tacia . Alam nito kung nasaan ang lahat ng mga gamit niya — mula sa mahahalagang files niya hanggang sa personal belongings niya . Pero malayo nang tawagin niya ito dahil pumanaw na ito magtahay pagkatapos . Ngunit gumuho ang lahat ng pangarap niya nang pagdating niya sa Maynila ay hindi niya matagpuan ang travel agency na in - apply - an niya . Wala iyon sa address na ibinigay ng mga ito . Everything turned out to be a scam . tatlong taon na ang nakalilipas .
Namatay ito sa sakit sa puso . Mula nang mamatay ito ay naging hungkag na ang bahay niya . Nasanay na kasi siyang kasama ito sa buong buhay niya . Bata pa lang kasi siya ay ito na ang tagapag - alaga niya . Nang maghiwalay ang kanyang mga magulang ay tuluyan na siyang naiwan sa pangangalaga nito . Sa katunayan ay hindi na ito. nakapag - asawa dahil natutok na sa kanya ang buong atensiyon nito . He became her only family . Since madalang na nga niyang makasama ang kanyang mga magulang dahil nagkanya - kanya na ng buhay ang mga ito mas naging malapit ang loob niya kay Yaya Tacia kaysa sa sarili niyang ama at ina .
/0/27044/coverorgin.jpg?v=78ec43be4f346e2f30145b4f5682ca17&imageMogr2/format/webp)
/0/27887/coverorgin.jpg?v=20220602134713&imageMogr2/format/webp)
/0/27132/coverorgin.jpg?v=279f90c7d85f170225cd26c0aecedf00&imageMogr2/format/webp)
/0/26490/coverorgin.jpg?v=20230612200922&imageMogr2/format/webp)
/0/26237/coverorgin.jpg?v=4dc3b6cf3d06dcc5a91b4367e73cc086&imageMogr2/format/webp)
/0/26992/coverorgin.jpg?v=20220415102741&imageMogr2/format/webp)
/0/27885/coverorgin.jpg?v=20220602134213&imageMogr2/format/webp)
/0/26527/coverorgin.jpg?v=b010f9a50f4664e626e570d85a5eee10&imageMogr2/format/webp)
/0/27269/coverorgin.jpg?v=20220620092324&imageMogr2/format/webp)
/0/28855/coverorgin.jpg?v=601cb25ec3de850248dee5acc40744b7&imageMogr2/format/webp)
/0/26905/coverorgin.jpg?v=4bef5506dcb81657df27facdc7b54615&imageMogr2/format/webp)
/0/26821/coverorgin.jpg?v=24334d1f954b2b1b94364421046c84d6&imageMogr2/format/webp)
/0/26231/coverorgin.jpg?v=20220517101633&imageMogr2/format/webp)
/0/28858/coverorgin.jpg?v=18e020066c13b3fd946819b547ddfaba&imageMogr2/format/webp)
/0/93188/coverorgin.jpg?v=e61426ce8a1d50d39b44e1c5b535e995&imageMogr2/format/webp)
/0/26968/coverorgin.jpg?v=df067f42718ba55ec4d34a8473138d4c&imageMogr2/format/webp)
/0/27315/coverorgin.jpg?v=7cdc15872bfca845a127c24a117daa9a&imageMogr2/format/webp)
/0/26929/coverorgin.jpg?v=b7ceb4f22c82f1e2a143d26d3a991cc1&imageMogr2/format/webp)
/0/37834/coverorgin.jpg?v=ccba828a07a11fc5097d885e6d204dc0&imageMogr2/format/webp)