/0/26767/coverorgin.jpg?v=3b9a9bcf07cae93e0a40aff5c2f35870&imageMogr2/format/webp)
"Ang lakas ng ulan." Wika ko habang nakalabas ang kamay ko sa payong at dinadama ang bawat patak ng ulan.
Do you have that feeling? That particular feeling that you don't think something ground breaking will happen? You just expect that your day will go on just like any other day you experienced in your entire life?
Nagtuloy tuloy ako sa paglalakad kasabay ang ibang tao na naglalakad din sa ilalim ng ulan.
Yeah, me too. I expected today would be like my average days.
Sa paglalakad ko, nakabunggo ako ng isang lalaki na nagmamadaling lumalakad pa-alis at nakatalukbong ang suitcase na hawak niya sa kaniyang ulo.
"Sorr-" Magsosorry sana ako kaso nakalayo na. Napabuntong hininga na lang ako.
Tumigil ako sa may bus stop para makasilong at maghintay ng sasakyan pa-uwi.
Napatingin ako sa kabilang side ng kalye at nakita ko ang isang babae na may lavender na buhok, nakaputing damit at may dalang maleta. Nakatingin siya sa langit at nakatulala.
Nakatayo lang siya mag-isa roon at nakatitig lang sa taas. Walang pake kung mabasa siya ng ulan.
But I was wrong. That day was actually the start of everything unexpected in my life. Unimaginable and unexplainable things.
Habang nakatayo siya, may dumating na dalawang lalaki.
"Hoy ganda, need mo ba ng tulong?"
Lumingon ang babae sa gawi nila.
"Mag-isa ka ba? Gusto mong sumama sa amin?" Tinitigan siya ng mga ito mula ulo hanggang paa.
"Oo nga, kami na bahala sayo."
Lumapit ang lalaking naka-sunglasses sa babae at sinubukan siyang akbayan pero hinampas niya ang braso paalis.
"Oh! Naughty si miss!"
Nakangising pahayag ng lalaking nakasunglasses habang minamasahe ang kamay niyang nahampas.
"Huwag ka naman ganyan miss, gusto lang namin tumulong sayo..." Dagdag pa ng lalaking kasama ng nakaglasses.
Kumunot ang noo ko. "Ginugulo nila si ate."
Umalis ako sa kinatatayuan ko at tumakbo palapit sa pwesto ng babae at dalawang lalaki. Pagkalapit ko, agad kong tinapat ang payong ko sa babae.
Kitang kita ko ang pagtataka sa mukha ng babae dahil sa ginawa ko.
Ngumiti ako nang malaki. "Nandito ka lang pala! Kanina pa kita hinahanap!" Wika ko na parang magkakilala kami kahit hindi naman.
Kinuha ko ang maleta niya. "Kanina ka pa hinihintay ni mama. Tara, uwi na tayo!" Dagdag ko.
Nakangiti pa rin ako tapos tinignan ko naman ang dalawang lalaki sa magkabilang gilid niyang pinagmamasdan kami.
"May kailangan ba kayo sa kapatid ko?" Kunwari curious ako.
"A-Ah wala!"
"O-Oo nga--tara na!"
Tapos tumakbo na sila paalis. Ako naman parang nabunutan ng tinik.
"Sorry kung umarte ako na kapatid kita, mukha kasing kinukulit ka nila eh." Wika ko tapos binaba ang maleta niya.
"It's okay." Monotone niyang sagot.
/0/26833/coverorgin.jpg?v=a761ef9aa575c5be24de3cf4f72d7159&imageMogr2/format/webp)
/0/26784/coverorgin.jpg?v=d563d658a98d023039b03e046ef8cdc5&imageMogr2/format/webp)
/0/27194/coverorgin.jpg?v=d2d97b6a70dfa8b2c7793f0f3f45b0ff&imageMogr2/format/webp)
/0/27040/coverorgin.jpg?v=f2b8aa1b56bbfc319a899c518e33c97f&imageMogr2/format/webp)
/0/26774/coverorgin.jpg?v=dc35f20d3b6661ebb9f6049b82e705f5&imageMogr2/format/webp)
/0/26503/coverorgin.jpg?v=07e28ed74bd9a6000981412c1b56a4f1&imageMogr2/format/webp)
/0/26670/coverorgin.jpg?v=85ae602045e4a2f5e21248efd468e01f&imageMogr2/format/webp)
/0/28493/coverorgin.jpg?v=a1fd0ef438989e3a49e6011b80b67de4&imageMogr2/format/webp)
/0/27070/coverorgin.jpg?v=c23ed03df5f06d2694b50563fd1343fd&imageMogr2/format/webp)
/0/26575/coverorgin.jpg?v=eead408615afb795e7c2d9db3326fb56&imageMogr2/format/webp)
/0/26538/coverorgin.jpg?v=20220801153424&imageMogr2/format/webp)
/0/26297/coverorgin.jpg?v=20220429135548&imageMogr2/format/webp)
/0/27699/coverorgin.jpg?v=20230630080310&imageMogr2/format/webp)
/0/26769/coverorgin.jpg?v=e2271d183cd9db66e2c715e04a69c578&imageMogr2/format/webp)
/0/26937/coverorgin.jpg?v=caf27ee85ce1cf27f4bb84d19e2d94a3&imageMogr2/format/webp)
/0/26679/coverorgin.jpg?v=20220415102713&imageMogr2/format/webp)
/0/37331/coverorgin.jpg?v=20230104200435&imageMogr2/format/webp)