Login to MoboReader
icon 0
icon MAG-TOP UP
rightIcon
icon Kasaysayan ng Pagbasa
rightIcon
icon Mag-log out
rightIcon
icon Kunin ang APP
rightIcon
When Butterflies Appear

When Butterflies Appear

Mystiforic

4.5
Komento(s)
440
Tingnan
20
Mga Kabanata

Dillon is nothing special, just your regular high school boy with average life, just dreaming to have peaceful days in front of him but all of these change when Sylvia Perez, the girl with the ability to see if someone's going to die, appears one day. Now, he's involved with her secrets, will they uncover the mystery revolving Sylvia?

Chapter 1 THE GIRL WITH GOLDEN EYES

"Ang lakas ng ulan." Wika ko habang nakalabas ang kamay ko sa payong at dinadama ang bawat patak ng ulan.

Do you have that feeling? That particular feeling that you don't think something ground breaking will happen? You just expect that your day will go on just like any other day you experienced in your entire life?

Nagtuloy tuloy ako sa paglalakad kasabay ang ibang tao na naglalakad din sa ilalim ng ulan.

Yeah, me too. I expected today would be like my average days.

Sa paglalakad ko, nakabunggo ako ng isang lalaki na nagmamadaling lumalakad pa-alis at nakatalukbong ang suitcase na hawak niya sa kaniyang ulo.

"Sorr-" Magsosorry sana ako kaso nakalayo na. Napabuntong hininga na lang ako.

Tumigil ako sa may bus stop para makasilong at maghintay ng sasakyan pa-uwi.

Napatingin ako sa kabilang side ng kalye at nakita ko ang isang babae na may lavender na buhok, nakaputing damit at may dalang maleta. Nakatingin siya sa langit at nakatulala.

Nakatayo lang siya mag-isa roon at nakatitig lang sa taas. Walang pake kung mabasa siya ng ulan.

But I was wrong. That day was actually the start of everything unexpected in my life. Unimaginable and unexplainable things.

Habang nakatayo siya, may dumating na dalawang lalaki.

"Hoy ganda, need mo ba ng tulong?"

Lumingon ang babae sa gawi nila.

"Mag-isa ka ba? Gusto mong sumama sa amin?" Tinitigan siya ng mga ito mula ulo hanggang paa.

"Oo nga, kami na bahala sayo."

Lumapit ang lalaking naka-sunglasses sa babae at sinubukan siyang akbayan pero hinampas niya ang braso paalis.

"Oh! Naughty si miss!"

Nakangising pahayag ng lalaking nakasunglasses habang minamasahe ang kamay niyang nahampas.

"Huwag ka naman ganyan miss, gusto lang namin tumulong sayo..." Dagdag pa ng lalaking kasama ng nakaglasses.

Kumunot ang noo ko. "Ginugulo nila si ate."

Umalis ako sa kinatatayuan ko at tumakbo palapit sa pwesto ng babae at dalawang lalaki. Pagkalapit ko, agad kong tinapat ang payong ko sa babae.

Kitang kita ko ang pagtataka sa mukha ng babae dahil sa ginawa ko.

Ngumiti ako nang malaki. "Nandito ka lang pala! Kanina pa kita hinahanap!" Wika ko na parang magkakilala kami kahit hindi naman.

Kinuha ko ang maleta niya. "Kanina ka pa hinihintay ni mama. Tara, uwi na tayo!" Dagdag ko.

Nakangiti pa rin ako tapos tinignan ko naman ang dalawang lalaki sa magkabilang gilid niyang pinagmamasdan kami.

"May kailangan ba kayo sa kapatid ko?" Kunwari curious ako.

"A-Ah wala!"

"O-Oo nga--tara na!"

Tapos tumakbo na sila paalis. Ako naman parang nabunutan ng tinik.

"Sorry kung umarte ako na kapatid kita, mukha kasing kinukulit ka nila eh." Wika ko tapos binaba ang maleta niya.

"It's okay." Monotone niyang sagot.

"Bakit nakatayo ka lang dito? Wala ka pang payong." Tanong ko. Baka magkalagnat siya niyan. Mahirap pa naman magkasakit ngayon.

"Naghihintay akong taxi." Sagot niya.

"Oh! Bago ka siguro dito. Hindi kasi nagsasakay ang mga sasakyan sa kinatatayuan mo."

"Oh."

Tinitigan ko siya mula ulo hanggang paa. Basang basa siya. Kanina pa siguro siya naghihinatay dito.

"Pwede akong tumawag ng taxi kung gusto mo." Alok ko.

Umiling siya. "That will be unnecessary. I don't want to trouble you."

"Naku okay lang! I insist. Oh heto." Inabot ko sa kaniya ang payong ko at tumakbo pabalik kung saan ako nanggaling kanina. Pumara ako ng taxi at ilang tawag ko lang ay may umandar na palapit sa akin.

Natuwa naman ako kaya masaya kong tinawag iyong babae palapit sa pwesto ko. Sumunod naman siya.

"Ito na!" Masaya kong pagpapakita sa kaniya ng taxi.

"Thanks..."

Binuhat niya ang maleta niya at pinasok sa taxi. Binalik niya rin ang payong ko. Pasakay na sana siya kaso parang may nakakuha ng tingin niya. Napatingin siya sa bandang kaliwa namin, napatingin din tuloy ako.

Nakatingin siya sa banda ng mga nagpapamigay ng flyers at nagtitinda ng mga tusok tusok.

"An accident huh?" Bulong niya na pinagtaka ko.

Ano raw?

Hindi nagtagal, pumasok na siya sa taxi at sinara ang pinto ng sasakyan pero tinignan niya ako sa nakabukas na bintana.

"What is your name?" Tanong niya.

"Ako?" Tinuro ko ang sarili ko. "Dillon. Dillon Castillo po."

"Kapag nagkita tayo ulit, I will repay you."

"Naku no need!" Wika ko. Hindi niya naman ako kailangan bayaran.

Hindi siya nagsalita at tinitigan lang ako. Napatitig din tuloy ako sa kaniya at doon ko napansin na may golden eyes pala siya.

It's mesmerizing.

Like it's pulling you towards them and looking deep down at your being.

Very allurring...

Very beautiful...

"Bye."

Napapikit pikit ako. Hala natulala pala ako sa kaniya! Nakakahiya!

"A-Ah bye!"

Hindi na siya humarap sa akin kaya hindi ko na nakita ang mata niya. Pagkatapos, umandar na ang taxi paalis, leaving me all alone.

I didn't know it at that time but she was actually the catalyst for events that was about to happen.

Magpatuloy sa Pagbasa

Magugustuhan mo rin

Lihim na Anak ng Lalaki, Kahihiyan ng Babae sa Madla

Lihim na Anak ng Lalaki, Kahihiyan ng Babae sa Madla

Gavin
5.0

Ako si Aliana Donovan, isang resident physician, na sa wakas ay muling nakasama ang mayamang pamilyang nawalay sa akin mula pagkabata. Mayroon akong mapagmahal na mga magulang at isang gwapo't matagumpay na fiancé. Ligtas ako. Minamahal ako. Isa itong perpekto, ngunit marupok na kasinungalingan. Nabasag ang kasinungalingan isang Martes nang matuklasan kong ang fiancé ko, si Ivan, ay wala sa isang board meeting kundi nasa isang malawak na mansyon kasama si Kiera Reese, ang babaeng sinabi nilang nagkaroon ng mental breakdown limang taon na ang nakalipas matapos akong subukang i-frame up. Hindi siya kahiya-hiya; nagliliwanag siya, hawak ang isang batang lalaki, si Leo, na humahagikgik sa mga braso ni Ivan. Narinig ko ang kanilang usapan: si Leo ay anak nila, at ako ay isang "placeholder" lamang, isang paraan para makuha ang gusto nila hanggang sa hindi na kailanganin ni Ivan ang koneksyon ng pamilya ko. Ang mga magulang ko, ang mga Donovan, ay kasabwat dito, pinopondohan ang marangyang buhay ni Kiera at ang kanilang lihim na pamilya. Ang buong katotohanan ko—ang mapagmahal na mga magulang, ang tapat na fiancé, ang seguridad na akala ko'y natagpuan ko na—ay isang maingat na itinayong entablado, at ako ang tangang gumaganap sa pangunahing papel. Ang kaswal na text ni Ivan, "Kalalabas lang ng meeting. Nakakapagod. Miss na kita. See you at home," habang nakatayo siya sa tabi ng kanyang tunay na pamilya, ang huling dagok. Akala nila kaawa-awa ako. Akala nila tanga ako. Malalaman nila kung gaano sila nagkakamali.

Mga Kabanata
Basahin Ngayon
I-download ang Aklat