/0/26503/coverorgin.jpg?v=07e28ed74bd9a6000981412c1b56a4f1&imageMogr2/format/webp)
Halos lumipad na ako sa pagtakbo nang sobrang bilis papuntang room. Paano ba naman kasi, hindi ako ginising ng kapatid ko nagkataon pa na may ibe-bake kami ngayon.
"Mabubungangaan na naman ako nito," bulong ko sa aking sarili at mas binilisan pa ang pagtakbo.
Humaharang na sa mukha ko ang walang suklay na mahaba kong buhok pero wala muna akong pakialam.
Kahit habol ang hininga ay nakangiti akong napahinto malapit sa room.
"Mukhang hindi pa ako late, nandito pa sila," sabi ko habang tinatanaw ang iilang tao na nasa loob.
"Hoy bakla! Anong nginingiti-ngiti mo diyan? Para kang baliw, late ka na nga, e,"
Tumigil ako sa pagngiti at nagtatanong ang mga matang tinignan ang nagsabi n'on.
"Anong late? Nasa room pa nga ang classmates natin," ani ko saka tinuro ang classroom.
"Tanga! Ibang section 'yan, kanina pa kami nasa lab. O siya mauna na ako may inuutos pa si sir. Ciao!"
"Teka lang, Jestoni!" Habol ko.
"It's Jessi, not Jestoni," maarteng pagkakabigkas nito. "Oh I forgot, ikaw na pala 'yung kumuha ng mga malaking container sa canteen."
Pagkatapos sabihin iyon ni Jessi ay tumalikod na siya at iniwan akong mag-isa rito.
'Di na talaga siya makaka-kopya sa 'kin.
"Napakamalas talaga, arggh!" I stomped my feet in so much frustration.
Nakabusangot akong naglakad papuntang canteen. Kasalanan talaga 'to ng kapatid ko, paulit-ulit ko pang sinabi sa kanya na gisingin ako nang maaga pero wala. Hays.
'Pero okay na rin 'to, bawas sermon, hehe' isip ko.
Ano kaya pwedeng gawin para hindi ako matakam sa ibe-bake namin ngayon? Hindi ko naman naisip na pwede pa lang mangyari 'to, gusto ko lang naman mag-bake at magpatayo ng sariling pastry sa future pero hindi ko naman akalain na ganito kahirap magpigil.
Marupok pa naman ako sa pagkain. Buti nga kahit papaano ay napipigilan ko ang sarili kong pumapak. I'm so proud.
"Ano ba 'yan ang sikip!" malakas na sabi no'ng babae sa 'di kalayuan dahilan para mahinto ako sa paglalakad.
Masikip? Ang laki pa nga ng space palibot sa kaniya.
"Sinabi mo pa. Bakit kasi may dambuhala rito?" sabi naman no'ng isa.
Nagtawanan sila ng mga kaibigan niya habang pasulyap-sulyap sa lalaking nasa harapan nila.
Parang nakita ko na siya somewhere.
Nakatayo ito at at may hawak na malaking burger at large coke sa magkabilang kamay. Nakasuot ito ng makapal na salamin, hindi naman siya sobrang mataba. Matangkad lang siguro siya malaman, dagdag pa na malaking polo shirt at pantalon ang suot niya. Mas lalo siya nagmumukhang malaki.
Dire-diretso lang siyang naglakad na para bang walang naririnig at nakikita sa paligid niya.
"Miss! Lumayo ka nang kaunti baka maipit ka!" sigaw sa 'kin ng babae.
Inis ko silang binalingan at akmang pagsasabihan na mali ang ginagawa nila nang mawala sa paningin ko ang lalaki kasabay nang pagbalik ko sa katinuan.
May kukunin pa pala ako. Lagot!
/0/27070/coverorgin.jpg?v=c23ed03df5f06d2694b50563fd1343fd&imageMogr2/format/webp)
/0/27081/coverorgin.jpg?v=ae7cd4c463475f014377a14a8c2e0b33&imageMogr2/format/webp)
/0/26679/coverorgin.jpg?v=20220415102713&imageMogr2/format/webp)
/0/28855/coverorgin.jpg?v=601cb25ec3de850248dee5acc40744b7&imageMogr2/format/webp)
/0/31649/coverorgin.jpg?v=f19a61aa99c9da81aba0178b17f25912&imageMogr2/format/webp)
/0/26670/coverorgin.jpg?v=85ae602045e4a2f5e21248efd468e01f&imageMogr2/format/webp)
/0/28493/coverorgin.jpg?v=a1fd0ef438989e3a49e6011b80b67de4&imageMogr2/format/webp)
/0/26575/coverorgin.jpg?v=eead408615afb795e7c2d9db3326fb56&imageMogr2/format/webp)
/0/26538/coverorgin.jpg?v=20220801153424&imageMogr2/format/webp)
/0/27510/coverorgin.jpg?v=20220704085405&imageMogr2/format/webp)
/0/26297/coverorgin.jpg?v=20220429135548&imageMogr2/format/webp)
/0/27699/coverorgin.jpg?v=20230630080310&imageMogr2/format/webp)
/0/26769/coverorgin.jpg?v=e2271d183cd9db66e2c715e04a69c578&imageMogr2/format/webp)
/0/27575/coverorgin.jpg?v=f64030d947de1fa798bf156c495775db&imageMogr2/format/webp)
/0/26937/coverorgin.jpg?v=caf27ee85ce1cf27f4bb84d19e2d94a3&imageMogr2/format/webp)
/0/26505/coverorgin.jpg?v=c897e2a61a1f1f15a9dd40fa6fabf6c1&imageMogr2/format/webp)
/0/26681/coverorgin.jpg?v=f783904fcf60f0a14b684d36d179742a&imageMogr2/format/webp)
/0/27599/coverorgin.jpg?v=9c113076c145ad59895cbd43e68a497a&imageMogr2/format/webp)