/0/72994/coverorgin.jpg?v=4b32fd478aa3241bb78f9467437a2be5&imageMogr2/format/webp)
WOAH! ETO NA BA YON?
Nakanganga ako habang pinagmamssdan ang napakataas na building sa harap ko ngayon. Pinagpawisan ata ako nang malapot ah. Wew.
Naramdaman ko ang labis na kaba kaya sinilip ko ang oras. Exactly 8:00 am. Nakahinga ako nang maluwang. 8:30 ang simula ng interview at akala ko ay late na ako.
Nagmamadali akong pumasok sa loob at nagawa ko pang ngitian ang security guards. This is it. Magtatrabaho na talaga ako! Chos, apply palang.
Chineck ko kung may naiwan ako. Binulatlat ko ang hawak kong envelop. Resume, NBI clearance, Barangay clearance, bio-data at kung anu-ano pa.
First time kong mag-aapply ng trabaho sa ganto kalaki at hindi ko talaga alam ang kailangan. Sinabi lang ng kaibigan kong nagtatrabaho dito sa Le Veioumux na hiring daw tuwing first day of the month para sa iba't-ibang posisyon.
Grade 12 lang ang tinapos ko sa probinsya at katunayan, 1 month palang ako dito sa Maynila, naghahanap ng trabaho para na rin makatulong na kila mama sa mga gastusin maging sa pito ko pang kapatid na nagsisipag-aral din lahat. Iba-iba at wala akong makitang permanenteng trabaho sa one month ko rito.
Ako ang panganay, kambal na lalaki ang sumunod saakin, kasalukuyang 24 years old at kolehiyo na, graduating. Pareho silang may scholarship kasi matalino at masipag mag-aral. Kaya ko rin namang kumuha non pero paano naman ang kakainin namin? Hindi pwedeng iasa sa scholarship ang lahat, dapat may magsakripisyo. Ang pang-apat ay babae, 21 years old at 3rd year college naman, scholar din. Panglima ay 16 years old, Grade 11 student. Yung pang-anim ay Elementary ang bunso ay nasa pre-elem.
Matapos ang Senior high school ay nagtinda ako sa harap ng bahay namin ng kung anu-ano. Hindi nila afford na pag-aralin pa ako sa college since napakarami naming magkakapatid. Nagparaya na rin ako non, dinahilan ko nalang na mag-iipon ako kasi sabi ko ay sobrang mahal ng tuition ng napili kong kurso. Pero ang totoo ay ayokong dumagdag, sa halip ay gusto kong makatulong.
Nasa dugo na yata ng halos lahat ng panganay o nakatatanda ang pagpaparaya. Pagpaparaya hindi lamg para sa mga maliliit na bagay kundi pati na rin sa pag-aaral kung saan madalas na nakabase ang magiging future ng mga tao.
Wala naman talaga akong balak mag-Maynila pero ang nagtulak saakin ay nang ma-diagnose si mama ng stage 2 breast cancer last month din.
Nakakatawa dahil wala akong kahit anumang job experience sa kumpanya, hindi nagtapos ng college at bago palang sa Manila pero heto, dito ko naisipang mag-apply sa malaking kumpanya na to. Lakas nang loob lang ang puhunan ko. Hays. Pero sa totoo lang? May laban din naman ako sa usapang utak. Kaya nga maramig nanghinayang nang malaman ng mga kapitbahay na hindi ako magkokolehiyo noon. Kilala kasi akong masipag at matalinong estudyante. Graduate ng Valedictorian sa Elementary at pati na rin highschool.
Kaso dito sa Maynila, hindi naman iyon ang puhunan. Kaya pati lakas ng loob, tibay ng buto e binaon ko na rin.
Tumakbo ako nang mapansin na pasarado na ang elevator. "Wait po!" Sigaw ko para marinig ako ng nasa loob pero hindi ako pinansin o sadyang hindi lang ako nito narinig. Mabuti at mabilis ako kaya napigilan ko. Hinarang ko ang kamay ko saka nagmamadaling pumasok.
Hingal na hingal akong pumasok sa loob pero nagtaka ako nang pag-angat ng tingin ay hindi pa sumasara ang pinto. Ano yan, nung tinatakbo ko papunta rito, ang bilis pero ngayong nasa loob na ako, ayaw na?
Kaso, napasimangot ako nang makitang naroon ang kamay ng katabi ko.
"Excuse me, mejo nagmamadali po kasi—"
"Get out." Kinabahan ako nang marinig ang baritonong boses na iyon. Nilingon ko ang katabi ko at ganoon nalang ang pagkamangha ko nang makita ang napakagwapo niyang mukha!
Omg, parang siya yung mga bidang lalaki sa isang pelikulang bampira! Hindi sobrang puti ng kutis nya pero tila hindi iyon naaarawan dahil napakakinis talaga. Sobrang napanganga ako. Ang kapal ng kilay, seryoso ang mukha pero nakakaakit ang kulay green na mga mata, matangos ang ilong at mamula mula ang mga labi.
/0/27087/coverorgin.jpg?v=20220519150157&imageMogr2/format/webp)
/0/27070/coverorgin.jpg?v=20220730073848&imageMogr2/format/webp)
/0/26679/coverorgin.jpg?v=20220415102713&imageMogr2/format/webp)
/0/31649/coverorgin.jpg?v=20221009152750&imageMogr2/format/webp)
/0/26503/coverorgin.jpg?v=07e28ed74bd9a6000981412c1b56a4f1&imageMogr2/format/webp)
/0/26670/coverorgin.jpg?v=20220415102722&imageMogr2/format/webp)
/0/28493/coverorgin.jpg?v=a1fd0ef438989e3a49e6011b80b67de4&imageMogr2/format/webp)
/0/26575/coverorgin.jpg?v=20220415102700&imageMogr2/format/webp)
/0/26538/coverorgin.jpg?v=20220801153424&imageMogr2/format/webp)
/0/27510/coverorgin.jpg?v=20220704085405&imageMogr2/format/webp)
/0/26297/coverorgin.jpg?v=20220429135548&imageMogr2/format/webp)
/0/27699/coverorgin.jpg?v=20230630080310&imageMogr2/format/webp)
/0/26769/coverorgin.jpg?v=20220415102716&imageMogr2/format/webp)
/0/27575/coverorgin.jpg?v=20220606104042&imageMogr2/format/webp)
/0/26937/coverorgin.jpg?v=caf27ee85ce1cf27f4bb84d19e2d94a3&imageMogr2/format/webp)
/0/26681/coverorgin.jpg?v=20220422210348&imageMogr2/format/webp)
/0/26505/coverorgin.jpg?v=20220425012959&imageMogr2/format/webp)
/0/27599/coverorgin.jpg?v=20220513120846&imageMogr2/format/webp)
/0/27029/coverorgin.jpg?v=20220620092326&imageMogr2/format/webp)