/0/27149/coverorgin.jpg?v=e62fc6687ae6c479c82864af86b1f61e&imageMogr2/format/webp)
Inchie Kim
Natatakot ako 'yun ang nararamdaman ko ngayon. gusto kong tumakbo at lumayo, pero hindi ko magawa dahil malalagay sa kahihiyan ang buo kong pamilya ng dahil sa kasunduan na ito.
Dag-dag pang handa na ang lahat para sa kasal, katunayan nga n'yan nakasuot na ako ng wedding gown, at ilang minuto na lang ay mag uumpisa na akong mag-lakad patungo sa aking ka sumpa-sumpang buhay may asawa.
Grabe hindi ko talaga ma-feel ang kasal na ito feelings ko track and field runner ako na ready ng tumakbo ang bata kopa para maikasal sa lalaking ni minsan ay hindi ko pa nakikita.
Naaawa talaga ako sarili ko pero wala akong magawa. Naisip ko tuloy si Kian.
Sana pigilan nito ang kasal ko.
Nasa ganun akong pag iisip ng makita kong pumasok si Mommy sa kwartong akupado ng bride.
''Inchie anak two minutes na lang magsisimula ka ng lumakad, ang mga abay ay nakahanda na. kaya mag-handa kana rin huh?'' wika ni mommy na lumapit agad sa akin saka agad akong niyakap kaya niyakap ko din ito ng sobrang higpit.
''Ayos ka lang ba anak?'' tanong ni mommy sa akin na tinanguan ko lang. Wala kasi akong masabi kaya hindi nalang ako nag salita.
''Salamat anak at hindi mo kami binigo ng dad mo, alam kong nahihirapan ka sa sitwasyon mo.'' sabi ulit ni mom.
''Okay lang ako Mom, 'wag n'yo po akong alalahanin.'' sabi ko kay Mom ng nakangiti para isipin ni Mommy na okay lang talaga ako kahit ang totoo ay hindi.
''Ate Inchie, susunod na 'daw po kayo kaya maghanda na 'daw po kayo.'' sabi ni Karen, ang pinaka bata kong pinsan, na agad ding umalis at bumalik sa loob.
Sa totoo lang gusto ko ng pabukahin ang lupa, tapos open arms akong magpapatihulog makatakas lang sa kasal na ito,
pero hindi nga lang nangyari 'yon bagkos si dad naman ang dumating at niyakap ako ng mahigpit.
''Napaka -ganda mo anak. Pero ayos ka lang ba anak? Pasensya ka na kung nahihirapan ka sa sitwasyon mo ngayon, pero alam kong magugustuhan at mamahalin mo rin si Kaze mabait na bata ito.'' Sabi ni Dad sa akin saka ako binitiwan at hinawakan sa magka bilang balikat.
'''Wag po ninyo akong alalahanin Dad kaya ko ito. hindi naman po siguro mukhang halimaw 'yung ipapasakal n'yo sa akin di'ba dad?'' tanong ko na ikinatawa ng Dad ko saka nito ini offer ang braso niya upang kapitan ko habang lumalakad at papalapit sa lalaking nakatakda kong makasama habang buhay.
'' Ikaw talagang bata ka.'' nasabi ni dad sa akin habang pinipisil ang palad kong nanlalamig sa sobrang kaba.
''Tara na po dad, bago tumakbo ang mga paa ko'' aya ko kay dad kahit parang hirap na hirap akong ilakad ang mga paa ko papasok.
''Mabuti pa nga.'' sabi nito saka kami lumakad.
At nang malapit na ako sa pinto kung saan ang pagdadausan ng kasal,
Hindi ko inaasahan na bigla nalang tutulo ang mga luha ko, habang pumapasok na sa loob.
Bahagya ko pa ngang itiningala ang aking mukha upang tignan ang mga nasa paligid ko, pero wala akong makita dahil na rin siguro sa hilam na ng mga luha ko ang aking mga mata.
Pero kahit papaano naman ay
Bahagya kong naaaninagan ang lalaking aking papakasalan, pero hindi kasing linaw upang masabing gwapo ito, dahil hilam nga ang mga mata ko ng mga luha ko.
Hanggang sa naramdaman ko nalang na hinawakan ni dad ang kamay ko at ipinasa sa tinatawag nitong Kaze kanina. naramdaman kong tinanggap nito ang kamay ko saka ako nito inalalayan pahakbang patungo sa harap ng magkakasal sa amin.
Hindi ko tuloy mapigilan ang pagtulo ng mga luha ko feeling ko talaga parang gripo na yung mata ko at walang tigiĺ ng tulo.
Sa totoo lang wala akong maintindihan sa sinasabi sa amin ng nagkakasal basta ang alam ko lang para akong nasa ulap at lumulutang lang.
Nang bigla pisilin ni Kaze ung kamay ko at sundut sundutin ang tagiliran ko, kaya naman bigla kong naibaling ang tingin ko dito.
Wow close? sabi ko sa sarili ko saka niya ako muling sinundot sa tagiliran na naging dahilan ng pag igtad kong muli.
At sabay bulong nito nang?
/0/26816/coverorgin.jpg?v=f4fb041dc0a3d36ddabbb2c9f36623db&imageMogr2/format/webp)
/0/35609/coverorgin.jpg?v=20230417143150&imageMogr2/format/webp)
/0/44810/coverorgin.jpg?v=20230930231748&imageMogr2/format/webp)
/0/26594/coverorgin.jpg?v=f217bdb8d48eddd5f762761230169d2c&imageMogr2/format/webp)
/0/28433/coverorgin.jpg?v=20230803092813&imageMogr2/format/webp)
/0/27888/coverorgin.jpg?v=20220709115506&imageMogr2/format/webp)
/0/26589/coverorgin.jpg?v=20220524230758&imageMogr2/format/webp)
/0/99088/coverorgin.jpg?v=96b1a4251a181b9da753299c41fbb61f&imageMogr2/format/webp)
/0/99085/coverorgin.jpg?v=b5f7638b0d9f80a8b3490cda80fb055b&imageMogr2/format/webp)
/0/27552/coverorgin.jpg?v=977b86919ccbb35992f7d5a11c92028e&imageMogr2/format/webp)
/0/98619/coverorgin.jpg?v=29921559f56e634348bb2a1b71b7594e&imageMogr2/format/webp)
/0/26786/coverorgin.jpg?v=d8cde9c7dfc474690b67d18a5290fd81&imageMogr2/format/webp)
/0/27321/coverorgin.jpg?v=017bbe7a46d8261390baa1169508855b&imageMogr2/format/webp)
/0/28848/coverorgin.jpg?v=6a25f50c4d8c435de0fcdfd1543364c8&imageMogr2/format/webp)
/0/31702/coverorgin.jpg?v=029c6a23635a0ddfef516eeb4b2bba7a&imageMogr2/format/webp)
/0/92204/coverorgin.jpg?v=19b4a9d0f53d047a2c44c2cc2b5d5743&imageMogr2/format/webp)
/0/26327/coverorgin.jpg?v=20220421160011&imageMogr2/format/webp)
/0/26687/coverorgin.jpg?v=ee2583cbf3773f6f4b3c1a8e64934930&imageMogr2/format/webp)