/0/26832/coverorgin.jpg?v=280fb19d1beed3b153d54a31785339aa&imageMogr2/format/webp)
"Hindi ka sasama kay Maris patungong Japan!" Ang dumadagundong na boses ni Manong Leroy ang pumukaw sa mga luhang kanina pa pinipigilan ni Lera.
Niyakap siya ng inang si Nora, na pinapahupa ang mainit na tensyon sa pagitan ng mag-ama.
Kakatuntong pa lamang niya sa legal na edad nang nakaraang buwan, nang ayain siya ni Maris, matalik niyang kaibigan, na sumama sa tiyahin nito patungong Japan.
"Itay, mataas raw po magpasahod ang mga hapon sabi ng tiyahin ni Maris. Nakita n'yo po ba ang ipinapagawa niyang konkretong bahay? Katas po iyon ng pagtatrabaho niya sa Japan. Gusto ko lang naman po na makaahon tayo sa hirap."
Sunod-sunod na lumuha si Lera ngunit hindi siya nag-abalang punasan iyon. Nais niyang ipaunawa sa mga magulang na para sa kanila ang kagustuhan niyang magtrabaho sa ibang bansa.
"Mag-aaral ka at hindi magsasayaw sa harap ng mga hapon!" Kunot na kunot ang noo ng kan'yang ama at matalim ang titig na ipinukol sa kan'ya. Hindi ito galit sa anak, bagkus ay sa kan'yang sarili dahil kahit ano'ng pagsusumikap niyang mabigyan ng masaganang buhay ang pamilya ay nananatili pa din silang mahirap.
Magsasaka ang ama ni Lera sa malawak na lupain ng pamilya Valle, ang pinakamayamang pamilya sa Sta. Ignacia. Ang kan'yang ina naman ay naninilbihan bilang kasambahay sa mansyon ng alkalde ng kanilang bayan.
Binitiwan siya ng ina at masuyong inalo ang kan'yang ama.
"Hindi po ako magsasayaw doon katulad ng iniisip n'yo, waitress po ang magiging trabaho namin doon." Gustuhin niya man mag-aral ay alam niyang imposible iyon.
Baon na sila sa utang dahil sa pagkakasakit ng nag-iisa niyang bunsong kapatid, na si Mikoy.
"Hindi ka aalis!" Pinal na sabi ng kan'yang ama subalit umiling siya bilang pagtutol.
Kinuha niya ang bag na naglalaman ng kan'yang mga damit. Niligpit niya iyon kanina upang dalhin sa pag-alis nila bukas ni Maris kasama ang tiyahin nito.
Nakayuko niyang hinarap ang mga magulang.
"Nasa tamang edad na po ako para magdesisyon sa sarili ko. Para po ito sainyo. Maiintindihan n'yo rin po ako kapag nakarating na ako doon."
Nahihiya siya na suwayin ang mga magulang sa unang pagkakataon. Buong buhay niya ay ngayon lamang siya hindi susunod sa mga ito.
Hindi niya na nakita pa ang reaksyon ng magulang dahil tumakbo na siya paalis. Maging ang pagtawag ng kan'yang kapatid at ina sa pangalan niya ay hindi naging dahilan upang lumingon siya at bumalik dito.
Lumaki siya sa payak na pamumuhay. Kumakain sila sa tamang oras at naibibigay ng kan'yang mga magulang ang mga pangangailangan nila. Subalit, nagbago iyon nang magkaroon ng komplikasyon sa baga ang kapatid niya. Nabaon sila sa utang, na hindi niya alam kung hanggang kailan nila matatapos bayaran.
Hindi niya maatim na makitang halos magkandakuba-kuba na ang kan'yang ama't ina sa pagtatrabaho. Hindi niya nanaisin na maging ang pag-aaral niya sa kolehiyo ay dumagdag pa sa pasanin ng mga ito.
Gamit ang kanang kamay ay pinahid niya ang luha sa kan'yang mga mata. Tumingala siya sa kalangitan at nakita ang napakaraming bituin na nakapalibot sa bilugang buwan.
"Pagdating ko sa Japan ay ang langit na ito pa din ang makikita ko. Wala naman magbabago, parehong hangin pa din ang malalanghap ko."
Niyakap niya ang maliit na bag na naglalaman ng kaunti niyang mga damit.
Lumingon siya sa daang tinahak niya kanina.
"Pangako inay, itay, at Mikoy, iaahon ko kayo sa hirap." Tumalikod na siya at muling tinahak ang masukal at madilim na daan patungo sa kabukiran kung saan nakatira si Maris.
Malapit na ang bahay ni Maris dahil natatanaw niya na ang ilaw ng mga kabahayan. Bibilisan niya sana ang paglalakad nang mapahinto siya ng isang mahinang halinghing.
"Tulong!" boses ng isang babae ang narinig niya kasunod ng napakalakas na tunog ng tila pagsampal.
Puno ng talahib ang gilid ng daan ngunit ang liwanag ng buwan ang nagsilbing ilaw niya upang makita kung saan nagmumula ang ingay.
Nakita niya ang tila pagbubukas ng zipper ng pantalon ng dalawang malalaking lalaki habang nakasalampak naman sa talahiban ang isang babae.
Napasinghap siya nang maunawaan kung ano ang nangyayari. Nagkubli siya sa malaking puno ng narra habang nag-iisip kung ano ang nararapat gawin.
Pinalaki siyang mabuting tao at matulungin sa kapwa. Hindi niya maaatim na iwanan ang babaeng humihingi ng tulong sa ganoong sitwasyon.
/0/26231/coverorgin.jpg?v=20220517101633&imageMogr2/format/webp)
/0/26521/coverorgin.jpg?v=4b969aa6e7f8781cd45300acba3a7df5&imageMogr2/format/webp)
/0/27018/coverorgin.jpg?v=20220608115452&imageMogr2/format/webp)
/0/73575/coverorgin.jpg?v=d8feb2cb3169572d8f6c86d09bb0830d&imageMogr2/format/webp)
/0/27557/coverorgin.jpg?v=20230913092425&imageMogr2/format/webp)
/0/84831/coverorgin.jpg?v=f7a4af576695ec5c2baf573197c0f262&imageMogr2/format/webp)
/0/27035/coverorgin.jpg?v=8c47864885a50dabbea5229481bdda8b&imageMogr2/format/webp)
/0/26711/coverorgin.jpg?v=ff2c5d52ee2695f05fa7aab50b98eab4&imageMogr2/format/webp)
/0/72994/coverorgin.jpg?v=4b32fd478aa3241bb78f9467437a2be5&imageMogr2/format/webp)