/0/26317/coverorgin.jpg?v=04c8429f423acbc4c8b033ed052d5ad7&imageMogr2/format/webp)
Kabanata 1
Jerusalem (32 CE)
"ANO sa tingin niyo? Sino ang dapat kong palayin sa kanilang dalawa? Ang kriminal na ito o ang tinatawag niyong Kristo?" tanong Gobernador sa mga tao. Habang nakaupo ang Gobernador sa harap ng maraming tao ay may ibinulong ang kanyang asawa. Matirik ang araw at tanging ang alikabok ng mga karwaheng binabagtas ang lansangan ang nasa paligid.
"Binayaran ng mga punong saserdote ang mga tao na ang kriminal na iyan ang palayain," bulong sa akin ni Renara, maraming tao sa paligid kaya't hininaan niya ito.
"Isa ka bang huwad? P-paano ka nakasisigurado?" Tinaasan ko siya ng kilay. Hinila ko siya mula sa napakaraming tao at idinala sa likod ng isang karwahe. "Paano mo nalaman? Mapapahamak ka sa iyong winiwika."
"Binigyan ng mga saserdote ang aking asawa kanina ng salapi." May kinuha siya sa kanyang bulsa at ipinakita sa akin ang apat na drakma. "Naniniwala ka na ba, Elersa?"
Muling sumigaw ang kapita-pitagang gobernador at tinanong sa mga tao kung sino dapat ang palayain. Parami nang parami ang mga tao na dumadalo sa paglilitis at ang karamihan ay nagsisiksikan na. Nagkagulo ang lahat habang sumisigaw.
"Sa kanya? Ano ang dapat kong gawin sa kanya?!?" tanong niya muli at itinuro ang lalakeng pamilyar sa akin, nakatayo ito malapit sa isang kriminal. Maaliwalas ang kanyang mukha at pinapanood lamang ang sangkatauhan habang nakagapos ang kanyang mga kamay.
Para sa akin, wala siyang ginagawang anumang masama, nadinig ko na ang mga turo at payo niya sa mga tao. Nasaksihan ko na ang kanyang mga himala. Ang pagpapakain nya sa libo-libong mga tao at ang mga pagpapagaling niya sa mga may malubhang karamdaman
Ako'y nagtataka rin kung bakit siya dinakip ng mga guwardiya sibil.
"Patayin siya!" sigaw ng mga tao. Nakita ko rin ang asawa ni Renara na sumisigaw rin nito.
"Ano bang kanyang kasalanan? Bakit ganyan ang inyong nais?" tanong ng Gobernador na animo'y inililigtas ang lalake sa kamatayan. Nakita ko rin ang kanyang Ina na labis-labis ang pag-iyak sa kalagitnaan ng maraming tao kasama ang kanilang mga kamag-anak. Pilit silang sumisigaw ngunit mas nangingibabaw ang sigaw ng mga tao.
"Patayin siya!" Mas lalong gumugulo ang mga tao. Nang naulinigan ng Heneral na hindi nagustuhan ng mga tao ang kanyang tanong, napaubo siya. Kumuha siya ng tubig at hinugasan ang kanyang mga kamay sa harap ng mga hindi magkamayaw na tao.
"Hindi ako ang may kagagawan nito. Kayo ang may pananagutan sa naging desisyon. Ipako siya," saad ng Heneral. Iniutos niya sa mga guwardiya sibil na palayain ang lalakeng kriminal na malaki ang ngiti. Naglakad na ang Heneral papalayo at iniwan ang mga nagsisigawang tao.
"Kami at ang aming mga pamilya ang may pananagutan!" sigaw ng buong bayan. Nagulat ako nang may lalakeng humawak sa aking pulsuhan, gulat akong napatingin sa kanya.
"Kailangan na nating umalis, Elersa!" Seryoso ang mukha ng aking asawa, namamawis at hapong-hapo rin ang kanyang mukha na animo'y nagmamadali. Hawak niya sa kamay ang aming anak na apat na taong gulang. Hinila niya ako papalayo sa mga tao at dinala sa isang lilim ng puno ng olibo, isinuot niya sa akin ang aking talukbong dahilan upang hindi makita ang aking mukha.
/0/27314/coverorgin.jpg?v=7443ff79b0e5b3d79ff2bc2ddfaee4f6&imageMogr2/format/webp)
/0/92526/coverorgin.jpg?v=03dbff21395ff5650de4a4a679c9601d&imageMogr2/format/webp)
/0/28122/coverorgin.jpg?v=8d280fc64b32dd475192061d384e2230&imageMogr2/format/webp)
/0/26299/coverorgin.jpg?v=5f24e3e83ec3633d2e5607a66bb6716f&imageMogr2/format/webp)
/0/27611/coverorgin.jpg?v=0907ef20b00942565414aca154480356&imageMogr2/format/webp)
/0/27132/coverorgin.jpg?v=279f90c7d85f170225cd26c0aecedf00&imageMogr2/format/webp)
/0/34535/coverorgin.jpg?v=24899412ccdcea7d1204ccc06249fb43&imageMogr2/format/webp)
/0/27073/coverorgin.jpg?v=20220519191108&imageMogr2/format/webp)
/0/27858/coverorgin.jpg?v=2fb4d101866955f7d35578310cc539d2&imageMogr2/format/webp)
/0/27727/coverorgin.jpg?v=ca9dfdec7a4e9e99815cdb44ca49e3a5&imageMogr2/format/webp)
/0/26681/coverorgin.jpg?v=f783904fcf60f0a14b684d36d179742a&imageMogr2/format/webp)
/0/27443/coverorgin.jpg?v=20220525135834&imageMogr2/format/webp)
/0/27607/coverorgin.jpg?v=20230804133603&imageMogr2/format/webp)
/0/73420/coverorgin.jpg?v=8211cc7a00b095c9f81892934b48b22f&imageMogr2/format/webp)
/0/73666/coverorgin.jpg?v=b6278eda7098342fcf3342ab4d1005a8&imageMogr2/format/webp)