/0/26786/coverorgin.jpg?v=d8cde9c7dfc474690b67d18a5290fd81&imageMogr2/format/webp)
Chapter 1.
"Basagin mo pagmumukha niyan! siguraduhin mong basag 'yan, kundi mukha mo babasagin ko." Utos ko kay Art.
"G*go!" Sagot niya habang walang tigil ang pagsapak sa lalaking kaaway namin.
Umupo ako sa damuhan at pinunasan ang dugo mula sa pumutok kong labi. Weak pala nitong putangina leader nila akalain mo 'yon, isang sapak tulog na. Puro yabang kasi wala naman binatbat.
"Sa susunod, kilalanin mo kung sinong babanggain niyo! Inutil." Sinipa ni Art ang lalaking nakaratay sa damuhan katabi nito ang mga bobong kasamahan niya.
lumapit siya sa akin at umupo sa tabi ko.
"Pumutok labi mo tol." Tinuro ni Art ang bibig ko.
"Alam ko, gago."
Tumayo ako at pinagpagan ang damit ko na puro damo at mantsa ng putik, ganon din ang kay Art.
"Tara na."
Nauna akong naglakad.
Napansin kong hindi nakasunod si Art sa akin kaya nilingon ko siya. Hawak ni Mrs. Lampara ang tainga niya. Sh*t.
"Kapag minamalas ka nga naman." Bulong ko, Siguradong sa detention ang bagsak namin ngayon.
"Tem, tak---" Hindi natuloy ni Art ang sinasabi dahil piningot siya na Mrs, lampara.
Natawa ako nang mag sisigaw si Art, Puro pasa ang mukha niya, tanga tanga kasi makipag suntukan. Sinenyasan ako ni mrs. Lampara na lumapit sa kaniya.
Gusto ko tumawa dahil sa kilay, pinigilan ko lang.
"Come here Mr, Severo." Sabi nito habang kinakaway kaway ang kamay, ano ma'am feeling nasa Ms. universe?
Yumuko ako nang makaharap sa kaniya.
"Kayong dalawa!" Hinawakan niya ang tainga ko at malakas na pinihit. "Hindi ba talaga kayo mag titino?!"
Napapikit ako sa sakit nang pag pihit niya. May araw ka din sa akin.
"Go to my office." Utos nito, nagtinginan kami ni Art at natawa.
"Lakad, Dalian niyo!
Naunang siyang naglakad sumunod kami ni Art, habang papunta sa office ni mrs, Lampara pinag titinginan kami ng mga babae. Alam ko naman kung bakit dahil mukha kaming mga dugyot sa itsura namin.
"Ang dumi natin." Bulong ni Art.
Hindi ako sumagot at naglakad nalang pagdating sa office sinimulan na niya kaming sermonan. Nakayuko lang kami ni Art at nagpipigil ng tawa, siniko niya ako kaya nilingon ko siya. Tumawa si Art at tatawa sana ako nang biglang marinig ang pagsara ng pinto.
"Ma'am, Heto na po yung textbook ng grade seven." Pamilyar ang boses na 'yon.
"Tem, kapatid mo." Bulong ni Art, inangat ko ang ulo ko.
Sabi na. Si Tammy bunso kong kapatid, ang matalino at masipag na kapatid ko. Nagtama ang mga mata naming dalawa matalim niya ako tinignan at sinenyasan na isusumbong kay mommy.
Bumaba ang mata niya sa polo kong puno ng putik.
"Hey, sis." Kinawayan ko siya.
Hindi niya ako pinansin, tumingin nalang ulit kay Mrs, Lampara mukhang lampara.
Suplada ng kapatid ko feeling maganda. bumuntong hininga ako at nginitian siya kahit hindi siya nakatingin sa akin.
Siniko ako ni Art.
"Bakit?" Mahinang bulong ko.
"Lumaking maganda si Tammy, pinalaki mo siya ng tama."
Napakurap kurap ako at sa sinabi niya.
"Maganda yang yagit na 'yan? Sigurado ka tol?" Nagpipigil na tawa na sabi ko.
"Oo, magka mukha kayo." Manghang manghang sabi nya.
"Tanga, malamang."
Hindi ko nalang pinansin ang sinabi ni Art at binalik ko ang mata ko kay Tammy. Nakatayo siya sa gilid ni Mrs, Lampara habang si Mrs, lampara ay may sinusulat sa text book na dinala ni Tammy kanina.
Tinitigan kong mabuti ang kapatid ko, mula mata ilong at bibig. Hindi naman siya maganda bulag yata 'tong si Art. At hindi kami mag kamukha ang pangit niya talaga.
Bumaba ang mata ko sa leeg niya. Medyo nagtagal ang tingin ko doon sa hindi ko malaman na dahilan.
Kumunot ang noo ko sa nakita. Nakabukas ang dalawang butones ng uniform nya at nakikita ko na ang kulay pink niyang baby bra. Kahit naman flatchested siya walang pwedeng makakita sa maliit niyang boobs.
Nahihiya ako para sa kapatid ko sobra pangit kaya minsan ayokong siyang dumidikit siya sa'kin.
Tumayo ako nag angat nang tingin sa akin si Art.
"Saan ka pupunta?"
Lumapit ako kay Tammy, nagulat siya nang bigla ko siyang iharap sa akin.
"Luh! Anong ginagawa mo!?" Kabadong tanong niya, matalim ko siyang.
"Temper! Maupo ka." Utos ni Mrs, Lampara.
Mas lumapit pa ako kay Tam, hinawakan ko ang kwelyo ng uniform niya, sa gulat ay hinawi niya ang kamay ko. Nakaramdam akong ng inis sa ginawa niyang iyon.
"Kuya!" May diin sabi niya.
"Bakit mo hinawi ang kamay ko?!"
"Huh? Bakit hindi ano bang ginagawa mo?!"
"Temper!" Si Mrs. Lampara, hindi ko siya pinansin.
"Wait lang ma'am, kapatid ko kasi ito, tignan mo oh! Borless na." I said.
Ibinutones ko nalang ang ang uniform niya na hindi nakasara. Isang beses ko pa siyang matalim na tinignan. Inirapan niya ako at bumaba ang mata sa dibdib. Bumalik na ako sa pwesto kanina at inis na umupo siniko ako ni Art.
Wala kang utang na loob, bata!
"Ang pangit na nga burara pa sa katawan." Bulong ko.
"Pareho lang kayo." Si Art.
"Na burara?"
"Na panget."
"Gagstok."
TAMMY SEVERO:
Matalim kong tinignan si Kuya at si Kuya Art.
"Ano naman ginawa mo at pinarusahan kayo?" Tanong ko kay kuya Temper.
Inirapan niya ako at hindi sumagot. Okay lang sanang magsuplado kung gwapo ka kaya lang hindi naman gwapo si kuya Temper para mag suplado ng ganyan.
Umirap din ako at kay Art nalang nagtanong lumapit ako sa tabi ni Art. Naglalakad na kami ngayon pabalik sa kanya kanya naming room.
Si kuya Temper ay grade ten na at ako naman ay grade eight. Kabaliktaran ako kuya ni Temper. Masipag at matalino ako at siya naman ay basag ulo, sira ulo, walang ulo. Joke lang yung walang ulo. Basta pasaway siya at mahilig sa gulo.
"Nakipag away kami." Proud pa na sagot niya.
"Bakit?" Tanong ko.
Pagdating ko kanina sa office ni Mrs. Lampara para ihatid ang mga textbook ng grade seven na inutos sa akin. Naabutan ko may dalawang lalaki na naka upo. Marumi ang uniform, puro putik at puro damo.
Ang akala ko nga magsasaka sila.
Naglakad ako palapit kay Mrs. Lampara at inabot ang textbook. Nadako ang mga mata ko sa dalawang lalaking naka upo at naka yuko. Hula ko pinapagalitan sila.
Napansin ko ang kwintas na nakasabit sa leeg ng isang lalaki. Kaya nalaman kong si kuya Temper pala 'yon. May pasa siya sa labi at puro putik ang damit niya.
Naku! Lagot ka kay mommy mamaya! Palibhasa hindi ikaw ang naglalaba kaya okay lang sa'yo na mag mukhang putik 'yang damit mo. Nakakainis ka talaga kuya Temper tumatanda ka ng paurong!
"Hoy chanak, huwag ka ngang sumabay sa amin." Singhal ni kuya Temper at tinulak ako siya ang tumabi kay kuya Art.
Sinimangutan ko siya.
Umirap ako at hindi siya pinansin. Si Kuya Art kahit pasaway ay medyo mabait naman siya. Marespeto hindi katulad nitong bwesit kong kapatid.
"Aba! Huwag mo akong iniirapan kuya mo pa din ako! Doon ka chupi ang pangit mo." Sumisenyas pa siya na para akong isang aso.
Alam na alam talaga niya kung paano sirain ang araw ko. Katulad ng mga normal na mag kapatid hindi kami mag kasundo ni kuya Temper. Lahat pinag aawayan namin, as in lahat.
Panonood ng tv pinag aawayan namin.
Sige nga sinong hindi maasar sa gagawin niya. Iyong kinikilig kana dahil mag kikiss na iyong bida sa pinapanood mong kdrama tapos bigla nalang niyang ililipat sa basketball. O' diba nakakainis yung ganon.
Ultimong pagkain pinag aawayan namin. Katulad nalang kaninang umaga. Wala si mommy dahil maaga siyang papasok sa trabaho kaya walang magluluto sa breakfast namin kung hindi ako o kaya naman ay si kuya Temper.
So ayon nag presinta siya na siya na ang magluluto ng breakfast naming dalawa. Syempre tuwang tuwa naman ako dahil mabait siya ngayon pero may masama pala siyang plano.
"Kuya! Ayoko ng bawang sa fried rice please huwag mong lagyan." Sabi ko, hindi siya sumagot at inirapan lang ako.
"Kuya!" Tawag ko, lumingon sya."yung corned beef pwedeng wag mong lagyan ng sibuyas, please." Pinagdikit ko ang palad.
/0/28493/coverorgin.jpg?v=a1fd0ef438989e3a49e6011b80b67de4&imageMogr2/format/webp)
/0/26622/coverorgin.jpg?v=49d8d620e9c0113b78dc699202c614c9&imageMogr2/format/webp)
/0/26503/coverorgin.jpg?v=07e28ed74bd9a6000981412c1b56a4f1&imageMogr2/format/webp)
/0/26670/coverorgin.jpg?v=85ae602045e4a2f5e21248efd468e01f&imageMogr2/format/webp)
/0/27070/coverorgin.jpg?v=c23ed03df5f06d2694b50563fd1343fd&imageMogr2/format/webp)
/0/26575/coverorgin.jpg?v=eead408615afb795e7c2d9db3326fb56&imageMogr2/format/webp)
/0/26538/coverorgin.jpg?v=20220801153424&imageMogr2/format/webp)
/0/26297/coverorgin.jpg?v=20220429135548&imageMogr2/format/webp)
/0/27699/coverorgin.jpg?v=20230630080310&imageMogr2/format/webp)
/0/26769/coverorgin.jpg?v=e2271d183cd9db66e2c715e04a69c578&imageMogr2/format/webp)
/0/26937/coverorgin.jpg?v=caf27ee85ce1cf27f4bb84d19e2d94a3&imageMogr2/format/webp)
/0/26679/coverorgin.jpg?v=20220415102713&imageMogr2/format/webp)
/0/27552/coverorgin.jpg?v=977b86919ccbb35992f7d5a11c92028e&imageMogr2/format/webp)
/0/27390/coverorgin.jpg?v=20220427180653&imageMogr2/format/webp)
/0/31649/coverorgin.jpg?v=20221009152750&imageMogr2/format/webp)
/0/26710/coverorgin.jpg?v=cc1308e40ae0f45d4ff73b8cc10d1121&imageMogr2/format/webp)
/0/27149/coverorgin.jpg?v=e62fc6687ae6c479c82864af86b1f61e&imageMogr2/format/webp)
/0/27321/coverorgin.jpg?v=017bbe7a46d8261390baa1169508855b&imageMogr2/format/webp)