You're Still My Man

You're Still My Man

Sofia

5.0
Komento(s)
1.5K
Tingnan
202
Mga Kabanata

Maki‌ ‌thought‌ ‌she‌ ‌had‌ ‌a‌ ‌perfect‌ ‌life.‌ ‌Kuntento‌ ‌na‌ ‌siya‌ ‌sa‌ ‌masayang‌ ‌pamilya‌ ‌niya,‌ ‌malapit‌ ‌na‌ ‌siyang‌ ‌maka-graduate‌ ‌sa‌ ‌kursong‌ ‌gusto‌ ‌niya‌ ‌at‌ ‌nariyan‌ ‌ang‌ ‌perpektong‌ ‌nobyo‌ ‌niyang‌ ‌si‌ ‌Benedikt‌ ‌Valenciaga‌ ‌na‌ ‌laging‌ ‌nagpaparamdam‌ ‌sa‌ ‌kanya‌ ‌na‌ ‌siya‌ ‌ang‌ ‌pinakamapalad‌ ‌na‌ ‌babae‌ ‌sa‌ ‌mundo‌ ‌para‌ ‌mahalin‌ ‌ito.‌ ‌ Until‌ ‌she‌ ‌discovered‌ ‌the‌ ‌lies.‌ ‌Nalaman‌ ‌niyang‌ ‌di‌ ‌pala‌ ‌siya‌ ‌totoong‌ ‌kuntento‌ ‌sa‌ ‌buhay‌ ‌na‌ ‌mayroon‌ ‌siya.‌ ‌At‌ ‌kailangan‌ ‌niyang‌ ‌layuan‌ ‌si‌ ‌Benedikt‌ ‌kahit‌ ‌na‌ ‌handa‌ ‌itong‌ ‌ipaglaban‌ ‌ang‌ ‌relasyon‌ ‌nila.‌ ‌She‌ ‌had‌ ‌to‌ ‌let‌ ‌go‌ ‌of‌ ‌her‌ ‌one‌ ‌true‌ ‌love‌ ‌to‌ ‌find‌ ‌herself.‌ ‌To‌ ‌make‌ ‌herself‌ ‌whole.‌ ‌ Nang‌ ‌muli‌ ‌silang‌ ‌magkita‌ ‌matapos‌ ‌ang‌ ‌walong‌ ‌taon,‌ ‌akala‌ ‌niya‌ ‌ay‌ ‌may‌ ‌bago‌ ‌nang‌ ‌ pagkakataon‌ ‌para‌ ‌sa‌ ‌kanilang‌ ‌dalawa.‌ ‌She‌ ‌was‌ ‌wrong.‌ ‌May‌ ‌ibang‌ ‌babae‌ ‌nang‌ ‌pumalit‌ ‌sa‌ ‌kanya‌ ‌–‌ ‌si‌ ‌Hanna

Chapter 1 YSMM 1

Bored na bored si Maki sa party na iyon. Pagdiriwang iyon ng dalawang daang taong anibersaryo ng pagkakatatag na La Playa Rubella na pag-aari ng pamilya niya. Matatagpuan ito sa Anda, Bohol, ang pugad ng kapangyarihan ng mga Rubella. Doon matatagpuan ang ancestral house nila na napabayaan sa nagdaang sampung taon pero ngayon ay pinipilit na ibangon ang kanyang ama at madrasta.

Pumapailanlang ang klasikong musika mula sa string quartet na nasa gitna ng bulwagan. Nagsasayawan din ang mga bisita na pawang nakasuot ng sinaunang kasuotan noong panahon ng mga Kastila. Iyon naman ang pakiramdam niya kapag nasa La Playa Rubella siya. Wala siyang kalayaan sa kahit ano. Isa lamang siyang babae. Isang palamuti. Isang magandang palamuti na ikariringal ng lahat subalit walang silbi.

Sinimsim niya ang white wine at sinulyapan ang pinto. Nasaan na ba ang nobyo niyang si Benedikt? Hindi naman siya dadalo talaga sa party na iyon kundi lang dahil nangako itong dadalo ito. Mas gusto niyang mag-aral na lang sa bahay sa Maynila para maipasa niya ang mga exam niya at maka-graduate. Iiwan niya ang lahat para kay Benedikt. Subalit di niya alam kung hanggang kailan siya makakapaghintay dito.

"You look lovely, my dear," bati sa kanya ni Doña Teresina Valenciaga, ang ina ni Benedikt at isa sa pinakamayamang kababaihan sa lalawigan. Ito at ang asawa nitong si Malvar Valenciaga ang nagmamay-ari ng maraming lupain sa lalawigan at sinisimulang i-develop bilang mga prime subdivisions at vacation houses.

Magpatuloy sa Pagbasa

Iba pang mga aklat ni Sofia

Higit pa
Mga Kabanata
Basahin Ngayon
I-download ang Aklat