/0/38687/coverorgin.jpg?v=434178eca6e26cd22f6ccfb9e9e2ec2a&imageMogr2/format/webp)
Naghahanda si Lucky ng pamalit niyang damit nang mag-ring ang kanyang telepono, lumapit siya sa kama at kinuha iyon sa loob ng bag na dala niya nang mag-shopping sila ni Genesis kanina. Tumatawag ang ina niya.
"Hija, kailan ka bibisita sa amin? Miss na miss ka na namin ng iyong daddy," bungad na tanong ni Carol ng sagutin ni Lucky ang telepono.
Umupo si Lucky sa gilid ng kama. "Ma, pasensya na busy lang ako nitong nakaraan na mga araw kaya hindi kita natawagan. Hindi pa ako sigurado, pero baka magkaroon ako ng free time, uuwi ako sa bahay ngayon weekend."
"Isasama mo ba si Genesis?"
Isang malaking buntonghininga ang pinakawalan ni Lucky. “Pwede naman po, pero kung maari lang sana ma... Lubayan niyo ang kaibigan ko."
"Ito naman... Alam mo namang gustong-gusto ko si Genesis para sayo anak. Bakit kasi hindi nalang kayong dalawa ang magpakasal? Pati ang Tita Beth mo ay hinihintay nang mahulog kayo ng unico-hijo niya sa isa't-isa."
"Mama, magkaibigan lang talaga kami ni Genesis kaya sana’y tigilan niyo na kami."
"Bakit ba? Eh, sa ship namin kayo. Kahit ang daddy mo ay boto d'yan kay Genesis."
Lucky clicked her tongue. "Ma, huwag na kasi kayong makulit. Hindi magugustuhan ni Genesis kapag nalaman niyang umaasa pa rin kayong magiging kami. Bakit nga pala kayo napatawag?"
"Right! Kung balak niyong bumisita dito sa bahay ngayong weekend ituloy niyo na, nagkasundo kasi kami ng Tita Beth mo na mag-bi-bake dito sa bahay. Tumawag ako kasi gusto niyang makita ka, tamang-tama lang pala ang plano namin.”
"Parang ayuko nang pumunta." Sumimangot si Lucky.
"Bakit naman!"
"Eh, ikaw pa nga lang na-i-stress na ako, paano pa kaya kung dalawa na kayo ni Tita Beth ang mangulit sa amin. Baka mamaya n’yan magalit na si Genesis at madamay ako."
"Pambihira ka namang bata ka, pumunta kayo ni Genesis. Sasabihin ko sa Tita Beth mo. Sige ka, sasama ang loob nun kapag hindi ka dumating, alam mo man. . .mahina ang puso ng Tita Beth mo, hindi dapat siya binibigo."
Umikot ang mata ni Lucky. "Fine. Ang galing mo talagang mangumbinsi."
"Okay! See you this weekend!" Napailing si Lucky nang mamatay ang tawag. Ibang klase talaga ang mommy niya. Hindi titigil hanggat hindi nakukuha ang gusto, parang siya lang din.
Dumako ang tingin ni Lucky sa brown envelope na nasa ibabaw ng kama. Kinuha niya iyon at binuksan. Napabuga siya nang hingin nang mabasa ang buong pangalan ni Genesis. Hindi niya pwedeng ipakita sa magulang niya ang documents na ito, kailangan niyang magpagawa ng ibang documents na ipapakita sa parents niya bilang proweba ng IUI na pinagdaanan niya. Mali din niya, pumayag siyang ilagay ni Dra. Caladieae ang impormasyon ni Genesis. Hindi na bali, mabilis lang naman ang magpagawa ng pekeng dokumento kapag may pera ka.
Inilapag ni Lucky sa kama ang papel at naghanap ng pamalit sa closet, nang makapili ng damit, pumasok na siya ng bathroom para maligo. Mabilis lang din siyang naglinis ng katawan. Nakasuot na ng damit si Lucky nang lumabas ng bathroom, ngunit gulat siyang natigilan nang makita si Genesis sa loob ng kanyang silid. Hawak ng kaibigan niya ang papel na kanina lang ay binalak niyang itapon.
"Genesis, w-what are you doing here?"
/0/26711/coverorgin.jpg?v=ff2c5d52ee2695f05fa7aab50b98eab4&imageMogr2/format/webp)
/0/26285/coverorgin.jpg?v=20250124155831&imageMogr2/format/webp)
/0/28714/coverorgin.jpg?v=20220803163319&imageMogr2/format/webp)
/0/65188/coverorgin.jpg?v=7350cbd1df0b816e4143a08ac4839a34&imageMogr2/format/webp)
/0/73420/coverorgin.jpg?v=8211cc7a00b095c9f81892934b48b22f&imageMogr2/format/webp)
/0/27237/coverorgin.jpg?v=f57291eb394f476164d58ffda7e192f3&imageMogr2/format/webp)
/0/56185/coverorgin.jpg?v=20240508102927&imageMogr2/format/webp)
/0/26316/coverorgin.jpg?v=20220415102653&imageMogr2/format/webp)
/0/27206/coverorgin.jpg?v=20230310112237&imageMogr2/format/webp)
/0/28804/coverorgin.jpg?v=20220613103124&imageMogr2/format/webp)
/0/55988/coverorgin.jpg?v=577f3c30b5c194d3127a7068a5bf8a09&imageMogr2/format/webp)
/0/27870/coverorgin.jpg?v=20220526000755&imageMogr2/format/webp)
/0/26997/coverorgin.jpg?v=e0c983dd1550feac50ab9ab2ec906b5d&imageMogr2/format/webp)
/0/56193/coverorgin.jpg?v=3a543b9d23ebd51e050209b08e7bbc3c&imageMogr2/format/webp)
/0/28545/coverorgin.jpg?v=11e971a7e5bfec24533c3a47f0f1b6cf&imageMogr2/format/webp)
/0/35609/coverorgin.jpg?v=20230417143150&imageMogr2/format/webp)