Isang librong may anim na kwento ng kababalaghan na tiyak na magpapatindig ng inyong mga balahibo. UNANG KWENTO: Boarder IKALAWANG KWENTO: Ang Kwintas ni Lola IKATLONG KWENTO: Obra Maestra IKAAPAT NA KWENTO: The Cursed Tattoo IKALIMANG KWENTO: Diet HULING KWENTO: Ang Bangungot na Dreamboy
Inilibot ni Josie ang tingin sa loob ng kwarto. Pink na pink iyon kaya't halatang babae ang dating boarder doon. Unang kita pa lang niya sa kwartong iyon ay nagustuhan niya kaagad. Dala na niya ang mga gamit nang bumalik siya sa bahay na iyon. Tamang-tama naman dahil malapit lang iyon sa pinagtatrabahuan niya.
Mababait ang mukha ng mag-asawang may-ari ng bahay na iyon. Nag-abroad na raw kasi ang nag-iisang anak ng mga ito kaya't pinaparentahan na lang nila.
Agad na napalingon siya nang pumasok ang lalaking may-ari ng bahay na bitbit ang may kalakihang maleta niya.
" Salamat po, Mang Roger," nakangiting sabi niya sa matanda na tinulungan ito sa pagbitbit.
" Walang anuman. Masaya kami at may makakasama na kami ng asawa ko. Nakakalungkot din kasi na kaming dalawa lang ang andito sa bahay," nakangiti ring sagot ng malapit nang mag singkwenta na lalaki.
Pumasok na rin ang asawa nito na sa tingin niya ay nasa early forties.
" Gusto mo bang tulungan na kita sa pag-aayos ng mga gamit mo?" nakangiting tanong ng babae.
" Ay, huwag na po. Kaya ko na po ito," nahihiyang sagot niya.
" Oh, sige, iha. Josie ang pangalan mo, di ba? Sige, Josie, lalabas na kami para makapagpahinga ka na riyan," sabi nito na hinila na ang asawang lalaki palabas ng kwarto.
" Opo, Josie po ang pangalan ko. Maraming salamat po uli," sagot niya.
Ngumiti si Mang Roger sa kanya bago nito isinara ang pinto ng kwarto. Nagbayad na siya ng two months na renta kay Aling Margie, ang asawa nito.
Pabagsak na humiga siya sa kama habang nakatingin sa kisame. Ang lambot ng kama at pink din ang bedsheet nu'n. Agad rin naman siyang bumangon para ayusin na ang mga gamit. May malaking kabinet din sa loob kaya't ilalagay na lang niya ang mga damit doon. Tanging damit lang naman ang dala niya at wala nang iba pa.
Kasali sa buwanang upa niya ang pagkain niya sa araw-araw. Habang kumakain sila ay panay ang tanong nito sa kanya. Nagkukwento rin naman ang mga ito lalo na tungkol sa anak nila.
Nakaugalian na niyang maligo bago matulog. Isa lang ang banyo sa bahay at malapit iyon sa kusina. Malapit nang mag-alas diyes ng gabi at kanina pa umakyat sa kwarto nila ang mag-asawa. Bitbit niya ang towel nang pumasok siya ng banyo. Mabilis naman siyang maligo at dahil alam niyang siya na lang ang gising sa baba ay ibinalabal na lang niya ang towel pagkaligo. Muntik pa siyang mapasigaw sa gulat nang makitang nakaupo sa may kusina si Mang Roger.
" Nagulat ba kita, ineng?" nakangiting tanong nito na tiningnan pa ang kabuuan niya.
" Opo, Mang Roger. Akala ko kasi ay tulog na kayo." Naiilang siya dahil nakatapis lang siya ng tuwalya.
" Pasensiya na. Uminom lang ako ng tubig kasi nauhaw ako," sagot nito na hindi inaalis ang tingin sa kanya.
" Ay, sige po. Mauuna na ako sa inyo," magalang na sabi niya saka mabilis na umalis sa harap nito.
Parang nanindig ang mga balahibo niya dahil pakiramdam niya ay sinusundan siya nito ng tingin. Mabilis na isinara niya ang pinto ng kwarto at ikinandado iyon. Pinapagalitan niya naman ang sarili dahil parang nag-iisip siya ng masama sa matanda kahit na ambait naman ng mga ito sa kanya.
Inalis na niya sa isip ang pagkailang dito at nagbihis na agad. Pinatuyo niya muna ang basang buhok saka siya humiga sa kama para matulog na. Agad na nakatulog siya pagkapikit pa lang niya ng mga mata.
Tulungan mo ako...
Tulungan mo ako...
TULUNGAN MO AKO!!!
Bigla siyang napadilat at napabalikwas ng bangon nang parang may sumigaw malapit sa tenga niya. Pinagpapwisang inilibot niya ang tingin sa kwarto. Hindi niya napatay ang ilaw kaya't maliwanag na maliwanag ang kwarto. Mag-aalas tres pa lang ng umaga nang tingnan niya ang relo.
Bumangon siya at lumabas ng kwarto para uminom ng tubig. Hindi na niya ini-on ang ilaw sa kusina dahil kukuha lang naman siya ng tubig sa loob ng ref. Mabilis na ininom niya ang isang baso ng tubig at nang maisara niya ang ref ay dumilim na rin ang palibot. Napatitig siya sa isa sa upuan na malapit sa mesa. Para kasing may porma ng babae doon na nakaupo. Binuksan niya uli ang ref para magkailaw konti at hindi inaalis ang tingin sa upuan. Nakita niyang wala namang tao roon.
Hindi siya matatakutin na tao kaya't sa tuwing may makikita siyang parang kung ano ay sinisiguro niya muna baka kasi namamalik-mata lang siya. Agad na isinara na niya uli ang ref at kibit-balikat na umalis na ng kusina para bumalik ng kwarto. Hindi na niya tiningnan pa ang upuan sa may kusina.
Pinatay na rin niya ang ilaw sa kwarto at nahiga na uli para bumalik ng tulog. Alas otso kasi ang pasok niya kaya't kailangan niyang gumising bago pa mag-alas otso. Pagkatulog niyang iyon ay nananaginip na naman siya.
Nakita niya ang isang babaeng nakatalikod at nakasuot ng isang uniform. Mukha itong estudyante. Umiiyak ito. Dahan-dahan niyang nilapitan ang babae.
" Miss, okay ka lang?"
Wala siyang narinig na sagot dito. Patuloy pa rin ito sa pag-iyak. Nag-aatubiling hahawakan sana niya ang balikat nito pero bago pa man niya nahawakan iyon ay bigla itong humarap sa kanya.
" Umalis ka!" sigaw nito sa mukha niya.
Nanlaki ang mga mata niya hindi dahil sa sigaw nito kundi sa mukha nitong nakakapangilabot. Halos lumuwa na ang dalawang mata nito at ang ilong ay halos matanggal na. Parang pinagbagsakan ng kung ano'ng mabigat na bagay ang pagmumukha ng babae. Punong-puno rin ng dugo iyon pati na ang puting uniform nito.
Malalakas na katok sa pinto ang nagpagising sa kanya.
" Josie! Josie!" boses ni Aling Margie ang tumatawag sa kanya.
Malalakas ang mga katok pati ang boses ng babae nang tawagin siya. Wala sa loob na tumayo siya at pinagbuksan ito. Nakita niya ang nag-aalalang mukha ng mag-asawa.
" B-bakit ho?" nagtatakang tanong niya.
Nagkatinginan ang mga ito bago bumaling uli sa kanya.
" Sumigaw ka kasi kaya't akala namin ay may nangyari nang masama sa iyo," sagot ng babae.
Napakurap-kurap siya. Saka lang niya naalala ang napanaginipan.
" P-pasensiya na po. Binangungot yata ako," nahihiyang sabi niya sa mag-asawa. Naabala pa niya ang mga ito.
" Ano'ng napanaginipan mo?" tanong ni Mang Roger.
" Hindi ko na po matandaan, eh," pagsisinungaling niya dahil ayaw na niyang ikwento ang panaginip.
Matagal na tinititigan siya ng dalawa.
" Siguradong okay ka na?" tanong uli ni Aling Margie.
Kiming ngumiti siya at tumango.
Chapter 1 KABANATA 1: (UNANG KWENTO NG LAGIM) BOARDER
29/03/2022
Chapter 2 KABANATA 2: (UNANG KWENTO NG LAGIM) BOARDER
29/03/2022
Chapter 3 KABANATA 3: (UNANG KWENTO NG LAGIM) BOARDER
29/03/2022
Chapter 4 KABANATA 4: (UNANG KWENTO NG LAGIM) BOARDER
29/03/2022
Chapter 5 KABANATA 5: (UNANG KWENTO NG LAGIM) BOARDER
29/03/2022
Chapter 6 KABANATA 6: (IKALAWANG KWENTO NG LAGIM) ANG KWINTAS NI LOLA
29/03/2022
Chapter 7 KABANATA 7: (IKALAWANG KWENTO NG LAGIM) ANG KWINTAS NI LOLA
29/03/2022
Chapter 8 KABANATA 8: (IKALAWANG KWENTO NG LAGIM) ANG KWINTAS NI LOLA
29/03/2022
Chapter 9 KABANATA 9: (IKATLONG KWENTO NG LAGIM) OBRA MAESTRA
29/03/2022
Chapter 10 KABANATA 10: (IKATLONG KWENTO NG LAGIM) OBRA MAESTRA
29/03/2022
Chapter 11 KABANATA 11: (IKAAPAT KWENTO NG LAGIM) THE CURSED TATTOO
29/03/2022
Chapter 12 KABANATA 12: (IKAAPAT KWENTO NG LAGIM) THE CURSED TATTOO
29/03/2022
Chapter 13 KABANATA 13: (IKAAPAT KWENTO NG LAGIM) THE CURSED TATTOO
29/03/2022
Chapter 14 KABANATA 14: (IKAAPAT KWENTO NG LAGIM) THE CURSED TATTOO
29/03/2022
Chapter 15 KABANATA 15: (IKAAPAT KWENTO NG LAGIM) THE CURSED TATTOO
29/03/2022
Chapter 16 KABANATA 16: (IKAAPAT KWENTO NG LAGIM) THE CURSED TATTOO
29/03/2022
Chapter 17 KABANATA 17: (IKALIMANG KWENTO NG LAGIM) DIET
29/03/2022
Chapter 18 KABANATA 18: (IKALIMANG KWENTO NG LAGIM) DIET
29/03/2022
Chapter 19 KABANATA 19: (HULING KWENTO NG LAGIM) ANG BANGUNGOT NA DREAMBOY
29/03/2022
Chapter 20 KABANATA 20: (HULING KWENTO NG LAGIM) ANG BANGUNGOT NA DREAMBOY
29/03/2022
Chapter 21 KABANATA 21: (HULING KWENTO NG LAGIM) ANG BANGUNGOT NA DREAMBOY
29/03/2022
Chapter 22 KABANATA 22: (HULING KWENTO NG LAGIM) ANG BANGUNGOT NA DREAMBOY
29/03/2022
Chapter 23 KABANATA 23: (HULING KWENTO NG LAGIM) ANG BANGUNGOT NA DREAMBOY
29/03/2022
Other books by Jewiljen
More