Silang, the Fierce Warrior

Silang, the Fierce Warrior

Sofia

5.0
Comment(s)
280
View
50
Chapters

Sa palagay ni Aiesha ay nasa kanya na ang lahat. Kabilang siya sa mayamang pamilya at nakatakda na siyang ikasal sa boyfriend niya na nagmula sa isang sikat na angkan ng mga pulitiko. Subalit nagbago ang buhay niya nang malamang niloloko lang siya nito. Saka niya nakilala si Silang Aladeo-ang guwapong miyembro ng tribo ng Gangan.. Misyon nitong ibalik ang nawawalang mummies na pinaniniwalaang ninakaw ng pamilya ng boyfriend niya. Kailangan nitong ibalik ang mummies para mawala ang sumpa sa tribo nito. "Isa lang naiisip kong solusyon para matulungan ang tribo mo at matuloy ang kasal namin ng boyfriend ko," sabi niya. Kumislap ang interes sa mga mata nito. "Paano?" "Kidnap me."

Chapter 1 STFW 1

Ginising si Silang ng malamig na simoy ng hanging-amihan. Pumuputok pa lang ang araw sa Silangan ngunit handa na siya para sa unang pagtatanim o chinacon. Kabilang siya sa tribo ng Gangan na matatagpuan sa kabundukan ng Cordillera. At lubhang napakalamig sa lugar tuwing buwan ng Pebrero.

Nilingon niya ang mga kasamang natutulog sa ato, isang lugar kung saan magkakasamang natutulog ang mga binatilyo, binata at mga biyudo. Nahihimbing pa rin ang mga ito dahil sa lamig ng panahon.

Niyugyog niya ang matalik na kaibigang si Langkawan na naghihilik pa. "Langkawan, gumising ka! Hinahanap ka ni Inana."

Naalimpungatan itong bumalikwas ng bangon at tumakbo sa pinto. "Inana, anong kailangan mo..." Natigilan ito nang walang Inana na nakita sa labas. Sa halip ay sinalubong ito ng kadiliman at ng malamig na hangin. Nanginginig itong bumalik sa loob ng ato nang kinukusot ang mga mata. "Silang, ang aga-aga mo namang magbiro."

Tumawa siya. "Hanggang ngayon mahal mo pa rin si Inana," biro niya. Sa sobrang antok ay nakalimutan nitong bawal dumalaw ang mga kadalagahan sa ato.

"Siyempre naman. Alam mo namang siya ang pinakamagandang dalaga sa tribo natin. Bakit ba napakaaga mong gumising?"

"Gusto kong panoorin ang pagsikat ng araw," aniya. Mamaya pa iyon tuluyang sisikat subalit gusto niyang panoorin ang pag-aagaw ng dilim at liwanag.

"Kung ganoon, matutulog muna ako," anito at bumalik muli sa higaan.

Akmang magtatalukbong ito ng kumot nang agawin niya ang kumot mula dito. "Huwag ka nang matulog. Marami tayong gagawin ngayon."

"Anong oras na?" tanong nito kasabay ng paghikab. "Ang dilim pa."

"Sanay akong gumising ng ganitong oras."

Nag-resign siya bilang researcher sa Philippine Rice Institute upang bumalik sa tribo. Nagtapos siya ng Agricultural Engineering sa UP Los Baños at alam niyang magagamit niya ang mga natutunan sa sariling agrikultura ng kanyang tribo. Bukod pa sa inaalok siyang magturo sa ilang kolehiyo na sakop ng Cordillera. Subalit pinag-iisipan pa niya iyon.

Sa ngayon ay itinutuon muna niya ang isip sa gaganaping ap-pey, isang pista ng chinacon. Isasagawa ang ritwal na tatagal ng ilang araw para maghanda sa pagtatanim ng palay. Ito ay upang hilingin ang masaganang ani at panalangin upang itaboy ang mga peste sa pananim. Hindi maaring simulan ang chinacon hangga't hindi naisasagawa ang ritwal. Gusto rin niyang ibahagi sa mga katribo ang mga makabagong ideya sa pagtatanim upang dumami ang ani ng kanilang tribo.

"Kahit naman noong nandito ka pa, maaga ka talagang gumising."

Kinuha niya ang jacket na maong na nakasabit sa dingding. Sa ato lang sila natutulog ngunit bumabalik din sila sa bahay ng kanilang pamilya o afong. "Uuwi na ako. Inaasahan ako ni Ina nang maaga ngayon. Sasama ako sa pag-aani ng tubo."

Kasabay ng pagtatanim ng palay ay ang pag-ani nila ng tubo. Kadalasan ay ginagawa itong alak o fayas na idinudulot kapag pista o may ritwal.

Bumangon na rin ito. "Uuwi na rin ako sa amin. Gusto mo bang sunduin kita para sabay na tayong pumunta sa bukid?"

"Sige. Omeyak-et," paalam niya dito.

Patungo sa afong o bahay ng kanyang pamilya ay napansin na niya ang ilang kabahayan na may nakabukas na ilaw. Ibig sabihin ay naghahanda na rin ang mga ito sa pagpunta sa bukid. Hindi niya napansin ang lamig na nanunuot sa balat niya. Dahil mas gusto niyang langhapin ang amoy ng pine trees na sumasama sa malamig na hangin. Iyon ang hinahanap niya noong nasa lungsod siya. Ang lamig at ang puno ng pino. Humalo ang amoy niyon sa bango ng nilalagang kape habang papalapit siya sa sariling tahanan. Ibig sabihin ay gising na rin ang pamilya niya.

"Gawis ay agew yo," bati niya ng magandang umaga sa mga magulang.

Naabutan niya ang nanay na si Negay na nagsasalin ng nilagang kape sa tasa. Habang ang ama niyang si Kabuguias ay ihinahanda ang gosi o banga na imbakan ng fayas. Nagpasalin-salin na ang bangang iyon mula pa sa kanilang ninuno. Isa iyong mahalagang pamana sa tribo nila. Ang mga banga ay nagmula pa sa pakikipag-kalakalan ng mga ninuno nila sa mga Intsik nang di pa dumarating ang mga Kastila.

"Dumulog ka na, Silang," yaya ng ama niyang si Kabuguias. "May pulong sa ato ang intugtukon para sa ap-pey."

Hindi lang tulugan ng kabinataan ang ato. Dito rin ginaganap ang pagtitipon at seremonya na may kinalaman sa paglilitis, relihiyon, sosyal at pulitika ng tribo. Ang intugtukon o kalipunan ng nakatatanda ang namumuno sa kanilang tribo. Ang mga ito ang nagdedesisyon at nagsasagawa ng batas sa tribo nila. Kabilang ang ama niya sa mga intugtukon dahil sa angkin nitong talino at lakas.

Napangiti siya nang matikman ang kape. Arabica ang kape nila. Isa iyon sa pangunahin nilang produkto bukod sa palay. Walang sinabi ang instant coffee na pinagtitiisan niya noong nasa Manila siya. Kahit sabihin pang may ganoong ding kape sa mga coffee shop, iba pa rin ang kape na mismong itinanim sa tribo nila.

"Ano ba ang plano mo ngayon?" tanong ni Inang Negay.

"Pupunta po kami ni Langkawan sa tubuhan para mag-ani at tutuloy po kami sa payew pagkatapos. Gusto kong makita ang sitwasyon ng bukid."

Payew ang tawag sa hagdan-hagdang palayan na inukit sa gilid ng bundok. Isa iyon sa ipinagmamalaki ng kanilang tribo na gawa pa ng kanilang ninuno. Kaya matindi ang pagpapahalaga nila sa lupa bukod pa sa doon sila kumukuha ng ikabubuhay.

"Ni hindi ka pa nagpapahinga, magtatrabaho ka na agad," anang si Kabuguias.

"Dito ka na ba mananatili?" tanong ni Inang Negay at sumalo sa kanila.

"Wen, Ina," aniya at tumango. Napilitan lang siyang manatili sa lungsod upang kumuha ng kaalaman. Para rin sa tribo nila ang ginagawa niya.

"Huwag mong kalilimutang mag-asawa," ngingiti-ngiting sabi ni Kabuguias. "Bilang papalit sa akin sa ato, kailangan mong magkaroon ng asawa at anak."

Sa tribo nila, importante ang pag-aasawa. Tradisyon na rin nila na kapag hindi nakapag-asawa ang isang anak, hindi ito maaring magmana ng lupain.

"Tama. Malapit ka nang magtalumpu pero wala ka pa ring naiku-kwentong babaeng napupusuan mo. Maraming magagandang kadalagahan sa atin. Naghihintay na nga lang silang dalawin mo sila sa olog nila." Olog ang nagsisilbing dormitoryo ng mga kadalagahan. Dito nangyayari ang pagliligawan ayon na rin sa kanilang tradisyon.

Continue Reading

Other books by Sofia

More

You'll also like

Stripper's Love: I Married My Ex's Uncle

Stripper's Love: I Married My Ex's Uncle

G~Aden
4.2

I'm a moaning mess as Antonio slams into me from behind. His hips hit me hard, and each deep thrust sends shockwaves through my body. My breasts bounce with every movement, my eyes roll back, and I moan his name without control. The pleasure he gives me is overwhelming-I can't hold it in. I feel my walls tighten around his thick length. The pressure builds fast, and then- I explode around him, my orgasm tearing through me. He groans loud and deep as he releases inside me, his hot seed spilling into me in thick pulses. Just when I think he's done, his grip shifts. He turns me over and lays me flat on the bed. His dark eyes stare into mine for a moment, filled with raw hunger. I glance down- He's still hard. Before I can react, he grabs my wrists, pins me down, and pushes himself inside me again. He fills me completely. My hips rise on instinct, meeting his rhythm. Our bodies move together, locked in a wild, uncontrollable dance. "You're fucking sweet," he groans, his voice rough and breathless. "I can't get enough of you... not after that night, Sol," he growls, slamming into me harder. The force of his words and his thrusts make my body shake. "Come for me," he commands, his voice low and full of heat. And just like that, my body trembles. Waves of pleasure crash over me. I cry out, shaking with the force of my orgasm. "Mine," he growls again, louder this time. His voice is feral, wild, like a beast claiming what belongs to him. The sound sends a shiver down my spine. *** Solene was betrayed, humiliated, and erased by Rowan Brook, the man she once called husband, Solene is left with nothing but her name and a burning hunger for revenge. She turns to the one man powerful enough to destroy the Brooks family from within: Rowan's estranged and dangerous uncle, Antonio Rodriguez. He's ruthless. A playboy who never sleeps with the same woman twice. But when Solene walks into his world, he doesn't just break the rules, he creates new ones just for her. What begins as a calculated game quickly spirals into obsession, power plays, and secrets too deadly to stay buried. Because Solene isn't just anyone's ex... she's the woman they should've never underestimated. Can she survive the price of revenge? Or will her heart become the next casualty? And when the truth comes out, will Antonio still choose her... or destroy her?

Chapters
Read Now
Download Book