Login to MoboReader
icon 0
icon TOP UP
rightIcon
icon Reading History
rightIcon
icon Log out
rightIcon
icon Get the APP
rightIcon
My beshi is my lover

My beshi is my lover

WritesHarlie

5.0
Comment(s)
123
View
10
Chapters

Likas na mapang asar ang mga kaibigan ni Eleazar Mateo. Palagi nila itong inaasar na isa itong bakla kaya nung naghamon ng laro si Eleazar sa kanyang mga kaibigan na truth or dare ay hindi nya aakalaing inutusan sya ng mga kaibigan nya na magpanggap na maging isang bakla sa isang buwan. Kakayanin kaya nya? mahihirapan ba sya O ng dahil Sa dare na ito ay makakatagpo sya ng babaeng hindi nya aakalaing mamahalin nya. At hindi nya ren alam kung bakit mas gusto nyang ipagpatuloy ang dare na ito? Para magkalapit sila?

Chapter 1 Mr. Napqueen

Saan nga ba kami nagsimulang nagkakilala? Natutuwa akong tuwing maalala ko iyong panahon na nagsimulang naging beshi kami.

"Pwedeng beshi na tayo?" tanong nya.

Ako naman ay nagdadalawang isip dahil balak ko ng hindi ituloy ang dare na ito.

Imbes 'hindi' ang isagot ko ay...

"Segi ba! beshi na tayo."

At hindi ko aakalaing ng dahil sa dare ng mga kaibigan ko sa akin na mag bakla baklaan ay mapamahal ako sa isang babaeng inaakalang tunay na bakla ako at itinuring na beshi nya lang. But for me, my beshi is my lover.

Mahal ko ang beshi ko.

NAGISING ako dahil sa sigaw na nagmumula sa labas ng kwarto ko.

"Napkin! Gumising kana iho!"

Halos malukot na yung mukha ko dahil sa lakas ng sigaw ni manang sa labas.

"Napkin! gumising ka na! naghihintay yung mga kaibigan mo iho!"

Tinakpan ko ng unan yung mukha dahil naiinis na ako.

"Hoy napkin! gising na! alas syete na oy!"

Inis akong bumangon at pumunta sa may pinto bago ito binuksan.

Tumambad sa akin ang nakataas na kilay ni manang.

Napabusangot naman ako at napadyak padyak.

"Manang shi naman eh, wag mo nga po akong tawaging napqueen! pwe! ang panget pakinggan ehh!" sabi ko na mangiyakngiyak habang nagpadyak padyak na parang bata.

Tinawanan lang naman ako ni manang shi kaya hindi na maipinta ang mukha ko.

"Ha.ha.ha! ano ka ba iho. Parang hindi ka na sanay na tinatawag ka ng ganyan" tumatawang sabi nya

"Manang naman, sa gwapo kong ito? tapos napqueen or whatever kung ano yun. Ah basta! Ang gwapo ko tapos yun lang ang itatawag nyo sa akin!nah! hindi bagay para sa akin"

"Napkin, iho. Hindi napqueen aba'y ginawa mo naman reyna iyon Ha.ha." tumatawang sabi nya.

Hindi na talaga maipinta ang mukha ko!

"Oh sya! ako'y aalis muna dahil pupunta pa ako ng palengke. Ginising lang talaga kita dahil nandyan yung mga kaibigan mo" saad nya

"Okay po. Ingat po kayo manang" sabi ko at humalik sa pisnge nya.

Hindi paren maipinta ang mukha ko kahit nakaalis na si manang.

Sinirado ko ang pinto at bumalik sa kama bago humiga.

Pinikit ko ang mga mata ko.

Napqueen. The heck!

"ANONG ginagawa ninyo dito?" inis na sabi ko habang pababa ng hagdan.

Nakita ko agad ang mga mukha ng mga lapastangan kung mga kaibigan.

Tumawa naman si Elias at hindi makapaniwalang tumayo.

"Ohhhhh... Eleazar. Eleazar! Anong etsura yan?! Hahaha ang panget mo!"

Asar naman akong tumingin sa kanya bago umupo katabi kay Elijah.

Tinignan ko naman sya, nakangite ito habang nagsicellphone. Hindi ko na kailangan magtanong kung bakit nakangite ang isang to.

Babae. I mean, Mga babae nya

Tsk!

"Baka matunaw yan ah"

Nabaling ang tingin ko kay Elias ng magsalita ito.

Sinamaan ko naman ito ng tingin bago ulit tumingin kay Elijah para sana tumingin kung sino ang ka chat nya pero pagtingin ko sa kanya ay nakangise na ito sa akin.

Mas lalo namang sumama ang mukha ko dahil sa pagngise nya sa akin.

"Ano bro? Huwag mong sabihin na gusto muna ako? Sinasabi ko na nga ba! Bakla ka ta---"

Sinuntok ko ito sa braso para matigil sya sa kahibangan nya.

"Okay naman sana kung bakla ka eh kaso mag pinsan kayo Kaya hindi kayo Pwede Hahahaa"

Tumingin ako kay Elias ng sumabat ito habang tumatawa pa ang loko.

Sinamaan ko sya ng tingin.

Loko to ah?

"Baka maghanap ka ng iba jan ah. Basta huwag lang si Elias dahil pinsan mo ren yan Hahaha. Dun ka maghanap sa Bar. 150 lang gagastuhin mo Hahaha"

Napabusangot nalang ako bago inis na tumayo.

"Kung nagpunta lang kayo dito para asarin ako! Huwag na kayong bumalik!" inis na sabi ko at pumunta ng Kusena.

Ginulo ko ang buhok ko dahil sa inis.

"Yaya, Ano pong pagkain ang hinanda nyo?" tanong ko kay Yaya Menda.

Naabutan ko kasi itong umiinom ng tubig dito.

Nakita kong nabigla sya sa pagsulpot ko.

"Oh ikaw pala, Napkin iho. Umupo kalang jan at ipaghahanda kita ng almusal."

Napabusangot naman ako at umupo.

Bakit ba Napqueen ang tawag nila sa akin?

Maya maya ay inilapag nya na ang makakain ko.

Hotdog pero hindi mainit at Pretong itlog ang hinanda nya.

"Yaya bakit hindi mainit yung Hotdog?" tanong ko sa kanya.

Kaya nga Hotdog dahil dapat mainit.

Dapat ColdDog.

Nangunot bigla ang noo dahil sa biglaang pumasok sa utak ko.

Seriously? ColdDog? Parang Iba naman Yung term sa pagkakasabi ko. Hindi Naman sya Cold na Parang galing Ref. Yung malamig Lang na Hotdog kase Hindi mainit! Ganon. Whatever! Nakakalito!

"Ah hindi na talaga yan mainit ijo. Kanina pa yan niluto ni Manang Shi" sabi nya

"Oh sege maiwan mo na kita jan. Ako'y maglilinis pa" dag dag na sabi nya.

"Okay po" sabi ko nalang at nagsimulang kumain.

"Nakakatampo naman hindi mo man lang kami inayang kumain" napatingin ako sa taong pumasok sa kusena.

Si Elias kasunod nya ay si Elijah.

"Tsk!"

Pinagtuloy ko nalang ang pagkain ko at hindi sila pinansin.

Naramdaman ko ang pag upo nila pero bago yun ay nakita ko pang kumuha sila ng plato.

"Kahit hindi mo kami inaya ay kakain pa ren kami" nakangesing sabi Elijah

"Makapal kasi Face mo" saad naman ni Elias.

Nangunot naman ang noo ko.

"Eh bakit nakikain ka ren dito?" tanong ko

Tinawanan nya lang ako at nagsimula ng kumain.

"By the way. Nasan pala si Eleanor?" tanong ko kahit alam ko na ang dahilan.

"Hahaha Saan pa Ede nangbaba----"

Naputol ang sinasabi nya ng biglang sumigaw si Mom habang papasok sa kusena.

"Eleazar! Nasaan yung Napkin ko?! Nakita mo b--Ayy nandyan pala kayo! ." sabi nya ng makita sila Elias at Elijah.

Napabusangot naman ako.

"Hi Tita" bati nilang dalawa kay Mom.

Ngumite lang si Mommy sa kanila at lumapit agad sa akin.

"Eleazar. Nakita mo ba ang napkin na pinabili ko kay manang kahapon?"

Hindi ko alam kung maiinis ba ako dahil sa malakas ang pagkakasabi nya nun.

Napansin ko pa ang pagpipigil ng tawa ng dalawa.

"Mom naman, Bakit po ako yung tinatanong nyo ng ganyan? Malay ko po ba kung saan na yun" sabi ko ng hindi maipinta ang mukha.

Napanguso naman ito.

"Ehhh.. Sino pa ba ang kilala ko na kumukuha ng Napkin ko kundi ikaw lang naman hihihi" nakangiteng sabi nya na tila masaya pa.

Tumawa naman yung dalawa.

"Hahaha! Tama talaga ang hinala ko Hahaha"

Napatingin ako kay Elias ng malakas itong tumawa habang nakahawak pa sa tyan nya.

"Kaya nga Napkin yung nickname mo diba? Kasi nung bata ka pa ikaw palagi ang kumukuha ng Napkin ko Hihih--Oh saan ka pupunta anak? Tapos ka na bang kumain?"

Agad akong tumayo para bumalik sa kwarto. Nawalan yata ako ng gana.

Narinig ko pa ang pagtawa ng Dalawa.

" Hahaha F*ck! Mr. Napkin! " rinig ko pang sabi ni Elijah sabayan mo pa ang pagtawa nya.

Napqueen! Napqueen! D*mn it! Kainis!

Continue Reading

You'll also like

Chapters
Read Now
Download Book