My son died while he's in my womb, my husband regretting for getting married with me but the fact that he just can't accept that his most awaited son will be gone. His parents were disappointed on me and blaming me for our son's death. They never knew that it was an accident. After all the incidents, little did I know that this is just the beginning of my story. That their is something bigger incidents waiting for me
It was just a normal day and I was busy reading when my older brother called me for dinner
"Acyzza! Let's eat!" sigaw ni kuya galing sa kusina, sinarado ko muna ang aking libro bago lumabas sa kwarto.
Deretso akong umupo sa harap ng hapag kainan at hinintay na maupo si mama at kuya. Nang maka upo na kaming lahat ay nagdasal muna kami bago nagsimulang kumain at habang kumakain ay nanonood kami ng mga balita dahil ito ang nakasanayan namin.
"Good evening. In Quezon City, authorities are investigating a murder case after a 19 years old girl was found dead at their home at 9 pm. Police have not identified any suspects and they are still running some tests and still investigating the case..."
Napatingin nalang ako kay mama ng bigla niya ilipat ang pinapanood namin.
"Kumakain ba naman ang tao tapos yun pa ang balita, mas mainam nalang na manood tayo ng iba" sabi ni mama, tango lang ang isinagot ni kuya at nakatotok pa rin siya sa pagkain
Itinuon ko na rin ang pag kain ko ngunit napatigil ng nakita kong tumatawag si Elara, isa sa kaibigan ko
"Sasagutin ko lang tong tawag" paalam ko at hindi na hinintay ang sagot nila, tumayo ako at medjo lumayo sa kung saan sila mama at kuya.
"Ohh Elara napatawag ka-"
"Acy!! Acy!! Tulong!! Hinahabol ako ng mga taong di ko kilala" bigla ako kinabahan dahil sa pag iyak at bulong ni Elara sa kabilang linya, narinig ko pa ang hingal na hingal na boses na halatang tumatakbo ito.
"Saan ka!?! Sabihin mo saan ka!?!?" Tarantang tanong ko at nagmamadaling umalis kahit rinig ko ang sigaw ni mama na tinatawag ako
"Sa-" bago pa siya makasagot ay namatay na ang tawag, tinignan ko ang tracker na nakalagay at malapit lang kaya doon na lang ako sumunod. Naiiyak na ako habang patakbo sa direksyon kung saan nakatigil ang red dot sa phone ko. Nilagyan namin ang isa't isa for emergency nalang na katulad ng nangyayari ngayon.
Lakad takbo ang ginawa ko hanggang sa napatigil ako kasi doon din yung red dot, nasa kalsada ako pero kagubatan na ang meron sa gilid. Tinawagan ko ang phone ni Elara ngunit nagsitaasan lahat ng balahibo ko ng makita ko na nasa gilid lang ang kanyang phone at may may talsik ng dugo. Napaatras ako ng may marinig akong tunog galing sa gubat hanggang sa may paparating na sasakyan kaya nagtago ako sa isang malaking puno. Biglang tumigil ang sasakyan at may lumabas na mga armadong lalaki, dumeretso sila sa kagubatan kaya nagtago ako ng maigi sa puno. May naiwan sa labas ng sasakyan kaya nanatli ako sa tabi ng puno ng ilang minuto ng biglang nag ilaw yung phone ko kaya nataranta ako at pinatay ang tawag, napatingin ako sa kalsada ngunit wala na doon yung lalaki kaya bigla akong kinabahan.
"Who's there??" sigaw nung lalaki kaya napatakip ako ng bibig at nagdadasal na sana hindi ako mahuli na nagtatago dito
Nakita ko ang isang lalaki na sobrang lapit sa kinaroroonan ko kaya napa upo ako, buti nalang at itim na jacket ang suot ko kaya nakikibagay ito sa kadiliman
"Why did you come back so early, I thought you're going to bury that body?"
Bigla nalang akong nakaramdam ng kaba at takot dahil sa narinig ko.
"That girl is so beautiful but she's not the one, I might have even tasted her if only boss is not there"
"You crazy womanizer"
Rinig na rinig ko ang usapan ng dalawang lalaki ngunit napatigil sila ng may mga 5 o mahigit pa ang dumating sa kinaroroonan nila.
"Boss, we're going to check again and make sure that this will not happen again" he was stuttering as he was saying those words to his boss
Napasilip naman ako ng walang ginagawang ingay at nakita ko na may nakahilerang mga lalaki na nakayuko sa harapan ng sasakyan at sa harapan nila ay isang matipunong lalaki, malaki ang katawan at matangkad ito. Hindi ko makita ang mukha niya dahil nakacap at mask ito. Ang ilaw lamang ng sasakyan ang nagsisilbing ilaw sa banda nila.
"Make sure of it" May diin na sabi ng lalaking nasa harapan nila, tumalikod na ito sa kanila ngunit sa isang iglap ay nakahandusay na ang isang kasama nila at nagsisigaw dahil sa sakit
Nanlaki ang mata ko ng makita na nakahawak ng baril ang tinatawag nilang boss, nataranta naman sila ngunit di makagalaw dahil narin sa takot na sila ang susunod na maputukan ng bala. Pati ako ay natakot narin at kinabahan
"Make it twice your mistake and I will shoot not only one but 2 from you" Pagkasabi ng boss nila ay umalis ito at sumakay sa kanyang sasakyan at pinaandar paalis
Nang makaalis na ang sasakyan ay saka lamang nila tinulungan ang kanilang kasama na natamaan ng bala at rinig na rinig ko pa ang mga mura nila. Naghintay ako hanggang sa maka alis sila at saka ako umalis sa pinagtataguan ko ngunit napabalik ako sa puno ng may marinig akong kaluskos sa paligid
"Acyzza??" nagulat nalang ako ng biglang may tumapik sa likod ko at muntik ng mapasigaw ngunit agad niyang tinakpan ang bibig ko
Napatingin naman ako sa kanya at laking gulat ko nang si Elara ito, agad ko itong ginawaran ng yakap
"Anong nangyari?? Sinaktan ka ba? May masakit ba? Ginalaw ka ba?" tadtad na tanong ko sa kaniya ngunit nakatitig lang ito sa akin
"I'm fine don't worry di nila ako sinaktan pero nakakatakot sila muntik na ako mamatay" ramdam ko ang nginig nito kaya inaya ko agad ito papunta sa bahay nila. Tulog na ang mga magulang ni Elara kaya sa pag kakaalam ko ay di nila alam ang nangyari. Dumeretso kami sa kwarto niya at ginamutan ang kunting galos na natamo niya.
"I want to rest Acyzza, can we talk about this tomorrow" gusto ko pa naman siya usisahin ngunit baka mas mainam nga na bigyan ko siya muna ng space kaya tumango nalang ako sa kanya bilang tugon at ngumiti. Nagpaalam naman ako sa kanya na uuwi na ako dahil magkalapit lang naman ang bahay namin.
Pagkapasok ko sa bahay ay nadatnan ko si mama na palakad lakad at nakahawak sa kanyang cellphone, si kuya naman ay naka upo at kita sa mukha nila ang kaba at pag aalala
"Ma" agaw pansin ko sa kanila at napatingin naman silang dalawa sa akin, ang kaninang pag aalala ay napalitan ng galit ang ekspresiyon ni mama at si kuya naman ay nakatingin lang ito sa akin
" Saan ka naman galing, alam mo naman na gabi tapos bigla bigla ka nalang nawawala at alam mo naman na delikado sa labas lalo na sa ganitong oras. Ano ba ang pumasok sa isip mo at lumabas ka, kanina ka pa namin tinatawagan ng kuya mo ngunit di mo kami sinasagot. Saan ka ba nagpunta ha babaita!!" Sermon ni mama ngunit napayuko lamang ako nasabi rin pala ni Elara na hindi ko babanggitin ang nangyari ngayon
Napatingin naman ako sa wall clock namin at ala una na ng umaga ibig sabihin tatlong oras ako nasa labas
"Sorry po ma, may nakalimutan po kasi akong gawin kaya pumunta ako bahay nila Elara at ipapasa namin ngayon" pagdadahilan ko, iyon din ang sinabi ni Elara para magtugma ang sasabihin namin kung sakali na magtatanong sila mama at Tita Elaine na nanay ni Elara. Parehas kasi kami ng trabaho na kinuha, staff kami sa isang big company na mostly pinagtatrabahuan ng mga actors and actresses ng iba't ibang bansa
"Hay naku!! Pinag alala mo kami nang masyado, ehh kung meron ka naman pala sa bahay nila Elara bakit di mo manlang sinagot ang telepono mo??"
" Kasi po ma, lowbat phone ko kaya di ko po napansin" pagsisinungaling ko uli sa kanya
"Ohh sya sige, basta sa susunod magpaalam ka" sabi ni mama at lumapit sa akin para halikan ako sa noo, napapikit naman ako
"Sige na magpahinga ka na" sabi ni mama at dumeretso sa kwarto niya
"Go to your room now and rest, mom's words are already enough" pagkasabi ni kuya ay dumeretso naman ito sa kwarto niya
Napabuntong hininga naman ako at pumunta na din sa kwarto ko para magpahinga, buti nga at walang trabaho bukas kasi iba ang nakaschedule na staffs kaya naman humiga ako agad sa kama at pumikit
Chapter 1 Wrong Target
30/08/2024