14 Days of Journey

14 Days of Journey

midnightfvles

5.0
Komento(s)
42
Tingnan
21
Mga Kabanata

Ang binatang walang ibang nais kundi ang maging proud sa kaniya ang kaniyang ina, ang panganay na anak na si Cios Montereal. Si Cios ay palaging may natatanggap na karangalan sa kanilang paaralan, madalas rin siyang inilalaban sa mga paligsahang ang nagtatagisan ay ang mga matatalinong estudyante. Sa darating na Sports Fest sa kanilang paaralan, kakaharapin ng binata ang ilang sitwasyon na makaaabala sa goals niya. At masasabing isa na rito ang Photography Club member na si Coleen Fabian. How will Cios Montereal pursue his dreams right after Coleen Fabian comes in to the scene? Will she leads him into success or will she ruin his oh-so-great life? At last, will Cios finally found and choose happiness above anything else in this world?

Chapter 1 Sports Fest

"And the winner of this year's Quiz Bee is no other than..." naitungo ko ang aking ulo at nagsimulang magdasal. "Seah Enriquez! Congratulations, Seah of 3rd Grade, section 2! Kindly step forward for the flowers, medal, and certificate."

"Congratulations also to Cios Montereal of 3rd Grade, section 1 for winning the second place!" Lumapit ako sa nag-aannounce at tinanggap ang aking medal at certificate. Hinanap ng mga mata ko sina Mom and Dad na nanonood. Nang matagpuan sila ng mga mata ko ay kumaway agad si Dad at malaki ang ngiting nag-thumbs up. Tiningnan ko naman si Mom na nakakibit-balikat at halata sa kaniyang mukha ang pagkadismaya.

Pagkababa ko sa stage ay sinalubong agad ako ng kapatid kong si Camila. Yumakap siya sa akin at binati ako, ganoon rin ang ginawa ni Dad. "Congrats, anak! You did well. Proud kami sayo ni Camila," malaki ang ngiting sabi ni Dad. Hinanap ng mga mata ko si Mommy, pero wala na siya rito.

Pagkauwi namin sa bahay ay nagdadabog na si Mommy. Lumapit ako sa kaniya at ibinigay ang medal at certificate. "Ano naman ang gagawin ko riyan? You didn't win. I'm so disappointed." ani Mom.

Nakatungo kong pinulot ang medal at certificate na itinapon niya sa sahig. "I'm sorry, Mom. I'll do better next time, I promise."

Umismid siya, "Aba, dapat lang! Akala ko pa naman ay mananalo ka. Puro ka kasi laro eh! From now on, hindi ka na pwedeng lumabas. I'll hire you a new tutor, and you'll study on your free time. Do you understand?" Tumango ako at umakyat na upang magbihis sa aking kwarto.

Nakaupo ako sa kama nang bumukas ang pinto. Umiiyak na pumasok si Camila kaya naman nilapitan ko agad siya. "What happened? Why are you crying, Cam?" tanong ko.

Hindi siya sumagot at patuloy lamang sa pag-iyak. Pinatahan ko siya at sa pagtahan niya, narinig namin ang sigawan nina Mom and Dad sa baba. Inihiga ko si Camila sa aking kama at kinumutan ito. "Stay here. 'Wag kang susunod sa akin, naiintindihan mo ba?" Tumango siya.

Dahan-dahan akong lumabas ng kwarto upang alamin kung ano ang pinagtatalunan ni Mommy at Daddy. Nagtago ako sa may hagdan, habang sila naman ay nasa salas at nagtatalo parin.

"You don't understand, Antonius! Kailangang sanayin na agad ang mga batang iyan na maging matalino habang maaga pa!" sigaw ni Mom. Nakita ko ang pag-iling ni Dad at paghawak sa braso ni Mom.

"Pero you're doing it in the wrong way! We can't force them to do anything we want dahil hindi naman preso o utusan ang mga bata. At saka, babaan mo nga iyang expectations mo sa kanila! Hindi mo ba nakikita na nape-pressure ang panganay mo? Paano kung iyan pa ang makapagpabagsak sa kaniya?" ani Daddy. Ramdam ko na sinusubukan niyang kumalma pero sadyang magagalitin si Mommy.

"Alam ko kung ano ang ginagawa ko! As their mother, kailangan nilang makinig sa akin dahil ang gusto ko lang naman ay ang mapabuti sila! At ikaw? Palagi mo nalang kinakampihan ang mga bata! Kaya sila nagiging suwail ay dahil sa iyo!" Mas lumakas ang sigaw ni Mom, binawi rin niya ang braso niyang kanina'y hawak ni Daddy.

"Ha! Kanina'y nanalo naman ang anak mo, pero ano ang ginawa mo? Ni hindi mo mayakap at masabihan ng simpleng 'congratulations'! Iyan ba ang way mo para maging mabuting ina? Anong klaseng ina ang itatratong ganiyan ang anak nila?" Malakas nadin ang sigaw ni Dad. Kitang-kita ko kung paano siya sinampal ni Mommy.

"You don't have the right to question my parenting, Antonius. Kung ganito lamang pala ang mangyayari, edi sana'y hindi na lamang kita pinakasalan!" At iyan ang huling linyang narinig ko bago umalis si Mommy sa bahay namin, at hindi na muling bumalik.

"Kyo? Hoy, Kyo? Hotdog!" Napakurap-kurap ako at masamang tiningnan si Red. Kasabay kong naglalakad ngayon si Sho.

"Are you okay? You were spacing out," Sho said. Patuloy lang siya sa paglalakad at hindi ako tiningnan.

"Oh, I'm fine." maikli kong sagot.

"Boss Kyo, ano'ng plano mo today?" tanong ni Red. Tumigil ako sa paglalakad at tumingin kay Red.

"Uuwi na. Why?"

"Ayaw mo muna ba kumain? Kakain kami ni Sho, sama ka? Sama ka na!" Sadyang makulit si Red. Hindi ko nga alam kung bakit ba napakakulit niya. Hindi siya tumatanggap ng no as an answer, pero dahil hindi iyon gumagana sa akin,

"Ayoko. Uuwi na kami ni Camila."

Speaking of Camila, nakita ko na siyang naglalakad kasama ang dalawa niyang kaibigan papunta sa direksyon namin. Kasalukuyan kaming nakatigil sa Gymnasium ng school. Marami-rami narin ang mga estudyanteng nasa loob. Pinapunta kami dito ng mga teachers after dismissal, may ia-announce raw.

"Kuya, pwede ba akong gumaー"

"Good Day, Students! We'll be having an announcement kaya mabuting makinig muna kayong lahat."

Mukhang importante ang ia-announce niya kaya itinuon ko lang ang atensiyon ko sa kaniya kahit ramdam na ramdam ko ang mga matang nakatitig sa akin.

"Sports Fest na natin next week kaya nandito ako sa harapan niyo ngayon para sabihin sa inyo na mag-ayos na kayo ng mga clubs niyo. Everyone should participate on the upcoming Sports Fest, understood?"

Lumapit sa akin si Red at umakbay, tinanggal ko naman ang pagkakaakbay niya kaya natawa siya. "Bakit?" tanong ko.

Ang sagot ni Red, "Sali tayo sa Liga, pre." Pwede naman, sa isip-isip ko.

"At isa pa pala! Isasabay na sa Sports Fest ang Quiz Bee kaya sadly, hindi makakasama ang mga mapipiling representative ng bawat section. That's all, thank you! Magsiuwi na kayo." After that, bumaba na siya ng stage. The whole gymnasium is now filled with chaos.

Lumapit sa amin ang Team Captain ng isa sa mga Basketball Teams. "Oh, mga Montereal, sa team ko kayo sasama ha?" masayang bati niya sa amin.

"Pwede rin ba akong sumali, p're? Hindi ako Montereal pero marunong akong maglaro." confident na sabi ni Jonas, isa sa mga kaibigan ni Camila.

"Oo naman! Basta bukas may meeting tayo ha?" nakangiti pading sabi ng Kapitan. Napatingin siya sa gawi ko. "Uy, ikaw din Cios, ha? Sama ka rin sa 'min." paanyaya niya. Hindi pwede.

"Montereal, ikaw ang magr-represent sa section natin. We'll start the review tomorrow. I'm expecting you to cooperate, okay?" ani Adviser ng section namin na kalalapit lamang sa grupo namin.

I smiled, "Of course, Ma'am. I'll be there." And with that, our adviser leftー smiling.

"Gags! So, hindi ka makakasali sa Liga?" maingay na sabi ni Red.

"Yes. Pasensiya na, Cap. Magaling namang maglaro sina Sho, sila nalang." may maliit na ngiting sabi ko. Tumango si Cap at tinapik ang balikat ko saka kinausap sina Sho.

Nagvibrate ang phone ko kaya dinukot ko iyon sa aking bulsa. There's a text message from my Mom. "Do well in your Quiz Bee." Yeah. Of course.

"Ano ba, Jonas? Bakit ka ba bumubulong?" ani Sho at binatukan si Jonas.

"Bakit ayaw niyang sumali sa Liga? Magaling naman siyang maglaro, ah? Bading ba 'yon?" Binatukang muli ni Sho si Jonas. Nagbubulungan sila pero rinig ko naman. Nakatalikod lamang ako.

"'Wag ka mang-dog show, pre. Hayaan mo na 'yong si Kyo, alam niya ang ginagawa niya. Saka we understand, p're, ikaw lang ang hindi." sagot nii Red.

"Pero bakit nga? Sayang! Ayaw niya bang magsaya?" pahabol na sabi ni Jonas. Napailing na lang ako.

"Ano naman kung maging masaya kayo sa Liga? Winning isn't something you all can be so sure of. Yes, you'll be having a lot of fun, pero paano kapag natalo kayo? Where will your efforts go? They'll be useless.

At kung manalo man kayo or matalo sa laro, ano na ang mangyayari pagkatapos no'n? Sa huli, maghahabol ka lang din naman sa mga naliktangan mong lessons. Ikaw din lang ang mahihirapan."

All of that are my thoughts. That's what I know, and that's what is right. Yes, there's always something better.

I sighed and turn around to face them. I grabbed Camila's bag, pahiwatig na uuwi na kami. Bago pa man ako tuluyang makalabas ng gymnasium, I looked back. They are all laughing. What are they all laughing at? What's with the loudness?

Isa-isa ko silang tiningnan, pare-parehas silang masaya at tumatawa. Ngunit napako ang tingin ko sa isa. The girl that wore her hair in a high pony tail laughs the loudest. Nakakainis. Something about her laugh irritates me.

Always smiling, huh?

Nagulat na lang ako nang may nambatok sa akin. "Kuya, para kang stupid! Kanina pa kita tinatawag, saan ka ba nakatingin?"

Inis akong naglakad palayo, kasabay si Camila. "Yey, let's go home na!"

Magpatuloy sa Pagbasa

Magugustuhan mo rin

Muling pag-iibigan kasama ang ama ng triplets

Muling pag-iibigan kasama ang ama ng triplets

Alfons Breen
4.9

Dalawang taon pagkatapos ng kanyang kasal, si Ximena ay nawalan ng malay sa isang pool ng kanyang sariling dugo sa isang mahirap na panganganak. Nakalimutan niyang ikakasal nga pala sa iba ang dating asawa noong araw na iyon. "Maghiwalay na tayo, ngunit ang sanggol ay nananatili sa akin." Ang kanyang mga salita bago natapos ang kanilang diborsyo ay hindi pa rin nawawala sa kanyang isip. Wala siya roon para sa kanya, ngunit gusto niya ng buong kustodiya ng kanilang anak. Mas gugustuhin pa ni Ximena na mamatay kaysa makitang tawagin ng kanyang anak ang ibang ina. Dahil dito, isinuko niya ang multo sa operating table na may dalawang sanggol na naiwan sa kanyang tiyan. Ngunit hindi iyon ang wakas para sa kanya... Pagkalipas ng mga taon, naging dahilan ng muling pagkikita ng tadhana. Si Ramon ay isang nagbagong tao sa pagkakataong ito. Gusto niyang itago siya sa sarili niya kahit na siya ay ina na ng dalawang anak. Nang malaman niya ang tungkol sa kasal niya, sumugod siya sa venue at gumawa ng eksena. "Ramon,Namatay ako minsan, kaya wala akong pakialam na mamatay ulit. Pero sa pagkakataong ito, gusto kong sabay tayong mamatay," siya sumigaw, nanlilisik ang tingin sa kanya na may nasasaktan sa kanyang mga mata.//Naisip ni Ximena na hindi siya nito mahal at masaya na sa wakas ay wala na ito sa buhay niya. Ngunit ang hindi niya alam ay nadurog ang puso niya sa hindi inaasahang pagkamatay niya. Matagal siyang umiyak mag-isa dahil sa sakit at hapdi. Palagi niyang hinihiling na mabawi niya ang mga kamay ng oras o makita muli ang magandang mukha nito. Sobra para kay Ximena ang drama na dumating mamaya. Ang kanyang buhay ay napuno ng mga twists at turns. Hindi nagtagal, napupunta siya sa pagitan ng pakikipagbalikan sa kanyang dating asawa o pag-move on sa kanyang buhay. Ano ang pipiliin niya?

Nakatadhanang Pag-ibig sa Pagbabagong Identidad ng CEO

Nakatadhanang Pag-ibig sa Pagbabagong Identidad ng CEO

Fifine Schwan
5.0

Upang matupad ang huling hiling ng kanyang lolo, pinasok ni Stella ang isang madaliang kasal sa isang ordinaryong lalaki na hindi pa niya nakikilala. Gayunpaman, kahit na pagkatapos na maging mag-asawa sa papel, ang bawat isa ay humantong sa magkahiwalay na buhay, halos hindi nagkrus ang landas. Makalipas ang isang taon, bumalik si Stella sa Seamarsh Lunsod, umaasa na sa wakas ay makilala niya ang kanyang misteryosong asawa. Sa kanyang pagkamangha, pinadalhan siya nito ng isang text message, sa hindi inaasahang pagkakataon na nagsusumamo para sa isang diborsyo nang hindi pa siya nakikilala nang personal. Nagngangalit ang kanyang mga ngipin, sumagot si Stella, "So be it. hiwalayan na natin!" Kasunod nito, gumawa ng matapang na hakbang si Stella at sumali sa Prosperity Group, kung saan siya ay naging public relations officer na direktang nagtrabaho para sa CEO ng kumpanya, si Matthew. Ang guwapo at misteryosong CEO ay nakatali na sa matrimonya, at kilala na hindi matitinag na tapat sa kanyang asawa nang pribado. Lingid sa kaalaman ni Stella, ang kanyang misteryosong asawa ay ang kanyang amo, sa kanyang kahaliling pagkakakilanlan! Determinado na mag-focus sa kanyang career, sadyang iniwasan ni Stella ang CEO, bagama't hindi niya maiwasang mapansin ang sadyang pagtatangka nitong mapalapit sa kanya. Sa paglipas ng panahon, nagbago ang loob ng mailap niyang asawa. Bigla siyang tumanggi na ituloy ang diborsyo. Kailan mabubunyag ang kanyang kahaliling pagkakakilanlan? Sa gitna ng magulong paghahalo ng panlilinlang at malalim na pag-ibig, anong tadhana ang naghihintay sa kanila?

Mga Kabanata
Basahin Ngayon
I-download ang Aklat