Login to MoboReader
icon 0
icon MAG-TOP UP
rightIcon
icon Kasaysayan ng Pagbasa
rightIcon
icon Mag-log out
rightIcon
icon Kunin ang APP
rightIcon
Book of Fate

Book of Fate

acire_berry

5.0
Komento(s)
569
Tingnan
71
Mga Kabanata

Mawawala ang isang libro at makukuha ito ng babaeng mahilig magsulat. Mahiwaga ang libro dahil ito ang libro ng tadhana para sa kapalaran ng dalawang tao. Ang nakasulat sa libro ay nangyayari sa totoong tao at mundo. Dalawang kwento ang mangyayari. Ang isa ay nakatadhana na talagang magkita ngunit nagkaroon ng problema, at ang isa ay isang high school story na may matagal nang crush sa kanyang school batch mate. Sa kwento sa libro, magkakaroon ng kaguluhan sa bawat tadhana ng mga ito. At sa huli, magkakaroon ba talaga ng magandang wakas ang dalawang kwento o isang kwento ang hindi magtatapos sa happy ending?

Chapter 1 Writer's Life

Pangarap na parang ka'y dali lang makuha o matupad na akala mo lahat instant na pag nagustuhan mo ay mayroon ka na agad. Na parang isang hiling na hindi mo alam kung magiging totoo ba o sadyang pinapaniwala mo na lang ang sarili mo sa mga bagay o pangyayari na wala kang kasiguraduhan kung mayroon nga ba.

Katulad ni Alexa isang babaeng pangarap maging isang writer ng isang publishing book pero wala pang natatapos na isang istorya uumpisahan pero walang gitna at wakas kumbaga sa isang drawing na naumpisahan pero hindi na kayang tapusin upang makita ang resulta sa huli kung maganda ba o hindi ang pagkakagawa.

Si Alexa ,ay 26 na ang edad nagtapos naman siya ng kursong Hotel and Restaurant Management, pero pagsusulat talaga ang gusto, pero mukhang hindi naaayon sa gusto niya ang takbo ng tadhana dahil kung mayroon man siyang natapos na isang libro ay hindi naman tinatanggap dahil hindi maganda ang daloy ng istorya. Kaya laging bigo sa tuwing umuuwi siya.

" Oh! Hindi na naman nakapasa yang istorya mo no?" tanong ng kaibigan niyang si Lexie.

Malungkot na tumango lang siya sa kaibigan." Sinabi ko naman kasi sayo magtrabaho ka na lang kaysa pinag-aaksayahan mo ng panahon 'yang mga libro mo, at least pag nagtrabaho ka kumikita ka, e diyan wala lagi ka na lang umuuwi ng gabi dahil lang sa paghahanap ng tatanggap diyan," mahabang sermon nito kay Alexa.

" Alam mo naman na kahit may natapos akong kurso ay pagsusulat talaga ang gusto ko," sagot niya sa nanghihinang boses.

" Suportado naman kita kung saan ka masaya pero ang sa akin lang naman magpahinga ka naman halos araw-araw kang laman ng kalye at gabi pang umuuwi."

" Oo na hindi mo na ko lalabas ng bahay mayroon pa naman akong pending na isang istorya wala pa sa kalahati 'yon magsusulat na lang ako," nakangiti ng sagot niya.

Iiling-iling na lang ang kaibigan sa pagbabago ng mood nito na kanina ay parang nalugi, ngayon kung makangiti ay parang wala lang.

" Kumain na nga tayo anong oras na." Aya sa kanya nito.

" Sige sunod ako magpapalit lang ako ng damit." At pumasok na ng kwarto niya.

Pumasok si Alexa sa kwarto niya at ang unang makikita ay ang mga kalat na papel sa higaan at sahig, lahat ng gamit nitong pirasong papel sa paggawa ng plot ng story niya ay nagkalat.

Tamad niyang pinatong ang manuscript niyang dala at nahiga." Isang araw na naman ang lumipas at isang istorya ko na naman ang hindi natanggap." Pumikit ito sandali at ilang minuto sa gano'n na posisyon.

Si Alexa ay ulila na sa mga magulang simula ng elementary pa siya. Ang tanging sumusuporta lang sa kanya ngayon ay ang kanyang Tita sa ibang bansa nagtatrabaho. Ito ang kapatid ng nanay niya, simula ng mamatay ang mga magulang niya ay ito na ang nagbibigay ng pang-gastos niya kahit na ngayon na may kakayahan na siyang magtrabaho ay nakasuporta pa rin ito. Nakapagtapos naman siya at puwede na rin siya makahanap ng trabaho na tiyak na makukuha siya kaagad dahil siya ay graduated ng Hotel and Restaurant Management, at nag Major in Culinary Arts, pero hindi niya binalak dahil ang gusto niya ay maging writer ng isang libro maging isang kilalang Author na ang istorya ay mag-iiwan ng tatatak sa kanilang puso sa lahat ng magbabasa nito.

Isang mabait na tao si Alexa kahit pa madalas ay laging mainit ang ulo ng kanyang kaibigan na si Lexie dahil halos inaabot siya ng gabi sa daan. Alam naman niya na delikado pag gabi pero pangarap niya kasi, kaya kahit abutin pa siya ng gabi sa daan ay ayos lang basta umuwi lang na may ngiti sa mga labi, pero lagi naman itong umuuwi na bagsak ang balikat dahil sa hindi na naman tanggap ang mga ginagawa nitong istorya.

Siya yung tipong maraming eksena sa istorya hanggang sa kalagitnaan pero pag nalalapit na ang katapusan ay wala siyang maisip na scene para sa istorya niya, kaya naman iiwanan niya ito at magsisimula ulit ng panibago dahil ibang istorya naman ang pumapasok sa utak niya. In short sa umpisa lang siya magaling pero hindi na niya mapanindigan hanggang sa huli. Mayroon naman siyang natapos katulad ng hawak na papel na inuwi niya rin dahil hindi nagandahan ang editor o kaya hindi masyadong papatok sa mga readers ang plot ng story niya. No choice kaya inuwi na niya muli ito at gumawa na lang ulit ng bago.

Bumangon na si Alexa at lumabas ng kwarto at tumuloy sa kusina, nadatnan niya si Lexie na naghahanda na ng pagkain nila." Umupo ka na," sambit ni Lexie.

Umupo si Alexa at nagsimula ng kumain." Siya nga pala Alexa baka gusto mong mag-apply kung saan ako nagtatrabaho, hiring sila ngayon."

" Pag-iisipan ko muna siguro."

" Sige, sabihan mo na lang ako kung interesado ka."

Tumango lang si Alexa at nagpatuloy ng kumain pagkatapos ay hinugasan na niya ang pinggan bago pumasok sa kwarto niya at magsimula ulit bumuo ng istorya na kanyang isusulat.

Habang nakatulala sa kawalan si Alexa at nag-iisip ng kanyang plot ay napaisip siya." Ang isang istorya ay parang buhay rin ng tao minsan, noong panahon na isinilang at nagkaisip ay parang kay dali lang ng bawat araw na parating walang problema, pero habang lumalaki at nagkakaedad ay doon na nagpaparamdam ang hirap, doon ka na rin makakaramdam ng pagod, tinatamad sa bagay na gustong-gusto mong gawin noong umpisa pa lang pero sa bandang kalagitnaan ay nawalan na ng gana, pero naisip ko sinimulan ko na, meron na akong nasimulan bakit hindi ko pa tapusin hanggang dulo para worth it naman ang paghihirap ko noong nag-uumpisa pa lang ako." Bumuntong-hininga siya.

" Ang makatapos at matanggap lang na kahit hindi na siguro sikat na publishing book ang mga istorya ko ay sobrang saya na ng puso ko." Malungkot siyang tumingin sa manuscript na hindi natanggap." Pero ang tanong kelan kaya 'yon."

Iniling na lang ni Alexa ang ulo niya para maalis ang mga iniisip niya para makapag-umpisa na ulit siyang magsulat. Nang gabi rin nga na 'yon ay nagsimula ulit magsulat ni Alexa ng kanyang panibagong istorya na iaaply ulit.

Magpatuloy sa Pagbasa
Mga Kabanata
Basahin Ngayon
I-download ang Aklat
Book of Fate
1

Chapter 1 Writer's Life

13/04/2022

2

Chapter 2 Magic Book

13/04/2022

3

Chapter 3 Missing Book

13/04/2022

4

Chapter 4 Beginning

13/04/2022

5

Chapter 5 First Day of Class

13/04/2022

6

Chapter 6 Hidden Gift

13/04/2022

7

Chapter 7 Tutoring Conversation

13/04/2022

8

Chapter 8 Myterious Visitor

13/04/2022

9

Chapter 9 Math Solution

13/04/2022

10

Chapter 10 Short Quiz

13/04/2022

11

Chapter 11 Unknown Person

13/04/2022

12

Chapter 12 Transferee Student

16/04/2022

13

Chapter 13 Result of Searching

16/04/2022

14

Chapter 14 High School Crush

21/04/2022

15

Chapter 15 Charice confront Daniella

23/04/2022

16

Chapter 16 Clarify

26/04/2022

17

Chapter 17 Lunch Box

01/05/2022

18

Chapter 18 Section Representative

01/05/2022

19

Chapter 19 Plaza

01/05/2022

20

Chapter 20 Late

01/05/2022

21

Chapter 21 Suggestion

01/05/2022

22

Chapter 22 Start Acting

01/05/2022

23

Chapter 23 Tears

01/05/2022

24

Chapter 24 Jack and Ryan

01/05/2022

25

Chapter 25 Practice

01/05/2022

26

Chapter 26 Sample Question

01/05/2022

27

Chapter 27 The Drawing

04/05/2022

28

Chapter 28 Almost Meet

04/05/2022

29

Chapter 29 The power of the book

04/05/2022

30

Chapter 30 Program Preparation

04/05/2022

31

Chapter 31 The Gown

14/05/2022

32

Chapter 32 The Day

14/05/2022

33

Chapter 33 School Program Start

14/05/2022

34

Chapter 34 Truth Answer

14/05/2022

35

Chapter 35 Best Example

14/05/2022

36

Chapter 36 Win for William

16/05/2022

37

Chapter 37 William's Smile

16/05/2022

38

Chapter 38 The Choice Student

16/05/2022

39

Chapter 39 Bottle Water

16/05/2022

40

Chapter 40 The Exchange Student

16/05/2022