Destined by Blood (A Vampire Romance)

Destined by Blood (A Vampire Romance)

Sofia

5.0
Komento(s)
267
Tingnan
71
Mga Kabanata

Jermaine‌ ‌was‌ ‌a‌ ‌simple‌ ‌romance‌ ‌novelist‌ ‌with‌ ‌a‌ ‌boring‌ ‌life.‌ ‌Romance‌ ‌novelist‌ ‌ siya‌ ‌na‌ ‌walang‌ ‌love‌ ‌life.‌ ‌Di‌ ‌niya‌ ‌alam‌ ‌kung‌ ‌love‌ ‌life‌ ‌ngang‌ ‌matatawag‌ ‌ang‌ ‌ guwapong,‌ ‌matangkad‌ ‌at‌ ‌supladong‌ ‌lalaki‌ ‌na‌ ‌amoy‌ ‌mayaman‌ ‌na‌ ‌tambay‌ ‌sa‌ ‌coffee‌ ‌ shop‌ ‌kung‌ ‌saan‌ ‌siya‌ ‌nagsusulat‌ ‌-‌ ‌si‌ ‌Enricus‌ ‌Monsalvo.‌ ‌ Matapos‌ ‌ang‌ ‌isang‌ ‌gabi‌ ‌na‌ ‌napaginipan‌ ‌niya‌ ‌na‌ ‌isa‌ ‌daw‌ ‌itong‌ ‌bampira‌ ‌at‌ ‌ kinagat‌ ‌siya,‌ ‌naisulat‌ ‌niya‌ ‌ang‌ ‌bestselling‌ ‌vampire‌ ‌novel‌ ‌na‌ ‌ito‌ ‌ang‌ ‌bida.‌ ‌Pero‌ ‌bumaligtad‌ ‌ang‌ ‌mundo‌ ‌niya‌ ‌nang‌ ‌ipatigil‌ ‌nito‌ ‌ang‌ ‌pag-iimprenta‌ ‌ng‌ ‌bestseller‌ ‌novel‌ ‌niya‌ ‌dahil‌ ‌daw‌ ‌invasion‌ ‌of‌ ‌privacy‌ ‌at‌ ‌nakakasira‌ ‌sa‌ ‌reputasyon‌ ‌nito.‌ ‌ ‌ Paanong‌ ‌nakakasira‌ ‌sa‌ ‌reputasyon‌ ‌nito?‌ ‌It‌ ‌was‌ ‌all‌ ‌fiction.‌ ‌ ‌ Pero paano ang love scene na isinulat niya sa kwento nito? Magkakatotoo rin kaya?

Chapter 1 Terminologies

Sanguis - a term for creatures who drink blood from human or fellow sanguis. Another term for vampires.

Mayari/tennyo – diwata ng buwan. Ang pinagmulan ng lahat ng mga sanguis.

Sanguinare – anak ng mayari sa tao. Bampirang maaring magkaanak.

Mezzo sangre – anak ng isang sangre sa bampira. Bampirang maari ring magkaanak.

Mezzo – anak ng isang bampira (que sangre, mezzo sangre or mezzo itself) sa isang tao.

Esclavo – bampira na na-turn as vampire not by blood but by biting. Hindi sila maaring magkaanak sa tao. Sa bampira lang sila maaring magkaanak. Pero ang mga female esclavo ay di maaring magkaanak kahit na kailan.

rojo - ang mga bampira na nasa liwanag

Umbra - grupo ng kalabang mga bampira

fidele - mga tao na nasa ilalim ng grupo ng rojo. Blood slave sila.

Kresme - nilalang na nakakakita ng hinaharap

Baylan - manggagamot at tagapamuno ng mga ritual

Lacambui - isang purong baylan. Makapangyarihan at may kakayahang ikonekta ang mga sanguis na nasa mundo sa mga mayari ng buwan.

Sentinels - grupo ng mga kalahating lobo at kalahating bampira na nagbabantay sa mga rojo. Mga biktima sila ng mga dating eksperimento ng mga umbra.

Dominare - ang bampira na nag-drain sa dugo ng isang tao o ng isang sanguis na di pa nagiging ganap na sanguis. May kakayahan siyang kontrolin ang tao na inatake niya at pasunurin ito.

"S-Sir Dominic, sinira niya ang buhay ko. Sinira niya ang pangalan ko. Kung anu-anong paninirang puri ang isinulat niya sa akin. Hindi na ito tama," tungayaw ng kapwa writer ni Jermaine na si Novah o mas kilala bilang Bliss Azul.

Humagis sa harapan ni Jermaine ang bagong labas niyang nobela at nakataas ang kilay na sinundan iyon ng tingin nang damputin ng publisher niyang si Dominic. Nasa loob siya ng publisher's office kasama ang editor niyang si Estella at ang co-writer niyang si Novah na namumula sa galit.

Puno ng tensiyon ang paligid pagpasok pa lang niya ng Beautiful Life Press kanina kung saan siya nagtatrabaho bilang romance novelist.. Hindi niya alam kung bakit siya ipinatawag sa opisina. Wala pa siya halos tulog mula sa pagsusulat nang matanggap ng tawag mula sa publisher niya para sa isang emergency meeting. Lutang na lutang pa siya. Asang-asa pa mandin siya na bonus iyon o kaya ay book signing na may kasamang libreng tour sa ibang lugar. Those small perks were heaven for her.

Anim na taon na siyang romance novelist at nakapagpa-publish na ng halos isandaang nobela. Hindi ganoon kalaki ang kinikita niya isama pa ang pressure na kailangang laging magsulat ng magaganda at bagong kwento para makapasa sa editor. Pero malaking bagay na sa kanya na di niya kailangang laging sumabak sa traffic para magtrabaho, kahit anong oras pwede siyang magtrabaho, mag-break time o magbakasyon, at may followers siya na napapasaya.

Wala siyang problema sa mga katrabaho maliban sa co-writer na si Novah. Nang makita niya si Novah sa opisina, she already smelled trouble. At nang makita niya ang bago niyang libro sa kamay nito, alam niyang kailangan na niyang ihanda ang sarili niya para sa isang matinding laban.

Binuklat ni Dominic ang libro at nakitingin din sa libro si Estella. "Paano mo naman nasabing sinisiraan ka ni Jermaine, Novah?"

"Look! Pinalabas niya sa nobelang iyan na ang kontrabida niyang si Lyra ay isang plagiarist. N-Na wala siyang ginawa kundi mangopya ng gawa ng ibang writers at magpa-victim kapag nahuli," anitong nagsimula nang mangilid ang luha. "A-Alam ko na ako ang tinutukoy niya sa nobelang iyan. Ako 'yan."

Iniikot ni Jermaine ang mga mata habang pinagmamasdan ang pagtulo ng luha ng babae. Ever the drama queen. Pa-victim amf!

Unang pagpasok pa lang nito sa Beautfiul Life ay nagkabangga na silang dalawa. Sa unang nobela pa lang kasi nito ay nakatanggap na siya ng reklamo mula sa mga readers niya na ginaya nito ang mga characters, eksena at kwento mula sa ibang nobela niya at ng kaibigang writer. When confronted about it, pinalabas nitong inaapi niya ito at inaakusahan ng mali. Na ginagamit daw niya ang pangalan nito para kumuha ng atensiyon ng iba. Di pa man ito sikat ay nagmamalaki na ito. As if she needed her sorry name to be famous.

Matagal nang established ang pangalan niya sa larangan ng pagsusulat bago pa man ito dumating. She worked hard for her name. She worked hard to get her readers' adoration. Matindi ang pagmamahal ng mga ito sa naisulat niya na ni-research at pinag-isipan niya. Kaya naman matindi ang pagdepensa ng mga readers kung may gagaya man ng mga gawa niya.

Kilala siya na hindi nagpapaapi lalo na't napatunayan niyang may mga ginaya nga sa mga nobela niya. Nainis siya na huling-huli na nga ito sa panggagaya ay ayaw pa nitong tanggapin ang pagkakamali. She was even justifying it. Sa huli ay ito pa ang lumabas na kaawa-awa sa marami at siya na ginayahan ng sulat ang masama. Mapang-api daw siya sa baguhan dahil gusto niyang siya lang ang sikat.

What a cruel world. Siya na nga ang natapakan, siya pa ang masama sa huli. Pinamahala na niya sa publication ang naturang problema. Nagtimpi siya kahit na ang mga sumunod nitong istorya ay kahawig pa rin ng sa kanya. Kaysa magpaapekto sa problema ay ibinuhos na lang niya sa nobela ang naturang pangyayari sa buhay niya bilang therapy. Doon man lang makabawi siya dito. Good vibes na siya sa pagbawi dito, nagkapera pa siya.

"Uhmmm... excuse me? You are not Lyra. Ikaw ba si Lyra?" nakataas ang kilay na tanong ni Jermaine at prente lang sa pagkakaupo.

Magpatuloy sa Pagbasa

Iba pang mga aklat ni Sofia

Higit pa
Mga Kabanata
Basahin Ngayon
I-download ang Aklat
Destined by Blood (A Vampire Romance)
1

Chapter 1 Terminologies

06/04/2022

2

Chapter 2 Coincidence

06/04/2022

3

Chapter 3 Nabuhay na Kathang-Isip

06/04/2022

4

Chapter 4 Biyaya ng Diyos

06/04/2022

5

Chapter 5 Making out in public

06/04/2022

6

Chapter 6 Secret Photo

06/04/2022

7

Chapter 7 Left his phone

06/04/2022

8

Chapter 8 The Bite

06/04/2022

9

Chapter 9 Pinaka-aroganteng bampira

06/04/2022

10

Chapter 10 Child of the Moon

06/04/2022

11

Chapter 11 Bampira ka ba

06/04/2022

12

Chapter 12 Kuyog is real

06/04/2022

13

Chapter 13 One Fated Night

06/04/2022

14

Chapter 14 Do you read romance novels, Sir

06/04/2022

15

Chapter 15 Facing the Consejo

06/04/2022

16

Chapter 16 Kresme

06/04/2022

17

Chapter 17 Sold out

06/04/2022

18

Chapter 18 Is it worth it for just a book

06/04/2022

19

Chapter 19 I will behave

06/04/2022

20

Chapter 20 Sorry

06/04/2022

21

Chapter 21 May itinatago ka ba

06/04/2022

22

Chapter 22 Iinumin mo ang dugo ko

06/04/2022

23

Chapter 23 Is it your fantasy

06/04/2022

24

Chapter 24 My kiss tastes better than fiction

06/04/2022

25

Chapter 25 It doesn't feel right

06/04/2022

26

Chapter 26 Will you teach me a thing or two

06/04/2022

27

Chapter 27 Why take it slow

06/04/2022

28

Chapter 28 Kenneth

06/04/2022

29

Chapter 29 Anak ng sanguinare

06/04/2022

30

Chapter 30 You need to drink my blood

06/04/2022

31

Chapter 31 Sino ang magseseryoso sa vampire novel

06/04/2022

32

Chapter 32 Ikaw ang magbantay sa kanya

06/04/2022

33

Chapter 33 Kailangan niyang tumakas

06/04/2022

34

Chapter 34 Tao ka pa rin

06/04/2022

35

Chapter 35 Panibagong buhay

06/04/2022

36

Chapter 36 Valley of the Red Moon

06/04/2022

37

Chapter 37 Mayari

06/04/2022

38

Chapter 38 Deja vu

06/04/2022

39

Chapter 39 Facing the consejo

06/04/2022

40

Chapter 40 Di ka maaring umalis

06/04/2022