Get the APP hot
Philippines
Home / Young Adult / Playful Destiny (Body Switch)
Playful Destiny (Body Switch)

Playful Destiny (Body Switch)

5.0 (3)
18 Chapters
854 View
Read Now

About

Contents

Childhood crush o mas tamang sabihin na first love ni Scarlet Silvestre si Dylan Dutcher. Bata pa lang kasi nang magsimulang tumibok ang puso nya rito dahil sa angking kaguwapuhan at katalinuhan ni binata, ngunit sa kabila naman nito ay kabaligtaran ang pag-uugali nito. Cold-hearted at playboy kasi si Dylan, walang sineseryoso na babae. Matapos makuha ang babae ay bigla na lamang nitong iiwang luhaan ang mga babaeng nakakarelas'yon. Ngunit paano kung mag-switch ang kanilang mga katawan at magkapalit ang kanilang buhay?! Is there a chance that Dylan will love her too? O baka naman kamuhian lamang sya nito at paglaruan? Maibabalik ba ng love ang kani-kanilang mga katawan? Will they find the truth behind that mystery?

img

Chapter 1 See you again

Huling araw na ng Mayo at kasalukuyang ipinagdiriwang ang Santacruzan. Nakipagsik-sikan si Scarlet sa maraming tao, maingay dulot ng mga tilian ng mga kadalagahan.

Hindi n'ya alintana ang pawis masilayan lamang niya ang love of her life n'ya, no other than Dylan Dutcher!

"Omg! Shit, Napakaguwapo mo talaga!" bulalas ni Scarlet habang titig na titig sa binata na nasa malayo pa naman.

Naglalakad ito habang may apat na lalaking bantay sa magkabilang paligid ng binata. Nakasuot ito ng Tuxedo at pants na itim na lalong nagpalitaw sa kakisigan at kapogian ng binata.

Talagang walang babae ang hindi magkakagusto rito. Ang taas nito ay maihahalintulad sa mga PBA Players, 6"2 Ft. lang naman ang height nito, napakakinis at mestiso pa. Idagdag pa ang pointed nose nito, chinitong mga mata at natural na red lips nito.

Napakagat sa pang-ibabang labi si Scarlet habang matalim na pinagmamasdan ang papalapit na lihim na iniibig. May konting kurot sa sulok ng puso n'ya sapagkat iba ang naging kapartner nito sa sagala.

Kung hindi lang sila gipit ngayon, nakapagpalista sana s'ya para makasali sa sagala. Nakabili o arkila man lang sana sila ng mama niya ng gown at nakapagpa-parlor ngunit hindi na n'ya ipinilit pa ang kaniyang Ina sa pansariling kagustuhan.

S'yempre, mas uunahin na lamang nila ang pagkain kaysa kalandian niya 'no?

Kontento na s'ya na minsan na niyang naka-partner si Dylan sa sagala, walong taon na ang nakakaraan.

Tandang-tanda n'ya pa noong sampung taong gulang pa lamang s'ya, kaka-lipat lang nila noon ng bahay sa lugar na ito.

Wala pa siyang mga kakilalang kapwa bata, habang nakatambay siya sa tapat ng gate nila ay nahagip ng tingin niya ang mestisong batang lalaki.

Kaedad lang niya ito pero sa tangkad nito, hindi man lang s'ya umabot hanggang sa balikat.

Oo na! siya na ang pandak, pero kahit gano'n 'di naman maitatanggi ang natural niyang kagandahan.

Maganda rin naman siya, matangos ang ilong, maganda ang mga mata at labi. Bumagay sa flat Five n'yang height.

"Hi! Ako nga pala si Scarlet bagong lipat lang kami ng parents ko rito. Wala pa akong friends puwede bang maging friend kita? Anong name mo?" malambing na pagpapakilala ng batang si Scarlet. Sinamahan n'ya pa ito ng ngiti at lambing ng boses.

"Stay away from me! I don't talk to strangers!" sarkastiko nitong tugon sa kan'ya.

Nabigla si Scarlet sa naging tugon sa kan'ya ng mestisong bata.

Kung hindi lang ito cute, baka tinarayan na rin n'ya ito.

Lumayo ang pilyong bata sa kan'ya at ipinagpatuloy nito ang pag-shoot ng bola sa ring.

No wonder kaya pala wala itong kalaro dahil sa attitude nito. Sa isip isip ni Scarlet.

Umupo na lamang si Scarlet sa tabi at pinanood ang crush niya.

Yes! na-love at first sight na agad s'ya rito kahit hindi niya pa alam ang pangalan nito pero mukha namang na-hate at first sight ito sa kan'ya.

Mas'yado pang mura ang kan'yang isip at puso para sa nararamdaman, ngunit hindi niya iyon maitatanggi sa kan'yang sarili.

Habang pinapanood n'ya ang batang lalaki sa pagba-basketball nito, hindi niya namalayan na may tumabi sa kaniyang isang medyo may edad na babae na sa wari ay nasa kuwarenta anyos.

Sa ayos nito ay mukhang ito ang yaya ng bata. Mukhang may kaya pala ang pamilya nito. No wonder at English speaking ito kanina.

"Iha, puwede bang tumabi sa'yo? Malapit lang ba rito ang bahay n'yo? Napagod ako sa paglalakad, narito lang pala si Señorito," hingal na sabi nito.

"Opo, d'yan lang po sa tapat ang bahay namin. Kalilipat lang po namin dito ng magulang ko kaya wala pa po ako mas'yadong kaibigan o kakilala. Nakikipag- friend nga po ako sa kan'ya, kaso sinungitan lang naman po niya ako," mahabang tugon ni Scarlet habang nakanguso pa at naka simangot sa ginang.

Natawa nang bahagya ang ginang sa pagmamaktol ng bata.

"Pagpasensyahan mo na Hija, ganiyan talaga 'yan si Señorito Dylan. Mailap kasi 'yan sa mga hindi n'ya kilala kahit na bata. Mas gusto niyan na naglalaro mag-isa. Ako nga pala si Aling Marites, personal yaya ako ni Señorito Dylan. Ikaw Hija? Anong pangalan mo?" tanong nito.

"Ah, wow! kayo po pala ang personal niyang yaya. Ang suwerte naman po niya. Ako nga po pala si Scarlet, " Inilahad niya ang kanang kamay sa ginang at agad naman itong nakipagkamay sa batang si Scarlet.

Humanga si Aling Marites sa ginawa ni Scarlet dahil sa panahon ngayon ay wala ng bata ang may gumagawa ng ganoon.

"Hindi ba sinabi ko stay away from me bakit nandito ka pa?" biglang singit ng batang si Dylan. Hindi nila namalayan na nakalapit na pala ito sa kanila.

Agad silang nagkalas ng mga palad.

"Excuse me! Ikaw kaya itong lumapit sa amin! Señorito Dylan my love" pilyang sagot ni Scarlet na nagpamula naman sa pisngi at tainga ng mestisong batang si Dylan.

Tama ba ang narinig niya?Tinawag siya nitong Señorito Dylan? At may kasama pang my love?

"Wait, What? What did you just say? My love ? You are too young pero-" naputol na ang kaniyang sasabihin nang biglang pumagitna na si Aling Marites sa kanila bago pa sumiklab ang namumuong pikunan sa dalawang magkabilang panig.

"Ahm, Señorito Dylan, kanina pa po tayo hinihintay ng Mommy at Daddy n'yo. Tara na po," aya nito.

"Okay po Nay Tess," bigla itong naging masunurin at maamong bata na sumunod sa yaya nito. Subalit habang naglalakad ito palayo ay nilingon s'ya ni Dylan at tinitigan na akala mo ay nagbabanta.

"Bye po Aling Marites and my love Dylan!" pahabol pa ni Scarlet 'di alintana ang masamang titig sa kan'ya ni Dylan na lalo lang naman nagpakilig sa munting puso ni Scarlet.

"Nice to meet you Hija! Ingat ka, umuwi ka na rin at delikadong mag-isa sa labas," pahabol pang sigaw ni Aling Marites.

Tuluyan nang nakalayo at nawala ang dalawa sa paningin ni Scarlet.

Habang pauwi sa bahay ay palundag- lundag siyang naglakad. Sobrang saya niya nang araw na iyon. Kahit suplado ito, hindi siya susuko hangga't hindi sila nagkakalapit ng loob ng kaniyang crush.

Nasa ika limang baitang ng elementarya pa lamang si Scarlet ngunit marunong na ito sa mga ganoong bagay, mahilig kasi siya manonood ng mga Korean Novela na nakakakilig kaya tuloy sa totoong buhay ay nagagaya na niya ito.

Naniniwala kasi siya na sa bawat taong nilikha sa mundong ito ay may isang taong nakalaan para sa'tin upang makasama at mahalin tayo habang buhay.

Continue Reading

3 Comment(s)

img
Karen 0
wooahhh ang Ganda nmn ehhhh

06/03/2024

img
Summers 0
The best story I've read ever!! Salute to the author!🔥❤️💥

25/04/2022

img
Stardust Writes 0
I support my own story.. ! 🤣 Thanks, Moboreader! 💗💗💗

19/04/2022

img View More Comments on App
Download App
icon APP STORE
icon GOOGLE PLAY