Login to MoboReader
icon 0
icon TOP UP
rightIcon
icon Reading History
rightIcon
icon Log out
rightIcon
icon Get the APP
rightIcon
Wrath Of A Monster

Wrath Of A Monster

WMB

5.0
Comment(s)
168
View
31
Chapters

(This is a pure tagalog story) The world have change, a murderer in the past have resurrected as a monster, and now they are populate the world with curses. They are a monster who once reincarnated as a human being and not used the life of being human, there no humanity in their heart and they love the smell of blood bleed in their victims wound. That's when the reincarnated human who once an immortal soul, who once succeeded to end the population of the monster, is back with a grand scheme to end the wrath of monsters. They have an idea of what to do, but unknown to them, the reason behind the resurrection of the monster will blow their mind once again. The curse not yet comes to its end, the moment they dream an ordinary life as a human being have cause their ability and power to never die fades away. How can they possibly see the end, when they are vulnerable now to lose their life in monster's wrath? Can they protect the world that grown for their heart and soul?

Chapter 1 Pagbabalik

"Kinakabahan ako!" rinig kong pagdahilan ng kaibigan ko, pinipilit ko kasing samahan niya ako para sa proyekto namin sa art. Tiningnan niya pa ako at nang hindi ko siya pinansin ay napasigaw na siya, "kinakabahan talaga ako! Bakit b ayaw mong maniwala?" tanong pa niya na parang sigurado na hindi nga ako naniniwala.

"Alam kong kinakabahan ka."

"Alam mo?" halata ang bigla sa tinig niya nang biglang nagsalita.

Doon ako natigil sa pagbagtas sa masukal na daan at nabaling sa nahihiwagaang kaibigan.

Agad akong naghanap ng dahilan na para bang may masama sa pahayag ko, "I mean... halata sa tinig mo," sabi ko at kinunotan siya ng noo, "ano bang naiisip mo?"

Para siyang nasindak na agad nagpaliwanag, "e, wala naman. Bakit pa kasi kailangan ko pang sumama sa'yo?"

"Ayaw mo'kong samahan, gano'n?" may himig ng pagtatampo sa boses ko. Hindi ko lang malaman kung bakit hindi simpleng kaba lamang ang nararamdaman ko sa kaniya. Rinig ko pa ang malakas na kabog ng dibdib niya.

"Hindi naman sa gano'n-" hindi na siya gumagalaw nang may biglang kaluskos ang namayani sa paligid, hindi na rin niya natapos ang sasabihin at agad napalapit sa akin.

"Ano bang kinakatakot mo?" tanong ko, kahit sa sarili ay nahihiwagaan sa kinikilos niya. Sabihin nang manhid ako at weirdo dahil kailanman ay wala lamang sa akin ang kung anuman ang kinatatakotan ng mga nakapaligid sa akin. Ngunit aware ako sa bagay na kinatatakutan nila, hindi ko lang mapuwersa ang sarili upang matakot sa bagay na hindi ko pa naman nakikita.

Nang may biglang ligaw na kuneho ang tumakbo paalis sa pinanggalingan ng kaluskos ay napabuntong hininga na lamang siya at nagsabing, "hindi ko lang...malimot ang nangyari rito."

Muli ay nahiwagaan ako. "Nangyari rito?"

Seryoso siyang napatitig sa akin, sinasabi ng kaniyang mga mata kung bakit ba wala akong kaalam-alam. Kahit pa wala akong pakialam sa takot nila, hindi ko makuhang ipagsawalang bahala ang misteryo sa mga salita ng kaibigan ko, at lungkot na bumabakas sa mga mata niya, na parang naranasan niya 'yon in person.

"Tell me."

Napabuntong hininga lamang siya at parang nawala ang kaba sa dibdib nang nasa harap ko na siya. Ngunit nang nagsimula siyang mag-kuwento ay muling nagparamdam ang takot sa kaniyang mga tinig. At tulad ng narinig niya na, patungkol na naman ito sa kahindik-hindik na pangyayari. Sinasabing isang halimaw ang may-gawa at pumapatay sa bawat sanggol na sinisilang.

Kalaunan ay sinabi niya ang saloobin bilang kaibigan, "Hindi ko alam kung bakit dito mo naisip pumunta," naramdaman ko ang nanginginig niyang palad na humahaplos sa mga kamay ko, "pero hindi kita masisisi. Alam kong ilag ang lahat sa'yo dahil sa," Nag-alinlangan pa siya ngunit nagpatuloy, "weirdo ka raw at walang pakiramdam. Pero 'wag mo 'yong isipin, hindi nila alam ang sinasabi nila!"

Napangiti na lamang ako. "Hindi ko naman iniisip," sabi ko.

"Tama 'yan," ngumiti rin siya, ngunit may pahabol, "kaya kung puwede babalik na tayo? Please..."

Wala akong nagawa kundi ang bumalik, hindi dahil sinabi niya. Kundi dahil bigla ko na lamang naramdaman ang kakaibang mga matang nanlilisik at nagpapatayo sa balahibo ko sa katawan. Hindi ko 'yon pinahahalata sa kaibigan habang nagpatuloy siya sa pag-kuwento. Kung totoong may halimaw man na gumagambala sa mamamayan, malalaman ko rin 'yon. Alam kong nariyan lamang sila kung totoo man ang mga kuwento ng taumbayan, nakatanaw at naghihintay sa mabibiktima.

Nang makabalik ay sinalubong ang kaibigan ko ng pag-aalala ni Lola,

"Saan ba kayo galing at hapong-hapo ka, Melissa?" Nang tumingin ang matanda sa akin ay napabuntong hininga lamang ito. Nagtanong, "Wala ka bang sasabihin?"

"Lola!" pigil ni Mel sa pang-usisisa ni Lola. Mel ang tawag ko sa kaibigan, short for Melissa. Mas close sila ni Lola at kung magsalita ay parang sila pa ang mag-lola, "huwag naman kayong ganiyan sa kaibigan ko."

"Ano ba ako?" baling ni lola kay Mel, akala niya masisindak ang kaibigan ko. "Wala naman akong ginawa diyan."

Hinampas lamang siya ni Mel. "Ikaw talaga, lola," sinenyasan pa niya ako na pumasok na, "kahit kailan ang sungit mo sa apo mo. Don't tell me...ampon mo lang siya?" biro 'yon ngunit napaubo si lola, "at ako talaga 'yong tunay mong apo?"

"A-anong pinagsasabi mo?"

"Joke lang." Nag-peace sign pa siya at natawa sa kuno ay joke niya.

Habang ako ay hindi na nag-aksaya ng panahong mang-usisa. Kahit hindi sabihin, may mga bagay na alam ko at nararamdaman ko. Ngunit kahit gano'n, hindi ko basta-basta nilalayo ang mga posibilidad. Maaring mali ako o tama, nasa dalawang pagpipilian lamang 'yon.

Nakatanaw ako sa bintana nang nagdilim na ang paligid, umalis na ang kaibigan ko matapos kaming maghapunan habang himbing na himbing na ang matanda sa pagkakataong 'to. Kahit madilim ang paligid ay hindi ang langit, ang mga bituin ay sumisilaw sa mga mata ko lalo na ang buwang pilit kong iniiwasang tingalain. Ngunit hindi ko mapigilang mahiwagaan, kung bakit kumikirot ang puso ko bawat gabi. Dahil ba nagpapaalala 'yon na naiiba ako sa karamihan?

Umalis na lamang ako sa bintana at sinarado 'yon. Lumalamig na rin kasi ang simoy ng hangin. Ngunit hindi ako naiidlip nang napatabi na ako sa matanda. Hindi ko siya maunawaan, hindi ko siya mahingan ng kasagotan.

Mga kalukskos sa labas ang nagpabangon sa akin. Hindi ko namalayang naidlip katabi ng matanda. Nais ko lang sanang titigan ito at analisanin. Nagtaka ako nang wala na siya sa aking tabi, hindi ko mahanap kahit sa labis ng silid niya. Bumaba ako at rinig na rinig ang bawat hakbang ko sa hagdan.

"Lola?" Sa unang pagkakataon ay bumangon ang pangamba sa loob ko para sa matanda. Saan ba ito nagpupunta sa ganitong oras?

Hinanap ko siya ngunit wala sa baba, at nang mapansin ang pagbukas ng pintuan at pagpasok ng malamig na hangin ay binalot ako ng kakaibang pakiramdam. Lalo na at narinig ko na naman ang kaluskos, lumalakas sa pagkatigil ko at lalong pagtahimik ng paligid. Nakakabingi ngunit ang kaluskos ay naghahari sa paligid.

Hindi ko maintindihan ang sarili ko, hindi ako ganito. Bakit tumatambol ang puso ko sa walang kasiguraduhan? Talaga bang nagpapaniwala ako sa mga halimaw na isa lamang kathang-isip?

"Apo?" Isang tinig mula sa itaas ang naunigan ko, "anong ginagawa mo sa baba? Bakit nakabukas ang pintuan?" tanong na hindi ko mahanapan ng kasagutan.

"Lola..."

Nagbago na lamang ang ekspresyon sa mukha ni Lola, nasisibdak at hindi makapagsalita. Nangunot na lamang ang noo ko at tiningnan ang tinitigan niya. Parang bumuhos sa akin ang nagyeyelong tubig, sa lamig na dumatay sa buo kong katawan. Ang namumulang mata na parang sa nagbabagang buwan ang sumalubong sa akin. Nasisilaw ako ngunit hindi ko mapikit ang mga mata. Gusto kong humiyaw ngunit hindi ko maibuka ang bibig. Ano bang nangyayari at nagkaganito ako? Dahil ba totoo sila? Nasa harapan ko na nga ang isa..

Nanlilisik ang mga mata nitong bumaling kay Lola na ngayon ay pababa at nilalayo ako sa halimaw. Ang sabog na sabog nitong buhok ay nagpadagdag sa kahindik-hindik nitong itsura, umaagos pa ang dugo sa labi nito na may kasamang lagkit ng laway. Halos masuka ako ngunit hindi ko kayang ilabas kung anuman ang nasa loob ko.

Ang nanghahaba nitong pangil ay biglang nagpakita, may sinasambit ito ngunit hindi ko maunawaan. Ngunit nasa akin na ang mga tingin nitong nanlilisik, habang pilit naman akong nilalayo ni Lola. Gusto siyang awatin at hilain na rin ngunit nagmamatigas ang matanda. Lalo akong nanlalamig, hindi ko alam ang gagawin. Paano kung bigla na lamang aatake ang nababaliw na panauhin?

"Lola..."

"Run." Utos 'yon mula kay Lola ngunit hindi ko kayang sundin. To be exact, hindi ko magawa. Kahit pa gusto kong hilain si Lola at tumakbo kasabay niya, natutuod lamang ang paa ko sa kinatatayuan. "I said run-"

"Lola!"

Huli na, hindi na niya natapos ang sasabihin, ang utos niyang para sa akin ay makasarili. Hindi ko kayang iwan siya ngunit naging pabigat pa pala ako. Sa biglang pagtalas ng kuko ng hindi maintindihang nilalang, ang para sana sa akin ay nasalo ng matanda. Wakwak ang puso nito at lupaypay na tinapon na lamang sa isang tabi na parang basahan.

Nanghihina akong napahakbang. "Lola...no," napigil ko ang hininga at ang halos bumaliktad na sikmura, masama kong tiningnan ang nababaliw na nilalang, o isang halimaw, "what have you done...what have you done?" hindi ko naiwasang lumakas ang tinig.

Ngunit hindi siya nakinig, ang halimaw ay walang pakialam sa nararamdaman ko. Tulad ng ginawa niya sa matanda, bumaon ang matalas na kuko at deritso sa puso ko.

Naramdaman ko ang pagtigil ng tibok ng puso ko at pagtakas ng pait sa mga mata ko. May sinasambit ang halimaw ngunit hindi nabibingi na ako sa katahimikan.

Nabaling ang tingin ko sa matanda. Tanging nasambit ko ay ang kaniyang pangalan, na kahit nawawalan ng hininga ay nagmamakaawa ang tinig kong muling idilat ang kaniyang mga mata, "Lola..."

Ngumisi pa ang halimaw at tuluyang hinugot ang tumitibok-tibok ko pang puso.

Napahiyaw na lamang ako at nabigla sa pagbangon. Bumungad sa akin ang nag-aalalang mga mata niya. "Lola!"

Parang hinugot ang puso ko sa hukay. Dahan-dahan ko 'yong hinawakan at napikit ang mata nang mapagtantong, "panaginip."

Ngunit ang pag-alala sa mga mata ng matanda ay hindi maalis sa isip ko. Lalo na ang pagtutok nito sa nakabukas na bintana at ang bigla kong pagpikit nang masalubong ang nagbabagang buwan. Hindi ko maunawan ngunit halos tumigil ang puso ko sa pangamba niya, "Nalalapit na naman...ang madugo nilang pagbabalik!"

Continue Reading

You'll also like

Chapters
Read Now
Download Book