Welcome to Ground Zero! Choose your weapons wisely, Be as clever as you can be. Where the faint hearted Is unqualified, And only the almighty Can ride with the tide. Fasten your seat belt, And let the wheels pelt. Here comes your worst nightmare, They can be anywhere. Time is ticking, And blood is running. With glory and fame, Comes with gore And shame. **** When half of the world's population was plagued by a virus caused by a mutated leech, those who are infected tend to go feral and crave for human flesh. As carnage began destroying the country of Astraeus, the artificial city became open for survivors. Trinity Veinne, one of the few survivors who detests the unjust system of the government, encounters a group of aspiring journalists whom she shares a common goal; expose the controversy behind the virus outbreak.
Trinity's Point Of View
The rays of sun delicately enveloped my tan skin, as I opened the broken window in my room. Mabilis akong bumaba sa tahimik na palapag at saka dumiretso sa kusina. Binuksan ko ang ref ko at gano'n na lamang ang ka-dismaya nang makitang wala na itong laman.
May isang ideya na pumasok sa aking isipan at saka nagmadaling pumunta sa stand kung sa'n naka-sabit ang aking jacket. Kinuha ko sa may compartment ang susi ng truck ni papa.
Binuksan ko ang garahe at pinagmasdan ito, tila abandunado na ang lugar dahil sa mga sapot at dumi na pumapailanlang sa malamig na semento at lamesa.
Pumasok ako sa loob ng truck at saka binuhay ang makina nito, mga ilang beses ako sumubok bago pa ito tuluyang gumana. Napangisi ako nang isang malakas na tunog ang idinulot nito sa pagtapak ko ng acceleration.
Binuksan ko ang radyo at saka nagpatugtog. Lumabas na ako sa garahe, at nagmaneho papunta sa pinaka-malapit na supermarket. Ang kalsada ay tahimik at nagmistulang ghost town dahil sa kakulangan ng ingay at presensya ng mga tao.
Paglinga ko sa bawat kanto ay hindi ko maiwasang mapaiwas ng tingin at lumunok. Tila may bumara sa aking lalamunan, pinipigilan akong lumunok. Ang mga kalapit na bahay sa subdivision ay sira na at nagmukhang dinaanan ng isang sakuna. May mga katawan na nagkalat at duguan.
Paglabas ko sa subdivision ay may mga sira-sirang plaka at signage ang nagkalat, pansamantala akong bumaba sa truck upang lumabas at saka alisin ang mga nakaharang sa daan at saka muling nagpatuloy.
Day 56, this is Paxon. This is where I was left behind all by myself. Noong panahon na dumating ang mga rescue team, naiwan ako sa subdivision kasama ang mga infected. Hindi kami iniligtas ng mga otoridad at hinayaan pang ma-infect nalang sa loob, sa kadahilanan na mas inuna nila ang mga mamamayan na nasa labas ng subdivision.
Ang akala nila sa subvision namin nag-umpisa kumalat ang sakit kaya pati mga inosenteng tao na tulad ko isinama nila sa hindi pag-rescue. Masakit mang isipin ngunit kung ano na lamang ang malaman ng tao ay ayon na ang kanilang paniniwalaan.
Explanation has no room on their closed minds. Paxon is the second largest district of Hymneah. First to Paxon is Phyroah.
Paxon and Phyroah is called as twin city. It was named after the both two greatest scientists who discovered the cure for the most lethal cancer.
Tiningala sila ng marami dahil sa kanilang malaking iniambag sa mga pasyente na nilalabanan ang pinaka-malalang cancer. Even after death, their names were never forgotten.
Nang pumutok ang balita na mayro'ng virus na kumalat sa kalapit na kontinente, naging masyadong kampante ang buong Hymneah at tila isinawalang bahala ang sinabing balita.
And here's the price for their ineffective security. Maraming na-infect, maraming namatay, maraming nagsakripisyo na tao upang maprotektahan lamang ang mga sibilyan.
At isa na roon ang aking ama at ina. My mother is one of the persons I admired a lot. Because she's been curing people, and spreading news at the same time. While my father trained under the government to protect the city against the virus.
Ngunit hindi katanggap-tanggap ang ikinapatay nila. Sinubukan pigilan ni papa ang gobyerno sa pagpatay ng mga sibil na na-infect ng virus, dahil naniniwala ang ama ko na baka mayro'n pang lunas sa sakit na 'to.
Hindi sila nakinig sa suhestiyon ng aking ama, ngunit si ina ay sinuportahan pa rin ang desisyon ng aking ama. Dahil dito, isinama sila ng gobyerno sa Phyroa upang magligtas ng tao. Pero sa pagpasok nila sa Phyroa ay hindi na sila isinama ng mga convoy pabalik sa Paxon.
Hinayaan nila ang mga magulang ko doon na ma-infect, like the rest. At gano'n din ang ginawa nila sa akin. . . sa amin, hindi nila kami iniligtas. Simula sa araw na iyon ay isinumpa ko ang gobyerno, ipinangako ko na ipapamukha ko sa kanila na mali sila ng hindi pagtitiwala sa aking ama at ina.
Mali sila ng hindi pagligtas sa amin sa loob ng subdivision noon.
Humugot ako ng malalim na hininga nang mapansing nasa pamilihan na ako. Pinatay ko ang radyo at makina. Pumikit ako at taimtim na pinakiramdaman ang paligid. Napakatahimik. Mas nakakatakot.
Nagmulat ako ng mata saka kinuha ang balisong ni papa na nasa dashboard bago tuluyang bumaba ng sasakyan. Isinuksok ko iyon sa likuran ng pantalon pero nanatiling hawak iyon ng kamay ko. In case na may bigla na lang lumitaw at salakayin ako.
Habang naglalakad ay nakaamoy ako ng masangsang. Na parang nabubulok na laman ng hayop. . . o tao. Habang papalapit nang papalapit sa supermarket ay tumambad sa akin ang driveway na may bahid pa ng mga natuyong dugo at mga nagkalat na laman. Hindi ko napigilang takpan ng neckline ng damit ko ang aking ilong dahil sa baho. Nakakasuka. Nakakasulasok. Kaya pala ganoon ang amoy. Napakarami palang bangkay dito. Iyong iba ay kulang-kulang ng parte ng katawan.
Napaka-brutal. Hindi makatao.
Tumingala na lang ako para hindi ko na makita pa ang kalunos-lunos na karahasan sa paligid. Sira na ang lahat.
Pati ang buhay ko.
Sa loob ng pamilihan ay tumambad sa akin ang mga natumbang estante at mga pagkain na nasa sahig. Naging maingat ako sa bawat pagkilos ko. The lights are switching to on and off. Even the tiny droplets of water from broken pipes can be heard audibly.
Naglibot ako sa loob upang humanap ng matinong pagkain. Perks of this catastrophe. Everything is free. That is, ironically, paid by million of lives.
Nakarating ako sa estante ng mga de-lata at tumingin ng pu-puwede pa. Sa tuwing nakakakita ako ng mapapakinabangan ay kaagad ko iyong isinisilid sa dala kong backpack. Mas marami, mas maganda. Pagkain at tubig ang pinakakailangan ko. Hindi naman puwedeng magtago lang ako buong panahon. Nakaligtas nga sa infection, namatay naman nang dilat dahil sa gutom.
Habang nagsisilid ng tinapay sa bag ay bigla akong nakarinig ng kaluskos mula sa pinakadulo ng mga estante. Patay-sindi ang mga ilaw pero sa parteng iyon ay parang pinagkaitan na ng bumbilya sa dilim.
Nagpatay-malisya na lang ako at nagpatuloy sa paglalagay ng supplies pero may kakaiba talaga. Parang hindi na lang iyon simpleng kaluskos. Nakakarinig na ako ng mahihinang angil at parang mga pinupunit na laman.
Isinukbit ko ang bag at kaagad na hinawakan ang balisong na nakasipit sa likod ng pantalon ko habang paatras na naglalakad patungo sa pintuan. Magagaan ang bawat hakbang ko. Nag-iingat na makagawa ng anumang ingay na makaka-distract sa kung ano mang nandoon.
Ilang metro na lang ang layo ko sa labasan pero parang pinaglalaruan rin ako ng kamalasan. Dahil kung swerte 'yon, hindi ko sana masasagi ang rack ng mga toothbrush at matutumba sa sahig,
"Nalintikan na." Bulong ko at tuluyan nang kinuha ang balisong saka eskpertong itinupi ang hawakan upang ilabas ang patalim.
Chapter 1 THE DIE IS CAST
10/04/2022
Chapter 2 RESCUE
10/04/2022
Chapter 3 PHYXON
10/04/2022
Chapter 4 SNOOTY JOURNALISTS
10/04/2022
Chapter 5 TEST OF COURAGE
10/04/2022
Chapter 6 FACTION
10/04/2022
Chapter 7 BRAYLEIGH
10/04/2022
Chapter 8 THE GHOST OF THE PAST
10/04/2022
Chapter 9 ALIANE
10/04/2022
Chapter 10 HIGH PEDESTAL
10/04/2022
Chapter 11 TRYPANOPHOBIA
10/04/2022
Chapter 12 BROTHER'S LOVE
10/04/2022
Chapter 13 SURVIVOR'S GUILT
10/04/2022
Chapter 14 TRINITY VEINNE: ORIGIN
10/04/2022
Chapter 15 VALIANT
10/04/2022
Chapter 16 KEEP YOUR ENEMIES CLOSER
10/04/2022
Chapter 17 FRIEND OR FOE
10/04/2022
Chapter 18 FREAKS IN THE CIRCUS
10/04/2022
Chapter 19 RESEARCH
10/04/2022
Chapter 20 SNIPPET
10/04/2022
Chapter 21 CRYPTIC
10/04/2022
Chapter 22 MISSION
13/04/2022
Chapter 23 MOTHER'S LOVE
13/04/2022
Chapter 24 WRECK
13/04/2022
Chapter 25 Confrontation
09/09/2022
Chapter 26 The Truth
09/09/2022