Entangled (The Ledesma Legacy Series 1)

Entangled (The Ledesma Legacy Series 1)

Em N. Cee

5.0
Komento(s)
601
Tingnan
26
Mga Kabanata

Si Florence ay nagta-trabaho bilang Executive Assistant ni Frank Ledesma, Vice President for External Affairs ng Ledesma Development Corporation o LDC, ang nangungunang real estate developer sa bansa. Ngunit, ibang lalaki ang napupusuan ni Florence - ang pinsan ng kanyang boss, si Maui Ledesma, Vice President for Finance ng LDC. Iyon nga lamang, ni hindi man lang siya napapansin nito. Hanggang sa kinailangan nilang tatlo na magtungo sa Siargao para sa ipatatayong resort ng LDC sa lugar na iyon, dahilan upang mapalapit si Florence sa dalawang bise presidente ng kumpanya. Parehong guwapo, matipuno, matagumpay sa buhay, at galing sa buena pamilya. Sino ang pipiliin ni Florence kung sabay na manligaw ang dalawa sa kanya?

Chapter 1 PROLOGUE

"Catacutan, Florence. Cum Laude."

Nagkatinginan kami ni Mama at ngumiti sa isa't-isa. Ito na ang bunga ng lahat ng sakripisyo, lahat ng pagsisikap, lahat ng puyat at pagod sa pinagsasabay na pag-aaral at trabaho bilang kasambahay.

Buong pagmamalaki kong tinanggap ang diploma at medalyang isinabit sa leeg ko habang hawak ko ang kamay ni Mama. Siya ang inspirasyon ko para magawa ang lahat ng ito. Pangarap ko kasing maiahon na siya sa pagiging katulong na katulad ko. Gusto kong masabi sa kanya balang-araw na, "Ma, ako na ang bahala."

Konting kembot na lang iyon. Next week, magsisimula na ako sa bago kong trabaho. Bago pa kasi itong pagtatapos namin ay nag-a-apply-apply na rin ako, may mangilan-ngilan ding kumpanya na tumatawag sa akin na iniimbitahan akong mag-apply sa kanila. Iyong pinakaunang nag-hire sa akin, g-in-rab ko na. Hindi na ako namili ng posisyon o kumpanya. Kahit ano pa iyan basta makapaghanapbuhay na ako at kumita.

Pagkatapos ng seremonya ay nagkita-kita kami ng mga kaibigan ko.

"Mga bakla!" Naiiyak-iyak na sabi ni Patti. "Ano na, mami-miss ko kayo. Chosko, welcome to the real world na talaga 'to!"

"Group hug, dali!" Ibinuka ni Luna ang mga braso niya. Sumugod kami lahat sa kanya at nagyakap kaming lima.

Masaya akong natagpuan ang mga tunay kong kaibigan sa unibersidad na ito. Magagandang alaala ang babunin ko sa pagharap sa bagong yugto ng buhay ko dahil sa kanila.

"May mga kanya-kanya tayong celebration sa bahay, malamang," ani Ellie nang magkalas kaming lahat sa pagkakayakap sa isa't isa. "Ke'lan na tayo magkikita nito?"

"PM-PM tayo mga bes. Basta, PM-PM pa rin," sabi ko sa kanila. "'Wag kayong makakalimot, ha. Kahit magiging busy na tayo."

"Ikaw pa lang." Hinampas ni Chanel ang balikat ko. "Kami, mga tambay pa lang. But you, you're gonna start working next week."

"Wala, Cum Laude, eh." Nagkibit-balikat si Patti. "Cum landi lang kasi ang kinaya ko."

Tawanan kaming lahat.

"Ay, ito na sila Mommy," biglang sabi ni Chanel. Papalapit nga sa amin ang parents niya kasama pa ang boyfriend niyang si Jake.

"Tita!" sabi ni Patti sa Mommy ni Chanel. "Graduate na kami! Wala na pong manggugulo sa bahay niyo."

Natawa tuloy kami pati iyong mga parents ni Chanel. Sa bahay kasi nila kami madalas gumawa ng projects at research dahil malaki iyong bahay nila at kasya kaming lahat kahit doon pa mag-overnight.

"Paano, guys, we have to go," paalam ni Chanel sa amin. "Message, call, whatever, just please communicate mga beh!"

Nakita na rin ni Luna at Ellie ang mga parents nila sa crowd kaya kami ni Patti ang naiwan.

"Nasaan si Mama mo?" tanong ni Patti sa akin.

"Siguro nasa gate 'yon, naghihintay," tugon ko. "Eh si Pudra mo?" Ganoon niya kasi tawagan iyong tatay niya kaya ganoon na rin ang tawag ko.

"Nandoon din siguro. Tara," aniya. "Walang CP 'yon, eh."

Naglalakad na kami nang magsalita siya ulit, "Baks, game ka ba rumaket? Pero bukas na 'to."

"Anong raket 'yan?" tanong ko.

"Natatandaan mo 'yong agent na kumukuha sa 'tin dati para mag-flyering?" wika niya. "Need niya daw kasi ng tao bukas para sa booth niya sa car show sa MOA."

"Talaga? Sige. Kailangan ko rin ng perang panimula, eh," pahayag ko. "Hindi naman ako susuweldo agad."

Minsan kasi ay suma-sideline kami ni Patti bilang tiga-abot ng flyers sa mga kalsada o sa mga malls kapag wala kaming pasok. May kilala siyang agent na galing naman sa isang advertising company na siyang kumukuha sa amin. Mula sa sabon, bagong bukas na restaurant, bagong labas na motor at kung anu-ano pang produkto na maaaring i-advertise sa pamamagitan ng flyers.

Dito ako mas na-train sa patibayan ng loob. Nasanay na akong ma-deadma ng karamihan tuwing may iniaabot akong flyer, iyong tipong extend na extend na ang braso ko pero parang wala silang nakita. Pero mas malala iyong tatarayan pa ako na tipong titignan ako mula ulo hanggang paa na nakataas ang isang kilay, sabay sasabihin sa akin, "Do you seriously think I need that?"

Pero hindi ko na rin masyadong dinibdib ang mga ganoon. Ang importante sa akin, iyong kikitain ko. Pambaon din 'yon para hindi ko na mabawasan iyong pa-allowance nila Ma'am Carla sa akin. Pambili naman ng ibang pangangailangan sa school tulad ng mga libro at supplies para hindi ko na hingiin pa iyon kay Mama.

"Sige, game, kita tayo bukas sa office, baks," sabi ni Patti.

Magpatuloy sa Pagbasa

Magugustuhan mo rin

Muling pag-iibigan kasama ang ama ng triplets

Muling pag-iibigan kasama ang ama ng triplets

Alfons Breen
4.9

Dalawang taon pagkatapos ng kanyang kasal, si Ximena ay nawalan ng malay sa isang pool ng kanyang sariling dugo sa isang mahirap na panganganak. Nakalimutan niyang ikakasal nga pala sa iba ang dating asawa noong araw na iyon. "Maghiwalay na tayo, ngunit ang sanggol ay nananatili sa akin." Ang kanyang mga salita bago natapos ang kanilang diborsyo ay hindi pa rin nawawala sa kanyang isip. Wala siya roon para sa kanya, ngunit gusto niya ng buong kustodiya ng kanilang anak. Mas gugustuhin pa ni Ximena na mamatay kaysa makitang tawagin ng kanyang anak ang ibang ina. Dahil dito, isinuko niya ang multo sa operating table na may dalawang sanggol na naiwan sa kanyang tiyan. Ngunit hindi iyon ang wakas para sa kanya... Pagkalipas ng mga taon, naging dahilan ng muling pagkikita ng tadhana. Si Ramon ay isang nagbagong tao sa pagkakataong ito. Gusto niyang itago siya sa sarili niya kahit na siya ay ina na ng dalawang anak. Nang malaman niya ang tungkol sa kasal niya, sumugod siya sa venue at gumawa ng eksena. "Ramon,Namatay ako minsan, kaya wala akong pakialam na mamatay ulit. Pero sa pagkakataong ito, gusto kong sabay tayong mamatay," siya sumigaw, nanlilisik ang tingin sa kanya na may nasasaktan sa kanyang mga mata.//Naisip ni Ximena na hindi siya nito mahal at masaya na sa wakas ay wala na ito sa buhay niya. Ngunit ang hindi niya alam ay nadurog ang puso niya sa hindi inaasahang pagkamatay niya. Matagal siyang umiyak mag-isa dahil sa sakit at hapdi. Palagi niyang hinihiling na mabawi niya ang mga kamay ng oras o makita muli ang magandang mukha nito. Sobra para kay Ximena ang drama na dumating mamaya. Ang kanyang buhay ay napuno ng mga twists at turns. Hindi nagtagal, napupunta siya sa pagitan ng pakikipagbalikan sa kanyang dating asawa o pag-move on sa kanyang buhay. Ano ang pipiliin niya?

Mga Kabanata
Basahin Ngayon
I-download ang Aklat