There was this man na sa hindi maintindihang dahilan ay palagi na lang napapanaginipan ni Phoebe. She was special alam niya `yon hindi nga lang niya alam kung bakit niya nakikita ang isang lalaking `ni minsan ay hindi pa niya nakikilalaUntil she her dreams saw the man's life in danger, sa huli hindi na rin niya napigilan ang sarili na tulungan ang lalaking hindi naman niya kilala. Pero paano kung lahat ay may dahilan? Magagawa kaya nitong tanggapin siya sa kabila ng katotohanang magkaiba ang uri nilang dalawa?
NAPABALIKWAS ng bangon si Phoebe sa kinahihigaan, rinig niya ang matinis na tunog sa tenga niya, kasunod ng malakas na pagkabog ng kanyang puso. Wala sa sariling nahagod niya ang dibdib nanginginig ang mga kamay niya, tumatagaktak ang kanyang pawis sa kabila ng malamig na hangin sa pumapasok mula sa capiz na bintana.
Mariin siyang napapikit kasabay ng marahas na pagbuga ng hangin, kailangan niyang kumalma kaysa matakot sa mga nakikita niya sa kanyang panaginip.
Nakaramdam siya ng panunuyo ng lalamunan kaya naman tumayo na siya at lumabas ng kwarto.
Sumalubong agad sa kanya ang tahimik na kabahayan, sanay na siya doon dahil ilang taon na rin simula nang mawala ang kaisa-isang tao na matatawag niyang pamilya.
Ipinilig niya ang ulo saka nagsimula nang maglakad. Kabisado na niya ang buong kabahayan kaya hindi na siya nag-abala pang magbukas ng ilaw, isa pa lumalagos ang liwanag ng buwan kaya hindi na sa kanya problema ang sobrang dilim na paligid.
Pagbaba niya sa kusina ay kumuha siya ng baso bago binuksan ang ref at uminom ng tubig. Napangalahatian na niya ang iniinom, bago iginala ang tingin sa labas. Maraming tao ang ayaw mag-isa sa dilim, pero para sa kanya sa mga ganoon na pagkakataon ay doon lang siya nakakahanap ng kapayapaan.
Sa mga ganitong pagkakataon pakiramdam niya ay normal siya at walang kakaiba sa kanyang pagkatao.
Napabuntong-hininga siya, saka ibinaba ang baso sigurado siyang hindi na siya makakabalik pa sa pagtulog kaya naman nagdesiyon na lang siyang tunguhin ang studio na adjacent lang sa lumang bahay niya ditto sa Antipolo.
Sumalubong sa kanya ang amoy ng mga pintura, bahagya siyang napangiti nang makapasok siya sa lugar na itinuring na niyang munting paraiso. Umupo siya sa harap ng blankong lona at isinawsaw ang hawak niyang brotsa sa paleta. Hanggang unti-unti na niyang hinayaan ang sarili na malunod sa sariling imahinasyon. Sunod na lang niyang namalayan na isang pamilyar na mukha na naman ng isang lalaki ang naipinta niya.
Hindi niya ito kilala at lalong kahit na minsan ay hindi pa niya ito nakita, ang hindi lang niya maintindihan ay ang paulit-ulit nitong paglitaw sa mga panaginip niya.
Ilang taon na rin ang lumilipas pero wala pa ring siyang nakukuhang pangalan ng lalaki.
Her dreams are like a silent movies, they move as if they don't have actions, and talk was if they don't have voices. Sinubukan niyang itong hanapin, pero wala naman siyang ideya kung saan nga ba siya magsisimula.
Nang mamatay ang Lolo Tatay niya ay iniwan na nito sa kanya ang bahay kung saan siya lumaki, maging ang pera na pwede na niyang magamit sa buong buhay niya. Hindi siya palaalis, maliban na lang kung ipapasa na niya ang mga artworks niya para ibenta.
Hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit ang lalaking `yon ang nakikita niya sa kanyang panaginip. May ipinapahiwatig kaya `yon? O sadyang nagkataon lang?
Napabuntong-hininga na lang siya minsan kasi kahit na anong gawin niya ay hindi pa rin masagot ang tanong sa isip niya. Kung bakit nga ba simula nang magkamuwang siya ay iba na siya kaysa sa pangkaraniwang tao.
She had a gift pero madalas na sinasabi niyang isang sumpa ang ganitong klaseng kapangyarihan. She can dream about the future minsan kapag tulog siya minsan naman kahit na gising siya ay bigla na lang dadating ang pangitain sa isip niya.
Hindi ba ilang beses na rin niyang sinabi sa sarili niya na ayar niya ng ganito? Ayaw niyang tinatawag na kakaiba, gusto lang niya ng normal na buhay pero sabi ng Lolo Tatay niya ay isang biyaya to para makatulong sa iba.
Pero hindi naman sa lahat ng pagkakataon ay kaya niyang tumulong minsan pa nga may mga taong tumitingin sa knaya na para bang siya ay may dahilan ng kamalasan sa buhay nila kahit ang totoo ay hindi naman talaga siya.
Wala sa sariling napatingin siya sa kakatapos lang na larawan, wala sa sarilin napasandal na lang siya sa kinauupuan.
Nitong mga nakaraang araw ay palala ng palal ang mga napapanaginipan niya tungkol dito na minsan parang nasa bangungot na siya pero hindi naman niya alam kung papaano ito hahanapin at kung makita nga niya ito sigurado ba siyang paniniwalaan siya nito sa mga sinasabi niya.
Hindi madaling tanggapin ang mga sinasabi niya pero gusto baka naman may dahilan kung bakit niya ito napapanaginipan. Hindi ba at sinabi sa kanya ng kanyang lolo na may mga bagay sa mundong `to na may dahilan o kaya may koneksyon sa isa't-isa?
Wala sa sariling napatingin siya sa lahawan at agad na tumutok ang mata niya sa parang buhay na buhay na painting na nagawa niya. Minsan kahit siya ay hindi maiwasang maasiwa na para sa saing lalaking hindi niya kilala ay masyadong detilyado ang pagkakaguhit niya dito.
Ipinilig niya ang ulo mas mabuti saka wala sa sariling napatingin sa bintanang capiz nang mapansin niyang mag-uumaga na pala at naririnig na niya ang pagtilaok ng mga manok mula sa di kalayuan.
Ramdam na niya ang mahinang dapyo ng hangin at ang amoy ng alimugmog sa umaga. Kahit na hindi niya aminin ay ito ang sisa sa pinaka paboritong oras niya sa buong araw kahit na ba minsan ay hindi niya namamalayan ang pagdating nito.
Tumayo na siya sa kinauupuan saka nag-inat muling nakaramdam na naman siya ng antok siguro mabuting matulog na muna ulit siya at sa pagkakataon na `to hiniling na lang niya na wala na muna siyang masamang panaginip nakikita,
Masyadong unpredictable ang kapangyarihan niya, pero kahit papaano nitong mga nakalipas na taon ay unti-unti na niyang natututunang kontrolin iyon. Minsan hinihiling niya n asana may makilala siyang kagaya rin niya.
Nang kahit papaano ay masabi niya sa sarili niyang hindi siya nag-iisa na kahit na ganito siya may mga taong tatanggapin pa rin sa kanya sa kung ano at sino talaga siya. Siguro pangarap na lang `yon para sa kanya pero mahirap ang nag-iisa minsan nga hindi rin siya sigurado kung hanggang saan pa nga ba ang kaya niya.
Iyon ang mga katagang na isip niya nang muli niyang balikan ang kanyang kama. Hindi nga lang niya akalain na sa susunod na mga araw ay unti-unti na ring magbabago ang mundong nakasanayan niya.
Chapter 1 A Night's Dreame
13/04/2022
Chapter 2 The Morning After
13/04/2022
Chapter 3 A Glimpse
13/04/2022
Chapter 4 Love and Potions
13/04/2022
Chapter 5 Dreamcatcher
13/04/2022
Chapter 6 Tarot Cards
13/04/2022
Chapter 7 Coincidence
13/04/2022
Chapter 8 Explosion
13/04/2022
Chapter 9 Witches
13/04/2022
Chapter 10 Cassiopeia
13/04/2022
Chapter 11 Saviour
13/04/2022
Chapter 12 Connection
14/04/2022
Chapter 13 Bracelet
14/04/2022
Chapter 14 Accidental meeting
14/04/2022
Chapter 15 Lunch Date
14/04/2022
Chapter 16 Encounter
14/04/2022
Chapter 17 Witch Hunter
14/04/2022
Chapter 18 Moving Houses
14/04/2022
Chapter 19 Fire
14/04/2022
Chapter 20 Cousins
14/04/2022
Chapter 21 Premonition
21/04/2022
Chapter 22 Favor
21/04/2022
Chapter 23 Discharge
25/04/2022
Chapter 24 Home
29/04/2022
Chapter 25 Welcome Party
29/04/2022
Chapter 26 Training
08/05/2022
Chapter 27 Culprit
08/05/2022
Chapter 28 Visitor
08/05/2022
Chapter 29 Invitation
08/05/2022
Chapter 30 Attire
08/05/2022
Chapter 31 Party
08/05/2022
Chapter 32 Kiss at the Gazebo
15/05/2022
Chapter 33 Fight
15/05/2022
Chapter 34 Aftermath
15/05/2022
Chapter 35 Behind the name
23/05/2022
Chapter 36 Revelation
27/05/2022
Chapter 37 Threat
01/06/2022
Chapter 38 TricklingTime
01/06/2022
Chapter 39 Suggestion
01/06/2022
Chapter 40 Her Kind
01/06/2022