Ang Masungit na CEO ay IN LOVE

Ang Masungit na CEO ay IN LOVE

Asiana Asia

5.0
Komento(s)
9.7K
Tingnan
27
Mga Kabanata

Sadyang mapaglaro ang tadhana at palaging hindi ito inaasahan, palagi itong may dalang surpresa. Ang akala mo ay iyon na, ngunit iyon pala ay isa lamang nakakalitong paraan ng pag-ibig para mapunta ka sa taong talagang nakatadhana para sa iyo.

Chapter 1 Accidentally Kissed

Cielo

Nakatanga ako at literal na nakaawang ang bibig habang nakatingala sa napakagandang building sa harap ko.

Matapos gumraduate ng kolehiyo ay lumuwas ako ng lungsod sa dalawang dahilan. Una ay para magtrabaho at pangalawa ay para makita ko na ang aking ultimate crush. At ang kompanyang nasa harapan ko ay ang kompanyang nakalagay sa business card na ibinigay nito sa akin noon.

Matagal ko ng hinihintay ang pagkakataong ito kaya't labis akong natutuwa. Anumang oras ay makikita ko na s'ya. At ngayon pa lang ay grabe na ang kilig na nararamdaman ko. Parang kinikiliti ang sikmura ko paitaas sa puso ko. Hehe!

"Oh my! Si CJ iyon di ba?"

"Oo, s'ya 'yon! Tara, magpa-picture tayo!"

Bigla ay nagkagulo at nagsimulang magtakbuhan ang mga babae sa kabilang gilid ko, kasabay ang kanilang mga nakakabinging tilian. Para silang mga langgam na mabilis na nagsialpasan dahil may masarap na pagkaing nakita. At sobrang dami nila!

"Aray! Aray! Aray!" reklamo ko dahil para lang akong invisible na dumi ng hayop kung bungguin nila.

Inayos ko ang eye glasses ko na muntik ng mahulog. Parang libo ang bilang nila at walang katapusan ang pagbunggo sa kanan at kaliwa kong balikat.

Nanlaki ang mga mata ko nang may isa pang kumpol ng mga babae at mga nagkukunwaring babae ang nagtakbuhan.

"Oh CJ, Bigyan mo ako ng tatlong supling!"

Imbis na makipagsiksikan para makaalis ay napapikit na lang ako ng mariin para ihanda sa mas malaking delubyo.

"CJ! Kyahhh! Ang wafu mo po!"

"Aray! Aray ko po..." nakapikit kong reklamo. "Oh Dios ko, ako'y iligtas mo sa mga babaeng ito."

Ngunit tila ay mas dumami pa ang bilang nila. Walang humpay ang pagbunggo sa magkabila kong balikat.

"Ahhhh!" mahabang sigaw ko at parang kidlat na bumagsak sa semento.

Ngunit kahit nabigla ay agad akong nagmulat ng mga mata dahil nakaramdam ako ng bigat sa ibabaw ko at kung anong malambot na nakapatong sa aking bibig.

Napakurap ako ng tatlong sunod at halos maduling na sa pagtingin sa mukha ng lalaking nakapatong sa akin.

Malakas na dumagundong ang dibdib ko at nanlaki ang mga mata.

"Shit." Biglang umalis ang lalaki sa ibabaw ko at ang ulo ko ay mahinang umumpog sa semento. Kung intensyon nitong gamitin ang kamay para iligtas ang ulo ko mula sa pagkakumpog sana ng malakas ay salamat na lang dito.

Agad kong hinagilap ang salamin kong napunta sa aking noo at ibinalik sa mata. Mabilis akong tumayo at napatikhim. Tumingin ako dito, diyan at doon. Grabe ito.

"Hooo.." mahinang buga ko ng hangin at tiningnan ang lalaki.

"Naku, Sir Ahlen, ayos lang ho ba kayo?" May lumapit na security guard sa dito ngunit hindi naman ito sumagot, nakakunot lang ang noo nito habang patuloy sa pag pagpag ng suot.

Napatingin naman ako sa kamay nitong may gasgas kaya agad akong lumapit at hinawakan ang kamay nito. Maya ko na lang isipin ang halik.

"May sugat ka, pasensya na ho kayo," paumanhin ko at itinaas ang kamay niya para ihipan sana. Ngunit bigla niya 'yong iwinakli. Nakagat ko tuloy ang labi ko. "Pasensya na ho talaga kayo, kasalanan ko kaya nagkasugat kayo."

"Tsk." Iyon lang ang naging sagot niya at parang walang nagyari akong tinalikuran. Ni hindi manlang yata niya ako tiningnan.

Hindi ako makapaniwalang sinundan s'ya ng tingin hanggang sa makapasok s'ya ng kotse.

Paano naman ang first kiss ko? Hindi ba ito babalik para mag-sorry kahit aksidente lang 'yon? Iyon ang first kiss ko na dapat ay kay Jared ko lang ibibigay. First kiss!

Nagngitngit ang loob ko sa inis. Ngayon ay napunta lang sa wala ang pag-iingat ko! Kainis din ang walang modong lalaking 'yon. Hindi manlang ito humingi kahit simpleng paumanhin!

Nanatili ako sa pwesto ko habang dama ang labi. Nang may lumapit naman sa akin na isang babae at isang kilos babae.

"Okay ka lang ba, Miss?" tanong sa sakin nung babaeng buntis.

"Matamis ba?" tanong naman nung bakla habang abot-tainga ang ngiti.

Nagtaka naman ako. Sobrang sakit ng katawan ko kaya't alin doon ang matamis?

Ngumuso ang bakla kaya naman naintindihan ko.

Natutop ko ulit ang bibig ko at pinag-initan ng mukha, hindi dahil sa kilig, kundi sa inis.

"Napakaswerte mo ghurl."

Nagulantang ako nang mahina at parang close niya akong pinalo sa braso.

"Nakatikim ka ng napaka-espesyal ng halik ni Sir Ahlen," dagdag pa nito.

"A-Aksidente lang iyon," sagot ko naman. Nanghihinayang pa nga ako dahil para kay Jared lang 'yon.

"Oo nga pala, kanina pa kita napansin na nakatayo sa harap ng building, maga-apply ka ba?" tanong nung buntis. Parang malapit ng itong manganganak dahil sa malaki na nitong tyan.

Agad ko namang naalala ang ibinigay ni Jared na business card. Kinuha ko iyon sa tote bag ko at ipinakita sa mga ito. Agad namang nagkatiniginan ang dalawa.

"Magkakilala kayo ni fafa Jared?"

Pakiramdam ko ay namula ang pisngi ko. "Ah, oo." Kinilig ako pagkarinig sa gwapo nitong pangalan.

"Pero si fafa J kase---"

Nakita kong mahinang kinurot nung buntis si bakla kaya't naputol ang sasabihin nito. Na-confuse tuloy ako. Ano kaya 'yon?

"Ganito na lang, bumalik ka dito bukas. Kahit hindi mo na dalhin iyang business card ni Sir Jared. Hihintayin kita," sabi nung buntis sa akin.

Kimi naman akong ngumiti. Mukhang mababait naman sila at hindi naman ako rejected 'di ba?

"May interview bukas para sa contract secretary ni Sir Ahlen. Malapit na kase akong manganak kaya't kailangan kong mag-leave, matatagalan pa ako bago makabalik."

K-Kung gano'n...

'Siya ang sekretarya ng lalaking aksidente akong nahalikan? Ibig sabihin ay ito ang may-ari ng building na nasa kanilang harapan? Kung gano'n, kilala nito si Jared?'

"Sige na lucky ghurl, need na naming bumalik sa loob. Balik ka tomorrow, huwag mong kakalimutang sabihin kay Sir Ahlen na panagutan ka niya."

Mas nadagdagan yata ang pamumula ng pisngi ko. Para itong sinilihan sa init. Kilig para kay Jared, at inis sa lalaking sinasabing 'Sir Ahlen'.

Hayyy.. mukhang hindi ko makakalimutan ang pangyayaring 'yon.

"Sige, salamat sa inyo." Niyuko ko pa ang ulo sa kanila at pagkatapos ay tumalikod na rin.

"Bakit kaya mukhang ayaw ipabanggit nung sekretarya ang tungkol kay Jared?" tanong ko sa sarili habang naglalakad at iniikot-ikot ang kanan kong balikat na s'yang mas nabugbog kanina.

Pero paano naman bukas? Hindi naman ako pumarito para maging sekretarya ng masungit na lalaking iyon. Pumarito ako para kay Jared. Ngunit parang magkaparehas lang naman 'yon. Trabaho at pag-ibig kaya lumuwas ako dito. Nagkataon lang na nangyari ito.

'Haist. Napakamalas naman.'

Babalik kaya ako bukas? Pero kung hindi naman ako babalik ay mawawalan ako ng chance na makapasok sa kompanyang 'yon. Mukhang contract secretary pa lang naman ang hiring sa kanila ngayon. At saka, kung sakali namang matanggap ako, magiging sekretarya ako ng Sir Ahlen 'daw' na 'yon? Paano na ako mabubuhay ng matiwasay kung gano'n?! Maalala at maalala ko lang ang naaksidente kong unang halik!

"Hayy, kailangan kitang makita agad, Jared." Pinahid ko ang labi ko dahil pakiramdam ko ay nakahalik pa rin ang labi niya doon. Nakanguso akong sumakay sa tricycle. Kainis!

Magpatuloy sa Pagbasa

Magugustuhan mo rin

Muling pag-iibigan kasama ang ama ng triplets

Muling pag-iibigan kasama ang ama ng triplets

Alfons Breen
4.9

Dalawang taon pagkatapos ng kanyang kasal, si Ximena ay nawalan ng malay sa isang pool ng kanyang sariling dugo sa isang mahirap na panganganak. Nakalimutan niyang ikakasal nga pala sa iba ang dating asawa noong araw na iyon. "Maghiwalay na tayo, ngunit ang sanggol ay nananatili sa akin." Ang kanyang mga salita bago natapos ang kanilang diborsyo ay hindi pa rin nawawala sa kanyang isip. Wala siya roon para sa kanya, ngunit gusto niya ng buong kustodiya ng kanilang anak. Mas gugustuhin pa ni Ximena na mamatay kaysa makitang tawagin ng kanyang anak ang ibang ina. Dahil dito, isinuko niya ang multo sa operating table na may dalawang sanggol na naiwan sa kanyang tiyan. Ngunit hindi iyon ang wakas para sa kanya... Pagkalipas ng mga taon, naging dahilan ng muling pagkikita ng tadhana. Si Ramon ay isang nagbagong tao sa pagkakataong ito. Gusto niyang itago siya sa sarili niya kahit na siya ay ina na ng dalawang anak. Nang malaman niya ang tungkol sa kasal niya, sumugod siya sa venue at gumawa ng eksena. "Ramon,Namatay ako minsan, kaya wala akong pakialam na mamatay ulit. Pero sa pagkakataong ito, gusto kong sabay tayong mamatay," siya sumigaw, nanlilisik ang tingin sa kanya na may nasasaktan sa kanyang mga mata.//Naisip ni Ximena na hindi siya nito mahal at masaya na sa wakas ay wala na ito sa buhay niya. Ngunit ang hindi niya alam ay nadurog ang puso niya sa hindi inaasahang pagkamatay niya. Matagal siyang umiyak mag-isa dahil sa sakit at hapdi. Palagi niyang hinihiling na mabawi niya ang mga kamay ng oras o makita muli ang magandang mukha nito. Sobra para kay Ximena ang drama na dumating mamaya. Ang kanyang buhay ay napuno ng mga twists at turns. Hindi nagtagal, napupunta siya sa pagitan ng pakikipagbalikan sa kanyang dating asawa o pag-move on sa kanyang buhay. Ano ang pipiliin niya?

Mga Kabanata
Basahin Ngayon
I-download ang Aklat