/0/66816/coverorgin.jpg?v=75957c0493508daeb0931f9972fdb561&imageMogr2/format/webp)
Napamulat ang mata ni Yuki sa biglaang pag-iyak ng isang sanggol na hawak niya. Muntik na siyang magulat ng maalala na wala naman siyang sanggol na anak. She was about to stand up while still holding the baby but she realize that she was only sitting at the top of a high wall while leaning against Deiji. Her room mate. Sa walang kakayahang tumayo ay iginala na lamang niya ang kanya mata.
She saw a nightmare she'd never imagined would even happen in real life. A bunch of zombies trying to reach them. With that, a flashback came into her mind with scenarios on how they end up in that kind of situation.
BIGLANG sumigaw dahil sa inis si Michelle nang buksan niya ang telebisyon sa kwarto ng kanilang apartment. Nakalagay kasi dito ay 'no signal' gayong oras iyon ng paborito niyang anime series.
"Baka sa antenna lang." Pagpapakalma sa kanya ng kambal na si Michael.
"Bawal dito sa dorm ang lalaki. Nandito ka na naman daw kasi Michael sabi ng t.v. namin." Pang-iinis naman ni Deiji sa lalaking kambal ni Michelle.
Ang tinutuluyan kasi nila ay isang Dormitory na para lamang sa babae ngunit palaging nakatambay si Michael sa kanilang kwarto. Samantalang sa kabilang building naman ang boys dormitory.
"Ako na naman nakita ni Ate Deiji." Nakangusong sagot ni Michael habang ginagalaw-galaw ang antenna ng t.v. upang makanood ang kakambal.
Natatawang nakikinig na lamang si Yuki sa tatlo habang nag-aayos para sa trabaho. Isa siyang hotel keeper hindi kalayuan sa kanilang dorm at pang-apat na buwan na niya ngayon dito. So far, gustong-gusto niya ang trabaho dahil malaki ang sweldo at tipid sa gastusin kaya malaki ang naiipon niya. Bukod pa sa binibili niyang pasalubong para sa pamilya na nasa labas ng Sitio De Villasarza.
Maayos naman ang trabaho ng asawa at hindi sila pinapabayaan. Gusto niya lamang tulungan ito dahil lumalaki na ang mga bata at wala pa silang naiipong dalawa.
"Wag niyo ikakalat ang mga gamit ko, pakiusap." Nakataas na kamay at kunwari ay nantataray na pakiusap niya sa kambal na palaging nangingialam ng mga gamit niya tuwing wala siya.
"Si Michelle kasi gustong gusto lagi pakialaman drawer mo kasi lagi ka daw may chocolates sa mga gamit." Panunuro ni Michael sa kapatid.
"Ikaw din naman. Mas malaki ka nga kumagat ei!" Pagbabalik naman ni Michelle
"Ahhhh!" Napatingin ang tatlo kay Deiji dahil sa biglaang pagtili nito.
"Bakit?" Tanong agad ni Yuki dito.
"Walang signal 'yong WiFi. Trinay ko din sa data ng both sim ko. Wala pa din." Pagsusumbong ni Deiji kay Yuki.
Pare-pareho silang napatingin sa t.v. na hanggang ngayon may nakalagay na 'no signal'. Nagmamadali silang tatlo kunin ang kanya-kanyang phone para icheck ang signal.
"Wala din ako." Ani Michael na nakatingin pa din sa kanyang phone at kinalikot-kalikot ito.
"Ako din." Mahinang sambit ni Yuki sa kanila.
Napatingin naman silang apat kay Michelle na may pagtatanong na ekspresyon. Dahan-dahan namang umiling ito sa kanila.
Bagsak ang balikat na lumabas ang apat sa kanilang kwarto upang magtanong sa iba. Maya maya pa ay bigla sila nakarinig ng malakas na pagsabog mula sa labas kasabay ng iba't ibang malalakas na tilian mula sa iba't iba ring tao.
/0/26332/coverorgin.jpg?v=607d73e821f45eef5d0855559125454b&imageMogr2/format/webp)
/0/26590/coverorgin.jpg?v=9fdaea354172b93e9df680bf8ecaba91&imageMogr2/format/webp)
/0/45739/coverorgin.jpg?v=20231012112238&imageMogr2/format/webp)
/0/26909/coverorgin.jpg?v=7111284f6e62cc911ed277ae65322485&imageMogr2/format/webp)
/0/52353/coverorgin.jpg?v=b6cd1470ee49c2aad2a212f60edd3c3a&imageMogr2/format/webp)
/0/27699/coverorgin.jpg?v=20230630080310&imageMogr2/format/webp)
/0/26914/coverorgin.jpg?v=5569f7739fc2da67ca05f74fdada93af&imageMogr2/format/webp)
/0/26937/coverorgin.jpg?v=caf27ee85ce1cf27f4bb84d19e2d94a3&imageMogr2/format/webp)
/0/26968/coverorgin.jpg?v=df067f42718ba55ec4d34a8473138d4c&imageMogr2/format/webp)
/0/96220/coverorgin.jpg?v=2a770fb55d449589bb27519ecdbb8f15&imageMogr2/format/webp)
/0/98608/coverorgin.jpg?v=e7bf40459b7ac90c36c59569c3ebaf95&imageMogr2/format/webp)
/0/98607/coverorgin.jpg?v=64cc993c774b72cf649da2530df5561d&imageMogr2/format/webp)