/0/27237/coverorgin.jpg?v=f57291eb394f476164d58ffda7e192f3&imageMogr2/format/webp)
"That's all for today. Class dismissed."
Dali-daling nagsitayuan ang mga kaklase ko at nagsilabasan, pagkaalis ng huling Professor namin para sa araw na 'to. Ang ilan ay nagtutulakan pa sa bandang pinto na akala mo ay mga hindi makakauwi. Hindi ko tuloy naiwasan ang matawa habang inaayos ang mga gamit ko.
Natigilan lang ako nang maramdaman na may kumalabit sa kanang balikat ko. Nang lumingon ako para alamin kung sino 'to ay ang nakangiting mukha ni Madeline ang bumungad sa 'kin.
"Malapit na nga pala ang debut mo! Paniguradong paghahandaan na naman 'yon nina Tito Edwin at Tita Marcel ng bongga! I'm so excited na tuloy!" Nagulat na lang ako nang bigla na lang siyang nagtititili.
Napailing ako sa kanya habang nakangiti. "That's not gonna happen."
Bigla naman siyang natigilan kasabay ng pagkunot ng kanyang noo. "Huh?"
Nagkibit-balikat ako. "I already talked to them about it. Just so you know, I want it to be simple and private. Kaya iilang bisita lang ang iimbitahan ko at hindi magkakaroon ng malaking party katulad ng inaasahan mo."
Sinukbit ko ang handbag na dala sa kanang balikat ko at tumayo. Doon ko lang napansin na kaming dalawa na lang pala ang naiwan dito sa classroom.
"Let's go." Nakasimangot na sumunod siya sa 'kin.
Paniguradong nauna na sa cafeteria para kumain ang tatlo naming mga kaibigan na sina Harold, Albert at Damon. Palagi kasing gutom ang tatlong 'yon. Hindi ko nga alam kung saan ba nila inilalagay ang mga kinakain nila.
"Seryoso ba talaga? Buti napapayag mo sila Tito. Knowing them, I'm sure that they have an extravagant plan for your special day." Mababakasan ng panghihinayang ang boses niya.
Napangiwi naman ako nang dahil sa sinabi niya. Indeed, my parents love to do something extravagant. Sa mga nagdaang taon kasi ay sobra kung paghandaan talaga nila ang aking kaarawan.
Maraming imbitado na bisita at ang ilan sa mga 'to ay mga kasosyo nila sa negosyo. Sa isang resort, hotel, restaurant o di kaya sa naglalakihang function hall naman madalas na idinadaos ang party.
But I want this year to be different. Oo at nagmamay-ari ng malaking hotel chain ang mga magulang ko. Pero hangga't maaari ay ayokong napapagastos sila ng malaki dahil sa 'kin.
Dahil hindi naman nila ko totoong anak.
Isa 'yong parte ng pagkatao ko na walang kahit na sino ang nakakaalam. Kahit ang mga kaibigan ko. Mas mabuti na rin ang gano'n para iwas issue.
Sa paglipas ng mga taon ay hindi na talaga nagkaanak sila Mama at Papa. Kung kaya naman ay naiintindihan ko rin kung bakit gano'n na lang kung i-spoil nila ko sa halos lahat ng bagay. Kahit ang ibang tao ay nauunawaan 'yon dahil ika nga, only child nila ko.
Isa sila sa mga dahilan kung bakit excited na kong maka-graduate. Dahil dalawang taon na lang at makakatulong na rin ako sa negosyo nila sa wakas! 'Yon ang isa sa paraan ko ng pagtanaw ng utang na loob ko sa kanila.
"Noong una ay nahirapan talaga kong kumbinsihin sila. It took me a lot of effort just for them to say yes."
Totoo naman 'yon. Katakot-takot na kundisyon ang ibinigay nila bago ko sila napapayag.
Marahas siyang napabuntong-hininga, dahilan para samaan ko siya ng tingin. Mabilis na iniangat naman niya sa ere ang dalawang kamay tanda ng pagsuko.
/0/26594/coverorgin.jpg?v=f217bdb8d48eddd5f762761230169d2c&imageMogr2/format/webp)
/0/70478/coverorgin.jpg?v=615f7d893feef5a0990e1e92a305f505&imageMogr2/format/webp)
/0/95079/coverorgin.jpg?v=f41e0d257ba15913c54550280c86affd&imageMogr2/format/webp)
/0/32598/coverorgin.jpg?v=20230214140336&imageMogr2/format/webp)
/0/27655/coverorgin.jpg?v=20220527184605&imageMogr2/format/webp)
/0/70483/coverorgin.jpg?v=ffa2fb9711837bdcd94b758bc1bb7452&imageMogr2/format/webp)
/0/26661/coverorgin.jpg?v=6dddda1b63b2372701c0e2ba978d015f&imageMogr2/format/webp)
/0/89812/coverorgin.jpg?v=8ea782af8b04f91d3e43fa32dc037007&imageMogr2/format/webp)
/0/88523/coverorgin.jpg?v=b31ce2b76d12d532f7cd1b7fb663305c&imageMogr2/format/webp)
/0/27552/coverorgin.jpg?v=977b86919ccbb35992f7d5a11c92028e&imageMogr2/format/webp)
/0/70459/coverorgin.jpg?v=bc31784a38eec45f9323d65725a083d5&imageMogr2/format/webp)
/0/99085/coverorgin.jpg?v=b5f7638b0d9f80a8b3490cda80fb055b&imageMogr2/format/webp)
/0/26550/coverorgin.jpg?v=f60a68667be8ec68471cfa00e4bd3f63&imageMogr2/format/webp)
/0/26786/coverorgin.jpg?v=d8cde9c7dfc474690b67d18a5290fd81&imageMogr2/format/webp)
/0/27149/coverorgin.jpg?v=e62fc6687ae6c479c82864af86b1f61e&imageMogr2/format/webp)
/0/27321/coverorgin.jpg?v=017bbe7a46d8261390baa1169508855b&imageMogr2/format/webp)
/0/28848/coverorgin.jpg?v=6a25f50c4d8c435de0fcdfd1543364c8&imageMogr2/format/webp)
/0/31702/coverorgin.jpg?v=029c6a23635a0ddfef516eeb4b2bba7a&imageMogr2/format/webp)