Owned By the Bad Boy

Owned By the Bad Boy

Ruwanda Moone

5.0
Komento(s)
518
Tingnan
17
Mga Kabanata

What if your brotherly love for your childhood best friend has turned into something... romantic? Na-hook agad si Penelope kay Iñigo dahil bukod sa iniligtas siya nito, umaapaw pa sa karisma ang binata. Gayunman, imbes na magpasalamat ay tinakbukan niya ito. Muli silang nagkita sa di inaasahang pagkakataon at ganoon na lamang ang pagkabigla niya nang madiskubre ang koneksyon nito sa kanya. Magmula nito'y unti-unti na rin niyang napapagtantong nagkakagusto na siya sa binata. Sinikap niyang pigilan ang umuusbong na damdamin bago pa nito sakupin ang buong kaisipan niya. Isa pa'y may girlfriend na si Iñigo na kung makadikit sa binata ay daig pa ang linta. Ngunit napakahirap itanggi ang pagmamahal, lalo na't habang tumatagal ay mas nagiging protective ang binata sa kanya na kulang na lamang ay sundan siya nito hanggang sa banyo. Secretly, she continued to love the attention of Iñigo for her, ngunit paano kung ang proteksyong ibinibigay ng binata sa kanya ang magiging mitsa rin ng nagbabadyang kapahamakan sa hinaharap?

Chapter 1 Unang Kabanata

The old woman in elegant dress was smiling back at little Penelope, gayunman hindi niya nararamdaman ang sinseridad nito. She was even doubting to beam back at her.

"Sino ka? Bakit ikaw ang sumundo sa akin? Where's Momma?" she asked in a weak voice.

"Don't worry, sweetie. Parating na siya," the woman replied. Tumabi siya sa bata at hinaplos ang buhok nitong naka-high ponytail. "Pero habang wala pa siya, can you behave for me? Dito ka lang sa room at laruin ang lahat ng gusto mo." She scanned the vast room full of girly toys. "You will surely enjoy being here. Baka nga makalimutan mo na rin ang parents mo."

Penelope's eyes were a bit moist as she took a quick glance at the different kinds of dolls on the floor and then fixed her eyes back to the old lady. "They're beautiful, but I want to see my momma first. I don't want to be here. I... I don't even know you."

Kanina lamang ay sabik siyang lumabas ng klase. Nangako kasi ang kanyang ina na mamamasyal sila sa mall, partikular sa paborito niyang playground na puno rin ng mga laruan kagaya ng kuwartong kinalalagyan niya ngayon. Ngunit imbes na ang kanyang ina ang bumungad ay ang babaeng katabi niya ngayon. She said she was sent by her momma to fetch her. Abala pa raw kasi ito sa opisina ngunit nangako naman na pupuntahan siya.

She didn't want to go with this old lady. Ngunit bago pa man siya tumanggi kanina ay kinarga na siya nito. Her voice was very soothing while rubbing her back just to calm her down and convince her that nothing odd would happen.

The old lady heaved a deep exhale. Nakangiti pa rin ito ngunit tila hindi umaabot sa mga mata. "Sweetie, I said parating na ang mommy mo. Kaya gawin mo na lang ang sinabi ko, okay? Maglaro ka na lang muna rito," she emphasized the last word and then stood while crossing her arms over her chest. Sa tindig nito at sa suot na corporate attire ay mukha talagang katiwa-tiwala. "This is your mommy's fault. Dapat ay ipinakilala niya ako sa 'yo para naman hindi ka naiilang sa akin," nayayamot niyang bulong.

Penelope blinked like a baby doll. "Who are you?"

"You can call me Lola Helena."

The little girl tilted her head. "Pero may lola na ako. Her name is Lola Dahlia."

"Believe me, dearest. Lola mo rin dapat ako." Muli siyang umupo sa tabi ng bata. Unti-unting naglaho ang pekeng ngiti sa kanyang mukha. "Kung hindi pinatay ng tatay mo ang anak ko, ako dapat ang lola mo!"

"P-pinatay?" Mabagal na rumihistro sa isip ng paslit ang salitang iyon. She knew that word of course. It sounded seriously negative to her pure mind. Dahil dito ay dahan-dahang ginapangan ng kalituhan ang makulay niyang isipan. Surely, the woman was only messing with her. Baka ibang tao ang tinutukoy nito at hindi ang kanyang ama.

The woman nodded. Bumigat ang paglapat ng mga kamay niya sa maliit na balikat ng bata. "Believe me, sweetie. That's the truth. Your daddy is the most despicable being in this world. He is a monster!"

"M-monster?"

Pakiramdam ni Penelope ay bumabaliktad ang kanyang tiyan dahil sa pagsakit nito. Fear was gradually spreading throughout her veins like a poison, at hindi niya alam kung paano ito mapipigilan. She didn't even know if it was due to the urge to pee or to vomit. Isang bagay ang sigurado niya-na hindi niya dapat kasama ang babaeng ito.

"I want to go home. Ayokong maglaro. I want to see my momma!"

Tuluyan nang ibinaba ng babae ang kanyang maskara. Namula ang mukha niya sa galit habang nanlilisik ang mga mata. "I said you stay here, brat! Mahirap bang intindihin 'yon! Or talagang makulit ka lang at ayaw mong making sa mga nakatatanda sa 'yo! 'Yan ba ang itinuturo sa 'yo ng malandi mong ina?"

Tears welled in Penelope's eyes as her lips trembled in terror. Kailanman ay wala pang sumisigaw sa kanya, not even her teachers. Sa limang taon ng kanyang buhay ay pawang mga ngiti at pagmamahal ang pumapaligid sa kanya. She felt safe that way. Pero sa piling ng babaeng ito ay pakiramdam niya'y nasa pusod siya ng isang mapanganib at madilim na kakahuyan katulad ng mga nababasa niya sa fairytales. Ang tingin niya nga ngayon sa babaeng ito ay isang witch sa istorya ni Snow White. Gustuhin man niyang kumilos ay naninigas na ang maliit niyang katawan sa takot.

But then she startled as the door opened. Iniluwa niyon ang isang malaking pigura na nakasuot ng leather jacket. Hindi niya ito nakikilala dahil nakasuot ng mask. Ngunit ang bitbit nitong bata ay siguradong namumukhaan niya, bagaman may piring ang mga mata at tali ang bibig.

"Yigo!" she cried. "Yigo! Yigo!"

Inalis ng malaking lalaki ang piring at tali sa bibig ng batang lalaki. At ang una nitong tinitigan ay ang luhaang mukha ni Penelope. "P-Penpen?" the boy whispered and glared at the woman holding the little girl. "What do you want from us? Kapag nalaman ni Daddy na kinuha n'yo kami, he will send you to jail, you bad guys!"

"Shut up!" the old lady growled. Mayamaya'y sumenyas siya sa malaking lalaki. "Very good, Tank. Puwede na nating iwanan ang dalawang ito. Samahan mo ako at may ipapagawa pa ako sa 'yo."

"Yes, Madam."

Pumapalag si Yigo ngunit sadyang malakas ang lalaki. Ano nga naman ang laban ng isang ten-year-old boy sa mga ganitong sitwasyon? "Bitiwan mo ako!"

"Sinabi mo, eh!"

Yigo groaned when the huge man threw him to the floor. Wala man siyang pilay, masakit pa rin sa mga kalamnan ang kanyang pagbagsak. He gritted his teeth as he turned his head over his shoulder. Sisigawan pa sana niya ang mga masasamang-loob ngunit sarado na ang pinto. Tanging silang dalawa na lang ni Penelope ang naroon sa silid.

Tumayo siya at hinawakan ang mga kamay ng batang babae. "Are you alright, Penpen? Sinaktan ka ba nila?" Hindi niya hinintay na sumagot ito at sinuri niya ang mukha nito at mga braso. He was relieved that the girl had no bruises. Mga tatak lang ng stars ang naroon sa balat nito tanda ng accomplishment sa klase.

"I'm... I'm scared, Yigo..." Penelope squeaked like a mouse as she cried silently.

Yigo was scared to the bones as well. Paglabas pa lang niya sa school at habang papunta sa parking lot kanina, isang malaking kamay ang tumakip sa kanyang bibig. The next thing he knew, nasa loob na siya ng isang van at pinaliligiran ng mga hindi kilalang lalaki. At bago pa man niya kabisaduhin ang pagmumukha ng mga ito ay pinirigan na siya.

He hugged Penelope ang kissed her hair. "Don't worry, Penpen. Ililigtas nila tayo. Hindi papayag si Daddy na hindi tayo makita. At ipapakulong niya ang mga bad guys na 'yon." He cupped her face and gazed into her scared dark grey eyes. "I promise you, habang kasama mo ako, walang mangyayari sa 'yo."

That assurance was enough for Penelope to calm down temporarily. Wala siyang ideya sa panganib na kanilang kinakasangkutan, ngunit ramdam niyang hindi normal ang mga nangyayari. Gayunman, ang presensya ni Yigo ang nagpapalakas sa kanya ng loob.

They stayed silent for a couple of minutes more. Nakatulala lang sila sa mga laruan na naroon. Ngunit para kay Penelope, lahat ng mga bagay na iyon ay hindi ligtas hawakan. What if that huge teddy bear attacked her? Paano kung lihim pala silang tinititigan ng stuffed alligator na iyon at kainin sila na buhay? Penelope gulped hard.

Mayamaya'y halos mapatalon siya nang makarinig ng mga putok.

"What's that, Yigo?"

The older boy shook his head, pero bigla siyang namutla. He knew exactly what that was about since he used to play videogames. "Hindi ko rin alam, Penpen. Pero huwag na lang natin pansinin," he lied.

"O-okay..."

Nais sundin ni Penelope ang kababata, ngunit paano niya hindi mapapansin kung palakas ito nang palakas? Was it New Year's Eve already? Bakit maraming putukan? Pero ang ingay sa labas ay hindi maihahambing sa bagong taon dahil mas nakababahala ang tunog nito lalo pa't sinasabayan ng sigawan.

"Y-Yigo... I'm... I'm scared! Are we going to die?" She began to weep again. Naramdaman na lang niya na humigpit ang yakap ni Yigo sa kanya.

"Don't be scared, Penpen. Hindi ba sabi ko, ligtas ka hangga't narito ako?"

"What if they hurt us?"

"Hindi mangyayari 'yon, Penpen. Darating si Daddy. Ililigtas nila tayo."

Lalong lumakas ang putukan sa labas ng silid na iyon. It came to the point that the floor was even shaking due to the impact. Lalong lumakas ang pag-iyak ni Penelope. Dahil dito, tinakpan ni Yigo ang mga tainga ng batang babae. He was a bit shaking, too. Pero hindi siya maaaring bumigay. He needed to be strong. Siya na lamang kasi ang kinakapitan ng kanyang matalik na kaibigan sa mga panahong iyon.

And then...

They both froze like ice when the huge door swung open. Sa likod ng mga usok ay bumulaga ang malaking pigura ng isang lalaki. His appearance was like the older version of the boy, Yigo.

"Daddy!" Yigo gasped. Pero hindi niya ito nilalapitan dahil nanatili siyang kayakap ang batang babae.

Sumunod na pumasok ang isang lalaki na hinihingal pa. Isinuksok nito sa tagiliran ang hawak na armas, saka lumuhod sa sahig, arms wide opened. "Pennee!"

"Dada!" Penelope ran towards his father and jumped into the pair of huge arms. Sumubsob siya sa dibdib nito at humagulgol nang buo niyang lakas.

"Ligtas na kayo, Pennee. Huwag ka nang umiyak," the man said tearfully.

"R-really?" she asked, sniffing. "But where is Lola Helena?"

Her father frowned at the way she called the old lady. Pero nginitian na lang niya ito at muling niyakap. "Pumunta siya sa mga pulis, Pennee. Kailangan niyang makipag-usap sa kanila," aniya at tumingin naman kay Yigo na nakayakap sa baywang ng ama nito. "Salamat sa pag-aalaga mo sa anak ko, Iñigo."

Magpatuloy sa Pagbasa

Magugustuhan mo rin

Nakatadhanang Pag-ibig sa Pagbabagong Identidad ng CEO

Nakatadhanang Pag-ibig sa Pagbabagong Identidad ng CEO

Fifine Schwan
5.0

Upang matupad ang huling hiling ng kanyang lolo, pinasok ni Stella ang isang madaliang kasal sa isang ordinaryong lalaki na hindi pa niya nakikilala. Gayunpaman, kahit na pagkatapos na maging mag-asawa sa papel, ang bawat isa ay humantong sa magkahiwalay na buhay, halos hindi nagkrus ang landas. Makalipas ang isang taon, bumalik si Stella sa Seamarsh Lunsod, umaasa na sa wakas ay makilala niya ang kanyang misteryosong asawa. Sa kanyang pagkamangha, pinadalhan siya nito ng isang text message, sa hindi inaasahang pagkakataon na nagsusumamo para sa isang diborsyo nang hindi pa siya nakikilala nang personal. Nagngangalit ang kanyang mga ngipin, sumagot si Stella, "So be it. hiwalayan na natin!" Kasunod nito, gumawa ng matapang na hakbang si Stella at sumali sa Prosperity Group, kung saan siya ay naging public relations officer na direktang nagtrabaho para sa CEO ng kumpanya, si Matthew. Ang guwapo at misteryosong CEO ay nakatali na sa matrimonya, at kilala na hindi matitinag na tapat sa kanyang asawa nang pribado. Lingid sa kaalaman ni Stella, ang kanyang misteryosong asawa ay ang kanyang amo, sa kanyang kahaliling pagkakakilanlan! Determinado na mag-focus sa kanyang career, sadyang iniwasan ni Stella ang CEO, bagama't hindi niya maiwasang mapansin ang sadyang pagtatangka nitong mapalapit sa kanya. Sa paglipas ng panahon, nagbago ang loob ng mailap niyang asawa. Bigla siyang tumanggi na ituloy ang diborsyo. Kailan mabubunyag ang kanyang kahaliling pagkakakilanlan? Sa gitna ng magulong paghahalo ng panlilinlang at malalim na pag-ibig, anong tadhana ang naghihintay sa kanila?

Muling pag-iibigan kasama ang ama ng triplets

Muling pag-iibigan kasama ang ama ng triplets

Alfons Breen
4.9

Dalawang taon pagkatapos ng kanyang kasal, si Ximena ay nawalan ng malay sa isang pool ng kanyang sariling dugo sa isang mahirap na panganganak. Nakalimutan niyang ikakasal nga pala sa iba ang dating asawa noong araw na iyon. "Maghiwalay na tayo, ngunit ang sanggol ay nananatili sa akin." Ang kanyang mga salita bago natapos ang kanilang diborsyo ay hindi pa rin nawawala sa kanyang isip. Wala siya roon para sa kanya, ngunit gusto niya ng buong kustodiya ng kanilang anak. Mas gugustuhin pa ni Ximena na mamatay kaysa makitang tawagin ng kanyang anak ang ibang ina. Dahil dito, isinuko niya ang multo sa operating table na may dalawang sanggol na naiwan sa kanyang tiyan. Ngunit hindi iyon ang wakas para sa kanya... Pagkalipas ng mga taon, naging dahilan ng muling pagkikita ng tadhana. Si Ramon ay isang nagbagong tao sa pagkakataong ito. Gusto niyang itago siya sa sarili niya kahit na siya ay ina na ng dalawang anak. Nang malaman niya ang tungkol sa kasal niya, sumugod siya sa venue at gumawa ng eksena. "Ramon,Namatay ako minsan, kaya wala akong pakialam na mamatay ulit. Pero sa pagkakataong ito, gusto kong sabay tayong mamatay," siya sumigaw, nanlilisik ang tingin sa kanya na may nasasaktan sa kanyang mga mata.//Naisip ni Ximena na hindi siya nito mahal at masaya na sa wakas ay wala na ito sa buhay niya. Ngunit ang hindi niya alam ay nadurog ang puso niya sa hindi inaasahang pagkamatay niya. Matagal siyang umiyak mag-isa dahil sa sakit at hapdi. Palagi niyang hinihiling na mabawi niya ang mga kamay ng oras o makita muli ang magandang mukha nito. Sobra para kay Ximena ang drama na dumating mamaya. Ang kanyang buhay ay napuno ng mga twists at turns. Hindi nagtagal, napupunta siya sa pagitan ng pakikipagbalikan sa kanyang dating asawa o pag-move on sa kanyang buhay. Ano ang pipiliin niya?

Mga Kabanata
Basahin Ngayon
I-download ang Aklat