Login to MoboReader
icon 0
icon TOP UP
rightIcon
icon Reading History
rightIcon
icon Log out
rightIcon
icon Get the APP
rightIcon
Montefalco Series 2: One Night Mistake

Montefalco Series 2: One Night Mistake

Diena

5.0
Comment(s)
13.4K
View
50
Chapters

Warning: R-18. Not suitable for young readers. Read at your own risk. ________ Kapit sa patalim. Iyan ang ginagawa ng isang mahirap na katulad ko sa oras ng kagipitan. Mahirap. Nakakababa ng digninad. Wala na ngang pinag-aralan pinasok pa ang isang bagay na hindi makatarungan. Ngunit sa ngalan ng pamilya, pagmamahal,at sakripisyo,lahat kaya kong isugal maisalba lang ang buhay ng nanay ko. Pera kapalit ang dangal. Dangal na nawala para makasalba ng isang buhay. Ito ang mahirap para sa gaya kong isang mahirap ngunit wala kang pagpipilian kundi pasokin ito dahil ito lang ang naisip mong madaling paraan. "So, ano ang dahilan mo bakit sumama ka sa akin?" Mapang-akit niyang tanong sa mapusok naming halikan. "Pera," pa ungol na sagot ko sa sensasyon na nadarama. Dangal laban sa isang buhay na kailangan iligtas. Puri para sa perang inaasam. A one night mistake that changed my life forever that I can't escape.

Chapter 1 1

Sa panahon ngayon kailangan mo mag doble kayod kung ikaw ay isang kahig isang tuka lamang. Huwag kang umasa sa grasya na darating, kailangan mo rin itong paghirapan. Huwag kang umasa sa iyong magulang kung kaya mo namang magtrabaho para magkapera. Pamilya nga diba? At ang pamilya nagtutulungan sa hirap man o sa ginhawa. At sa isang tulad kong mahirap, hindi lang doble, triple, ang pagkayod ko sa trabaho, hangga't kaya ko, hangga't may lakas ako hindi ako susuko para sa inay ko.

"Mag sulat na kayo ng title ng kanta na i-request ninyo kasi dalawang kanta lang ang kakantahin ko and the rest ay 'yong song request ninyo naman, " sabi ko at umayos ng upo.

Sinuyod ko ng tingin ang mga tao dito sa loob ng bar na kinakantahan ko. Karamihan sa kanila ay pamilyar sa akin ang mukha, every weekend yata sila dito at sa palagay ko ay mga college students sila.

"Miss L, dalawang kanta raw limang daan ang tip," ani ng lalaki at inabot sa akin ang papel kung saan nakasulat ang kantang ni request niya.

Tiningnan ko kung ano ang kanta na iyon, napangiti ako. " Sure, alam ko 'to. Paki sabi sa nag request maraming salamat."

Pinakita ko sa guitarist ang papel. "Wala kang babaguhin sa tono ha, baka magkamali ako."

"Sus. Ikaw pa, ang galing mo kaya, " pang uto ni Kuya Sen sa'kin.

Sinimangutan ko siya at muling humarap sa mga tao na nag-iinoman nang mag strum si kuya ng kanyang gitara.

Ito ang trabaho ko, isang singer sa bar tuwing gabi at isang taga lako ng pastel sa araw. Todo kayod ako sa trabaho kahit anong pagkakitaan basta kaya ay pasukin ko. Mahirap lang kami. At wala akong tatay na magtrabaho para may makain kami ni nanay. Ayoko naman na iasa kay nanay ang lahat, malaki na ako, nasa tamang edad na kaya kailangan kong magtrabaho para makatulong sa kanya.

Hanggang high school lang ang natapos ko, hindi na ako kayang pag-aralin ni nanay sa koleheyo. Gusto ko mang maging iskolar ngunit baka hindi parin kakayanin ni nanay ang ibang gastos dahil wala naman itong matino na trabaho.

Kaya nag doble kayod ako para makaipon sa pag-aaral ko ngunit lahat ng ipon ko ay naubos nang ma ospital si nanay. May bukol siya sa matres. At habang maliit pa dapat kailangan na iyon tanggalin. Ayoko siyang nakikita na nahihirapan sa tuwing dumadaing siya sa kanyang sakit. Namumutla narin siya at lumulubo na ang tiyan. Kaya triple kayod ako sa pagtrabaho para pang opera niya.

"Thank you. See you again next week."

Saad ko nang matapos akong kumanta. Hanggang tatlong oras lang ako dahil may ibang banda pa nasusunod na mag perform. Para sa akin kulang ang oras na iyon pero na kontento nalang at least kahit papano may kita ako.

"Limang daad lang ang akin, Liel, mas kailangan mo ang pera."

"Kuya naman," protesta ko. "Hatiin natin, hindi pwede iyang gusto mo. Kung wala ka hindi ako maka kanta."

Ginulo niya ang buhok ko. "Ano pa't naging tropa tayo. At saka," napakamot siya sa kanyang ulo. "Ayaw ni Stella na makihati pa ako sayo. Alam mo naman 'yong girlfriend ko. Ikaw kasi ayaw mo pa tanggapin ang tulong namin."

I sighed. " Problema namin ito, kuya. Pero salamat dahil nandiyan kayo handang tumulong sa akin. Huwag ho kayong mag-alala lalapit ako sa inyo kapag hindi ko na kaya. "

Kaya ko pa naman. At matagal pa ang operasyon ni nanay makapag-ipon pa ako. Malaking tulong na rin ang tatlong libo na talent fee namin ni Kuya Sen na bigay ni Madam Jinky hindi pa kasali ang tip na galing sa mga costumer. Kung ganito lagi ka laki ang makuha ko every weekend madali lang ako maka ipon ng pera.

"Una na ako kuya. Baka tulog na si nanay pagdating ko."

"Ingat ka."

Sumakay ako ng tricycle papunta sa sakayan ng jeep. May kalayuan kasi itong bar ni Madam Jinky sa amin. Malaki ang ngiti sa labi ko na umuwi. Sana ganito lagi ka laki ang kita ko malaking tulong ito sa amin ni nanay.

"Nay! Nandito na ho ako."

Lumabas si nanay sa kanyang silid. Hirap itong lumakad, siguro sumasakit na naman ang puson niya. Inalalayan ko siya hanggang sa kusina at pina upo sa upuan sa harap ng mesa.

"Kumain ka na, Nay?"

"Hindi pa. Hinintay kita."

" Mabuti at maaga ako naka-uwi. "

Hinanda ko na ang pagkain namin. Kahit nahihirapan si nanay na gumalaw nagawa niya parin mag saing ng kanin at magluto ng ulam. Kahit ayaw ko na iwan siya dito sa bahay na mag-isa ngunit kailangan ko magtrabaho para magka pera. Hindi ko alam kung ano ang maging epekto ng sakit niya sa kanyang katawan basta hangga't maaga pa ay kailangan na itong maagapan. Siya lang ang mayroon ako. Hindi pa ako handa kung sakaling may mangyari na masama sa kanya.

" Sa next week, Nay, magpa check up ulit tayo, " saad ko sa gitna ng aming hapunan.

" Malaking gastos iyon anak, " nahihirapan na bigkas niya.

" Ang pera madali lang iyon makita, Nay. Pero ang buhay niyo. .ang kalusugan niyo mahirap kapag iyon na ang mawala. Gagawin ko ang lahat upang makaipon ng pera para sa operasyon ninyo. Gagaling kayo at maging malakas ulit. "

Hindi baleng mahirapan ako sa pagtrabaho basta makaipon lang ako nang pang opera niya. Hindi ko na kaya na makita siya araw-araw na nahihirapan sa pag-inda ng sakit niya.

Malungkot ang kanyang mukha na tumingin sa akin. " Pasensya ka na anak kung pabigat ako sayo ha. Nahirapan ka tuloy."

"Wala ito, Nay, sa lahat ng hirap at sakripisyo ninyo na buhayin ako na mag-isa. Binuhay mo ako na ikaw lang mag-isa. .at ngayon gagawin ko ang lahat ng paraan upang madugtungan ang buhay ninyo. .Mahal na mahal kita, Nay. "

Ang hirap at pagod ko ngayon wala ito sa kalingkingan ng pinagdaanan ni nanay. Mag isa siya habang pinagbubuntis ako hanggang sa ipinganak ako. Ang ama ko na siya dapat na kaagapay ni nanay sa lahat ay hindi man lang ito nagpakita sa kanya. Walang paramdam. Alam kaya niya na may anak siya? Marami akong tanong kay mama tungkol sa ama ko ngunit wala akong lakas na loob. Alam ko may dahilan ang lahat kung bakit hindi siya pinanagutan ng ama ko ngunit bilang isang anak nais ko rin malaman ang dahilan na iyon.

Twenty years. Kahit pangalan ng ama ko hindi ko alam. Kung ano ang itsura niya. Kung magka mukha ba kaming dalawa. Gamit ko ang apelyedo niyang Sandiego pero hanggang doon lang ang alam ko.

Hindi ko kinakahiya ang pagiging single mom ni nanay, kundi proud ako sa kanya dahil hindi niya ginawa ang dahilan na iyon upang hindi ako buhayin at palakihin ng maayos. Na iinggit lang ako minsan sa mga pamilya na nakikita ko. Buo at masaya. Habang kami masaya lang hindi buo. Pero ang pagmamahal ni nanay at pag-aruga subra pa iyon sa isang bata na may isang ama.

Hindi niya pinaramdam sa akin na wala akong ama. Na kulang ang pamilya namin. Kaya hindi na ako naglakas loob na tanongin siya tungkol sa aking ama dahil maging unfair iyon sa kanya. Siya ang nandiyan sa loob ng dalawampung taon tapos ganon ko lang kabilis na itanong sa kanya kung sino at nasaan ang ama ko? Dapat makuntento na ako dahil kung may pakialam ang ama ko sana noon pa siya gumawa ng paraan para hanapin kami.

Kung dumating man ako sa punto na magka-anak ako, gagawin ko ang lahat mabigyan lang ng maayos at kompletong pamilya ang anak ko.

"Matulog na tayo, Nay."

Hinatid ko siya sa kanyang silid at inalalayan na humiga. Nag half bath muna ako at tumabi ng higa sa kanya. Natawa siya ng yumakap ako at sumiksik ng yakap.

"Dalaga ka na tumatabi ka parin sa akin. Parang hindi ko napansin na natutulog ka sa sarili mong kwarto."

" Hanggat hindi ako nag-asawa hindi ako hihiwalay na tumabi sayo sa pagtulog. "

" Ipanalangin ko na sana magkaroon ka na ng nobyo at yayain ka kaagad ng kasal. "

" Nanay naman eh, " parang bata na reklamo ko at sumiksik pa ng yakap sa kanya.

Kailangan ko sulitin ang bawat sigundo na kasama kita, Nay. . kasi hindi ko alam kung hanggang kailan kita katabi sa pagtulog.

Marahan niyang hinaplos ang buhok ko. "Kailangan mong sanayin ang sarili mo na matulog na hindi ako katabi. .paano nalang kung mag-asawa ka? Ha? "

" Matagal pa ako mag-asawa, Nay. Bata pa ako. Tulog na po tayo. Stop na sa usapang asawa kinikilabutan ako, " I said jokingly.

Ayoko marinig ang mga sasabihin niya dahil parang nagpapahiwatig ito. Alam ko, paalala niya iyon sa akin pero hindi ko maiwasan na kabahan sa klase ng mga salita na binibitawan niya. Ayoko na ulit makarinig ng ganon, pakiramdam ko mawala siya sa'kin ano mang oras.

" Good night. Mahal ka ni Nanay. "

Mahal na mahal rin kita, Nay. Gagawin ko ang lahat mapahaba lang ang iyong buhay.

Continue Reading

Other books by Diena

More
Madly Inlove With Mr. Playboy

Madly Inlove With Mr. Playboy

Young Adult

5.0

It's been six years, pero hanggang ngayon siya parin sa araw at gabi ang aking iniisip. Magpa hanggang ngayon ay lagi ko parin tanong sa aking sarili saan ba ako nag kulang?Kasi sa pagka-alam ko minahal ko naman siya nang minahal. Siguro, dahil bata pa ako noon at ganun lang kadali na sa kanya na sugatan ang puso kong walang alam.Na ganun lang ka dali sa kanya na ako ay pag laruan dahil minahal ko siya nang lubusan. Pinili mong iwan ako habang ikaw nalang ang mayroon ako. Ito ang mahirap tanggapin sa dami ng kailangan kong unawain. Ito ang mahirap isipin dahil na dudurog ako sa tuwing naiisip kong baka hindi mo naman talaga ako minahal.Pagod na akong isipin ka, masakit pero kailangan kong tanggapin kahit pa unti-unti. Bakit ba kasi na sanay ako na lagi kang nandito. "Please, don't leave me." I begged. Subra ko siyang minahal sa wala ng natira sa sarili ko. Kahit pa ulit-ulit niya ako sinaktan kahit harap harapan niya akong niluko ay minahal ko parin siya. Kahit isang sumbat galing sa akin ay wala siyang narinig. Pero kahit gaano mo kamahal ang isang tao darating pa rin yong time na maiisip at masasabi mo sa sarili mong It's time to give up. Hindi dahil sa wala ka ng feelings kundi pagod dahil pagod ka nang umasa sa taong hindi ka naman kayang pahalagahan. Mahirap mag let go.Pero mas mahirap yong kumakapit ka pa kahit pinag tutulakan kana niya.Masakit na ipag pilitan mo pa ang sarili mo sa taong ayaw na sayo.Ngunit wala na akong magagawa kundi ang tanggapin na wala na akong magagawa upang bumalik ka sa akin.Nakaka-iyak lang isipin na hindi ko alam kung kanino lalapit dahil hindi ako okay. "Ken,pwede ba tayong mag-usap?" I ask him trough chat. Gusto kong ipaglaban ang pagmamahal ko.Gusto kong sabihin sa kanya lahat nang hinanakit ko.Gusto kong masagot lahat ng tanong ko.At sana hindi pa huli ang lahat para sa kagustuhan kong maging akin siya ulit. For the last time, I begged him. "Come back to me, please."

You'll also like

Chapters
Read Now
Download Book