/0/26682/coverorgin.jpg?v=4924dfaaa0680d84a4b2b0d4718115c5&imageMogr2/format/webp)
“Lintik lang ang walang ganti,” angil ni Sia habang nakasakay ng taxi papunta sa SM Mall of Asia.
Mahilo-hilo pa si Verona at di alam kung paano patutuyuin ang basa pa niyang buhok. “Bakit naman ako nasali diyan sa paghihiganti mo?”
“I am your friend. Dapat damayan mo ako habang naghihinagpis ako kay Loveydoods. Come on. Konting simpatya naman. Isipin mo, usapan namin ako ang isasama niya sa Hong Kong pero ang isinama niya ay ‘yung sekretarya niyang pagka-arte-arte at ginagawa ang lahat para akitin siya. Silang dalawa lang.” Pumadyak ito at kinalabit pa ang taxi driver nila. “Di ba, Manong? Sobrang unfair talaga ninyong mga lalaki. Bakit kayo ganyan?”
“Ay! Huwag naman po akong idamay, Ma’am. Di naman po ako ganoong klaseng lalaki. Tapat po ako sa asawa ko. Pero nakakatampo po kundi man kayo naisama sa Hong Kong. Maganda po sa Disneyland,” anang matandang driver.
Umikot ang mga mata ni Verona. Sulsol pa itong driver sa halip na payuhan nang tama ang kaibigan niya. Katanghaliang-tapat at natutulog para magpahinga mula sa ine-edit na manuscript sa apartment kung saan magkasama silang nangungupahan ng kaibigan ay basta na lang siya nitong ginising at pilit na pinapaligo. Habang nagsa-shower siya ay ikinukwento ng kaibigan niya ang sentimyento nito sa nobyo.
Isang receptionist sa isang construction company si Sia. Natigil ito sa pag-aaral dahil na-realize nito na mas maganda ang buhay kung magtatrabaho na lang ito. Habang ang amo naman nito ay Vice President for Operations ng kompanya. May fifteen years din ang age gap ng mga ito. Maganda ang kaibigan niya at sexy. Pwede nga itong maging modelo kaya natipuhan ng boss nito. Ang kaso ay isip-bata pa talaga ito. Parang laging naghahanap ng atensiyon. Kapag di naibigay ang gusto nito, lagi itong nagmamaktol.
Gusto sana niyang ipaalala kay Sia na natural na sekretarya ang isama ng nobyo nito. Receptionist ito at wala naman sa job desigation nito ang makasama sa conference. Pero ayaw naman niyang mapahiya ang kaibigan sa taxi driver kaya nanahimik na lang siya.
“Alam mo, sana itinulog mo na lang iyan o kaya nanood ka na lang ng DVD. Madami akong documentaries sa bahay. O kaya nagbasa ka ng libro,” suhestiyon niya.
“Ano? Ubos na ‘yung romance novels na complimentary ng opisina mo. Pati nga ‘yung for editing mo pinatos ko.”
“Yung historical collection ko.”
“Historical na naman?” angal ng kaibigan niya at tumirik ang mga mata. “Please. Kailangan ko ng kilig sa katawan. Ikaw na lang ang kinikilig sa mga taong patay na. Kaya di ka magka-boyfriend.”
/0/26848/coverorgin.jpg?v=ea3d7aacd3d7405e47197365e5474dd6&imageMogr2/format/webp)
/0/26612/coverorgin.jpg?v=20220517072226&imageMogr2/format/webp)
/0/27037/coverorgin.jpg?v=ed35a4908d568a1753663ca11db34ee5&imageMogr2/format/webp)
/0/27434/coverorgin.jpg?v=20221125134526&imageMogr2/format/webp)
/0/27039/coverorgin.jpg?v=084784193e9c2a56dde696b1ff28d770&imageMogr2/format/webp)
/0/26755/coverorgin.jpg?v=20230915175136&imageMogr2/format/webp)
/0/26977/coverorgin.jpg?v=24acb062b15f2cb0c460710fb45190b2&imageMogr2/format/webp)
/0/31039/coverorgin.jpg?v=64654ff35deafa94cdd282bd5e56d7b7&imageMogr2/format/webp)
/0/27337/coverorgin.jpg?v=20220426160723&imageMogr2/format/webp)
/0/26510/coverorgin.jpg?v=950b7b34a2cce30950b51723405aa477&imageMogr2/format/webp)
/0/45739/coverorgin.jpg?v=20231012112238&imageMogr2/format/webp)
/0/26522/coverorgin.jpg?v=3da88ca6c056e0eace7f7ed9371d7a28&imageMogr2/format/webp)
/0/27414/coverorgin.jpg?v=20220505120820&imageMogr2/format/webp)
/0/34535/coverorgin.jpg?v=24899412ccdcea7d1204ccc06249fb43&imageMogr2/format/webp)
/0/27314/coverorgin.jpg?v=7443ff79b0e5b3d79ff2bc2ddfaee4f6&imageMogr2/format/webp)
/0/27036/coverorgin.jpg?v=0f6d3647ca44acbe5af48c743c7297ea&imageMogr2/format/webp)
/0/27599/coverorgin.jpg?v=9c113076c145ad59895cbd43e68a497a&imageMogr2/format/webp)