/0/26848/coverorgin.jpg?v=ea3d7aacd3d7405e47197365e5474dd6&imageMogr2/format/webp)
“Kinakabahan ako!” rinig kong pagdahilan ng kaibigan ko, pinipilit ko kasing samahan niya ako para sa proyekto namin sa art. Tiningnan niya pa ako at nang hindi ko siya pinansin ay napasigaw na siya, “kinakabahan talaga ako! Bakit b ayaw mong maniwala?” tanong pa niya na parang sigurado na hindi nga ako naniniwala.
“Alam kong kinakabahan ka.”
“Alam mo?” halata ang bigla sa tinig niya nang biglang nagsalita.
Doon ako natigil sa pagbagtas sa masukal na daan at nabaling sa nahihiwagaang kaibigan.
Agad akong naghanap ng dahilan na para bang may masama sa pahayag ko, “I mean... halata sa tinig mo,” sabi ko at kinunotan siya ng noo, “ano bang naiisip mo?”
Para siyang nasindak na agad nagpaliwanag, “e, wala naman. Bakit pa kasi kailangan ko pang sumama sa'yo?”
“Ayaw mo'kong samahan, gano'n?” may himig ng pagtatampo sa boses ko. Hindi ko lang malaman kung bakit hindi simpleng kaba lamang ang nararamdaman ko sa kaniya. Rinig ko pa ang malakas na kabog ng dibdib niya.
“Hindi naman sa gano'n-” hindi na siya gumagalaw nang may biglang kaluskos ang namayani sa paligid, hindi na rin niya natapos ang sasabihin at agad napalapit sa akin.
“Ano bang kinakatakot mo?” tanong ko, kahit sa sarili ay nahihiwagaan sa kinikilos niya. Sabihin nang manhid ako at weirdo dahil kailanman ay wala lamang sa akin ang kung anuman ang kinatatakotan ng mga nakapaligid sa akin. Ngunit aware ako sa bagay na kinatatakutan nila, hindi ko lang mapuwersa ang sarili upang matakot sa bagay na hindi ko pa naman nakikita.
Nang may biglang ligaw na kuneho ang tumakbo paalis sa pinanggalingan ng kaluskos ay napabuntong hininga na lamang siya at nagsabing, “hindi ko lang...malimot ang nangyari rito.”
Muli ay nahiwagaan ako. “Nangyari rito?”
Seryoso siyang napatitig sa akin, sinasabi ng kaniyang mga mata kung bakit ba wala akong kaalam-alam. Kahit pa wala akong pakialam sa takot nila, hindi ko makuhang ipagsawalang bahala ang misteryo sa mga salita ng kaibigan ko, at lungkot na bumabakas sa mga mata niya, na parang naranasan niya 'yon in person.
“Tell me.”
Napabuntong hininga lamang siya at parang nawala ang kaba sa dibdib nang nasa harap ko na siya. Ngunit nang nagsimula siyang mag-kuwento ay muling nagparamdam ang takot sa kaniyang mga tinig. At tulad ng narinig niya na, patungkol na naman ito sa kahindik-hindik na pangyayari. Sinasabing isang halimaw ang may-gawa at pumapatay sa bawat sanggol na sinisilang.
Kalaunan ay sinabi niya ang saloobin bilang kaibigan, “Hindi ko alam kung bakit dito mo naisip pumunta,” naramdaman ko ang nanginginig niyang palad na humahaplos sa mga kamay ko, “pero hindi kita masisisi. Alam kong ilag ang lahat sa'yo dahil sa,” Nag-alinlangan pa siya ngunit nagpatuloy, “weirdo ka raw at walang pakiramdam. Pero 'wag mo 'yong isipin, hindi nila alam ang sinasabi nila!”
Napangiti na lamang ako. “Hindi ko naman iniisip,” sabi ko.
“Tama 'yan,” ngumiti rin siya, ngunit may pahabol, “kaya kung puwede babalik na tayo? Please...”
Wala akong nagawa kundi ang bumalik, hindi dahil sinabi niya. Kundi dahil bigla ko na lamang naramdaman ang kakaibang mga matang nanlilisik at nagpapatayo sa balahibo ko sa katawan. Hindi ko 'yon pinahahalata sa kaibigan habang nagpatuloy siya sa pag-kuwento. Kung totoong may halimaw man na gumagambala sa mamamayan, malalaman ko rin 'yon. Alam kong nariyan lamang sila kung totoo man ang mga kuwento ng taumbayan, nakatanaw at naghihintay sa mabibiktima.
Nang makabalik ay sinalubong ang kaibigan ko ng pag-aalala ni Lola,
“Saan ba kayo galing at hapong-hapo ka, Melissa?” Nang tumingin ang matanda sa akin ay napabuntong hininga lamang ito. Nagtanong, “Wala ka bang sasabihin?”
“Lola!” pigil ni Mel sa pang-usisisa ni Lola. Mel ang tawag ko sa kaibigan, short for Melissa. Mas close sila ni Lola at kung magsalita ay parang sila pa ang mag-lola, “huwag naman kayong ganiyan sa kaibigan ko.”
“Ano ba ako?” baling ni lola kay Mel, akala niya masisindak ang kaibigan ko. “Wala naman akong ginawa diyan.”
Hinampas lamang siya ni Mel. “Ikaw talaga, lola,” sinenyasan pa niya ako na pumasok na, “kahit kailan ang sungit mo sa apo mo. Don't tell me...ampon mo lang siya?” biro 'yon ngunit napaubo si lola, “at ako talaga 'yong tunay mong apo?”
“A-anong pinagsasabi mo?”
/0/26612/coverorgin.jpg?v=20220517072226&imageMogr2/format/webp)
/0/27037/coverorgin.jpg?v=ed35a4908d568a1753663ca11db34ee5&imageMogr2/format/webp)
/0/27039/coverorgin.jpg?v=084784193e9c2a56dde696b1ff28d770&imageMogr2/format/webp)
/0/26755/coverorgin.jpg?v=20230915175136&imageMogr2/format/webp)
/0/26977/coverorgin.jpg?v=24acb062b15f2cb0c460710fb45190b2&imageMogr2/format/webp)
/0/27414/coverorgin.jpg?v=20220505120820&imageMogr2/format/webp)
/0/34535/coverorgin.jpg?v=24899412ccdcea7d1204ccc06249fb43&imageMogr2/format/webp)
/0/27314/coverorgin.jpg?v=7443ff79b0e5b3d79ff2bc2ddfaee4f6&imageMogr2/format/webp)
/0/27036/coverorgin.jpg?v=0f6d3647ca44acbe5af48c743c7297ea&imageMogr2/format/webp)
/0/27599/coverorgin.jpg?v=9c113076c145ad59895cbd43e68a497a&imageMogr2/format/webp)
/0/28847/coverorgin.jpg?v=82c822018805adacd19ca068b08aaa06&imageMogr2/format/webp)
/0/26591/coverorgin.jpg?v=20221114075232&imageMogr2/format/webp)
/0/26332/coverorgin.jpg?v=607d73e821f45eef5d0855559125454b&imageMogr2/format/webp)
/0/27239/coverorgin.jpg?v=acfc285d81c092abe01053e81b54265c&imageMogr2/format/webp)
/0/27057/coverorgin.jpg?v=a81bffe223c3c0e48e2f3c48b3cf39ec&imageMogr2/format/webp)
/0/27188/coverorgin.jpg?v=20220523140425&imageMogr2/format/webp)
/0/26779/coverorgin.jpg?v=20220524085556&imageMogr2/format/webp)
/0/27361/coverorgin.jpg?v=88214d6b45570198e54c4a8206c1938e&imageMogr2/format/webp)