/0/28013/coverorgin.jpg?v=7e4490a7012a21d2dec55231b593a160&imageMogr2/format/webp)
"D-derek tumakas ka na!" sigaw ni Agent Romero kay Derek.
"Hindi puwede hindi kita puwedeng iwan dito. May sugat ka." Pagmamatigas niya. Pilit niya itong itinayo pero itinulak siya nito papalayo.
"Makinig ka h-indi ka puwedeng mamatay dito, importante ka sa amin. Huwag nang matigas ang ulo. Kahit ngayon lang makinig ka sa akin. Kaya ko ang sarili ko." Pakiusap na nito. Hirap na itong magsalita at malalim na rin ang paghinga nito.
"Sige pero babalik ako, hihingi lang ako ng tulong." Halos maiyak na siya dahil alam niyang malalim ang tama ng bala sa may hita nito. Ito rin marahil ang dahilan kung bakit ito nagpapaiwan dahil magiging mabagal lang ang pagtakas nila. At siguradong maabutan lang sila ng mga humahabol sa kanila.
Kaya kahit labag sa loob umalis siya para iwan ito. Hindi pa siya masyadong nakakalayo nang makarinig siya ng mga putok ng baril.
Lalo siyang nagmadali sa pagtakbo. Huli na para bumalik o magsisi sa ginawa. Ang kailangan niya makalayo pagkatapos ay humingi ng tulong.
Kahit di niya alam ang direksyong tinatahak walang lingong-liko siya sa pagtakbo. Nakasalalay ang buhay niya dito. Hindi siya puwedeng mamatay ngayon. Hindi pa siya handa.
Pero kahit anong bilis ng pagtakbo niya ay palapit nang palapit pa rin ang mga hakbang ng mga paa na humahabol sa kanya. Pati ang mga boses ay tila palakas nang palakas.
"Siguradong malapit lang yon hanapin nyo sya at patayin." Parang katabi na lang niya ang boses. Mas lalong binilisan ni Derek ang pagtakbo. Hanggang sa makarating siya isang mataas na pader.
Wala na siyang kawala. Mamamatay na siya.
"Ayun sya! Barilin nyo."
"Pinsan huy gising na. Malapit na tayo." Tawag sa kanya ni Jon. "Sarap ng tulog mo ah." pansin nito.
Dahan-dahan na dinilat ni Derek ang mga mata. Tumingin siya sa pinsan na nagdadrive para sa kanya. Nagising siya sa pagtawag nito.
Ito ang sumundo sa kanya sa airport. Halos dalawang oras pa lang siyang nakakabalik sa Pilipinas. Kahit siya nga halos hindi pa makapaniwala na he really is back.
"Ilang taon na nga ba mula noong umalis ka?" tanong nito.
"Six years." Maiksi niyang sagot.
Anim na taon na mula ng umalis siya ng Pilipinas at namalagi sa Amerika. Yon ay sa kahilingan na rin ng kanyang amang lubha ang pag-aalala sa kanya.
Pumayag siya agad sa suhestyon nito dahil gusto niyang makatakas sa mga bangungot na siya rin naman ang may kagagawan. Sa Amerika he found temporay relief at naipagpatuloy niya ang buhay kahit papaano.
Pero ngayong nagbalik na siya, napanaginipan na naman niya ang ginawa niyang pagtakas sa mga humahabol sa kanya noon.
Kahit namatay na ang mga nagtangka sa buhay niya hindi pa rin siya tuluyang makalaya sa mga bangungot.
"Kumusta na ang Papa? Tanong na lang niya sa pinsan para maiwasang isipin ang nakaraan.
"Ayon hinihintay ka na. Excited na iyon. Will you be staying here for good?" tanong nito.
"Hindi ko pa alam. Depende siguro sa mangyayari at kung napatawad na ba talaga ako ni Papa sa mga kagaguhan ko noon." sagot niya dito.
Ang totoo ay may plano na siyang magbalik noon pa dahil may gusto siyang asikasuhin, isang unfinished business.
/0/27775/coverorgin.jpg?v=838775e9e95ed85ed2c5e727c6d45fb4&imageMogr2/format/webp)
/0/26296/coverorgin.jpg?v=d322f51e6d8e19b340bf7dab2ee97f1f&imageMogr2/format/webp)
/0/28803/coverorgin.jpg?v=79ccf8d44104071484bff28691fb0acb&imageMogr2/format/webp)
/0/27298/coverorgin.jpg?v=dbadfe8150377681ba1521cae9427531&imageMogr2/format/webp)
/0/26812/coverorgin.jpg?v=6e864be4eaa0a3e4eab9dcc4ccaefdfe&imageMogr2/format/webp)
/0/70764/coverorgin.jpg?v=abe036607ae70716abe6a90cbe06dd35&imageMogr2/format/webp)
/0/27365/coverorgin.jpg?v=20220524224403&imageMogr2/format/webp)
/0/96220/coverorgin.jpg?v=2a770fb55d449589bb27519ecdbb8f15&imageMogr2/format/webp)
/0/26709/coverorgin.jpg?v=5566d1aa9bb6bc4be4256da4a1d6a4ff&imageMogr2/format/webp)
/0/26691/coverorgin.jpg?v=cb8515dc1a447cfdb7b02aaa330171c2&imageMogr2/format/webp)
/0/27510/coverorgin.jpg?v=20220704085405&imageMogr2/format/webp)
/0/47748/coverorgin.jpg?v=20250120173454&imageMogr2/format/webp)
/0/26708/coverorgin.jpg?v=c208c4fc70a5db3deab66c30687cc18e&imageMogr2/format/webp)
/0/27783/coverorgin.jpg?v=cf5b322b941c2548b173bf6f63b951b0&imageMogr2/format/webp)
/0/27575/coverorgin.jpg?v=f64030d947de1fa798bf156c495775db&imageMogr2/format/webp)
/0/26505/coverorgin.jpg?v=c897e2a61a1f1f15a9dd40fa6fabf6c1&imageMogr2/format/webp)
/0/26681/coverorgin.jpg?v=f783904fcf60f0a14b684d36d179742a&imageMogr2/format/webp)