/0/26547/coverorgin.jpg?v=7bf434bbf7a57bee8d4e4a20533bf44b&imageMogr2/format/webp)
Disclaimer:
This is just a work of fiction. Names, characters, business, places, events and incidents are just a product of the author's imagination. Any resemblance to actual person, living, dead or actual event are purely co-incidental. The story has also a few mature content so read at your own risk. Thank you for understanding and enjoy reading!
LAKAD, takbo na ang ginawa ko para lang makalabas sa isang mall na kung saan ay madalas kong puntahan. Sa kadahilanang labis ang pagkapahiya na aking natamo nang mga sandaling iyon.
Ang tanga-tanga ko kasi sa part na maglagay ako ng maraming item sa isang push cart at pagkatapos ay wala pala akong pambayad.
Nakaaway ko pa nga ang isang guwapong lalaki kanina ng mag-agawan kami sa isang malaking bote ng delight.Puro maliliit na kasi ang naroon sa loob ng freezer at iisa na lang ang natitirang malaki.Aba'y malay ko ba naman na delight lover din pala si Mr. Kupal.
Syempre dahil sa taglay kong katarayan ay hindi umobra ang pagmamatigas niya, idagdag pa ang mala-diyosa kong kagandahan eh paniguradong lalambot agad ang puso no'n at tiyak na magpapaubaya.
Nang tuluyan ko ng napuno ang cart na tulak ng aking kabilang kamay ay kaagad akong dumiretso sa counter. Subalit sadya yatang nabighani saakin ang lalaki dahil ang lakas ng loob nito na sundan ako.
Inilapag ko na sa counter ang lahat ng grocery na napili ko. Makalipas ang ilang minuto ay nagsalita na ang cashier.
"Ma'am,Three Thousand Eight Hundred Sixty Five Pesos and Twenty Five Centavos po ang total amount."Anang cashier na may malapad na ngiti sa labi.
"Oh, Okay!" Kaagad ko ng binuksan ang shoulder bag ko upang kunin ang aking wallet. Balak ko sana ay credit card na lang ang gamitin para mamaya na lang ako mag-withdraw dahil alam kong kukulangin ang cash na naroon sa wallet ko.
Nakakunot noo na ako habang kinakalkal ang aking bag.Ilang ulit ko pang pinasadahan ng tingin ang bawat bulsa nito subalit hindi ko pa rin mahagilap ang kulay purple kong wallet.Kulang na lang ay baliktarin ko 'yon at ipagpag baka sakaling nakasiksik lang sa kung saan.
"Ma'am! Okay lang po ba kayo?"Anang cashier na naiinip na rin maghintay saakin.
"Gosh! Where's my freaking wallet?" Naiinis kong pagkausap sa aking sarili. Tinampal tampal ko pa ang aking noo upang alalahanin kong saan ko 'yon inilagay.
"Ma'am wala ka naman yatang pambayad eh! Aba'y baka puwedeng umalis ka na lang at nakakaabala ka na sa mga susunod kong costumer!" Pagtataray saakin ng froglet na cashier.
Pulang-pula na ang mukha ko dahil sa kahihiyan. Hiniling ko na lang na sana ay mabiyak na ang tiles na aking kinatatayuan at lamunin ako.
Akmang tatalima na sana ako ng biglang sumingit si Mr. Kupal at mas lalo akong napamaang ng mapagtanto ko kung ano ang nais niyang gawin.
"Miss, magkano ba ang babayaran niya? Pakisabay mo na lang 'yan dito sa mga pinamili ko." Pagpresinta ni Mr. Kupal na talagang ikinamangha ko. Bahagya pang nanlaki ang mata ko ng rumihestro ng tuluyan sa utak ko ang sinabi niya sa cashier.
"Uhm, Sir! Magkakilala po kayo?" Nagtatakang tanong ng cashier na talagang sinulyapan pa ako bago muling nagpa-cute kay Mr. kupal.
"Aba't lumalandi pa ang froglet na ito huh!" Bulong ko sa aking sarili subalit hindi pala 'yon nakaligtas sa pandinig ng estrangherong lalaki na iyon.
Bahagya siyang napangiti at dahan-dahan na iniabot sa cashier ang kanyang credit card.
"She's my girl." Nakangiting sambit nito at talagang kinindatan pa ako.
"What the hell are you talking about?"
Nanggagalaiti kong singhal sa kanya.
Kiber ko talaga kong nagmagandang loob siya na bayaran ang pinamili ko. Ayoko lang talaga ng naaapakan ang beauty at ego ko.
kiber means walang pake!
Mas lalo pang nadagdagan ang kahihiyan na aking natamo dahil sa sinabi ng lalaking ito sa aking tabi. Kaya't hindi ko na napigilan pa ang aking sarili.
"Hoy Mr. Kupal! Do you know that I am the gorgeous Czarina Althea Cervantes?" Nakairap kong saad. "Sa tingin mo, papatulan ka kaya ng beauty kong ito?"
"Tara nga at magkape tayo para naman nerbiyusin ka sa mga sinasabi mo!" Naiinis na singhal ko pa sa kanya.
Sa halip na masindak ay pinagtawanan pa ako ng kupal na siyang lalong ikinainis ko.
Walang pasabi na umalis ako. Wala na rin akong pakialam kong sitahin pa ako ng guard na naroon sa pinto. Basta ang tanging goal ko lang ay makaalis sa loob ng mall na 'yon.
Sa mabilis na paglalakad at pagtakbo ko ay kaagad kong narating ang parking lot. Naiiritang pinaandar ko ang makina ng aking kotse at walang pag-aalinlangan na pinaharurot ko iyon papalayo.
Wala na sa tamang direksiyon at tamang destinasyon ang tinatahak kong daan. Hindi ko kasi alam kong saan na ba ako pupunta para malibang at mawala ang sama ng loob at kahihiyan na natamo ko sa loob ng mall na 'yon.
Malapit na rin mag -alas siyete ng gabi kaya't hindi na ako makakabalik upang muling mag- grocery.
Ang kawawang refrigerator ko ay walang ibang laman kundi tubig. Kung hindi sana ako nagpakatanga kanina eh 'di sana marami akong pinamili at mapupuno na naman iyon ng mga pagkain at inumin. Napabuntong hininga na lang ako matapos kung isipin ang katangahan ko.
Once a week lang kasi ako mamili ng mga pangangailangan ko. Bukod kasi sa maarte, eh tamad din akong mamalengke lalo pa't mag-isa lang naman akong kakain sa condo ko.
Simula kasi ng malaman kong matagal na palang sira ang relasyon nina mommy at daddy ay bumukod na ako ng tirahan' Hinayaan naman nila ako sa naging desisyon ko. Sa katunayan ay ibinili pa nila ako ng condo unit sa Fairview Quezon City at hanggang ngayon ay pareho naman silang nagbibigay saakin ng sustento.
Hindi talaga kasi ako sanay ng napapahiya. Naiinis din ako tuwing naiisip kong hindi ko kayang depensahan ang sarili ko. Pakiramdam ko kasi ay nawawalan ng kabuluhan ang kursong tinapos ko lalo pa't isa akong corporate lawyer.
Puro pag buntong hininga na lang ang ginawa ko habang patuloy na nagmamaneho.
Hanggang sa napagdesisyunan kong kunin ang cellphone ko na naroon sa aking bag at sinubukan kong tawagan ang plastik kong kaibigan na si Beryl.
Yayain ko na lang siyang mag bar para naman kahit paano ay malibang ako at mawala ang init ng ulo ko.
Nakatatlong ring muna bago niya sinagot ang tawag ko.
"Yes bitch?" Maarteng sagot ng plastik kong kaibigan sa kabilang linya.
" Where the hell are you?" Asik ko.
"Why did you ask?"Bakas sa tono nito ang iritasyon.
"Letse ka! Ba't ba ang sungit mo?" Reklamo ko.
/0/27870/coverorgin.jpg?v=20220526000755&imageMogr2/format/webp)
/0/26703/coverorgin.jpg?v=a5dabf66d81d19122aa09c3b5ef26d0c&imageMogr2/format/webp)
/0/27402/coverorgin.jpg?v=20220505135037&imageMogr2/format/webp)
/0/26753/coverorgin.jpg?v=20220415102723&imageMogr2/format/webp)
/0/26262/coverorgin.jpg?v=20220429133950&imageMogr2/format/webp)
/0/26575/coverorgin.jpg?v=eead408615afb795e7c2d9db3326fb56&imageMogr2/format/webp)
/0/27110/coverorgin.jpg?v=929e05347180fd6bd175c323bf43e561&imageMogr2/format/webp)
/0/27284/coverorgin.jpg?v=cf33124bbb20cbf534e09806e15d21e6&imageMogr2/format/webp)
/0/26908/coverorgin.jpg?v=6d22bc2ab6f25d38b835baaca24b5ee0&imageMogr2/format/webp)
/0/26603/coverorgin.jpg?v=20220517181402&imageMogr2/format/webp)
/0/70481/coverorgin.jpg?v=00a38c10c4a5248e9d96ade89da2d78b&imageMogr2/format/webp)
/0/95084/coverorgin.jpg?v=39aab295f0d3c05ae7660bc4eaedbffa&imageMogr2/format/webp)
/0/92526/coverorgin.jpg?v=03dbff21395ff5650de4a4a679c9601d&imageMogr2/format/webp)
/0/61402/coverorgin.jpg?v=20240902162538&imageMogr2/format/webp)
/0/73843/coverorgin.jpg?v=cd0a1d17d42b10cccf382937492074a2&imageMogr2/format/webp)
/0/28803/coverorgin.jpg?v=79ccf8d44104071484bff28691fb0acb&imageMogr2/format/webp)
/0/92524/coverorgin.jpg?v=2d2920b602f6b70c015cec3174761e1d&imageMogr2/format/webp)
/0/26332/coverorgin.jpg?v=607d73e821f45eef5d0855559125454b&imageMogr2/format/webp)
/0/27239/coverorgin.jpg?v=acfc285d81c092abe01053e81b54265c&imageMogr2/format/webp)