/0/26769/coverorgin.jpg?v=e2271d183cd9db66e2c715e04a69c578&imageMogr2/format/webp)
"Mag-ingat po lagi kayo, Nay. Ingatan niyo po ang kalusugan niyo."
Nakangiti kong paalala sa aking pasyente na Nanay. Nakatayo akong pinagmamasdan itong papalabas ng ospital. Kapag may nakikita akong nahihirapan na pasyenteng lumabas ay lumalapit ako at tinutulungan sila.
"Tapos na duty mo?" Tanong sa akin ni Mary isa sa mga kapwa ko doktora.
"Yes," nakangiti kong sagot dito. Excited na akong makauwi. "Makakapag pahinga na rin ako kahit papaano," dagdag ko pang saad.
Nakakapagod ang magduty ng 2 ng umaga hanggang 12 ng madaling araw. Mahigit 8 oras yata ang tinagal ko sa loob ng operating room. Dahil dagsa ang mga pasyente na kailangan operahan. Tapos binisita ko pa ang aking mga ibang pasyente.
"Kumain ka na?" Tanong sa akin ni Lorraine ang isa ko pang kapwa doktora.
Kagaya ko ay may hawak hawak din itong medical result ng mga pasyente namin. Kailangan kasi namin icheck ang mga medical result ng mga pasyente namin. Kailangan namin masiguro na maayos sila at unti-unting gumagaling.
Nakangiti naman akong umiling dito bilang sagot. "Tara! Kain? Libre ko?!" Dagdag na niya pa. Aya niya sa aming dalawa ni Mary.
"Hindi na. kayo na lang dalawa ni Mary. Kailangan ko na kasing umuwi." Tanggi ko kay Lorraine.
"Hmm... Ganun ba? Sabagay may aalagaan ka nga pala." Tumango tangong saad ni Lorraine sa 'kin.
Iniwan ko na silang dalawa at sabay sakay sa elevator para pumunta sa fifth floor ko kung saan ang aking opisina. Pagkabukas ng elevator lumabas ako agad at naglakad papuntang office ko.
Hinubad ko ang suot suot kong laboratory coat na laging suot ng mga doktor. Nagpalit na rin ako ng aking damit at sapatos. Ang sakit kasi sa paa ang heels na suot suot ko. Lalo na't ang tagal kong suot ito. Ang sakit sa paa.
Pagkatapos kong ayusin ang office ko at ang sarili ay agad din akong bumaba para makapag-out na. Pagkatapos pumunta na rin akong parking lot.
"What the h*ck?!" Inis ko saad sabay hampas ng manibela ng kotse ko. Bakit ngayon pa? Ayaw mag start ng kotse ko dahil naubusan ako ng gas. Sh*t! Nakalimutan kong magpagas.
Lumabas na ako sa aking kotse. Wala rin naman akong magagawa dahil malayo ang gasolinahan dito. Bakit kasi nakalimutan kong magpakarga kanina? Ang malas naman, oh! Wala pa naman akong panggas ngayon. Dahil ang dami kong kailangan pang pag gastusin. Kailangan ko rin mag-ipon.
Pumara ako ng taxi dahil hindi naman aandar ang kotse ko kapag walang gas kaya no choice ako kundi mag taxi pauwi. Bumaba ako sa tapat ng bahay ng aking kaibigan na si Samantha.
"Oh, bakit ngayon ka lang? Madaling araw na, ah." Tanong ng kaibigan ko pagkabukas ng pinto ng bahay niya.
"Sorry, ngayon lang natapos duty ko, eh. Nasaan siya?" Tanong ko dito.
"Bakit ganyan suot mo? Ang pangit ng outfit mo!" Singhal niya sa akin.
Inirapan ko na lang siya. Kaysa pansinin ang panlalait niya sa aking suot. Gumanda lang ang pananamit niya at lalaitin na niya ako.
Itinuon ko na lang ang aking sarili sa paghahanap sa hinahanap kong tao. sa aking munting prinsipe. Pagod ako. Magdamag ba namang nasa trabaho at nag-over time pa. Kaya wala akong lakas para makipagtalo sa kaniya.
Dumiretso na lamang ako sa kwarto niya. Dahil alam kong nandoon ang hinahanap ko. Wala kasi ito sa sala kaya alam kong naroon ang hinahanap ko. Nakita ko ring may mga kalat na mga laruan na sasakyan at bukas ang TV.
"Mama!"
Agad akong napangiti at mabilis na lumapit dito para yakapin ito ng mahigpit. Napaupo ako para magpantay kaming dalawa. Nakasuot siya ng spongebob na paborito niyang cartoon.
"Uuwi na ba tayo, Mama?" Tanong ng aking prinsipe. Ang napaka gwapo kong prinsipe.
"Yes, pwede na tayong gumala at manood ng paborito mong spongebob " nakangiti kong saad dito sabay ayos ng buhok niya na gulong-gulo.
Pero nawala ang aking ngiti ng makakota ng hindi kaaya-aya sa aking paningin na nasisiguro akong pakana ito ni Samantha. "Samantha! Pinakain mo na naman ba siya ng candy at titserya?!"
"What! Hindi, ah." Tanggi niyang sagot sa tanong ko.
Tinignan ko siya ng masama nagsisinungaling pa, eh. Huling huli naman na! Nakita ko kasing may mga balat ng candy at titserya dito sa kwarto at may amos pa ang aking prinsipe.
"Okey." Napabuntong-hininga ito at pumikit pa ng marahan. "Pinatikim ko lang naman siya."
"Pinatikim? Sigurado ka?" At dahil sa tanong ko ay naalabi siya.
Napairap na lamang ako at sabay dampot ng gamit at laruan na nakakalat. Para ilagay sa maliit na bag. Kinuha ng prinsipe ko ang maliit niyang bag at siya ang nagsakbit nito sa kaniyang likuran. Nang matapos kong ligpitin at ayusin ang kalat lumingon ako kay Samantha. Para magpaalam ng uuwi na kami.
"Samantha, thank you! Cis, say goodbye to tita Samantha." Kumaway ito kay Samantha sabay buhat niya sa anak ko at naglakad papuntang pinto.
"Ingat kayo, ah. Bye baby!" Lumapit ito sa akin para halikan si Cis sa pisngi. "Wala ka namang duty bukas 'di ba?" Baling nito sa akin. Umiling ako sa kaniya sabay sinyas na aalis na kami. "Ingat kayo."
Kapag may duty ako dito ko palagi kong iniwan siya sa Tita Samantha niya o kaya naman ay sa iba ko pang kaibigan. Pero malimit na si Samantha ang nagbabantay at nag-aalaga kay Cis kapag busy ako.
"Mama bibili mo po ba ako ng maraming laruan?" Nakangiting tanong sa akin ni Cis.
"Yes, maraming maraming laruan ang ibibili ko sayo anak." Ngumiti rin ako pabalik dito.
Halos isang araw lang ako nakapag pahinga ng maayos at nakasama si Cis. Pagkatapos non ay pinunta ko na kay Samantha. Dahil may medical mission kaming pupuntahan.
At sa palagay ko ay magtatagal kami doon sa pupuntahan namin. Mas malimit ako sa trabaho kesa makasama ang prinsipe ko.
/0/26591/coverorgin.jpg?v=20221114075232&imageMogr2/format/webp)
/0/29211/coverorgin.jpg?v=20250319142426&imageMogr2/format/webp)
/0/26503/coverorgin.jpg?v=07e28ed74bd9a6000981412c1b56a4f1&imageMogr2/format/webp)
/0/26670/coverorgin.jpg?v=85ae602045e4a2f5e21248efd468e01f&imageMogr2/format/webp)
/0/28493/coverorgin.jpg?v=a1fd0ef438989e3a49e6011b80b67de4&imageMogr2/format/webp)
/0/27070/coverorgin.jpg?v=c23ed03df5f06d2694b50563fd1343fd&imageMogr2/format/webp)
/0/26575/coverorgin.jpg?v=eead408615afb795e7c2d9db3326fb56&imageMogr2/format/webp)
/0/26538/coverorgin.jpg?v=20220801153424&imageMogr2/format/webp)
/0/26297/coverorgin.jpg?v=20220429135548&imageMogr2/format/webp)
/0/27699/coverorgin.jpg?v=20230630080310&imageMogr2/format/webp)
/0/26937/coverorgin.jpg?v=caf27ee85ce1cf27f4bb84d19e2d94a3&imageMogr2/format/webp)
/0/26679/coverorgin.jpg?v=20220415102713&imageMogr2/format/webp)
/0/27390/coverorgin.jpg?v=20220427180653&imageMogr2/format/webp)
/0/31649/coverorgin.jpg?v=20221009152750&imageMogr2/format/webp)
/0/26710/coverorgin.jpg?v=cc1308e40ae0f45d4ff73b8cc10d1121&imageMogr2/format/webp)
/0/26260/coverorgin.jpg?v=20220415102744&imageMogr2/format/webp)
/0/27246/coverorgin.jpg?v=63206b0bd24d9a263eaff5d2d8c2408f&imageMogr2/format/webp)
/0/27627/coverorgin.jpg?v=20220518160954&imageMogr2/format/webp)