/0/27039/coverorgin.jpg?v=084784193e9c2a56dde696b1ff28d770&imageMogr2/format/webp)
"So what can you say, Sir? Do you like it?" nakangiti kong tanong sa lalaking kliyente ko ngayon. Kahit pa ang totoo ay gustong-gusto ko na siyang irapan.
Halos manuyo na kasi ang lalamunan ko sa kakasalita magmula palang no'ng sinimulan naming libutin ang mga model house na mayroon sa subdvision na 'to, pero hindi naman siya nakikinig. Ang bahay na kinaroroonan namin ngayon ay ang pang-apat at panghuling modelo na kailangan naming puntahan. Kaya lang ay pansin ko ang hindi niya masyadong pagtuon ng atensyon sa lahat ng mga bahay na napuntahan namin.
His eyes were too focused raking my body that made me want to puke. Kahit sa tuwing nakatalikod ako ay ramdam ko ang mapanuri niyang tingin.
Kaya naman ay hindi ko maiwasan ang makaramdam ng ilang. Pero kahit gano'n ay pilit pa rin akong nagpapatuloy sa pagsasalita at pagngiti kahit gusto ko ng ngumiwi at manapak.
"Sir?" I asked once again when he remained like a statue by just standing in front of me.
He blinked, then nodded. "Oh, yeah. I like it. Just perfect and beautiful." He looks in my eyes directly.
Pinagdaop ko ang dalawang palad. "That's great! Ipapakita ko lang po sa inyo kung anong block at lot available ang ganitong model ng bahay para makapili po kayo ng lokasyon."
Tahimik akong nagdasal na sana ay kumuha na siya. Para matapos na agad ang usapan.
"Yes, please. That will be good. I am certain to buy a house. In one condition, though." He smirked.
Unti-unting nawala ang praktisado kong ngiti. "What do you mean?"
"I can buy a house here in an instant and in cold cash. But you need to go out on a date with me."
Hindi ko ipinahalata ang gulat na naramdaman ko nang dahil sa sinabi niya. I compose myself and remain calm as possible as I can.
This is not the first time that someone offered me as such deal. But it already irritates the hell out of me.
Bahay ang inaalok ko. Hindi ang sarili ko.
"If you'll buy a house, then it will be good. But if not, that's just fine with me as well. Hindi n'yo po magagamit sa 'kin ang pagiging kliyente para makuha ang gusto n'yo. Marami pa kong makukuhang buyer at hindi ka kawalan. Kaya maghanap ka na lang po ng ibang mayayaya," walang pag-aalinlangan kong sabi sa kanya.
Hindi makapaniwalang napatitig siya sa 'kin. "Seriously, that's how you treat a client? How un-professional!"
Natawa naman ako nang dahil sa sinabi niya. "I'm trying to be professional here. Ikaw ang ayaw makipag-cooperate, Ian."
/0/26745/coverorgin.jpg?v=ed90fb2910ee0e103a92d9ec68179a65&imageMogr2/format/webp)
/0/27030/coverorgin.jpg?v=20220612121640&imageMogr2/format/webp)
/0/26756/coverorgin.jpg?v=20220415102735&imageMogr2/format/webp)
/0/79697/coverorgin.jpg?v=b90e78759c920d9c6a4090e3f1e78e0a&imageMogr2/format/webp)
/0/73757/coverorgin.jpg?v=46a19eded35edc89b22caf0c991c6db1&imageMogr2/format/webp)
/0/26279/coverorgin.jpg?v=20220606105517&imageMogr2/format/webp)
/0/26359/coverorgin.jpg?v=20230615113858&imageMogr2/format/webp)
/0/27387/coverorgin.jpg?v=492da1229164174f9b04ea9524e3a1d6&imageMogr2/format/webp)
/0/26752/coverorgin.jpg?v=20220507095910&imageMogr2/format/webp)