/0/26687/coverorgin.jpg?v=ee2583cbf3773f6f4b3c1a8e64934930&imageMogr2/format/webp)
Broke.
Hindi ko alam kung ano ginagawa ko rito sa kasal ng Ate ko. Masyado akong bitter at ayaw kong nakakakita ng mga taong naglalampungan, nagbebeso-han o 'di kaya ay masayang nagbabatian sa isa't isa.
Lahat sila masaya.
Ako lang yata ang hindi!
Wala silang karapatang sumaya kung hindi rin ako masaya! Selfish na kung selfish, pero hindi talaga patas ang lahat! Ramdam kong may favoritism!
Naniningkit ang mga mata nilang lahat kangingiti habang ako, namumugto ang mata kaiiyak kagabi.
Lecheng pag-ibig ito! Sino ba ang gumawa sa iyo at nang masakal ko nga. Ang sakit masyado!
"Denicery, bakit ba nakasimangot ka riyan?!" sigaw ni Mama sa akin nang makita ako sa may balkonahe nitong hotel.
Beach wedding ang type ng Ate ko. Good for her, natupad ang pinapangarap niyang kasal.
Mas nauna akong na-engage kaysa sa kanya pero mas mauuna pa siyang mangangako sa lalaking minamahal niya. Ang saya-saya naman.
"Nako, bata ka. Mag-ayos ka na nga ng sarili mo! Ang dugyot mo," saway na naman sa akin ni Mama saka inihagis ang isang Mint Green dress na suot din ng karamihan sa mga babaeng dadalo.
Napatingin ako sa salamin na nasa harap ko lang din.
"Itong si Mama talaga. Maayos naman ang mukha ko ah," sagot ko saka muling simangot.
Umiling-iling ang ginang. "Huwag kang magpasikat ngayon, Denice. Maganda ka pero kailangang pormal kang haharap sa mga bisita. Huwag mong ipahiya ang Ate mo!"
Lumabas na si Mama mula rito sa kwarto. Finally, I don't want her to scold me at my sister's wedding.
Tss.
I don't have any idea what it feels to be a bride. Oh, that's because my groom runaway from me at our supposedly wedding.
No whys' or whats'. No communication at all. That tragedy of my life happened one month ago.
Akala ko, lahat ng bagay kaya ko nang kontrolin sa mga palad ko. I am a successful fashion designer and a well-known journalist, ikakasal sa taong mahal ko at planadong-planado na ang lahat sa buhay ko.
Pero, hindi lahat ng plano, natutupad.
Napakaraming hadlang.
"Sissy," bungad sa akin ni Ate Dorine nang lumabas siya sa fitting room. Hinihintay ko lang siya kaya naabutan ako ni Mama na hindi nakaayos kanina.
"You look great," komento ko. "Very great."
Suot niya ang wedding gown na d-in-esign ko. Dark green naman ito at simpleng-simple lang gaya ng hiniling niya.
That is what I also want for my wedding, eh kaso naudlot. Hayun at tinakbuhan ako ng lalaking pakakasalan ko sana, sa araw ng kasal namin.
Siraulo.
Nag-propose sa akin tapos hindi sumipot sa kasal?!
"I'm happy for you," saad ko. Nginitian ako ni Ate.
"You don't look happy, Den," aniya.
I smiled, fakely.
"I said I'm happy for you, Ate Dori. I never said that I'm happy for myself," pilosopo kong sagot.
Tinawanan lang ako ng Ate ko. Akala niya ba nagbibiro ako sa sinabi ko? No! Seryoso kaya ako. Natutuwa talaga ako para sa kaniya, na finally ikakasal na siya kay Kuya Raymond na almost 7 years niyang boyfriend.
Pero, hindi ko kayang maging masaya para sa sarili ko lalo pa at nasa ganito akong event. Guaranteed, iiyak na naman ako once na magbitaw sila ng mga pangako para sa isa't isa.
Tinulungan ko pa naman ang Ate ko sa vow niya. That should be my vow eh. Lintik naman!
Nagpalit na ako ng damit. This dress really fits me well. Ang ganda rin nito. Ate Dorine's choices are really the best.
Hindi ko pa siya nakitang malugmok dahil sa mga decisions niya sa buhay. Lahat ng plano niya, natutuloy. All went in good results.
I really envied her.
Eh sa akin? Kailan nga kaya papabor ang tinatawag nilang tadhana? May magandang bagay pa kaya ang nakatadhana sa akin? Nauubusan na rin kasi ako ng pasensya sa lecheng tadhana na iyan!
Fate is really inconsiderate of my feelings.
And now, here comes the most awaited event.
Umpisa na ang kasal.
Nag-umpisa na rin sa paglalakad ang mga bisita sa aisle. Si Kuya Raymond, hinihintay sa harap si Ate Dorine. Nagpalakpakan ang lahat ng makita ang nakatatanda kong kapatid nang masilayan nila ito.
She is really a gorgeous woman.
Indeed, that's one of the reasons why Kuya Raymond had fallen inlove with her. Patuloy pa rin nilang mamahalin ang isa't isa pagtapos nito.
Nakakainggit lang talaga.
Hindi na ako nakatiis. Umalis ako sa kalagitnaan ng seremonyas. Umpisa pa lang, naiiyak na ako. Simula noong ihatid ni Papa si Ate papunta kay Kuya Raymond, nalungkot na ako kaagad.
Ako dapat ang unang makakaranas ng bagay na iyon eh! That's what I've imagined before!
Dumiretso ako sa may reception. Sobrang lungkot lang talaga.
I am too anxious that I can cry in front of my family's friends, relatives and visitors. I decided not to invite one of my friends kahit na sinabihan ako ni Ate na mag-imbita raw.
It's because I don't want to ruin everything. Kapag pinapunta ko ang mga kaibigan ko, dadamayan lang nila ako kapag umiyak ako at hindi nila mai-enjoy ang kasal, ang sceneries, ang lahat.
Lugmok na nga iyong buhay ko tapos mandaramay pa ako ng ibang tao?
"Excuse me, miss..."
Napalingon ako sa nagsalita. He's familiar, really familiar. Nang humarap ako ay nakita ko ang maamong mukha niya.
He's the receptionist who welcomed us, few days ago. He is simple, I found him very simple. I really don't like simple things or persons, because it's not interesting for me.
Well, it's because of my ex. He showered me with perfections and extraordinary things in this world. Peste siya sa buhay ko, kahit kailan!
"Y-Yes?" nauutal kong tanong dahil pinipigilan ko ang paghikbi.
Hindi sumagot ang lalaki ngunit inabot niya sa akin ang isang panyo, puting panyo.
I hate white!
It reminds me of myself, useless and simple.
Like what I've said, I hate those simple things and uh, persons.
"That's not mine, kuya," ani ko.
Natawa siya nang bahagya kaya pinaningkitan ko siya ng mga mata ko. Anong nakakatawa? Wala siyang karapatang tumawa!
"Bigay ko po sa inyo iyan," tugon niya saka ngumiti. Why is he even smiling? Why?!
"Huwag niyo pong hayaang tumulo ang luha niyo sa mata," dagdag niya pa.
Alangan namang tumulo ang luha ko sa ilong? Tanga nito.
Tinabig ko ang kamay niya at nahulog ang panyo sa hindi ko malamang lugar. Malakas kaya ang pagkakatabig ko?
"Why do you care?" masungit kong tanong. "Ano ba sa iyo kung tutulo ang mga luha ko? It's none of your business."
Tumalikod na ako at bumalik sa dalampasigan kung saan naroon ang seremonya ng kasal. I kind of felt guilty about what I've done to the guy receptionist.
Napagbuntunan ko pa tuloy siya ng mga nararamdaman kong sama ng loob.
I need to apologize to him later, after this.
Bumalik ako sa upuan at sandamakmak na sermon ang natamo ko sa Nanay ko. Buti nga at puro bulong lang iyon.
Sa kamalas-malasan ng buhay ko, naabutan ko pa ang pagpapalitan ng vows ng mag-irog. Gusto ko mang takpan ang tainga ko para hindi marinig ang mga iyon, pero ano na lang ang iisipin ng mga kamag-anak, kaibigan at bisita namin?
Na bitter ako kasi iniwanan ako sa sarili kong kasal?
"Hon, I always see myself with you," panimula ni Ate na nakapagpabalik sa akin sa wisyo.
I also see myself with my ex. Lol.
"Una pa lang tayong nagkita, minahal na kita. Maliban sa tatay ko, ikaw lang ang lalaking hinahangaan ko ng sobra. Noong bata pa ako, sabi ko sa sarili ko, magmamahal ako ng kapwa-ugali ni Papa kasi I saw how inlove he was, still and will always be with our mother."
I cried, hindi ko na mapigilan.
"And then, you came into my life. You made me realize how lucky I am. To have you, here in front of our family, exchanging our promises, forever, until our last breath."
Napayakap ako kay Mama dahil ayaw kong marinig ako ng iba na humahagulgol. Para naman akong tanga.
Dapat masaya ako kasi kasal na si Ate Dorine! Dapat masaya kasi wala na akong magiging kaaway sa bahay.
Pero bakit ganito?
"Tama na, anak," pagpapatahan sa akin ni Mama.
/0/26983/coverorgin.jpg?v=20220621000546&imageMogr2/format/webp)
/0/26984/coverorgin.jpg?v=3738ec39f6799f768234da9c9b9c4e3f&imageMogr2/format/webp)
/0/26683/coverorgin.jpg?v=221fdace65010f4fa32ffa5ca46d32f8&imageMogr2/format/webp)
/0/53496/coverorgin.jpg?v=46dd8ddf0b50cfba91364d4ac51788e3&imageMogr2/format/webp)
/0/26933/coverorgin.jpg?v=20230306115511&imageMogr2/format/webp)
/0/27552/coverorgin.jpg?v=977b86919ccbb35992f7d5a11c92028e&imageMogr2/format/webp)
/0/26327/coverorgin.jpg?v=20220421160011&imageMogr2/format/webp)
/0/26239/coverorgin.jpg?v=42c0f2a9f3f5c869ee9466a41060be27&imageMogr2/format/webp)
/0/26358/coverorgin.jpg?v=8c581f239959dc26eb872da34ea0e581&imageMogr2/format/webp)
/0/26757/coverorgin.jpg?v=20220606105447&imageMogr2/format/webp)
/0/28678/coverorgin.jpg?v=a8e7e0b23397cb191bf5b1263ad64de6&imageMogr2/format/webp)
/0/26816/coverorgin.jpg?v=f4fb041dc0a3d36ddabbb2c9f36623db&imageMogr2/format/webp)
/0/26832/coverorgin.jpg?v=280fb19d1beed3b153d54a31785339aa&imageMogr2/format/webp)
/0/27190/coverorgin.jpg?v=20230306115513&imageMogr2/format/webp)
/0/27321/coverorgin.jpg?v=017bbe7a46d8261390baa1169508855b&imageMogr2/format/webp)
/0/26786/coverorgin.jpg?v=20220415102725&imageMogr2/format/webp)
/0/28848/coverorgin.jpg?v=20220612191453&imageMogr2/format/webp)
/0/31702/coverorgin.jpg?v=029c6a23635a0ddfef516eeb4b2bba7a&imageMogr2/format/webp)