My Love, Denicery

My Love, Denicery

ydaleam_malediction

5.0
Komento(s)
212
Tingnan
18
Mga Kabanata

Ang pagiging tagapagmana ng kumpanya ay hindi isang biyaya para kay Denicery Marie Juaneza. Para sa kaniya, sagabal lamang ito sa pagnanais niya na maging isang journalist at fashion designer. Mabigat man sa kaniyang loob, tinanggap niya ang pagsubok na mismong mga magulang niya ang nagbigay. Sa kabila ng ideya na sinusuka siya ng kanyang sariling pamilya, lingid sa kaniyang kaalaman na may lalaking magmamahal sa kaniya nang wagas at walang pag-aalinlangan. Tunay nga ba itong pag-ibig o isang distraksyon sa kaniyang kalungkutang nararamdaman?

Chapter 1 FIRST MEET

Broke.

Hindi ko alam kung ano ginagawa ko rito sa kasal ng Ate ko. Masyado akong bitter at ayaw kong nakakakita ng mga taong naglalampungan, nagbebeso-han o 'di kaya ay masayang nagbabatian sa isa't isa.

Lahat sila masaya.

Ako lang yata ang hindi!

Wala silang karapatang sumaya kung hindi rin ako masaya! Selfish na kung selfish, pero hindi talaga patas ang lahat! Ramdam kong may favoritism!

Naniningkit ang mga mata nilang lahat kangingiti habang ako, namumugto ang mata kaiiyak kagabi.

Lecheng pag-ibig ito! Sino ba ang gumawa sa iyo at nang masakal ko nga. Ang sakit masyado!

"Denicery, bakit ba nakasimangot ka riyan?!" sigaw ni Mama sa akin nang makita ako sa may balkonahe nitong hotel.

Beach wedding ang type ng Ate ko. Good for her, natupad ang pinapangarap niyang kasal.

Mas nauna akong na-engage kaysa sa kanya pero mas mauuna pa siyang mangangako sa lalaking minamahal niya. Ang saya-saya naman.

"Nako, bata ka. Mag-ayos ka na nga ng sarili mo! Ang dugyot mo," saway na naman sa akin ni Mama saka inihagis ang isang Mint Green dress na suot din ng karamihan sa mga babaeng dadalo.

Napatingin ako sa salamin na nasa harap ko lang din.

"Itong si Mama talaga. Maayos naman ang mukha ko ah," sagot ko saka muling simangot.

Umiling-iling ang ginang. "Huwag kang magpasikat ngayon, Denice. Maganda ka pero kailangang pormal kang haharap sa mga bisita. Huwag mong ipahiya ang Ate mo!"

Lumabas na si Mama mula rito sa kwarto. Finally, I don't want her to scold me at my sister's wedding.

Tss.

I don't have any idea what it feels to be a bride. Oh, that's because my groom runaway from me at our supposedly wedding.

No whys' or whats'. No communication at all. That tragedy of my life happened one month ago.

Akala ko, lahat ng bagay kaya ko nang kontrolin sa mga palad ko. I am a successful fashion designer and a well-known journalist, ikakasal sa taong mahal ko at planadong-planado na ang lahat sa buhay ko.

Pero, hindi lahat ng plano, natutupad.

Napakaraming hadlang.

"Sissy," bungad sa akin ni Ate Dorine nang lumabas siya sa fitting room. Hinihintay ko lang siya kaya naabutan ako ni Mama na hindi nakaayos kanina.

"You look great," komento ko. "Very great."

Suot niya ang wedding gown na d-in-esign ko. Dark green naman ito at simpleng-simple lang gaya ng hiniling niya.

That is what I also want for my wedding, eh kaso naudlot. Hayun at tinakbuhan ako ng lalaking pakakasalan ko sana, sa araw ng kasal namin.

Siraulo.

Nag-propose sa akin tapos hindi sumipot sa kasal?!

"I'm happy for you," saad ko. Nginitian ako ni Ate.

"You don't look happy, Den," aniya.

I smiled, fakely.

"I said I'm happy for you, Ate Dori. I never said that I'm happy for myself," pilosopo kong sagot.

Tinawanan lang ako ng Ate ko. Akala niya ba nagbibiro ako sa sinabi ko? No! Seryoso kaya ako. Natutuwa talaga ako para sa kaniya, na finally ikakasal na siya kay Kuya Raymond na almost 7 years niyang boyfriend.

Pero, hindi ko kayang maging masaya para sa sarili ko lalo pa at nasa ganito akong event. Guaranteed, iiyak na naman ako once na magbitaw sila ng mga pangako para sa isa't isa.

Tinulungan ko pa naman ang Ate ko sa vow niya. That should be my vow eh. Lintik naman!

Nagpalit na ako ng damit. This dress really fits me well. Ang ganda rin nito. Ate Dorine's choices are really the best.

Hindi ko pa siya nakitang malugmok dahil sa mga decisions niya sa buhay. Lahat ng plano niya, natutuloy. All went in good results.

I really envied her.

Eh sa akin? Kailan nga kaya papabor ang tinatawag nilang tadhana? May magandang bagay pa kaya ang nakatadhana sa akin? Nauubusan na rin kasi ako ng pasensya sa lecheng tadhana na iyan!

Fate is really inconsiderate of my feelings.

And now, here comes the most awaited event.

Umpisa na ang kasal.

Nag-umpisa na rin sa paglalakad ang mga bisita sa aisle. Si Kuya Raymond, hinihintay sa harap si Ate Dorine. Nagpalakpakan ang lahat ng makita ang nakatatanda kong kapatid nang masilayan nila ito.

She is really a gorgeous woman.

Indeed, that's one of the reasons why Kuya Raymond had fallen inlove with her. Patuloy pa rin nilang mamahalin ang isa't isa pagtapos nito.

Nakakainggit lang talaga.

Hindi na ako nakatiis. Umalis ako sa kalagitnaan ng seremonyas. Umpisa pa lang, naiiyak na ako. Simula noong ihatid ni Papa si Ate papunta kay Kuya Raymond, nalungkot na ako kaagad.

Ako dapat ang unang makakaranas ng bagay na iyon eh! That's what I've imagined before!

Dumiretso ako sa may reception. Sobrang lungkot lang talaga.

I am too anxious that I can cry in front of my family's friends, relatives and visitors. I decided not to invite one of my friends kahit na sinabihan ako ni Ate na mag-imbita raw.

It's because I don't want to ruin everything. Kapag pinapunta ko ang mga kaibigan ko, dadamayan lang nila ako kapag umiyak ako at hindi nila mai-enjoy ang kasal, ang sceneries, ang lahat.

Lugmok na nga iyong buhay ko tapos mandaramay pa ako ng ibang tao?

"Excuse me, miss..."

Napalingon ako sa nagsalita. He's familiar, really familiar. Nang humarap ako ay nakita ko ang maamong mukha niya.

He's the receptionist who welcomed us, few days ago. He is simple, I found him very simple. I really don't like simple things or persons, because it's not interesting for me.

Well, it's because of my ex. He showered me with perfections and extraordinary things in this world. Peste siya sa buhay ko, kahit kailan!

"Y-Yes?" nauutal kong tanong dahil pinipigilan ko ang paghikbi.

Hindi sumagot ang lalaki ngunit inabot niya sa akin ang isang panyo, puting panyo.

I hate white!

It reminds me of myself, useless and simple.

Like what I've said, I hate those simple things and uh, persons.

"That's not mine, kuya," ani ko.

Natawa siya nang bahagya kaya pinaningkitan ko siya ng mga mata ko. Anong nakakatawa? Wala siyang karapatang tumawa!

"Bigay ko po sa inyo iyan," tugon niya saka ngumiti. Why is he even smiling? Why?!

"Huwag niyo pong hayaang tumulo ang luha niyo sa mata," dagdag niya pa.

Alangan namang tumulo ang luha ko sa ilong? Tanga nito.

Tinabig ko ang kamay niya at nahulog ang panyo sa hindi ko malamang lugar. Malakas kaya ang pagkakatabig ko?

"Why do you care?" masungit kong tanong. "Ano ba sa iyo kung tutulo ang mga luha ko? It's none of your business."

Tumalikod na ako at bumalik sa dalampasigan kung saan naroon ang seremonya ng kasal. I kind of felt guilty about what I've done to the guy receptionist.

Napagbuntunan ko pa tuloy siya ng mga nararamdaman kong sama ng loob.

I need to apologize to him later, after this.

Bumalik ako sa upuan at sandamakmak na sermon ang natamo ko sa Nanay ko. Buti nga at puro bulong lang iyon.

Sa kamalas-malasan ng buhay ko, naabutan ko pa ang pagpapalitan ng vows ng mag-irog. Gusto ko mang takpan ang tainga ko para hindi marinig ang mga iyon, pero ano na lang ang iisipin ng mga kamag-anak, kaibigan at bisita namin?

Na bitter ako kasi iniwanan ako sa sarili kong kasal?

"Hon, I always see myself with you," panimula ni Ate na nakapagpabalik sa akin sa wisyo.

I also see myself with my ex. Lol.

"Una pa lang tayong nagkita, minahal na kita. Maliban sa tatay ko, ikaw lang ang lalaking hinahangaan ko ng sobra. Noong bata pa ako, sabi ko sa sarili ko, magmamahal ako ng kapwa-ugali ni Papa kasi I saw how inlove he was, still and will always be with our mother."

I cried, hindi ko na mapigilan.

"And then, you came into my life. You made me realize how lucky I am. To have you, here in front of our family, exchanging our promises, forever, until our last breath."

Napayakap ako kay Mama dahil ayaw kong marinig ako ng iba na humahagulgol. Para naman akong tanga.

Dapat masaya ako kasi kasal na si Ate Dorine! Dapat masaya kasi wala na akong magiging kaaway sa bahay.

Pero bakit ganito?

"Tama na, anak," pagpapatahan sa akin ni Mama.

I heard the priest announced that Kuya Raymond at Ate Dorine is finally sharing the same surname.

"Mr. Dela Franco, you may kiss your bride," anunsyo ng pari.

Napatingin ako sa gawi nila. They look perfect with each other. I can't wait to see future 'mini Dorine' or 'mini Raymond.'

"You have us, Denice," pampalubag-loob sa akin ni Mama na para bang alam ang iniisip at nararamdaman ko sa mga oras na ito.

They don't know anything about me since that tragic wedding I had experienced-we experienced.

Mas lalong nadagdagan ang sakit sa puso ko nang makitang nandito ang mga magulang ni Oliver-my groom who runaway from our wedding.

"Congratulations, Mr. and Mrs. Dela Franco," bati ni Tita Margareth-nanay ni Oliver, nang makalapit sa kanila ang bagong mag-asawa.

Bigla namang napabaling ang tingin niya sa akin.

"It's nice to see you here, hija," aniya saka hinalikan ang pisngi ko.

I can't blame them for their son's decision. Wala rin silang alam. Hindi naman sila hadlang sa amin ni Oli. Sa katunayan, sila ang nag-push sa amin na magpakasal na.

"Our feelings are mutual, tita," tugon ko naman.

We smiled to each other, genuinely.

Nilapitan ko si Kuya Raymond na nakatingin lang kay Ate Dorine na siya namang bumabati sa malalapit nilang kaibigan.

"What's the matter, Den?" Kuya Raymond asked. Napansin niya ang nang-uusisang tingin ko sa kaniya.

"Can you do me a favor, kuya?" prangka kong tanong. Tiwala naman akong magagawa niya ang pabor ko, lalo pa't mahal niya talaga ang Ate ko.

"What favor?"

"Please, take care of my sister," bilin ko sa kaniya. "Don't let her cry, please. Kung papaiyakin mo man siya, sana sa tatlong bagay lang."

"Tatlong bagay?"

Tumango ako at sumagot, "Dito sa kasal, sa mga sorpresa mo sa kaniya sa darating pang araw at uh---"

"Hoy ano iyan?!"

Nabigla ang buong pagkatao ko nang biglang dumating si Ate Dorine. Hindi pa ako tapos sa pagbibilin kay Kuya Raymond eh.

Pabalik-balik ang tingin ng nakatatanda kong kapatid sa amin ng asawa niya.

"Anong pinagsasabi mo kay Raymond ha?" may pagbabantang tanong sa boses ni Ate. Bumaling siya kay Kuya Raymond nang hindi ako magsalita. "Pinagtataksilan mo ba ako sa araw ng kasal natin?!"

Para inisin lalo si Ate Dorine ay kumapit pa akong lalo sa braso ni Kuya Raymond.

Nang makitang umuusok na ang ilong ni Ate sa galit ay hinawakan ko siya sa balikat niya at hinarap sa akin. Ngumisi muna ako.

"Ate, huwag ka ngang praning!" bulyaw ko sa kaniya. "Hindi ko hinabol iyong nang-iwan sa akin sa altar tapos maghahabol ako sa may asawa, tapos asawa pa ng kapatid ko? Tigilan mo nga iyan, Ate!"

Natatawa pa rin ako. Bahagya kong nakalimutan ang lungkot na nadarama ko. Ang pang-aasar sa Ate ko ang nakapagpapasaya sa akin.

"Don't be too jealous, Ate. Baka iwan ka agad ni Kuya Raymond niyan at ibalik ka kaagad sa bahay natin," puna ko.

Nag-init na naman ang bumbunan ng kapatid ko. Sinaway ako ni kuya, natinag naman ako.

"Ikaw, Kuya Raymond, basta iyong bilin ko sa iyo ah! Tatlong bagay lang!"

Bahagya akong lumalakad patalikod mula sa kanila.

"Pero dalawa pa lang iyong sinasabi mo!" sigaw ng asawa ni Ate.

Aha, oo. Tatlong bagay niya lang dapat paiiyakin si Ate. Sa kasal nila ngayon, sa mga gagawin niya pang sorpresa at sa, oh, uh---kama.

Just kidding.

Basta kapag nakita na nila iyong mga supling nila na sila mismo ang naghirap gumawa.

Basta gano'n.

Ayaw kong malaman-laman na iiyak ang Ate ko dahil may ibang babae ang asawa niya. Ayaw kong maranasan na babalik siya sa bahay namin para sabihing hihiwalayan o gusto niya nang hiwalayan ang asawa niya.

I know how it hurts to be hurt by someone who we really love. My heart turns into unmagnified pieces.

Kahit magnifying glass, hindi na rin makita kung gaano ako kadurog.

Bigla ko namang naalala ang ginawa kong kagagahan doon sa receptionist. Umikot-ikot ako sa buong lugar para hanapin siya pero wala.

Iyong mga kasama niyang crew, nandito sa dalampasigan. Siya lang ang wala. How can I apologize kung wala siya rito?

I decided to come back at my sibling's wedding. Hindi pa tapos dahil hindi pa naihahagis ng bride ang bulaklak niya at hindi pa naipapasa ng groom ang garter na supposedly, ibibigay ng maswerteng lalaking makatatanggap, sa babaeng nakasalo.

"All singles please come forward," anang emcee.

Am I considered as single? Iniwanan ako sa kasal ko, oo! But, I never heard my fiancé's reason. Hindi nga ako sure kung hiwalay na ba kaming dalawa.

Am I expecting something from him?

"Hoy, Denicery! Sumali ka roon!" utos sa akin ni Papa.

Aba, ito talagang tatay ko. Alam na galing ako sa pain, heartbreak at tragedy, gusto na yatang magkaroon ng bagong mamanugangin.

Wala na akong nagawa.

Kung ang ibang babae ay nag-uunahan. Nasa likod lang ako. Ang lahat ng crew, staffs at iba pang employees ng hotel na single ay nakisali na rin.

Nilibot ko ang tingin, baka sakaling makita ko si 'Receptionist Guy.' I badly need to apologize.

Inihagis na ni Ate ang bulaklak. Wala lang akong pakialam. Malayo rin sa akin ang pagbabagsakan ng bulaklak kaya mas lalo akong nawalan ng pake.

Pero, biglang may nadapa sa harap ko. Natabig niya ang bulaklak pero hindi pa rin ako nakasalo. Ibang tao ang nakasalo at, uh-lalaki.

"Ito miss oh," abot niya sa akin ng bulaklak. Oh he's the receptionist guy!

Papaalis na siya ngunit hinawakan ko ang braso niya para naman makapag-sorry na ako sa ginawa ko.

I'm the problematic person here and I shouldn't have done something that will hurt him, I mean everyone na wala namang connection sa akin.

"Sorry, miss," aniya nang humarap muli sa akin. "Taken na ako."

Napabitaw ako sa braso niya. Wait, did I asked if he's single? WTF? Kailan ako nagtanong and who cares about his relationship status?

Akala niya ba gusto ko siya na makakuha ng garter na hawak ni Kuya Raymond? For Pete's sake ayaw ko sa sitwasyon kung nasaan ako ngayon!

Nevermind. Hindi na ako mag-aapologize. Hindi siya deserving sa sorry ko 'no!

Umupo na lang ako sa isang tabi habang hinihintay ang makakakuha ng garter.

Binibigay ko sa ibang single ang bulaklak pero ayaw nila tanggapin. Malas daw iyon. Tse, ako iyong malas.

"Our lucky guy, Mr. Ynigo Romualdez," anunsyo ng emcee.

Napairap ako. Who is this guy? Hindi ko siya kilala. I think, he's one of Kuya Raymond's friends.

Nginitian ako ng lalaki ngunit nailang din siya ng bahagya kong itaas ang dress ko.

"Puwede bang sa kamay niya na lang?" tanong ng Ynigo sa emcee at sa bagong kasal.

"It's in the tradition bro," sagot ni Kuya Raymond na parang nang-aasar pa. "You must wear it on her legs."

Napakamot ako sa batok sa angking kapilyuhan ng asawa ng Ate ko. Mukhang bumabawi siya sa pang-aasar ko kanina sa kanilang mag-asawa.

"Go ahead," pagbibigay ko ng permiso sa kaniya na ilagay na ang punyemas na garter na iyon sa hita ko.

Dahan-dahan pa talaga ang paglagay niya ah! Tsumatsansing!

Hinawakan ko ang kamay ni Mr. Romualdez para tulungan na siya sa paglalagay no'n sa hita ko.

Nagulat siya.

"Looks like magkakaroon ng bagong ikakasal next year at emcee na naman ako ng mga Juaneza," biro ng tagapagsalita.

"Lul, in your dreams. Kung ikakasal man ako, hindi na ikaw ang emcee. I hate all the words you uttered," bulong ko sa sarili.

Napatawa naman ang lalaking kaharap ko ngayon. Mukhang narinig niya ang mga binubulong-bulong ko.

Naglahad siya ng kamay sa akin.

"I am Ynigo Romualdez. Your future husband," pagpapakilala niya. At ano raw? Future husband ko? Tse!

"I'm Denicery Juaneza," sagot ko saka hinawakan ang kamay na iniabot niya sa akin. "Your future mistress."

Binitawan ko na ang kamay niya at tinalikuran siya.

Lols, why did I say na future mistress niya ako? Well, kaya lang naman kasi sumali ang karamihan sa mga babae-kahit hindi single, ay dahil sa kaniya. Kitang-kita ang panghihinayang ng mga single ladies nang hindi sila ang nakakuha ng flowers na binigay lang din sa akin.

Sa dami ng naghahabol sa kaniya rito sa Cebu pa lang, susme por santo, isang malaking biro na siya ang magiging future husband ko.

But I smiled, secretly.

Ynigo Romualdez,

My future husband.

Magpatuloy sa Pagbasa

Magugustuhan mo rin

Muling pag-iibigan kasama ang ama ng triplets

Muling pag-iibigan kasama ang ama ng triplets

Alfons Breen
4.9

Dalawang taon pagkatapos ng kanyang kasal, si Ximena ay nawalan ng malay sa isang pool ng kanyang sariling dugo sa isang mahirap na panganganak. Nakalimutan niyang ikakasal nga pala sa iba ang dating asawa noong araw na iyon. "Maghiwalay na tayo, ngunit ang sanggol ay nananatili sa akin." Ang kanyang mga salita bago natapos ang kanilang diborsyo ay hindi pa rin nawawala sa kanyang isip. Wala siya roon para sa kanya, ngunit gusto niya ng buong kustodiya ng kanilang anak. Mas gugustuhin pa ni Ximena na mamatay kaysa makitang tawagin ng kanyang anak ang ibang ina. Dahil dito, isinuko niya ang multo sa operating table na may dalawang sanggol na naiwan sa kanyang tiyan. Ngunit hindi iyon ang wakas para sa kanya... Pagkalipas ng mga taon, naging dahilan ng muling pagkikita ng tadhana. Si Ramon ay isang nagbagong tao sa pagkakataong ito. Gusto niyang itago siya sa sarili niya kahit na siya ay ina na ng dalawang anak. Nang malaman niya ang tungkol sa kasal niya, sumugod siya sa venue at gumawa ng eksena. "Ramon,Namatay ako minsan, kaya wala akong pakialam na mamatay ulit. Pero sa pagkakataong ito, gusto kong sabay tayong mamatay," siya sumigaw, nanlilisik ang tingin sa kanya na may nasasaktan sa kanyang mga mata.//Naisip ni Ximena na hindi siya nito mahal at masaya na sa wakas ay wala na ito sa buhay niya. Ngunit ang hindi niya alam ay nadurog ang puso niya sa hindi inaasahang pagkamatay niya. Matagal siyang umiyak mag-isa dahil sa sakit at hapdi. Palagi niyang hinihiling na mabawi niya ang mga kamay ng oras o makita muli ang magandang mukha nito. Sobra para kay Ximena ang drama na dumating mamaya. Ang kanyang buhay ay napuno ng mga twists at turns. Hindi nagtagal, napupunta siya sa pagitan ng pakikipagbalikan sa kanyang dating asawa o pag-move on sa kanyang buhay. Ano ang pipiliin niya?

Nakatadhanang Pag-ibig sa Pagbabagong Identidad ng CEO

Nakatadhanang Pag-ibig sa Pagbabagong Identidad ng CEO

Fifine Schwan
5.0

Upang matupad ang huling hiling ng kanyang lolo, pinasok ni Stella ang isang madaliang kasal sa isang ordinaryong lalaki na hindi pa niya nakikilala. Gayunpaman, kahit na pagkatapos na maging mag-asawa sa papel, ang bawat isa ay humantong sa magkahiwalay na buhay, halos hindi nagkrus ang landas. Makalipas ang isang taon, bumalik si Stella sa Seamarsh Lunsod, umaasa na sa wakas ay makilala niya ang kanyang misteryosong asawa. Sa kanyang pagkamangha, pinadalhan siya nito ng isang text message, sa hindi inaasahang pagkakataon na nagsusumamo para sa isang diborsyo nang hindi pa siya nakikilala nang personal. Nagngangalit ang kanyang mga ngipin, sumagot si Stella, "So be it. hiwalayan na natin!" Kasunod nito, gumawa ng matapang na hakbang si Stella at sumali sa Prosperity Group, kung saan siya ay naging public relations officer na direktang nagtrabaho para sa CEO ng kumpanya, si Matthew. Ang guwapo at misteryosong CEO ay nakatali na sa matrimonya, at kilala na hindi matitinag na tapat sa kanyang asawa nang pribado. Lingid sa kaalaman ni Stella, ang kanyang misteryosong asawa ay ang kanyang amo, sa kanyang kahaliling pagkakakilanlan! Determinado na mag-focus sa kanyang career, sadyang iniwasan ni Stella ang CEO, bagama't hindi niya maiwasang mapansin ang sadyang pagtatangka nitong mapalapit sa kanya. Sa paglipas ng panahon, nagbago ang loob ng mailap niyang asawa. Bigla siyang tumanggi na ituloy ang diborsyo. Kailan mabubunyag ang kanyang kahaliling pagkakakilanlan? Sa gitna ng magulong paghahalo ng panlilinlang at malalim na pag-ibig, anong tadhana ang naghihintay sa kanila?

Mga Kabanata
Basahin Ngayon
I-download ang Aklat