/0/26661/coverorgin.jpg?v=6dddda1b63b2372701c0e2ba978d015f&imageMogr2/format/webp)
The old woman in elegant dress was smiling back at little Penelope, gayunman hindi niya nararamdaman ang sinseridad nito. She was even doubting to beam back at her.
“Sino ka? Bakit ikaw ang sumundo sa akin? Where’s Momma?” she asked in a weak voice.
“Don’t worry, sweetie. Parating na siya,” the woman replied. Tumabi siya sa bata at hinaplos ang buhok nitong naka-high ponytail. “Pero habang wala pa siya, can you behave for me? Dito ka lang sa room at laruin ang lahat ng gusto mo.” She scanned the vast room full of girly toys. “You will surely enjoy being here. Baka nga makalimutan mo na rin ang parents mo.”
Penelope’s eyes were a bit moist as she took a quick glance at the different kinds of dolls on the floor and then fixed her eyes back to the old lady. “They’re beautiful, but I want to see my momma first. I don’t want to be here. I… I don't even know you.”
Kanina lamang ay sabik siyang lumabas ng klase. Nangako kasi ang kanyang ina na mamamasyal sila sa mall, partikular sa paborito niyang playground na puno rin ng mga laruan kagaya ng kuwartong kinalalagyan niya ngayon. Ngunit imbes na ang kanyang ina ang bumungad ay ang babaeng katabi niya ngayon. She said she was sent by her momma to fetch her. Abala pa raw kasi ito sa opisina ngunit nangako naman na pupuntahan siya.
She didn’t want to go with this old lady. Ngunit bago pa man siya tumanggi kanina ay kinarga na siya nito. Her voice was very soothing while rubbing her back just to calm her down and convince her that nothing odd would happen.
The old lady heaved a deep exhale. Nakangiti pa rin ito ngunit tila hindi umaabot sa mga mata. “Sweetie, I said parating na ang mommy mo. Kaya gawin mo na lang ang sinabi ko, okay? Maglaro ka na lang muna rito,” she emphasized the last word and then stood while crossing her arms over her chest. Sa tindig nito at sa suot na corporate attire ay mukha talagang katiwa-tiwala. “This is your mommy’s fault. Dapat ay ipinakilala niya ako sa ‘yo para naman hindi ka naiilang sa akin,” nayayamot niyang bulong.
Penelope blinked like a baby doll. “Who are you?”
“You can call me Lola Helena.”
The little girl tilted her head. “Pero may lola na ako. Her name is Lola Dahlia.”
“Believe me, dearest. Lola mo rin dapat ako.” Muli siyang umupo sa tabi ng bata. Unti-unting naglaho ang pekeng ngiti sa kanyang mukha. “Kung hindi pinatay ng tatay mo ang anak ko, ako dapat ang lola mo!”
“P-pinatay?” Mabagal na rumihistro sa isip ng paslit ang salitang iyon. She knew that word of course. It sounded seriously negative to her pure mind. Dahil dito ay dahan-dahang ginapangan ng kalituhan ang makulay niyang isipan. Surely, the woman was only messing with her. Baka ibang tao ang tinutukoy nito at hindi ang kanyang ama.
The woman nodded. Bumigat ang paglapat ng mga kamay niya sa maliit na balikat ng bata. “Believe me, sweetie. That’s the truth. Your daddy is the most despicable being in this world. He is a monster!”
“M-monster?”
Pakiramdam ni Penelope ay bumabaliktad ang kanyang tiyan dahil sa pagsakit nito. Fear was gradually spreading throughout her veins like a poison, at hindi niya alam kung paano ito mapipigilan. She didn’t even know if it was due to the urge to pee or to vomit. Isang bagay ang sigurado niya—na hindi niya dapat kasama ang babaeng ito.
“I want to go home. Ayokong maglaro. I want to see my momma!”
Tuluyan nang ibinaba ng babae ang kanyang maskara. Namula ang mukha niya sa galit habang nanlilisik ang mga mata. “I said you stay here, brat! Mahirap bang intindihin ‘yon! Or talagang makulit ka lang at ayaw mong making sa mga nakatatanda sa ‘yo! ‘Yan ba ang itinuturo sa ‘yo ng malandi mong ina?”
Tears welled in Penelope’s eyes as her lips trembled in terror. Kailanman ay wala pang sumisigaw sa kanya, not even her teachers. Sa limang taon ng kanyang buhay ay pawang mga ngiti at pagmamahal ang pumapaligid sa kanya. She felt safe that way. Pero sa piling ng babaeng ito ay pakiramdam niya’y nasa pusod siya ng isang mapanganib at madilim na kakahuyan katulad ng mga nababasa niya sa fairytales. Ang tingin niya nga ngayon sa babaeng ito ay isang witch sa istorya ni Snow White. Gustuhin man niyang kumilos ay naninigas na ang maliit niyang katawan sa takot.
But then she startled as the door opened. Iniluwa niyon ang isang malaking pigura na nakasuot ng leather jacket. Hindi niya ito nakikilala dahil nakasuot ng mask. Ngunit ang bitbit nitong bata ay siguradong namumukhaan niya, bagaman may piring ang mga mata at tali ang bibig.
“Yigo!” she cried. “Yigo! Yigo!”
Inalis ng malaking lalaki ang piring at tali sa bibig ng batang lalaki. At ang una nitong tinitigan ay ang luhaang mukha ni Penelope. “P-Penpen?” the boy whispered and glared at the woman holding the little girl. “What do you want from us? Kapag nalaman ni Daddy na kinuha n’yo kami, he will send you to jail, you bad guys!”
“Shut up!” the old lady growled. Mayamaya’y sumenyas siya sa malaking lalaki. “Very good, Tank. Puwede na nating iwanan ang dalawang ito. Samahan mo ako at may ipapagawa pa ako sa ‘yo.”
“Yes, Madam.”
Pumapalag si Yigo ngunit sadyang malakas ang lalaki. Ano nga naman ang laban ng isang ten-year-old boy sa mga ganitong sitwasyon? “Bitiwan mo ako!”
“Sinabi mo, eh!”
/0/26522/coverorgin.jpg?v=3da88ca6c056e0eace7f7ed9371d7a28&imageMogr2/format/webp)
/0/32598/coverorgin.jpg?v=20230214140336&imageMogr2/format/webp)
/0/27655/coverorgin.jpg?v=20220527184605&imageMogr2/format/webp)
/0/26608/coverorgin.jpg?v=d5b649443651e1c7cf825062fa85b45b&imageMogr2/format/webp)
/0/27237/coverorgin.jpg?v=f57291eb394f476164d58ffda7e192f3&imageMogr2/format/webp)
/0/26867/coverorgin.jpg?v=f58eb2b91204243c242bb2899c0458f2&imageMogr2/format/webp)
/0/26798/coverorgin.jpg?v=20220428140500&imageMogr2/format/webp)
/0/26685/coverorgin.jpg?v=20230306115500&imageMogr2/format/webp)
/0/26704/coverorgin.jpg?v=ac99a60819137f6bb8ca9a815b814fef&imageMogr2/format/webp)
/0/26618/coverorgin.jpg?v=20230306115509&imageMogr2/format/webp)
/0/27607/coverorgin.jpg?v=20230804133603&imageMogr2/format/webp)
/0/26775/coverorgin.jpg?v=20220415102740&imageMogr2/format/webp)
/0/99085/coverorgin.jpg?v=b5f7638b0d9f80a8b3490cda80fb055b&imageMogr2/format/webp)
/0/26550/coverorgin.jpg?v=f60a68667be8ec68471cfa00e4bd3f63&imageMogr2/format/webp)
/0/27182/coverorgin.jpg?v=e5b9cc718ff70375270c8026b7e1a490&imageMogr2/format/webp)
/0/26782/coverorgin.jpg?v=69c4d34baead1a1ea6c8d44a8a0241e8&imageMogr2/format/webp)
/0/26927/coverorgin.jpg?v=e0aab8d4aa7c5fa20e83b574839f8bf3&imageMogr2/format/webp)
/0/61402/coverorgin.jpg?v=20240902162538&imageMogr2/format/webp)