/0/72994/coverorgin.jpg?v=4b32fd478aa3241bb78f9467437a2be5&imageMogr2/format/webp)
"Good morning Akira. It's nice to see you again after a year. A-ah, I'm with my husband and my son." May alanganin sa boses na bati sa akin ni Zen kahit na nakaramdam ako ng pagkailang mula sa kanya. Siya ang sister in law ko, adopted sister ng asawa ko.
Bilang ganti sa pagabati nito ay nginitian ko siya at nakipagbeso-beso. Hindi ako nakikipagplastikan, it just I believed this called manners.
Hindi ko gustong magsalubong ang tingin namin ni Klaus dahil baka hindi ako makapagpigil at masaktan ko siya sa harap mismo ng mga tao dito at nakakahiya iyon para sa asawa ko kaya naman sa batang lalaki ako tumingin at nakipag-usap.
"Hello Kyler. Are you hungry? Halika, ipaghahanda kita." Masuyo kong saad rito.
"You're pregnant,'' I didn't react for a moment pero kalaunan ay ang bahagyang paghaplos ko aking tiyan..
Apat na buwan na ang dinadala ko. Hindi pa halata ang laki ng tiyan ko kaya naman nagtaka ako kung paano niya nalaman 'yon. Kung di ako nagkakamali, he just turned five last month pero di na binigyang pansin ang katanungan sa utak ko at masuyong ngumiti rito.
"You didn't answer me tita Akira."
"Oh, sorry. About your question, yes I am four months pregnant."
"Ang tagal pa," He said then pout afterwards.
Oh gosh, he's so cute. Napapisil ako ng wala sa oras sa kanyang pisngi.
Magkasalubong na kilay na mas lalong nagpasuplado sa reaksiyon ng mukha niya ang ibinaling niya sa akin dahil sa ginawa kong pagpisil sa pisngi niya.
"I want to marry your daughter as soon as she turns 18, tita Akira. And I promise to take care of her for the rest of my life no matter what, so that you and daddy will have a happy ending through us, and to ensure my mom's happiness, you know.'' He declared.
Hindi ako nakaimik, maski sina Zen at Klaus ay di rin umimik. Hindi na muling nagsalita si Kyler at namalayan ko nalang na sinusundan ko siya ng tingin.
Kasalukuyan itong tumatakbo, tinatahak ang direksiyon kung nasaan ang asawa kong may kausap at nang makalapit ay yumakap dito. Binuhat naman siya ng asawa ko at nakipag-apir pa ito kay Mr. Ching.
"Pasensya ka na sa inasal ng anak ko Akira. Hayaan mo at pagsasabihan ko."
Napatingin ako sa nagsalita, kahit siguro anong iwas kong wag tumingin sa kanya ay imposible. Si Zen ay nakita ko sa sulok ng mata ko ay kasalukuyan ng kausap ang mga in laws ko.
"Wag na lang nating isipin 'yon, bata pa si Kyler."
Hindi ko alam kung ano pa ang sasabihin ko kaya iniwan ko na siya. Pumasok ako sa loob ng mansyon at dumeretso sa may balkonahe ng ikalawang palapag ng bahay. Tanaw ko mula rito ang mga tao sa ibaba.
Sa paggala ng paningin ko ay huminto at natuon ang atensyon ko sa mga in laws ko.
Kung titignan sila ngayon tila wala silang kaproble-problema, they're both look happy and contented. Ganoon sana a...ayts, bakit pa ba ako mag aaksaya ng panahong isipin ang tapos na, bukod sa wala ring saysay na isipin pa.
Ngunit sa kabila ng lahat ay nararamdaman ko pa rin ang kirot, na para bang kahapon lang nangyari ang lahat tulad ngayon. Dahil sumagi sa isip ko ay biglang nanikip ang may bandang dibdib ko. Ikubli ko man sa kaibuturan ng puso ko, alam ko sa sarili kong nanatili ang sakit na 'yon dito sa puso ko sa mga nakalipas na limang taon.
Wala pa ata akong limang minutong mag-isa dito ng maramdaman ko ang pagdating ng kung sino.
Bilang isang dating detective agent, malalaman ko agad 'yon at idagdag mo pa ang klase ng tibok ng puso ko ngayon, alam ko na kung sino.
"Anong kailangan mo? Kung manghihingi ka ng tawad sa ginawa ni Kyler, ginawa mo na kanina kaya hindi na kailangan. At uulitin ko nalang din, bata pa si Kyker kaya ganun."
Ang inaasahan ko ay mahabang paliwanag ang gagawin niya gaya ng nakagawian niya pero nanatili siyang tahimik.
Lumipas ang ilang minuto ay wala paring namutawing salita mula rito. Sa panggigil ko ay napalingon ako dito pero agad ko ring pinagsisihan dahil nakita ko ang mga nag-uunahang luhang pumapatak mula sa kanyang mga mata na ngayon ay nakikitaan ng sakit at pighati.
Sa nararamdamang pangigigil at emosyong di mappaliwanag ay nasambit ko ang mga salitang agad ko ring pinagsisihan dahil lumalakas lalo ang kanyang hagulgol na siyang dahilan ng pag-iyak ko na rin.
"Magdusa ka sa sakit Klaus. Ikaw ang nang iwan kaya tanggapin mo ang lahat ng sakit na idinulot mo sa ating dalawa."
"M-maki.., makikinig ka na ba ngayon sa akin?"
"Hindi at hindi ko alam kung kailan ko ibibigay sayo ang closure na gusto mo kaya maghintay ka o kung kaya pa ba kitang patawarin."
Huling sabi ko at iniwan siya. Pagbukas ko sa pinto ng balkonahe, bumungad sa akin si Zen. Umiiyak din ito na siyang ikinataas ng kilay ko.
"H-hindi ko sinasadya ang lahat Akira," Basag ang boses niya sa pagsabi niyon na siyang lalo kung ikinainis.
"Wag mong sisihin ang sarili mo na parang ikaw ang biktima sa ating tatlo Zen. Hindi ako nagkulang sayo bilang kaibigan, o maski bilang ate-atehan sayo kaya wag mong ipakita sa akin ang sakit na nararamdaman mo dahil ikaw ang naglagay niyan sa sarili mo..."
"That's enough Akira." Isang malamig na boses ang nagsalita. Nang lingunin ko kung sino ay nakaramdam ako ng pagkalma kahit papaano.
Ang asawa ko ang nagsalita. Pagak akong tumawa. Asawa. Para akong naalibadbaran sa salitang asawa.
"Zen, tawagin mo ang asawa mo at bumaba na kayo. Wag kayong magpapadala sa mga emosyon niyo at sirain ang grand anniversary ng mama at papa."
May banta ang boses ni Yano sa pagbanggit ng huling walong salita. Ilang sandali pa ay lumapit sa akin si Yano at inakay ako papuntang kwarto namin.
Pagkapasok sa kwarto ay lumapit siya sa may bintana, hinawi niya ang kurtina at tumanaw sa labas. Samantalang ako ay naupo naman sa kama at pinapakalma ang sarili.
Ilang beses ng ganto ang tagpo saaming apat tuwing nagkikita-kita kami o natitipon sa isang lugar. Sa lahat ng nangyari, pare-pareho ang nagiging reaksiyon ni Yano. Hindi nanunumbat, tahimik at laging nagpipigil magpakita ng emosyon. Masasabi ko pa ngang buti pa ang bintanang iyan, saksi sa totoong reaksyon at nararamdaman niya kesa sa akin na asawa niya. Pero sino ba ako para magreklamo at sumbatan siya, asawa lang niya ako sa papel. Pinakasalan para di pigilan ang pagmamahalan ng kapatid niya at ex-fiance ko dahil buntis na ang kapatid.
/0/26503/coverorgin.jpg?v=07e28ed74bd9a6000981412c1b56a4f1&imageMogr2/format/webp)
/0/26670/coverorgin.jpg?v=85ae602045e4a2f5e21248efd468e01f&imageMogr2/format/webp)
/0/28493/coverorgin.jpg?v=a1fd0ef438989e3a49e6011b80b67de4&imageMogr2/format/webp)
/0/27070/coverorgin.jpg?v=c23ed03df5f06d2694b50563fd1343fd&imageMogr2/format/webp)
/0/26575/coverorgin.jpg?v=eead408615afb795e7c2d9db3326fb56&imageMogr2/format/webp)
/0/26538/coverorgin.jpg?v=20220801153424&imageMogr2/format/webp)
/0/26297/coverorgin.jpg?v=20220429135548&imageMogr2/format/webp)
/0/27699/coverorgin.jpg?v=20230630080310&imageMogr2/format/webp)
/0/26769/coverorgin.jpg?v=20220415102716&imageMogr2/format/webp)
/0/26937/coverorgin.jpg?v=caf27ee85ce1cf27f4bb84d19e2d94a3&imageMogr2/format/webp)
/0/26679/coverorgin.jpg?v=20220415102713&imageMogr2/format/webp)
/0/27390/coverorgin.jpg?v=20220427180653&imageMogr2/format/webp)
/0/31649/coverorgin.jpg?v=20221009152750&imageMogr2/format/webp)
/0/26710/coverorgin.jpg?v=cc1308e40ae0f45d4ff73b8cc10d1121&imageMogr2/format/webp)
/0/26260/coverorgin.jpg?v=20220415102744&imageMogr2/format/webp)