/0/26537/coverorgin.jpg?v=6656a96eef76f3c2903b40c7c79c76ec&imageMogr2/format/webp)
“Is that Julio’s daughter?”
“You mean the girl whose mother is a whore from the slums?”
“Totoo ba na nang kunin siya nakakulong daw siya cabinet at takot na takot?
Nanliliit si Nadine habang pinakikinggan ang usap-usapan ng mga tao sa paligid niya. Isinama siya ng amang si Julio sa party sa isang magandang mansion na animo ay palasyo. Kaarawan ni Uncle Max, ang kaibigang matalik ng ama. Iyon ang una niyang pagharap sa publiko bilang anak ni Julio Baluarte. At hindi iyon maganda.
Pakiramdam niya ay isa siyang hayop sa zoo na pinagtitinginan ng mga ito. Sa kabila ng magandang peach dress na suot niya at mga alahas na ipinasuot sa kanya ng trainer niya para magmukhang mayaman, isang babae galing pa rin sa squatter ang tingin ng mga ito sa kanya.
Di naman niya ikinakaila na laki siya sa squatter’s area. Doon siya ipinanganak ng inang si Consuela, lumaki na kasa-kasama nito sa pagma-manicure at pedicure sa mga kapitbahay nila at siya naman ay naglalako ng paninda. Doon siya nabuhay sa loob ng labing anim na taon. Naulila siya tatlong buwan na ang nakakaraan nang pasukin ng adik nilang kapitbahay ang bahay nila. Subukan silang nakawan at muntik na siyang gahasain kundi lang dumating ang nanay niya para sagipin siya. Pinagtulung-tulungan naman na gulpihin ng mga kapitbahay nila ang adik na pumatay sa nanay niya.
Nabalita iyon sa TV kaya naman natunton siya ni Julio Baluarte, isang negosyante at dating nobyo ng nanay niya. Nawalan ng komunikasyon ang mga ito dahil ipinadala ang ama niya para mag-aral sa ibang bansa. Di nalaman ng ama niya na buntis ang nanay. Tulala siya nang mga panahon na iyon at ang ama niya ang nag-asikaso sa pagpapalibing sa ina. Ni hindi niya magawang umiyak dahil iyon ang bilin ng nanay niya. Kailangan daw niyang maging matatag.
Mas nahirapan pa siya sa pagkawala ng ina nang dalhin siya ng ama sa villa na pag-aari nito. Nakakalula na halos di sila magkakitaan, magagara ang damit, mas malaki pa ang kuwarto niya na pangprinsensa sa dati niyang bahay na may malaking TV, computer, banyo na may shower at bathtub pa at may swimming pool din sa labas. Pero pakiramdam niya ay di siya bagay sa lugar na iyon. Gaya nang di siya bagay sa party na iyon. Kahit gaano pa siya kaganda, basura pa rin ang tingin sa kanya ng mga tao.
Gusto niyang magbasag ng bote ng alak at pagsasampalin ang mga ito ng basag na bote o kaya ay pakainin ng bubog. Kamamatay lang ng nanay niya pero di magawang irespeto ng mga ito.
/0/27049/coverorgin.jpg?v=10bb2eedd8a8d8ba48b3cf64543f5d60&imageMogr2/format/webp)
/0/27337/coverorgin.jpg?v=20220426160723&imageMogr2/format/webp)
/0/26292/coverorgin.jpg?v=20220415102702&imageMogr2/format/webp)
/0/26711/coverorgin.jpg?v=ff2c5d52ee2695f05fa7aab50b98eab4&imageMogr2/format/webp)
/0/38687/coverorgin.jpg?v=434178eca6e26cd22f6ccfb9e9e2ec2a&imageMogr2/format/webp)
/0/27237/coverorgin.jpg?v=f57291eb394f476164d58ffda7e192f3&imageMogr2/format/webp)
/0/56185/coverorgin.jpg?v=20240508102927&imageMogr2/format/webp)
/0/26316/coverorgin.jpg?v=20220415102653&imageMogr2/format/webp)
/0/56193/coverorgin.jpg?v=3a543b9d23ebd51e050209b08e7bbc3c&imageMogr2/format/webp)
/0/26997/coverorgin.jpg?v=e0c983dd1550feac50ab9ab2ec906b5d&imageMogr2/format/webp)
/0/35609/coverorgin.jpg?v=20230417143150&imageMogr2/format/webp)
/0/28545/coverorgin.jpg?v=11e971a7e5bfec24533c3a47f0f1b6cf&imageMogr2/format/webp)
/0/27272/coverorgin.jpg?v=2e7ca413f14da133fa65cdaa8980d0a9&imageMogr2/format/webp)
/0/27684/coverorgin.jpg?v=cafedad332189ab41b083664223cdc61&imageMogr2/format/webp)
/0/58099/coverorgin.jpg?v=20240624095557&imageMogr2/format/webp)
/0/89074/coverorgin.jpg?v=e08389300e63f04f2f6a58a808988cc3&imageMogr2/format/webp)
/0/26571/coverorgin.jpg?v=20220503173043&imageMogr2/format/webp)